Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jemimah Aquino

G11- ABM ARCHON

Bawal na Pag- ibig

(Narratibo)

Naalala mo pa ba? Sa bangko na ating inuupuan na kung saan tau nagkukuwentuhan. Nakita ko ang
ngiti sa inyong mga mata na kumikislap ang tuwa. Puno ng halikgik, dahil sa mga asignaturang ating
kinaiinisan, mga litratong iyong kinuha sa mga kaklase mo may pinagtutuunan ng pansin. Labis ang saya
sa mga nakakatuwang litratong iyong pinasilip sa aking mata. Ang mga tawang iyon ay hindi ko
makalimut-limutan at ito'y nakakintal sa puso't isipan.

Nang ilang oras ang nakalipas, ako'y napaisip na maglaro, kaya ginusto kong ika'y hikayatin sa
larong iyon. Subalit takot at kaba ang nauna, takot na baka hindi ka sumangayon sa aking pag- aanyaya,
kaya di ko muna itinuloy ang aking balak. Limang minuto ang lumipas may isang taong naging landas
upang ang matupad ang inaasam na makasama ka sa labas at doon ganapin ang larong aking binabalak.
Nang tayo'y lumabas, ramdam ang laming ng ihip ng hangin, rinig ang agos ng ilog at tunog ng mga
sasakyag dumadaan. Napakagandang pagmasdan nang tayo'y nagsimulang nagsiyahan, mga sayang
nararamdaman tuwing ikaw ng kasama. Ika'y naging kalaban at kakampi sa mga larong ating
pinagtutuunan ng pansin. “Natalo man o nanalo basta naging masaya tayo” pariralang nasabi ng aking
isip nang nakatingin sa inyong matang kay ganda. Dito ko naramdaman na hindi lahat ng pagkatalo ng
may sakit na mararamdaman kundi ito’y pagkatuwa na parang ang nanalo sa isang lotto.

Lumipas ang ilang mga sandali, nang tayo'y napagod at doon sa pangpang ng ilog nagpahinga.
Tinampisaw ang paa sa ilog at pinakiramdaman ang hampas ng hangin. Nagsimulang pagmasdan ang
mga ibon na lumilipad sa himpapawid, mga isdang kay kulit lumangoy at mga malimangong kay liit na
gumagapang gapang. Nang tayo’y umuwi sa aming bahay nagsimula nang magpunta sa kaniya- kaniyang
adyenda. Kinabukasan ang nakakalungkot na araw sa kadahilanang aalis na kayo ng pamilya niyo at
babalik na sa iyong bahay at maging ang pusong tumitibok para saiyo ay unti unting nawawalan ng pag-
asa na makasama ka ulit. Ang mga momentong atin pa lang pinagkakasiyahan ay ayun na ang huli na
baka ilang taon na namn ang lilipas saka kayo ay makakabalik rito. Naramdaman ko sayo ang pag ibig na
isang beses ko pa lamang naramdaman sa isang lalaki sa buong buhay ko, pag-ibig na na may halong
romansa ngunit ang pag ibig na iyon ay hindi maari sa kadahilanang magkadugo tayo at marami tayong
pagkakaparehas. Pinsan nga kita at hindi maaaring sayo'y umibig.

You might also like