Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Lanting Region National High School

Masusing Banghay – Aralin


Araling Panlipunan Grade 10

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product)
bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya;
b. nakikilala ang mga paraan sa pagsukat ng pambansang produkto;
c. masiglang nakikilahok sa talakayan at sa gawaing ipinapagawa ng guro.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Iba’t Ibang Paraan ng Pagkukuwenta ng Gross National Product
Sangguian: Kayamanan IV Ekonomiks
Awtor: Consuelo M. Imperial Et. al.
Pahina: 198-203
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paghahanda
1. Panimula
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral

B. Pagtuklas
1. Pagganyak
Ang mga lawaran sa iyong harapan ay mga bagay
na maaaring ibinibigay ng isang lalaki kapag siya ay
nanliligaw.
Sa panliligaw, ano-ano pa ang mga estratehiya o
paraan na ginagawa mo para makamit ang matamis na oo
ng iyong sinisinta?
Ma’am, hinaharana ko po.
Alex?

Mahusay! Ano pa, Sammy?


Ma’am, hinahatid po sa bahay.

Magaling! Lahat ng inyong kasagutan ay ang iba’t


iba pang paraan sa panliligaw. At dahil paraan ang pinag-
uusapan, ang ating paksa ay may kinalaman din sa iba’t
ibang paraan.

C. Paglalahad

Basahin ang paksang-aralin natin sa araw na ito.


Ibat Ibang Paraan sa Pagkukuwenta ng Gross
National Product.
1. Mga Gabay na Tanong
Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay na
Tanong.
1. Ano ang Industrial Origin Approach?
2. Ano ang Final Expenditure Approach?
3. Ano ang Factor Income Approach?
D. Paunlarin
1. Pagtalakay
Sa pagbuo at paggawa ng mga produkto
at serbisyo ay may iniaambag na halaga ang bawat sector
na pinagbabatayan ng presyo ng produkto at serbisyo.

Kapag pinagsama-sama ang lahat ng presyo ng


mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob ng bansa ay
makukuha ang GDP.
Matapos malaman ang GDP ay idadagdag ang
NET FACTOR INCOME FROM ABROAD (NFIA)
upang makuwenta ang GNP.
INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH/VALUE
Basahin ang sumunod na islayd Lea. ADDED APPROACH
Paraan ng pagkukuwenta ng GNP kung
saan pinagsasama-sama ang halaga na iniambag
ng bawat sektor.

Ang bawat proseso ay nakapaloob sa tatlong sector ng


ekonomiya:

1. AGRIKULTURA
2. INDUSTRIYA
3. SERBISYO

Isang hallimbawa nito ay ang sabon.


Bawat sector na dinaanan nito ay may idinaragdag na
halaga na bumubuo sa presyo ng sabon.
Upang makuha ang GNP at GDP, kailangang pagsama-
samahin ang mga idinagdag na halaga ng tatlong sector na
nagprodyus nito.
Halimbawa: (Haypotetikal na datos)
Agrikultura - 150 milyon pesos
Industriya – 221 milyon pesos
Serbisyo – 75 milyon pesos
GDP – 446 milyon pesos
Kapag idinagdag ang
NFIA – 25 milyon pesos
GNP – 471 milyon pesos
Sa paggamit ng Industrial Origin Approach ay
Basahin ang islayd Jhong. makikita kung anong sector ang may malaking
ambag sa ating GDP at maging sa GNP.
Mapapansin na Malaki ang naitulong ng kita ng
mga Pilipino na nasa ibang bansa sa paglaki ng
ating GNP.

Bakit gumagamit ng iba’t ibang paraan sa pagkukuwenta


ng GNP? Ma’am upang malaman kung anong sector ang
may pinakamalaking ambag sa ating GDP at
Raffy?
GNP.

Mahusay! Malaki ang naitutulong ng kita ng mga Pilipino


na nasa ibang bansa sa paglaki ng ating GNP.

FINAL EXPENDITURE APPROACH


Ang lahat ng sektor ay tumatanggap ng kita na kanilang
ginagastos sa pagbili ng kanilang pangangailangan. Ang
mga gastusing ito ay kailangang malaman upang
makuwenta ang GNP.
Hinahati ito batay sa gumagastos.
Basahin ang sumunod na islayd. Gastusing Personal (GP)
Jaymar. Gastusin ng Gobyerno (GG)
Gastusin ng Kompanya/Negosyo (GK)
Gastusin sa Panlabas na Sektor (X-M)
NET FACTOR INCOME FROM ABROAD
(NFIA)
STATISTICAL DISCREPANCY (SD)

Mahusay!

Makukuha ang GNP kapag lahat ng gastusin ng bawat


sector ay pinagsama-sama.
Sa pagkuha ng GNP, gamitin ang pormulang:
GNP = GP + GG + GK + (X-M) + NFIA = SD

Halimbawa: (Haypotetikal na datos)


GP = 169 milyon
GG = 145 milyon
GK = 131 milyon
X = 12 milyon
M = 17 milyon
NFIA = 25 milyon
SD = 6 milyon
GNP = 471 milyon

FACTOR INCOME APPROACH Pinagsama-samang pambansang kita.


Basahin ang kahulugan. Kaira. (Babasahin pa ang ibang islayd)

Sa pagkuha ng pambansang kita o National Income (NI)


ay gagamitin ang paraang ito;

NI – KP + KEA + KEM + KK

Halimbawa: (Haypotetikal na datos)

KG = 126 milyon
KEA = 34 milyon
KEM = 151 milyon
KK = 138 milyon
NI = 449 milyon

Capital Consumption Alowance (CCA)


Tinatawag na depresasyons pondo na inilaan
para sa pagbili ng mga bagong makina at gusali.
Indirect Business Taxes (IBT)
Di-tuwirang buwis na ipinapataw sa produkto at
serbisyo na nilikha.
Pagkompyut ng GNP ay
Basahin ng sabay sabay ang pormula.
NI + CCA + IBT = GNP

Kaya makukuwenta ang GNP sa paraang ito:


GNP = NI + CCA – IBT
= 449 M + 10 M + 12 M
= 471 M
Industrial
Origin
Approach

Final Factor
Expenditure Income
Approach Approach

Paraan ng Pagkuwenta ng GNP

Narito ang iba’t ibang paraan sa pagkukuwenta ng GNP.

E. Pagpapalalim
Kompyutin ang GNP gamit ang Final Expenditure
Approach.
1. Ibigay ang pormulang ginamit.
GK = 191 M GG = 202 M
X = 20 M SD = 16 M
GP = 210 M M = 27 M
NFIA = 32 M
2. Magkano ang halaga ng GNP?

F. Pangwakas na pagtataya
Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang
sagot.

1. Ito ang idinadagdag sa GDP upang Makua ang GNP sa


Industrial Origin Approach.
_E_F_C_T__ I__O__ _R_M _B_O__
2. Kabuuang produsiyon na ginawa sa loob ng bansa sa
isang taon.
_R_S_ _O_E_T__ P_O__C_
3. Paraan ng pagkuwenta ng GNP kung saan pinagsasama-
sama ang halaga na iniambag ng bawat sector.
_ND__TR_A_ O__GI_ _PP_OA_H
4. Isang sector na isinasama ang ambag sa pagkuwenta ng
GNP.
A_R__UL_U_A
5. Ang kita ng mga ito ay hindi isinasama sa pagkuwenta
ng GDP.
O_E__EA_ _IL__I_O W__KE_S

IV. TAKDANG ARALIN


1. Ano-ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. Kung ikaw ay may trabaho at kita, saan mo iyon gagastusin?

Sanggunian:
1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 259-263

Inihanda ni:

ALMARIE S. MALLABO
Praktis Titser

Sinuri ni:
Gng. SOTERA P. MOLINA
Koopereyting Titser

You might also like