Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

I.

Title Page

POSISYONG PAPEL
tungkol sa
KANIBALISMO
Jenzen Chloe L. Baluyot

10 - Freedom

Ma’am Nerissa A. Bocalan

Posisyong Papel Tungkol sa Kanibalismo

ni Jenzen Chloe L. Baluyot

II. Panimula

A. Pagpapakilala ng Paksa

Ang kanibalismo ay ang akto o kasanayan ng pagkain ng karne o laman loob ng tao.
Ang tawag sa taong nagsasagawa nito ay tinatawag na “cannibal” at pinaniniwalaan na naging
kagawian ito ng ating mga ninuno noong sinaunang panahon. Bagaman ang malawakang akto nito
ay tumigil na, may ilan pa ring mga tao, lalo na ang mga kasapi sa mga tribo, na nagsasagawa pa rin
nito sa kasalukuyan. Walang batas ang direktang nagbabawal nito ngunit sa mga batas na nagsasaad
na ilegal pumatay ng tao, parang ganoon na rin ang ipinahihiwatig nito. Sa ilang pagkakataon,
isinaagawa ang kanibalismo bilang sagot sa kagutuman, ngunit may iba ring pagkakataon na
isinasagawa ito nang walang matinong dahilan. Posibleng mental na kondisyon o personal na
dahilan ang magtulak sa isang taong hindi naman naghihingalo sa gutom na gumawa nito, at
napatunayan nang may mga ganitong kaso.

B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu

Ang kanibalismo ay isa lamang sa maraming paraan ng pagpatay na hindi kailanman naging
moral na gawi ng tao. Kaya ang madaling sagot ko dito ay: hindi ako sang-ayon sa kanibalismo.

III. Mga Argumento sa Isyu


A. Buod ng mga Argumento

Ang kanibalismo ay hindi makataong gawain. Maging ito man ang huling hantungan ng tao
para siya’y mabuhay, hindi ito sapat para bigyan-katwiran ang pagpatay ng tao. Mananatili itong
imoral na gawi dahil ito ay nangangahulugan sa pagpatay ng tao para sa sariling kapakanan o/at
pangangailangan. Bukod pa rito,

B. Mga Impormasyong Sumusuporta sa mga Argumento

Karamihan sa mga kaso ng kanibalismo ay nagsisimula sa pagpatay. Sa ibang pagkakataon,


may mga cannibal na naghuhukay ng bangkay saka kakainin ito. Mayroon din namang mga kaso
kung saan sariling laman ang kinakain ng isang cannibal.

C. Mga Ebidensiya para sa mga Argumento

Halimbawa ng kaso ng cannibal na siya ring pumapatay sa kaniyang biktima ay si Jeffrey


Dahmer. Sinasabing nasa 17 bilang ng mga binata ang kaniyang napatay at kinain sa pagitan ng mga
taong 1978 hanggang 1991. Ang halimbawa naman sa pagkain ng paghukay sa bangkay ng tao at
pagkain nito ay isinasagawa noon ng mga Egyptians, kung saan ang abo ng bangkay ay kinakain
nila dahil ipinaniniwalaan nila na ito ay may medikal na benepisyo. Ang halimbawa naman ng
pagkain sa sariling laman ay ang kaso ng isang lalaki na may edad 34 sa California na kinain ang
kapiraso ng kaniyang hita at saka sinugod sa ospital.

IV. Sariling Posisyon sa Isyu

A. Unang Punton ng iyong Posisyon

Hindi Makatarungan ang Pagkain ng kapwa tao

1. Opinyon sa Unang Punto

Tulad nga sa nakalahad sa itaas, hindi mabibigyang-katwiran ng taggutom ang pagkain ng


karne ng tao dahil hindi ito makataong gawain.

2. Mga Ebidensiya

Ang dami ng bilang ng mga namamatau dahil sa iba’t-ibang kaso ng kanibalismo ay sapat nang
patunay na hindi tama ang pagkain ng laman ng tao.
B. Ikalawang Punto

Hindi nito Mare-resolba ang Overpopulation

1. Opinyon sa Pangalawang Punto

May mga taong naniniwala na kanibalismo ang sagot sa padami nang padami na bilang ng
populasyon sa mundo. Ngunit tulad lamang ng iba pang paraan ng pagkitil ng buhay tulad ng
murder, aborsyon, giyera, terorismo at marami pang iba, hindi ito ang tamang solusyon dahil
inilalagay nito sa panganib ang buhay ng tao.

2. Mga Ebidensiya

Maitawid man ang gutom ng mga tao at magawa man nitong mabawasan ang populasyon,
hindi maiiwasan ang mga pangib na hatid nito sa kalusugan ng mga tao. Napatunayan na may mga
sakit na maaaring maipasa sa isang tao kapag kinain nito ang laman ng taong may sakit. Sa
katunayan, dating nakagawian ng mga taga Papua New Guinea na kumain ng utak ng tao ngunit
kanila itong itinigil nang sunod-sunod na mamatay ang mga mamamamayan nito dahil sa sakit na
nakuha sa pagkain ng utak.

C. Ikatlong Punto

Hindi makabubuti kahit kanino ang kanibalismo.

1. Opinyon sa Ikatlong Punto

Kung ating iisipin, walang mabuting maidudulot sa parehong taong sangkot sa proseso ng
kanibalismo. Sa katunayan, maaari pa nang magkasakit ang isang cannibal sa pagkain ng karne ng
tao kung siya’s pumalpak sa pag-alam kung malinis ang laman loob o ligtas na kainin ang karne ng
taong iyon.

2. Mga Ebidensiya

Napatunayan na ang mga cannibal na kumain ng utak ng kanilang mga biktima ay


nagkakaroon ng sakit na tinatawag na Kuru. Dahil sa Prions na mayroon ang utak na nananatili kahit
na iluto pa ito, nagkakaroon ang isang tao ng Kuru. Ito ay tinatawag din na “laughing sickness”
dahil ang epekto nito sa ng taong kumain ng utak ay ang biglang paghalakhak nito nang walang
dahilan.
V. Konklusiyon

A. Buod ng Posisyon

Sa kabuuan, walang manuting maidudulot ang kanibalismo. Una sa lahat, hindi ito ligtas na
gawing kasanayan o akto dahil sa mga sakit na maaaring makuha sa karne ng tao. At tulad nga ng
ibang paraan ng pagkuha ng buhay ng tao, hindi ito ang matalinong solusyon sa pagreresolba ng
dumadaming populasyon. Ang huli sa lahat, hindi ito moral o makatarungan na gawin.

B. Plano ng Pagkilos

Sa halip na gawin ang kanibalismo, ang sa paniniwala ko ay mas maiging paraan ay ang
pagkain na lamang ng kung anong karne ang nandiyan na. Tulad ng karne ng baboy, baka, at iba pa
dahil ayon sa pag-aaral, higit namang mas mataas ang enerhiya at sustansiya na maibibigay nito sa
katawan kumpara sa karne ng tao.

VI. Sanggunian

https://www.medicalnewstoday.com/articles/311277.php#1

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4162732/

https://forensicoutreach.com/library/four-types-of-cannibalism-that-may-put-you-off-pork/

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kanibalismo

https://www.google.com.ph/amp/s/www.businessinsider.com/why-self-cannibalism-is-bad-idea-
2018-5%3famp

https://www.google.com.ph/amp/s/www.thesun.co.uk/news/1625926/worlds-worst-cannibal-ca
ses-10-of-the-of-the-grizzliest-incidents-jeffrey-dahmer/amp/

You might also like