Garde 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

St Mary’s College of Catbalogan

Catbalogan City, Samar

UNANG PANGYUNIT NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


S.Y. 2018-2019

Pangalan:_________________________Baitang at Seksiyon: _______ Iskor: __________________

Guro: G. Jessie M. Ador Petsa: ________________________

I. Panuto: Basahin ng mabuti at unawain ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay bahagi ng ating kalinangan at kasaysayan. Nakapaloob dito ang mga kultura, paniniwala at saloobin
ng bawat lugar.

a. Pabula c. Panitikan

b. Alamat d. Anekdota

2. Siya ang sumulat ng Doctrina Christiana noong 1593.

a. Padre Domingo Nieva c. Padre Domingo Nievo

b. Padre Dominga Nievu d. Padre Domingo Nieve

3. Ito ay tinatawag na kaalamang-bayan na binubuo ng sawikain, salawikain at bugtong.

a. Karunungang-buhay c. Karunungang-Bayan

b. Kuwentong-Bayan d. Kasabihan

4. Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.

a. Salawikain c. Alamat

b. Pabula d. Kasabihan

5. Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga.

a. Sawikain c. Kasabihan

b. Bugtong d. Alamat

6. Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino.

a. Kuwentong-Bayan c. Alamat

b. Pabula d. Kasabihan

7. Ito ang mga kasabihan noon na may tugma na sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas na
tinatawag na Mother Goose Rhymes.

a. Kasabihan c. Kuwentong-Bayan

b. Pabula d. Alamat

8. Ito ay isang kuwento na ang pangunahing tauhan ay mga hayop.

a. Alamat c. Pabula

b. panitikan d. Kuwento

9. Ito ay isang paraan ng paglalahad.

a. Pabula c. Kuwento

b. Paghahambing d. Tula

10. Ito ay nagsasalaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.

a. Alamat c. Pabula

b. Kuwentong-Bayan d. Kasabihan
II. Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa patlang kung anong uri ito ng
paghahambing.

________________1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.

________________2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara dati.

________________3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.

________________4. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung

ihahambing sa kabataan noon.

________________5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.

________________6. Mas marami ang kanyang nagawa kaysa sa nagawa ng mga kaibigan ko.

________________7. Ang aking nanay at tatay ay kapwa mabait kaya’t mahal na mahal ko silang dalawa.

_______________8. Mas mahirap ang buhay ng aking mga magulang kompara sa magandang buhay na

na ibinigay nila sa akin.

_______________9. Ako ay di-hamak na matanda kaysa sa akaing mga kalaro kaya’t pinipilit kong maging

maging halimbawa sa kanila.


_______________10. Mas gusto kong magbasa kaysa manood ng telebisyon kapag wala akong magawa.

III. Isulat ang T kung ang pahayag o pangungusap ay TAMA at M kung ito ay MALI. Kung mali
salungguhitan ang salita at isulat sa patlang ang tamang sagot.

________________1. Ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sarili nang Panitikan.

________________2. Kuwentong-Bayan ang tawag sa mga kuwentong patulang nagsasalaysay ng mga

tradisyong Pilipino.

________________3. Ang salawikain, bugtong, at palaisipan ay ilan sa mga halimbawa ng karunungan-Bayan.

________________4. Ang awit at korido ay mga panitikang lumaganap sa panahon ng mga Hapones.

________________5. Ang tibag, senakulo, moro-moro, at komedya ay mga dulang pantanghalang pumapaksa

sa buhay at paniniwalang katoliko.

________________6. Bukod sa Balagtasan, ang mga pagtatalong patula tulad ng karagatan at duplo gayundin

ang palaisipan ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang-bayan.

________________7. Ang “PAG-IBIG SA TINUBUANG BAYAN” ay tulang isinulat ni Jose Rizal.

________________8. Sa panahon ng Hapones ay nakilala ang mga akdang gaya ng Haiku at Tanaga.

________________9. Pawang tungkol sa relihiyon ang mga dulang nalathala sa bansa lalo na sa panahon ng

mga Hapones.

________________10. Ang mga panulat ay naging sandata ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga

dayuhan lalo na noong panahon ng himagsikan.

IV. Bilugan ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay ingklitik,
panggaano, pamaraan, panlunan, o pamanahon.

_______________1. Simulan mo ngayon ang pagbasa ng mga alamat.

_______________2. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.

_______________3. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.

_______________4. Masayang magbasa ng mga alamat.


_______________5. Siyamnapung porsiyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa pagbabasa ko

niyan.

_______________6. Ayon sa “alamat ng alamat” ay naganap ang pangyayaring ito noong unang panahon.

_______________7. Sa buong mundo ay laganap ang ibat’ibang kuwento o alamat tungkol sa pinagmulan ng

ibat’ibang bagay.

_______________8. Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa karunungan-bayan gaya ng mga alamat.

_______________9. Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami nang isang daang porsiyento.

_______________10. Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.

V. Pagsulat ng sanaysay.

Panuto: Sagutin ng buong mahusay ang mga tanong. Ang bawat tanong ay katumbas ng 5 puntos.

Rubrik: Nilalaman= (3 puntos) Gramatika= (2puntos)

1. Bakit kailangang alamin ang ibat’ibang akdang lumaganap sa Pilipinas sa panahon ng mga Katutubo,
Espanyol, at Hapones?

2. Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang pagbabasa ng panitikang namayani sa


ibat’ibang panahon?

GOD BLESS!

Lagda ng magulang _____________________________

Petsa: _______________________

You might also like