Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Alam kona!

Noon, madalas akong kumakain ng fries, at uminom ng softdrinks tuwing recess. Sa pananghalian,
pritong manok o kaya’y sinigang na baboy lamang ang gusto kong kainin. Ayaw na ayaw kong makakita ng
ampalaya,kalabasa,kangkong, o anumang gulay. Mas nanaisin ko pang kumain ng tsokolate na galing sa
refrigerator kaysa kumain ng saging at atis.

Madalas ay nanunuod lamang ako ng telebisyon o naglalaro ng computer games. Mahilig din ako
magbabad sa harap ng laptop at mag –upload ng selfie pictures sa facebook o makipag text sa mga kaibigan
, madalas, puyat, pero ayos lang sa akin, ikinatutuwa at masaya naman ako sa ginagawa ko.

Ilang panahon ang lumipas, napansin ko na bumibigat ang aking timbang. Ako’y nagtataka. Bakit ako
nanghihina gayong malakas naman akong kumain? Bakit madalas sumasakit ang aking mata? Parang
kailangan na nang salamin dahil lumalabo na ang aking paningin. Ang aking kaibigan,kamag- aral at
pamilya ay napapansin ang pagbabago ng aking ugali.

Dahil sa mga pagbabagong ito ay bumaba ang aking grado. Iniiwasan din ako nang aking mga kamag-
aral at kaibigan dahil madali akong mapikon sa mga biro na naging sanhi ng aking kabugnutan.

Nanibago ako sa mga nangyayari. Napagtanto kong hindi ito ang gusto ko at hindi rin ito ang pangarap
ko. Tandang-tanda ko pa ang pangaral ni Inay at Itay.

“Anak, ingatan moa ng iyong sarili. Handog ito sayo ng Diyos. Ang bawat handog ay may kaakibat na
pananagutan.

“Tama si Inay at Itay,” wika ko sa aking sarili.


Panuto: Lagyan ng T kung ito ay TAMA at M naman kong ito ay MALI.

Sitwasyon T M
1. Si Lea ay nag eehersiyo sa araw-
araw.
2. Naliligo si Ben pagkatapos maglaro
ng basketball.
3. Kumakain araw-araw ng gulay si
Sophia.
4. Mahilig si Leo manuod ng T.V at
gumamit ng laptop.
5. Naliligo ako araw- araw para lagi ako
malinis at mabango.

You might also like