Kabanata 22-24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

22: Mga Liwanag at mga Anino

Magkasamang dumating si Maria at ang kaniyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang
darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi
sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali,
kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa
kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kaniyang ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra
kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria
sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kaniyang dating kababata sa bayan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng
dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung
kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa
kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga-San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si
Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kaniyang ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya
na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim nang magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang
lalaki na dalawang araw nang naghahanap sa kaniya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra
ang tulong nito tungkol sa kaniyang problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

23: Pangingisda
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan, kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangkang nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay
mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga
bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba't-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,
akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
Nag-tig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang
pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victorina. Natameme sa pagkakagulo
ang mga dalaga.
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito
ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi
nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isinisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil may buwaya sa loob ng baklad. Pero, pinayapa sila
ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria
Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sina Ibarra at ang piloto na si Elias na dahil iniligtas siya ni
Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kaniyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria nang lumapit sa kaniya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari
ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayayabong na punong-kahoy na tumutunghay sa batisan.

24: Sa Gubat
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga ni Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kaniyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang
liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kaniyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di-kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento. Namaybay siya sa
mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala
ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra
nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama
nito tungkol sa sa kaniyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya
ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging
maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang
mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na
siya na ang kukupkop kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong
binata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay
siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa niya ang sagot na tumama sa: "Ang
pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong
ng Kapalaran.
Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kaniyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay
kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa
kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Padre Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
kasalanan, anya, ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kaniya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang
kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Dumating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa
masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam
sa mga taong kaniyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginalugad ng
mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa
alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binata nang unti-unting lumalaganap ang dilim
sa paligid. Magtatakipsilim na.

You might also like