Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Junto Al Pasig

Sa Tabi ng Pasig Ang dula ni Rizal na pinamagatang Sa Tabi ng Pasig ay isang sarswelang patula
na may isang yugto. Ang mga tauhan sa dula ay ang tatlong magkakaibigang sina Leonido, Candido
at Pascual, koro ng mga bata, mga demonyo at ang kanilang pinuno, si Satanas. Marahil ay ang
dulang ito ay patunay na si Rizal ay sarado Katoliko.

Ang malinaw na mensahe sa dula ay ang pagwagi ng kabutihan laban kay Satanas at mga
masasamang elemento. Hindi nagtagumpay si Satanas sa pagkumbinse sa mga bata na purihin at
sambahin siya. Hindi nila pinakinggan ang mga pang-aakit ni Satanas. Isinulat ni Rizal ang Sa Tabi
ng Pasig noong siya ay nag-aral sa Ateneo.

Noon at maging ngayon kilala ang mga Atenista bilang mga matatapat na tagasunod ni Maria, Ina ng
Diyos. Maaaring ito ang rason kung bakit ang unang tagpo ay tungkol sa tatlong batang nag-iisip ng
magandang pwedeng ialay kay Maria. Dadaan daw ang Birhen at gusto nilang maghandog ng alay.

Ang pangalawang tagpo ay soliloquy ni Satanas. Masama ang loob niya sa pagkatalo laban kay
Maria. Ginusto niyang maghiganti sa sangkatauhan. "Sa kasawian ko ay! Ikaw Babai’y Siyang
nagkalakas na parang buhawi, Upang ako’y alsan ng tahanang dati, Ikaw na himala sa pagka-
mabuti"

Ninais ni Satanas na mapasunod niya si Leonido. Ito ang wakas ng pangalawang yugto kung saan
sinabi ni Satanas na "Ang isang kristyano ang dito’y daraan: Nais kong sa aking kamay
magulantang Iyang liping labis na kinapootan!"

Sa pangatlong tagpo (kung saan lalabas si Leonido), kapansin-pansin na may di-karaniwan sa


umaga. Senyas ito ma malapit na ang pagtatagpo ni Satan at Leonido: "Napag-iisa na ang
dalampasigan At walang marinig na mga sigawan; Ang kataka-taka’y sikat na ang araw, Ni isa mang
tao’y walang natatanaw."

Ang pang-apat na tagpo ay ang climax ng kwento. Dito makikita ang tunggalian ni Satanas at ni
Leonido, ang pagtangka ni Satanas na sakupin ang mundo ng Kasamaan at kadiliman, at ang
katapangang pinamalas ni Leonido sa di-pagsunod autos ni Satanas na sumunod sa kanya. Makikita
natin ang pagkakatulad ng tagpuang ito sa tatlong beses panunukso ni Satanas kay Hesus. Inalok ni
Satanas ang lahat ng kaharian sa mundo para lumuhod si Hesus sa harap niya. Mayroong ganitong
pag-alok kay Leonido sa ikaapat na tagpo.

Gaya ni Hesus, iniwasan ni Leonidas si Satanas at hindi niya ito sinunod. Ang mensahe ni Rizal dito
ay ang tagumpay ng Kabutihan. Tinulungan si Leonidas ng mga anghel at hindi na lumaban ang mga
demonyo. Hindi natuloy ang pinlano ni Satanas na wasakin ang mundo. Si Leonido ang
pangunahaning karakter, ang bida ng kwento.

Mababaw lamang ang mensahe ng Sa Tabi ng Pasig. Walang indikasyon ng nasyonalismo ngunit
lantad ang pagiging Katoliko ni Rizal at ang kanyang pagsasang-ayon sa Kristiyanismo bilang
pangunahing relihiyon sa Pilipinas.

Hinikayat din niya ang mga mambabasa na huwag maging matakot sa mga pananakot ng demonyo
at maging matatag lang sa pananampalataya. Tinedyer pa si Rizal noong sinulat niya ang dula kaya
hindi pa niya naiisip ang kalabanin ang Espanya. Interesante sa dulang ito ang pamagat – sa Tabi ng
Pasig. Binigyang diin niya ang ilog Pasig, isang malinis na ilog noon panahon niya. Posibleng ito ang
dahilan kung bakit dito magkikita ang mga bata. Sinisimbolo ni Leonidas ang isang matapang na
tagasunod ni Kristo, na hindi sumusuway sa kanyang utos. Isang panawagan ito sa lahat ng Pilipino
nag awing modelo si Leonidas sa harap ng kasamaan at panunukso ng mga masasamang elemento.
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang pagkakaroon natin ng sapat na
edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri ng lipunan na
ating ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.
Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at pagsulat. Ang
uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para tayo ay
makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong pangkabuhayan.

Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng salat at kulang na


kaalaman sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang hindi natin makamtan ang ating
mga gustong makamit at marating sa buhay.
Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang tinatanong ay ang antas ng ating
pinag-aralan. Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi tayong napag-iiwanan sa anumang
larangan. Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang karaniwang ibinibigay sa atin.

Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas pa na posisyon. Wala tayong
magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na kalakaran sa mga taong kulang ang pinag-aralan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng kaniyang


pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong
nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.

Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may malinaw na mata at taynga. Ito po
ay patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang mangmang sa lipunan. Ikaw nanaisin
mo bang mapabilang sa mga ganitong uri ng mamamayan ng ating lipunan? Sana ang inyong
kasagutan ay hindi.
Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan saan man itapon ay
kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya nating tumayo at makipagsabayan
sa anumang uri ng buhay.

Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong lumaban ng patas at
malayo sa panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi na
lang nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para
lubusan nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan
bagkus ay para sa ating inang bayan.
Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para
makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang
tumunganga at tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong
walang natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman lamang. Sa
ating mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating kailangan ang edukasyon sa ating buhay.
Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging pamana sa atin
ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.

Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan. Maging
responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga dunong at huwag
itong ipagkait lalo na sa mga nangangailangan.
Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay at inspirasyon niyo sa
buhay. Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga tahanan ay baunin ninyo ang mga aral ng buhay na
magbibigay sa inyo ng pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang kahalagahan ng aral at
edukasyon sa buhay ng isang tao.
Name: Francis Leo R. Salor Year&Course: III-BSE Filipino

Hindi ako magsasawang magpuri sayo, kapalit man ang buhay na ipinahiram mo.

S- ilence T- rust O- pen P- rayer

Silence o manahimik. Kailangan nating manahimik sa mga pagkakataong tayo ay nahihirapan


sa buhay. Hindi natin kailangan ipakita sa iba na tayo ay nahihirapan dahil kailangan nating
magtiwala sa poong lumikha na ang lahat ng mga pagsubok na nararanasan natin ay may
katapusan.

Trust o tiwala. Kailangan nating magtiwala sa mga panahong kailangan natin sya. Sabi nga
God will always provide. Sya ang gagawa ng paraan para malampasan natin ang lahat ng pagsubok
sa buhay basta magtiwala lang tayo sa plano nya dahil ang nagtitiwala sa kanya ay hindi
makararanas ng kabiguan sa buhay.

Open o bukas. Maging bukas ka sa kanya sa lahat ng pagkakataon dahil sya lang ang
handang makinig sa oras ng iyong pananahimik at magtiwala dahil sya ang buhay ng pag-asa na
handang tumulong sa lahat ng pagkakataon.

Prayer o panalangin. Ito ang mabisang paraan sa lahat ng kabiguan natin sa buhay. Idulog mo
sa kanya ang lahat ng iyong kahilingan dahil sasagutin nya ng walang pag aalinlangan. Gagabayan
ka nya sa lahat ng iyong laban sa buhay. Hindi man nya masagot agad ang mga panalangin mo
ngayon, magtiwala ka sa kanya baka may mas magandang plano sya para sayo. Salamat panginoon
sa mga oras na nakalimutan kita pero hindi mo pa rin ako kinalimutan.

You might also like