Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

\Noli

Me
Tangere\

Buod:
Naganap ang isang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Santiago de los Santos bilang pagsalubong sa
anak ng kanyang nasirang kaibigan, si Don Rafael Ibarra. Si Tiya Isabel, ang pinsan ni Kapitan Tiyago, ang
umasikaso sa mga bisita. Magkahiwalay ang mga bisitang lalake sa mga bisitang babae. Dumating ang
mag-asawang si Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Dumalo rin ang mga bisitang galing sa simbahan;
Padre Damaso, na kura ng San Diego na pinatanggal at pinalipat sa ibang lugar, Padre Sibyla, isang
Pransiskanong pari, at Tenyente Guevarra, ang tenyente ng gwardya sibil. Ang bawat grupo ay may
kanya-kanyang kuro-kurong pinag-uusapan.

Dumating si Kapitan Tiyago at ipinakilala si Crisostomo Ibarra, ang anak ni Don Rafael na
namatay niyang kaibigan. Ang binata ay halatang nagluluksa base sa kasuotan nito. Ngayon lang ito
dumating matapos mamalagi sa ibang bansa sa loob ng pitong taon. Agad na nagpakilala si Ibarra sa mga
bisita na siya ay si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin, isang kaugaliang natutunan niya sa Alemanya.
Hindi tinanggap ni Padre Damaso ang pakikipagkamay kay Ibarra at tinalikuran ito. Lumapit na lamang si
Ibarra kay Tenyente Guevarra at nakipag-usap dito. Nang malapit ng maghapunan ay inaanyayahan ni
Kapitan Tiyagosi Ibarra sa mananghalian doo kinabukasan ngunit magalang na tumanggi si Ibarra dahil
pupunta raw siya sa San Diego sa araw na iyon.

Sa hapunan, dahil nga para kay Ibarra ang pagtitipon, siya ang dapat umupo sa isang kabisera ng
lamesa. Nagtalo ang dalawang pari na si Padre Damaso at Padre Sibyla kung sino ang dapat umupo sa
kabilang kabisera ng lamesa, Nang inihain ang tinola bilang hapunan, nagngitngit sa galit si Padre
Damaso dahil napunta sa kanya ang parteng leeg at pakpak ng manok habang kay Ibarra ang mga
malalaman na parte. Habang kumakain ay ibinahagi ni Ibarra ang kanyang mga karanasan sa pitong
taong pamamalagi sa ibang bansa. Iniinsulto naman ni Padre Damaso si Ibarra tungkol sa kanyang mga
sinasabi. Magalang naman itong tinanggap ni Ibarra at maagang nagpaalam kaya hindi sila nagkita ni
Maria Clara, ang anak na dalaga ni Kapitan Tiyago.

Habang naglalakad si Ibarra sa kahabaan ng Binondo ay napansin niyang wala pa ring pinagbago
ang kanyang bayan kahit matagal siyang panahong nawala. Tila wala man lang piang-unlad ito. Habang
naglalakad ay hindi niya maiwasang isipin ang nangyari sa kanyang ama. Si Don Rafael ang isa sa
pinakamayayaman sa San Diego. Matulungin ito sa mga tao pero sa kabila nito ay marami pa rin siyang
kaaway. Pinagbintangan siyang erehe at filibustero at ikinulong sa bilangguan. Habang nasa bilangguan
ay nakaranas ito ng hirap sa loob ng rehas. Dahil dito ay nagkasakit ito at tuluyang namatay sa
bilangguan.

Pumunta si Ibarra sa Maynila at nanuluyan sa Fonda de Lala. Iniisip niya na habang siya ay
nagpapakasaya sa ibang bansa ay ang ama naman niya ay naghihirap sa bilangguan.

Si Kapitan Tiyago ay isang anak ng isang negosyante ng asukal sa Malabon. Hindi siya nakapag-
aral pero naturuan naman siya ng Dominikong pari. Nang mamatay ang kanyang ama ay siya ang
nagpatuloy sa negosyo nito. Nakilala niya si Pia Alba at sila ay nagpakasal. Si Kapitan Tiyago ay isang
magandang lalaki; moreno, pandak, at bilugan ang mukha. Sinira lamang ng pananabako at
pagnganganga ang kanyang hitsura. Sa loob ng anim na taong pagiging mag-asawa ay hindi pa sila
biniyayaan ng supling kaya binigyan sila ni Padre Damaso ng payo na sumayaw sa Obando. Sinunod nila
ito at nagkakaroon nga sila ng supling, si Maria Clara. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay si Pia Alba
sa panganganak kay Maria Clara. Minahl ng lahat si Maria Clara. Lumaki silang sabay ni Ibarra.
Nagkahiwalay lamang sila noong pumasok na siya sa kumbento at nagtungo naman si Ibarra sa ibang
bansa. Napagkasunduan silang ipakasal dahil alam naman nila Kapitan Tiyago at Don Rafael na
nagmamahalan ang dalawa.
Nang umagang iyon, napagpasyahan nina Tiya Isabel at Maria Clara na magbakasyon sa pista sa
San Diego.At nang araw din na iyon, nagkita si Maria Clara at Crisostomo at sila ay nag-usap sa
balkunahe. Naggunita ang dalawa ng kanilang mga ala-ala at kung ano ang nangyari sa isa’t-isa habang
sila ay magkalayo. Naalala ni Ibarra na bukas ang undas at kailangan niyan pumunta sa San Diego at dagli
siyang nagpaalam kay Maria Clara.

Habang naglalakbay ay napansin ni Ibarra na hindi pa rin nagbabago ang Maynila. Nag araw na
iyon ay nakatakdang kunin ni Maria Clara ,kasama si Tiya Isabel, ang kanyang mga gamit sa kumbento.
Nakasalubong nila si Padre Damaso habang sila ay paalis na bubulong-bulong dahil tutol ito sa pag-alis
ng dalaga sa kumbento. Sinabihan niya si Kapitan Tiyago na tutol siya sa pag-iibigan ni Maria Clara at
Crisostomo Ibarra. Nakumbinsi ng pari ang Kapitan.

Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas. May isang matandang kastila ang
napadpad sa lugar at binili ang bayan sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga salapi, alahas, at
damit. Ngunit sa kasamaang-palad, nakita na lang ng mga taao ang bangkay ng matanda isang araw. Ang
matandang kastila ay si Eibarramendia. Dumating ang anak nito na nagpakilalang si Saturnino. Nakapag-
asawa ito at namalagi sil asa San Diego. Nagkaroon sila ng supling, si Don Rafael, ang ama ni Ibarra.

Ang mga tinuturing na makapangyarihan sa San Diego o ang mga Casique ay ang alperes at ang
kura paroko ng bayan, si Padre Bernardo Salvi na siyang pumalit kay Padre Damaso.Hindi kabilang dito
sina Kapitan Tiyago at Don Rafael bagama’t sila ang isa sa pinakamayayaman sa San Diego.

Noong gabi bago ang Todos los Santos o araw ng mga patay ay may dalawang sepulturero na
naghuhukay ng bangkay na sinasabing ililipat raw nila ito sa libingan ng mga intsik ayon sa pinag-uuos sa
kanila ni Padre Garrote, na si Padre Damaso rin lang naman. Napag-alaman na ang bangkay ay si Don
Rafael.

Nang araw ng mga patay, nagtungo si Ibarra sa libingan kasama ang isag katiwala para hanapin
ang puntod ng kanyang ama. Nasalubong nila ang sepulturero at nagtapat kay Ibarra na hinukay nila
ang bangkay ng ama at dahil sa kabigatan ay tinapo na lamang nila sa ilog. At sinabi rin nito kung sino
ang nag-utos sa kanila. Napuno ng poot si Ibarra sa sinapit ng labi ng kanyang ama.

Sabay sa pagdalaw ni Ibarra sa kanyang ama ay dumalaw rin si Pilisopo Tasyo o si Don Anastcio
sa libingan ng kanyang asawa. Kilala siya ng lahat sa SanDiego sa kakaiba niyang personalidad. Galing
siya sa isang mayamang angkan. Siya ay matalino at nakapag-aral pero pinatigil rin ng kanyang ina dahil
aka raw sa sobrang katalinuhan ay makalimutan na nito ang Diyos. Nais ng ina niya na siya ay magpari
pero sa halip, siya ay nagpakasal at maaga ring nabiyudo. Napabayaan na rin niya ang kanyang mga
minanang negosyo. Kahit na may paparating na unos ay bakas sa mukha ni Pilosopo Tasyo ang kakaibang
kasiyahan. Ayon dito, ang bagyo ang siyang lilipon sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng
delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan.

Ang dalawang sakristan na si Basilio at Crispin, na nakausap ni Pilosopo Tasyo, ay nahaharap sa


isang suliranin. Napagbintangan si Crispin na nagnakaw. Humingi siya ng tulong kay Basilio. Dumating
ang Sakristan Mayor na nagpupuyos sa galit matapos marinig ang kanilang usapan. Kinaladkad nito si
Crispin at walang nagawa si Basilio.

Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa sa lavas ng bayan. Kapus-palad si Sisa sapagkat
nakapag-asawa ssiya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, at sugarol. Si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Nang araw na iyon ay naghanda si Sisa ng masarap na pagkain para sa
dalawa ngunit kinain lamang ito ni Pedro, ang asawa ni Sisa.
Napatigalgal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan sa ulo. Hinabol daw ito ng Gwardiya Sibil
at nadaplisan ng bala. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi niya sa ina na napagbintangan
si Crispin pero hindi niya sinabi ang ginawa kay Crispin.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento at nakiusap sa tagapagluto kung pwede niyang


makausap ang pari ngunit sinabi nito na hindi maari dahil may sakit ngayon ang pari. Tinanong ni Sisa
kung nasaan si Crispin at parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Nagtanan raw
si Crispin pagkatapos magnakaw at pagkawalang pagkawala ng magkapatid. Naipagbigay na rin daw nila
sa kuwartel ang nangyari at sinabing baka naroon na ang mga guwardiya sibil sa dampa nila para hulihin
ang magkapatid.

Nasalubong ni Ibarra ang isang guro. Sila ay nag-usap at sinabi ng guro ang mga suliraning
kinahaharap niya sa pagtuturo. Isa raw sa dahilan ay ang kakulangan sa papel. Binubulyawan rin daw
siya ng kura at ng sakristan mayor. At higit sa lahat ay bawal raw turuan ng wikang kastila ang mga bata.

Nagkaroon ng pagpupulong sa tribunal para sa nalalapit na piyesta ng San Diego. Nagplano ang
dalawang partido; ang Partido Liberal, grupo ng mga kabataan na pinamumunuan ni Don Filipo; Partido
Conservado, grupo ng mga matatanda na pinamumunuan ni Kapitan Basilio. Sa huli ay Partido
Conservado ang nanalo sa usapan.

Lito ang isip na tumatakbo pauwi si Sisa. Tinanong siya g guwardiya sibil kung nasaan ang
ninakaw na pera ng anak. Kinulong rin si Sisa pero pinalaya rin siya ng Alperes pakalipas ng dalawag oras.
Subalit parang nawala sa tamang pag-iisip si Sisa.

Dumating si Maria Clara kasama si Tiya Isabel sa San Diego para sa dadating na pista. Naging
bukambibig ang pagdating ni Maria Clara sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa kanyang bayan.
Nag-usap sila ni Ibarra na magkaroon ng piknik pero huwag na dapat isama ang kura na si Padre Salvi
dahil nilulukob siya ng takot sa tuwing kaharap ito.

Madaling araw pa lamang ay gumayak ang mga kababaihan at kabinataan. Magkahiwalay ang
grupo ng mga babae at lalake. Dalawang bangka ang sasakyan nila, isa para sa mga babae at isa sa mga
lalake. Nagkaroon ng butas ang bangka ng mga lalake kaya sila ay lumipat sila sa bangka ng mga babae.
Habang nangingisda sila ay wala silang nakukuhang huli dahil sa pagsulpot ng isang buwaya. Lumundag
ang bangkero at tinulungan naman siya ni Ibarra. Nagkaroo ng utang na loo bang bangkero kay Ibarra.

Pagkatapos magmisa ni Padre Salvi ay agad siyang pumunta sa piknik sa kagubatan. Sa piknik ay
naglalaro ang mga kabataan ng gulong ng kapalaran ngunit biglang sumulpot si Padre Salvi at inagaw ang
libro na naging dahilan ng pagkakainitan nila ni Albino. Dumating si Sisa ngunit agad ring umalis ng
makita nito ang alperes. Nagpangako si Ibarra na hahanapin niya si Basilio at Crispin. Dumating ang
sarhento at sinabing pinaghahanap si Elias. SInabi nito ang mga dahilan kung bakit: una, pinagbuhatan
raw ng kamay ni Elias ang kura; pangalawa, tinaggap raw kasi si Elias sa kasiyahan; pangatlo, tinulak raw
ni Elias ang Alperes sa lubak o kanal.
Nagtungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo para sa gagawin niyang
pagpapatayo ng isang paaralan. Sinabi ng pilosopo na isang baliw lang raw ang magpapatayo ng
paaralan.

Ika-anim ng Nobyembre ang bisperas sa San Diego. Labin-limang araw pa rin lang nakalabas ng
kumbento si Maria Clara. Naglalakad-lakad sa plaza ang magkakaibigan ng maymakasalubong silang
ketongin. Naawa dito si Maria Clara at binigay ang agnos na bigay pa sa kanya ni Kapitan Tiyago.
Nalathala sa mga sulatin at dyaryo ang kapistahan sa San Diego. Magarbo ang naging
pagsalubong sa pista.

Dinumog ng mga tao ang simbahan. Hindi nagsimula ang misa hangga’t wala ang alkalde mayor
na sinadya talagang magpahuli. Nang dumating ay agad sinimulan ni Padre Damaso ang misa. Halos
pagyayabang sa sarili ang sermón ng pari at panllilibak sa mga kaaway niya. Nagsermon rin ang pari
tungkol sa pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan. Samantala, palihim na nakalapit si Elias kay
Ibarra para balaan ito na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya
itong ikamatay.

Ang taong-dilaw ang nag-ayos ng panghugos na gagamitin para ibaon ang batong malaki sa gitna
ng apat na haligi. Dumating ang araw ng pagpapasinaya sa bahay-paaralan. Ang taong dilaw ang may
hawak sa lubid na kumukontrol sa bato. Naroon si Elias na minamasdan ang taong dilaw. Pumunta si
Ibarra malapit sa hukay nang biglang humulagpos ang lubid at nagiba ang balangkas Ilang sandali ay
nakita si Ibarra na nakatayo at ang taong dilaw ay namatay. Ipapahuli sana ng alkalde si Nol Juan ngunit
pinigilan siya ni Ibarra at sinabing siya na ang bahala.

Pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra at sinabi dito na mag-ingat dahil nagkalat lang ang mga
kaaway. Sinabi rin ni Elias kung paano niya nalaman ang balak na pagpatay kay Ibarra. Nagpaalam si Elias
baon ang kanyang pangakong katapatan kay Ibarra.

Noong araw na iyon ay darating ang heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago. Naroroon rin si Ibarra at
si Maria Clara. Nahuling dumating si Padre Damaso. Pagkadating ay makailang-ulit ulit na ininsulto si
Ibarra at inungkat pa nito ang pagkamatay ng ama nito. Hindi nakapagpigil si Ibarra at sa kanyang galit
ay dinamba ang pari. Mabuti na lamang at nagawang huminahon ni Ibarra dahil kay Maria Clara.

Naging usap-usapan sa buong bayan ang nangyari sa tanghalian. Karamihan ay pinapanigan ang
pari. Meron naman mangilan-nngilang sumasang-ayon kay Ibarra ngunit takot lamang dahil bawal raw
salungatin ang prayle. Kumalat nab aka hindi matuloy ang pinagagawang simbahan dahil tinawag na
pilibustero si Ibarra.

Dumating ang Kapitan Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago. Si Maria Clara nama’y patuloy ang
pagtangis dahil pinagbawalan na siyang makipagkita kay Ibarra ng ama. Pinaalam ni Kapitan Tiyago kay
Padre Damaso ang hindi pagkatuloy ng nakatakdang pag-iisang dibdib ng dalawa. May inilaan raw si
Padre Damasong isang binata galing Europa na isa niyang kamag-anak. Mas lalong nagtangis si Maria
Clara at nagalit naman si tiya Isabel. Dumating ang Kapitan Heneral at napuno ng panauhin ang bahay ni
Kapitan Tiyago.

Pinahanap agad ng Kapitan Heneral si Ibarra at kinausap ito. Akala ni Ibarra na sasamain siya ng
kapitan heneral pero matapos niya itong kausapin ay nakangiti itong lumabas sa silid. Hindi tutol ang
heneral sa ginawa ni Ibarra. Pagkatapos ay pumunta si Ibarra kay Maria Clara para kausapin ngunit hindi
niya ito nakausap.

Asawa ng alperes si Donya Consolacion na tinuturing ang sarili niya bilang isang kastila. SIya ay
dating lavandera na nakapag-asawa ng kawal na naging alperes. . Noong araw na iyon ay nagngingit-ngit
ang Donya dahil hindi pumayag ang alperes na sila ay magsimba. Nairita ang Donya ng marinig si Sisa na
pakanta-kanta. Nagalit ng husto ang Donya kay Sisa at doon ibinuhos ang lahat ng galit. Nadatnan ng
alperes ang pinaggagagawa ng Donya kay Sisa at tinulungan nito si Sisa. Nakatakdang ihatid si Sisa kay
Ibarra kinabukasan.
Pinangunahan ni Don Filipo ang dula. Dumating si Ibarra. Hiniling ng mga pari kay Don Filipo na
paalisin si Ibarra pero tumanggi ang Don dahil higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral
kaysa sa mga ito. Nagpupuyos sa galit ang mga pari na umalis. Ilang saglit ay nagpaalam si Ibarra na aalis
pero babalik lamang. May lumapit kay Don Filipo na guwardiya at iniutos na itigil ang dula dahil
nabubulabog daw ang natutulog na si Donya Consolacion at Alperes. ‘Di ito mapagbigyan ni Don Filipo
kaya nagkagulo. Parang baliw na napasugod si Padre Salvi sa bahay nina Maria Clara. Nakahinga lamang
siya ng maluwag ng makita niya sina Maria Clara at Tiya Isabel.

Nang gabing iyon ay pumunta sa kanya si Elias at sinabing may sakit si Maria Clara. Agad namang
gumayak si Ibarra papunta kay Maria Clara. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang kapatid ng
taong dilaw na si Lucas. Kinulit siya nito pero sinabihan niya lang ito sa susunod na lamang dahil may
bibisitahin siyang maysakit.

Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang mag-asawang de Espadaña. Si Doktor Tiburcio de


Espadaña ang gumamot kay Maria Clara. Nagkukunwari lamang itong doktor na tila sunud-sunuran sa
asawa. Pinakilala nila si Linares, ang inilaan na binatang galing sa Europa ni Padre Damaso.

Dumating si Padre Damaso at tuluy-tuloy na pumasok sa silid ni Maria Clara. Mababakas sa


mukha nito ang pag-aalala sa dalaga. Maluha-luha niyang sinabi na hindi ito ammatay. Nagtaka ma’y
hindi nila akalain na marunong rin pala itong lumuha. Pinakilala rin ni Padre Damaso si Linares.

Nangumpisal si Maria Clara parasa paglimot nito kay Ibarra. Pagkatapos ay lumabas si Padre
Salvi sa kumpisalan na nakapangunot ang noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Sa isang yungib sa isang kagubatan ay nakita na rin sa wakas ni Elias si Kapitan Pablo. Malapit si
Elias dito at agad-agad niya itong hinanap matapos mabalitaan ang nangyari dito. Niyaya ni Elias si
kapitan Pablo na sumama sa kanya ngunit tumanggi ito at ipaghihiganti pa nito ang kanyang anak na
babae at dalawang lalake. Sinabi ni Elias ang pagkikita at pakikipagkaibigan nila ni Ibarra. Makatutulong
raw si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral ng tungkol sa hinaing ng bayan. Sinang-ayunan ito ng kausap at
malalaman niya ang resulta pakalipas ng ilang araw. Kung hindi sasang-ayon si Ibarra ay nangako si Elias
na sasama sa kanilang layunin.

Hindi nawawala ang sabungan sa lahat ng nasasakupan ng mga espanyol. Ilan lamang sina
Kapitan Tiyago, Kapitan Basilio, at Lucas sa mga taong naroon. Naiinggit ang magkapatid na Tarsilo at
Bruno kaya sila’y lumapit kay Lucas upang humiram ng pera ngunit may kondisyon si Lucas. Ito ay kung
sasama ang mga ito sa paglusob sa kwartel para mas maraming pera ang makuha nila. Dagdag pa ni
Lucas ay hindi niya magagalawa ang perang inilaan daw ni Ibarra para doon kaya ipapautang lamang
iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Pumayag sa huli ang dalawa.

Nagkita ang dalawang Donya habang naglilibot-libot at nagkainitan. Nabulahaw naman ang mga
tao sa lakas ng boses ng mga ito. Inawat sila ng kanilang mga asawa. Ilang sandali ay nakarating ang
mag-asawang de Espadaña sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita doon ng Donya si Linares.
Napabuntungan nito si Linares at inutusang hamunin ang alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa
lahat ang tunay niyang pagkatao. Inipit ng Donya si Linares sa sarili nitong away.

Nang araw na iyon ay pumunta si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago para ibalita ang kanyang
pagiging ekskomunikado. Tuwang-tuwa naman si Tiya Isabel dito. Pumunta si Ibarra sa balkunahe pero
nabigla sa nakita. Naroroon si Maria Clara at si Linares. Sinabi ni Ibarra ang dahilan ng pagdalaw at agad
umalis. Napadaan si Ibarra sa ginagawang paaralan at nakita si Elias. Nagmungkahi si elias na sila ay
mamangka para pag-usapan ang isang napakaimportanteng bagay.
Sinabi ni Elias ang pakay. Handa man si Ibarra na tulungan ito pero sa tingin niya ay baka mas
lalong makasama ang kanilang balak.

Binanggit ni Elias kay Ibarra ang kanyang pinagmulan. Kinuwento ni Elias ang sinapit ng kanyang
mga ninuno kay Ibarra.

Sa libingan ay may tatlong anino na nag-uusap tungkol sa gagawin na pagsalakay sa kwartel.


Dumating ang isa pang anino at sinabing baka sinusundan siya ng Guwardiya sibil at sinabing
kinabukasan ay makukuha nila ang sandata. Sisigaw sila ng “Mabuhay Don Crisostomo!”. Nawala ang
tatlong anino at natira ang pangan-huli. Dumating bigla ang sumusunod dito. Napag-alaman na ang
huling anino ay si Lucas at ang sumusunod sa kanya ay si Elias. Naglaro sila ng baraha ng mga patay.

Nagmamadaling pumunta si Padre Salvi sa bahay ng Alperes. Sinabi nito sa Alperes na


nanganganib ang buhay ng lahat. Mayroon daw napipintong pag-aalsa nagagawin nang gabing iyon.
Nalaman ito ng pari sa isang babaeng nagkumpisal na nagsabing sasalakayin ang kuwartel at kumbento.
Sa kabilang dako ay dumating si Elias at sinabi kay Ibarra ang natuklasang paglusob na maggaganap at si
Ibarra umano ang nagbayad sa mga ito. Natitiyak din ni Elias na ang pangalan ni Ibarra ang isisigaw ng
sinuman mahuhuli kaya ipinasunog niya kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito.
Tinutulungan ni Elias si Ibarra nang makita niya ang isang sulat tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at
tinanong niya kung ano ang relasyon nito dito. Nang nalaman ni Elias na ninuno ito ni Ibarra ay nagimbal
ang buong pagkatao niya dahil ito ang dahilan kung bakit ganoon ang sinapit ng kanyang mga ninuno.
Umalis na lang si Elias kapagkuwan.

Hindi mapakali ang dalawang magkaibigan sa paghintay kay Ibarra na darating sa ika-walo ng
gabi. Si Padre Salvi nama’y palakad-lakad at hindi rin mapakali. Ngayon magaganap ang paglusob sa ika-
walo ng gabi. Nang sumapit ito ay napaupo sa isang sulok ang pari at siya namang pagdating ni
Crisostomo na luksang-luksa sa suot. Nakarinig sila ng sunus-sunod na putok. Nagkagulo ang mga
nakarinig nito. Matapos ay agad na umuwi si Ibarra at pinahanda ang kanyang mga gamit. Habang
palabas ay nandoon na ang mga guwardiya sibil at siya’y kinuha. Sa kabilang dako ay pumunta sa bahay
ni Ibarra sa Elias at pumunta sa gabinete ng bahay. Sinunog niya ang mga aklat at ibang sulatin at ibang
damit ni Ibarra habang ang larawan ni Ibarra ay isinilid niya sa isang supot at dinala. Aang mga
guwardiya sibil nama’y nagpumilit pumasok ngunit usok na ang sumalubong sa kanila. Kinabukasan ay
naging usap-usapan ang pangyayari. Nakita si Lucas na nakabigti sa isang puno.

Tinanong si Tarsilo kung may kinalaman ba si Ibarra sa paglusob ngunit iginiit nito na walang
kinalaman si Ibarra dito. Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay balisa. Pawang pinagapawisan at
nagmamakaawa. Lumabas ang mga nabilanggo at nakitang si Ibarra lang ang walang gapos. Kung sino pa
raw ang may sala ay siya pa ang walang gapos. Isinumpa siya ng mga tao at sinabihan na kung ano-ano.

Si Kapitan Tiyago ay tuwang-tuwa dahil hindi siya kasama sa mga bilanggo. Dumating ang mag-
asawang de Espadaña kasama si Linares at pinag-usapan nila ang pagpapakasal ni Maria Clara at Linares.
Naging usap-usapan ito. Nagtungo si Maria Clara sa bintana at natanaw si Elias at Ibarra na nakasakay sa
bangka. Itinakas pala ni Elias si Ibarra. Nagtungo lang daw doon si Ibarra para magpaalam sa dalaga. Sila
ay nagpaalamanan dala ang kalungkutang baka hindi na nila makita ang isa’t-isa.

Napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay ng mapadaan sila sa tapat ng palasyo. Agad na
pinatago ni Elias si Ibarra sa mga damo. Binilinan si Elias ng bantay na huwag magpapasakay dahil may
kakatakas pa lang na bilanggo. Mayamaya, may nakasalubong na namang mga sibil ang dalawa kaya
napagdesisyonan ni Elias na lituhin ang mga ito. Sinabihan niya si Ibarra na magkita na lang sila sa noche
buena sa puntod ng mga ninuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at lumundag sa tubig. Inisip ng mga sibil na
ang nakatakas na bilanggo iyon kaya sinundan nila ito at pinaputukan at hindi tinigilan hangga’t hindi
pumupula ang tubig. Habang si Ibarra naman ay tumakas na.

Nabalitaan ni Maria Clara ang pagkamatay ni Ibarra. Nalaman din niya na anak siya ni Padre
Damaso at hindi ni Kapitan Tiyago bunga ng pagahasa nito kay Pia Alba. Pagkadating ni Padre Damaso ay
humiling si Maria Clara sa pari na sirain ang kasunduang ng kanyang kasal kay Linares. At dahil wala na
raw si Ibarra ay wala nang sinumang lalaki ang kanyang pakakasalan dahil para sa kanya, dalawang
bagay na lang ang importante: ang kamatayan o ang kumbento. Pinili na lang ng pari na papasukin si
Maria Clara sa kumbento kaysa mamatay ito.

May isang dampa na nakatayo sa gilid ng bundok na tinitirhan ng isang mag-anak. Sa labas ay
makikita ang isang lalakeng may sugat sa paa na nakilalang si Basilio. Ikunwento ni basilio ang kanyang
buhay sa mga kumupkop sa kanya. Napagdesisyonan niyang hanapin ang kanyang ina na si Sisa. Sa
kabilang dako, Noche Buena sa San Diego at malungkot ang buong bayan ‘di tulad noong nakaraang
taon. Nakarating na si Basilio sa kanilang bahay ngunit hindi niya nakita si Sisa. Pumunta siya sa bahay ng
Alperes at nakitang nandoon si Sisa at umaawit. May isang babae sa durungawan na inutusan ang sibil
na papanhikin si Sisa ngunit ng makita ni Sisa ang tanod ay nagtatakbo itong palayo. Sinundan naman
siya ni Basilio hanggang makarating sila sa gubat. Pumasok si Sisa sa isang pinto libingan . Para makita ni
Basilio ang ina ay umakyat siya sa puno pero siya ay nahulog. Lumabas si Sisa at parang bumalik sa
katinuan ng makita si Basilio na nakahandusay. Hinagkan niya ito hanggang sa siya ay mawalan ng ulirat.
Nang magising si Basilio ay nabalot ng takot ang kanyang dibdib ng napag-alamang iniwan na rin siya ng
kanyang ina, patay na ito. Dumating ang isang lalaki na hinang-hina at sinabing hindi niya matutulungan
si Basilio na ilibing ang ina nito kaya sinabihan niya na lang kung ano ang dapat gawin nito sa bangkay
ng ina at sa dumating na lalaki. Dagdag pa ng lalaki, may kayamanan daw siyang ibinaon sa lupa at kunin
daw ito ni Basilio at gamitin para magbagong-buhay. Ang lalaking sugatan ay walang iba kundi si Elias.

Nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila mula ng pumasok sa kumbento sa Maria Clara.


Kalaunan ay inilipatdin siya sa Padre Provincial sa isang malayong probinsiya. Nagunita kinabukasan,
natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto. Ayon sa pagsusuri ng doktor ay bangungot ang sanhi ng
kamatayan ni Padre Damaso. Habang hinihintay ang pagiging obispo, si Padre Salvi naman ay
pansamantalang nannungkulan sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Siya’y umalis na
rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo bago maging ganap na mongha si Maria, ang
ama-amahang si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng
husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala kahit kanino. Nilimot na ng kapitan ang lahat ng Santo at
Santa at inatupag na lamang ang paglalaro ng liyempo, sabong, at paghithit ng marijuana. Nang lumaon
ay napabayaan na nito ang sarili hanggang sa nalimot na din ang Kapitan na dating tanyag at iginagalang
ng mga tao.

Wakas...

You might also like