Reflection

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cantos, Ar-Jay G.

IC2AA

Reflection sa Pelikulang “Hello Love Goodbye”

Sa lahat ng movie ng napanood ko na binibidahan ni Kathryn Bernardo ito yung hindi nagcenter
sa buhay pag ibig lamang ng dalawang nag- iibigan kundi pati narin sa pamilya. Kinuwento dito ang
buhay ng mga kababayan nating mga Pilipino sa ibang bansa na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng
kanilang pamilya. Sa panonood ko nito nakita ko kung gano kahirap ang buhay ng mga taong
nagtatrabaho sa ibang bansa para sa magandang sweldo sa ibang bansa. Pinakita ang katotohanan na sa
ibang bansa kung nakapagtapos ka dito sa Pinas ng nurse sa ibang bansa isa ka lamang domestic helper
o pinaganda lang isang yaya. Na hindi ibig sabihin ng may miyembro sa isang pamilya na nagtatrabaho sa
ibang bansa ay maganda ng buhay. Hindi rin ibig sabihin na lahat ng nagtatrabaho sa abroad merong
maraming pera sa bulsa. Na hihiling tayo ng mga materyal ng bagay kagaya ng cellphone at sapatos. Na
hindi man lamang natin sila nakakamusta kung ayos ba sila.

May kurot sakin yung istorya lalo sa parte ng pamilya. Naawa ako kay Joy dito dahil ginagawa nya
talaga ang lahat para mabuo ang kanyang pamilya para magsama-sama na sila sa ibang bansa. Na
kasama ng kanyang pangarap na pumunta sa Canada ang pagkabuo ng kaniyang pamilya. Ang sakit nun
na siya mismo bilang anak ang gumagawa ng paraan para mabuo ang iyong pamilya. Na kahit sarili niya
di na nya naiisip dahil gusto nyang maabot ang kaniyang pangarap sa kaniyang sari sa kanyang pamilya.
Kaso kahit anong hirap ang sinakripisyo hindi talaga hindi talaga. Ang pagpili sa sarili mo ay hindi pag
giging makasarili. Yung ramdam mo na wala ka nang pag pipilian dahil iniisip mo na responsibilidad ka sa
ibang tao. Na hindi mo na magawa o mabili ni minsan yung mga gusto mo dahil kaakibat nito ang
responsabilidad sa pamilya. Pero kailangan natin piliin ang ating sarili kahit minsan lamang.

Sa pag iibigan naman nina Ethan at Joy. Tinuraan tayo ng pelikulang ito na kahit ano o sino pa
man ang dahilan para manatili at isakripisyo ang ating mga pangarap kahit na ang mga taong
pinakamamahal natin. Sa huli, pagpili sa ating sarili ang pinakamabuti at tamang desisyon na ating
pipiliin. Dahil ngayong henerasyon hindi dahilan ang pag ibig para isakripisyo ang sariling pangarap. Ang
pag-ibig kung tunay nakakapag-antay pero ang pangarap kapag tumagal mahirap ng makamtan.

You might also like