Professional Documents
Culture Documents
Edited
Edited
Narcisa Rizal
Ang Pinakamatulunging Kapatid na Babae ng Bayani. Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong
1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina,
tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta
niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga
tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang pinakamatulungin sa kanilang pamilya.
Nang ang kanilang mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang
tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na si Josephine
Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat
pinaghinalaan siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng
mga paring Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya
ay nakapiit sa barkong “Castilla” na nakadaong sa Cavite
ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa
kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa
kanyang tahanan. Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng
lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon
at walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay
siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para
lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga pangalan
ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni
Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal. Si Sisa ay
ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa
Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni
Sisa at Jose sa kanilang tahanan, sila ang pinuntirya ng mga
Espanyol. Tinakot siya na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa
kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-arian. Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak.
Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay pinakasalang ang
kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid ni Sisa na si Paciano kay Severina
Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa
Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose Rizal. Sa isang panayam ni Ambeth
Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si
Leoncio Lopez, and kura paroko ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng
katauhan ni Padre Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina
Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang lahat ng
aklat at pag-aari ng namatay na pari. Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.
OLYMPIA RIZAL
Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855.
Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan
ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.
Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa pulong ng pamilya sa
Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng Maynila ng Hunyo ng
sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15 ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort
Santiago at ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may mga babasahin
laban sa mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay ng barkong Don
Juan.
Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion, Patrocinio, Estanislao, Paz,
Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong 1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang
isa sa tatlong babae na kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating
watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina
Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa
eskuwelahan na kanyang itinatag sa Dapitan.
Maria Rizal
Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa
niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni
Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.
Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay
ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo
sa sampung magkakapatid.
Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal
na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang
nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng
isang kapatid na babae.
Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at isinulat niya na
noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa kauna-unahang
pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.
Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong iyon. Mahigit na sampung
mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa murang edad.
JOSEFA RIZAL
Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay
kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe.
Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa
kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10
doon ay para dapat sa lotto.
Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali
sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa
Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga
babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat
magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang
mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting
tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na lamang si Jose
Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng
Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-kalahating buwan na ang nakakaraan.
Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal sa
“casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado). Naitala na minsan ay pinag-isipan o
pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay
inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose Rizal ay kung sino
ang mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang walang tao at
walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal na nabasa nito ang sulat sa
kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung
saan siya ay namamasukan. Sinabi ni Trining na salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay
nang tahimik.
Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa
at parehong hindi nag-asawa.
Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa kanyang piitan sa
Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang isang lampana, isang regalo mula sa
mga Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay
sa kanya na ang lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang
isinulat.
Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang buwan mula Abril
hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya
ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.
SOLEDAD RIZAL
Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin
bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa
kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang
huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890.
Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si
Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa
kanyang mga magulang. Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at
sinabi niya sa mensahe niya na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay
Pantaleon.
Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi
raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid
ni Teodora.
Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin
at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel
Malvar.