Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

“Epekto ng paglalaro ng DOTA sa pag-aaral ng mga Grade 11 Senior High School ng Ateneo de

Davao University, Akademikong taong 2017-2018”

Isang Pamanahong Papel na Iniharap


kay Ginang Mayume Bete Olbez
sa Asignaturang Filipino 12
sa Ateneo de Davao University

Members:
Marvin John G. Juanico
Jarod Geraint P. Semilla
Erika Mae C. Tceson

March 19, 2018


Talaan ng Nilalaman

Kabanata I

Panimula . . . . . . . . . . . . 1

Layunin ng Pag-aaral. . . . . . . . . . 1

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . 2

Saklaw at Limitasyon . . . . . . . . . 2

Depinisyon ng Terminolohiiya . . . . . . . . 2

Kabanata II

A.) Deskripsyon ng DOTA . . . . . . . . . 2

B.) Masama at Mabuting Dulot ng Paglalaro ng DOTA . . . . . 2

C.) Pinagmulan ng DOTA . . . . . . . . . 2

D.) Dahilan ng pagbaba ng grado ng estudyante dahil sa DOTA . . . . 2

Kabanata III

Disensyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . 2

Mga Responente . . . . . . . . . . 2

Instrumento ng Pananaliksik . . . . . . . . . 2

Tritment ng Datos . . . . . . . . . . 2

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos . . . . . . 2

Kabanata V

Lagom . . . . . . . . . . . . 2

Konklusyon . . . . . . . . . . . 2

Rekomendayson . . . . . . . . . . 2
Kabanata I

Panimula

Layunin ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Depinisyon at Terminolohiya
Kabanata II

A.) Deskripsyon ng DOTA

Napakarami na ngayong mga kabataan ang naglalaro ng mga panibagong napapauso na


mga komputer game at isa na dito ay ang laro na tinatawag natin na DOTA or “Defense of the
Ancient”.Isa ito sa mga kadalasan nang nilalaro ng mga kabataan ngayon. Ang Defense of the Ancient
ay isang larong nagmula sa larong bidyo na Warcraft: Reign of Chaos na nang maglaon ay naging
Warcraft: Frozen Throne Ang Mapa nito ay base sa mapang “Aeon of strife” ng larong Starcraft. Ang
layunin sa larong ito ay sirain ang mga imprastruktura sa kampo ng kalaban. Ang bawat manlalaro ay
mayroong katumbas na “yunit” na kinokontrol. Katulad ng iba pang mga RPG, ang bawat manlalaro ay
nag-iipon ng ginto pambili ng gamit habang pinapataas ang antas ng kanilang karakter. Ang paglalaro
ng Dota ay hindi nagsimula bilang isang industriya o produkto na agad inihayag sa mundo. Sa panahon
ngayon, madaming kabataan ang sadyang naaadik sa paglalaro ng computer games. Sa paglalaro ng
dota, naaapektuhan ang isip ng manlalaro dahil nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro
niya.Karamihan ng naglalaro ng DOTA ay mga kalalakihan, sa kadahilanang ang larong ito ay
masyadong mapangahas. Sa katotohanan, hindi lamang ang kalalakihan ang pwedeng maglaro ng
DOTA. Ito ay pwedeng laruin ng kahit sinuman, babae man o lalaki. Mayroon ding mga babae na mas
magaling pa sa lalaki kaya hindi rin masasabing ang DOTA ay para lamang sa kalalakihan.(Mary de
Villa,2015).

B.) Masasama at mabubuting dulot ng paglalaro ng DOTA

Meron din namang mabubuting epekto ang DOTA sa mga kabtaan. Ayon kay Mary de
Villa,2015. Una, nagbibigay ito ng kasiyahan sa kabataan.Marahil ito ang pangunahing dahilan ng
pagkakabuo ng DOTA. Pangalawa,Natututong dumiskarte ang mga kabataan. Kailangan ng diskarte sa
larong DOTA upang manalo.Sa larong DOTA napapaunlad ang pakikisama at pagkakaisa. Sa
kadahilanan may mga kakampi sa pag-lalaro,kailangan makisama ka sa mga kakampi mo,kung ang
isang koponan ay di magkakaisa, maari silang matalo sa laro. Napapaunlad din dito ang pagiging
isport.Ang pagtanggap sa pagkatalo ay isang napaka buting ugali ng isang Pilipino. Dahil sa bangong
varayti ng wikang nabu buo sa DOTA, na papaunlad din nito ang social na aspeto ng isang kabataan.
Natututo ang isang tao na makipagusap sa mga kakampi. Nagiging mas aktibo din ang pag-iisip ng mga
bata dahil sa pangagailangan ng pag-iisp ng estratihiya sa laro. Marami man mga magulang ang hindi
sangayon sa laro na ito, hindi parin maiwasan ng ibang mga kabataan na maglaro nito pero sa kabila
ng mga magagandang epekto nito ay meron din namang ibang mga masasamang naiduduloit ang
paglalaro ng DOTA tulad ng: nagbibigay ito ng kaadikan sa mga bata na nagtutulak sa kanila na hindi
pumasok sa klase. Pangalawa ay ginagawang sugal ang Dota na pinagpupustahan ng mga bata. Ito rin
ay pwedeng magdulot ng gulo o away kung natalo sa pustahan ang isang koponan. Sa larong ito ay
pinapakita ang pagpapatayan ng mga hero na pwedeng magdulot ng negatibo sa pagiisip ng mga
kabaaan. Dahil din sa Dota, ang mga kabataan ay nakakagawang tumakas sa kanilang mga magulang.
Naiisip din ng mga kabataan na kumupit ng pera sa magulang na pamusta sa Dota. Sa bagong varayti
ng wika, nagkakaroon ng mga mura sa pagdodota. Ang iba ay isinisigaw ang mga salitang ito at ang iba
naman ay sinasabi ito sa mga chat.(Mary de Villa,2015).
C.) Pinagmulan ng DOTA

Ang larong DOTA o “Defense Of The Ancients” noon ay isa lamang “mod” sa larong
“World of Warcraft III”. Ang larong DOTA ay ginawa ng isang manlalaro ng Warcraft 3 at “map-
editor” na si Eul. Ang mga manlalaro ng DOTA ay binibigyan ng pagkakataon na upang kontrolin ang
isang malakas na karakter na tinatawag nilang Hero. Sa kalaunan, isa nanamang “modder” na ang
totoong pangalan ay Steve Freak ay gumawa rin ng sarili niyang bersyon ng DOTA at tinawag niya
itong “DOTA Allstars”. (Mike Minotti, 2014) Pagkatapos ng dalawang taon ipinasa ni Steve sa isapang
“modder” na tinatawag nilang IceFrog upang kanyang ipatuloy ang sinimulan na laro ni Steve Freak.
Sa Oktobre ng taong 2010, ipinahayag ng isang kompanyang nangangalang Valve Software na sila ay
mag papalabas ng bagong laro na kanilang pinangalanang “Dota 2”. (Paul Dean, 2014)

D.) Dahilan ng pagbaba ng grado ng estudyante dahil sa DOTA

Ayon kay Randy Camba,2017. Kung grabe ang pagkahumaling ng mga kabataan
sa paglalaro ng dota, nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan pati na rin sa
kanilang pag-iisip at pag-uugali. Nakakasira ito sa pag aaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa
paglalaro at nawalan ng oras para mag-aral ng leksyon, hindi makagawa ng takdang aralin, nahuhuli sa
pagpasos resulta ng mababang marka. At kung sariling computer at nagrerenta lamang, madalas
nauubos ang kanilang pera. Ang adiksyon sa paglalaro ng dota ay ang naglalayo sa mga kabataan sa
tunay na mundong kanilang ginagalawan. Mas binigiyan nila ng atensyon ang paglalaro kaysa sa
kanilang pag-aaral at pamilya.. Winawaldas din nilang ang kanilang mga pera upang ipambili ng
tinatawag na “Virtual Money” o perang ginagamit sa ilang mga video games. Ayon sa mga eksperto,
ang paglalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras at kinakain nito ang oras ng mga kabataan upang
mapaunlad ang kanilang mga sarili at kanilang pag-aaral. Dahil sa kakayahan ng dota na mang-akit ng
manlalaro, ilang kabataan sa kasalukuyan ang nalululong dito. Bunga ng epektong ito ay ang pagkasira
ng tingin ng mga magulang, paaralan at pamahalaan sa kompyuter games. Bilang pagtugon sa ganitong
problema, ang mga magulang ay gumagawa ng ilang mahigpit na hakbang upang mapigilan ang
kanilang mga anak.
Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pnanaliksik

Respondente

Instrumento ng Pnanaliksik

Tritment ng Datos

You might also like