Position Paper-Pagtitiwakal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Position

Paper in
ESP
Isyung Moral:
Pagpapatiwakal

Ana Theresa Octavo


10-Freedom
II. PANIMULA
A. Pagpapakilala ng Paksa

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pagpapatiwakal ay ang aktong pagpatay sa
sarili. Ito ay ginagawa nang may buong kaalaman at inaasahang nakamamatay na kahinatnan.
Galing ang salitang Suicide sa mga Latin na kataga na nangangahulugang: [sui] –
sarili/pansarili at [cida] – ang pumatay/ang kumitil. Literal na ang ibig sabihin ay ang pag-kitil ng
sariling buhay. Ang mga taong sumasagi sa isip ang suicide ay pwedeng, iniisip lamang ito, at
iniisip ng matagal, minsan buong buhay, ngunit hindi ito magawa o gagawin, at ang iba naman
na nagagawa ito sa isang-kisap mata lang. Ang importanteng maintindihan tungkol sa suicide
ay: (1) Una, madalas, ito ay dulot ng isang mental health issue, karaniwan ay depression, at
(2) Ikalawa, ito ay nagagamot sa pamamagitan ng psychotherapy (talk-therapy) at anti-
depressants(gamot).

Tinatayang nasa 1.5% ng mga tao ang namamatay sa suicide. Sa loob ng isang taon 12 sa
bawat 100,000 tao ang nagpapakamatay. Ayon sa World Health Organizations sa kanilang
librong Preventing Suicide: A global imperative (2014) tatlong beses mas madalas mag tangka
ang mga babae na mag suicide nunit mas madalas ng isa’t kalahating beses na
maisakatuparan ang pagpapakamatay ng kalalakihan sa mga developing countries at tatlo’t
kalahating beses naman sa mga developed countries. Mas mataas na bilang ang natutuloy na
suicide pagkatapos ng edad na 70, ngunit may ibang bansa na sa pagitan ng 15 at 30 taong
gulang ang may pinakamataas na risk ng suicide katulad na lamang ng mga bansa sa kanluran.
Ibang mga bagay na nagpapataas ng risk ng suicide ay: walang asawa (kasama ang pagiging
hiwalay, diborsaydo, o balo), mataas na antas ng social status o biglang pag-baba ng social
status, pagkakaroon ng mental health issue hindi lamang depression.

Ayon naman kay Christopher P. Alipio, MD¸ hindi lang iisang dahilan ang
makakapagpaliwanag kung bakit nagpapakamatay o nagsu-suicide ang isang tao. Madalas,
ang mga nagtatangka ay may mga nais makaganti, magkaroon ng kapangnyarihan, control,
mag-parusa, mag-sisi, isang paraan ng sakripsiyo, makatakas sa problema, simpleng
makatulog lang, may mailigtas, ipanganak o magsimula muli (kung naniniwala sa reincarnation),
o makapiling muli ang pumanaw na mahal sa buhay. Minsan, ang mga ito ay pantasya, ngunit
hindi natin masabi sa mga taong nakakaranas ng kalungkutan halimbawa na hindi nila naisin na
makuha ang kanilang mga wish na ito o pantasya. Sa mga pagsasaliksik, ang pinakamadalas
na dahilan o trigger ng pagpapa-kamatay lalo na sa mga matagal ng nakaka-isip na gawin ito ay
ang pagka-wala ng pag-asa o hopelessness.

Isang global na isyu ang pagpapatiwakal ngunit hindi pare-pareho ang pananaw ng mga tao
tungkol dito sa buong mundo. Malaking papel ang ginagampanan ng kultura sa isyung ito. Ayon
sa The Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maari pa ngang “makaimpluwensya sa
posibilidad ng pagpapatiwakal. Binigyang diin din ni Kay Redfield Jamison, proposera ng
saykayatri sa Johns Hopkins University School of Medicine na ang pagtingin ng mga tao sa
kasalukuyan nilang pinagdadaanan ay malaking bahagi sa desisyon nilang magpakamatay,
sinabi rin niya na: “Ang karamihan sa mga isipan, kapag malusog, ay hindi nagpapakahulugan
sa anumang pangyayari na gayon na lamang kagrabe upang magpatiwakal.”

Ayon naman kay Eve K. Mościcki, ng U.S. National Institute of Mental Health, na maraming
salik—ang ilan sa mga ito ay umiiral at pangunahin subalit hindi halata—ang nagsasama-sama
upang humantong sa pagkilos na nagreresulta sa pagpapatiwakal. Kabilang sa mga
pangunahing mga salik ay mga sakit sa isip at pagkasugapa, kayariang henetiko, at kemikal na
reaksiyon sa utak.

Unang-una sa mga salik na ito ang mga sakit sa isip at pagkasugapa, gaya ng
panlulumo, bipolar mood disorder, schizophrenia, at pag-abuso sa mga inuming de-alkohol o
droga. Ipinakikita ng pananaliksik kapuwa sa Europa at sa Estados Unidos na mahigit sa
90 porsiyento ng naisagawang mga pagpapatiwakal ay nauugnay sa gayong mga karamdaman.
Sa katunayan, nasumpungan ng mga mananaliksik na Swiss na sa mga lalaking nasuri na
walang anumang uri ng gayong karamdaman, ang dami ng pagpapatiwakal ay 8.3 sa bawat
100,000, subalit sa mga nanlulumo ito ay lumukso sa 650 sa bawat 100,000.

Ngunit kahit gaano pa kahirap ang pinagdadaanan ng isang tao ay hindi pa rin nito
binibigyan ng karapatan ang tao na magpakatiwakal. Si Propesora Jamison, na minsa’y
nagtangkang magpatiwakal mismo, ay nagsabi: “Waring natitiis o nababata ng mga tao ang
panlulumo habang naroroon ang paniniwala na bubuti pa ang mga bagay-bagay.” Gayunman,
napagntanto niya na habang lalong lumalaki ang problema at kabiguan ng isang tao hanggang
sa dumating sa puntong hindi na niya maintindihan ang dapat gawin, unti-unti nang sumusuko
ang kakayahan ng taong magi sip at pigilan ang nais na pagpapatiwakal. Inihahalintulad niya
ang kalagayan sa pagnipis ng mga preno sa isang kotse dahil sa madalas na pagpreno.
Isa rin sa mga salik ng pagpapatiwakal ay ang henetikong kayarian ng isang tao. Maaring
ang nanay, lola, o sino man sa pamilya ay nagkaroon na ng historya ng pagpapakamatay ay
malaking papel sa pagdedesisyon ng isang taong magpatiwakal. Isinisiwalat ng mga pagsusuri
na ang ilang angkan ng pamilya ay may higit na mga insidente ng pagpapatiwakal kaysa sa iba.
Subalit, “ang henetikong hilig na magpatiwakal ay hindi nangangahulugan na hindi maiiwasan
ang pagpapatiwakal,” sabi ni Jamison.

Maaari ring maging isang pangunahing salik ang kemikal na reaksiyon sa utak. Ang bilyun-
bilyong neuron ng utak ay nakikipagtalastasan sa elektrokemikong paraan. Sa nagsasangang
dulo ng mga himaymay ng mga nerbiyo, may maliliit na agwat na tinatawag na
mga synapse kung saan dinadala ng mga neurotransmitter ang impormasyon sa kemikal na
paraan. Ang antas ng isang neurotransmitter, ang serotonin, ay maaaring nasasangkot sa
biyolohikal na kahinaan ng isang tao na magpatiwakal. Ganito ang paliwanag ng aklat na Inside
the Brain: “Ang mababang antas ng serotonin ay maaaring mag-alis sa kaligayahan ng buhay,
anupat nawawalan ng interes ang isang tao sa kaniyang pag-iral at nadaragdagan ang
panganib ng panlulumo at pagpapatiwakal.”

Walang taong itinilagang kitilin ang kanilang buhay, ano pa man ang dahilan sa likod nito.
Ngunit sa kasamaang palad. kahit patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagpapatiwakal sa
mga kabataan at mga mga matatanda, hindi pa rin bukas pagusapan ng mga tao ito. Karamihan
ng mga taong nagiisip mag-pakamatay ay natatakot mag-sabi sakanilang pamilya kahit sa mga
napagkakatiwalaang kaibigan dahil maaring isipin lamang nila ay nagbibiro ito o
nagpapapansin. Ngunit para saakin, dapat simulan nang pagusapan ang isyung ito sa mga
paaralan, trabaho, at lalong lalo na sa tahanan.

B. Ang sariling pananaw sa isyu

Hindi tamang kitilin ang sariling buhay dahil ang Diyos lamang ang may karapatan mag
bigay ng tuldok saating paglalakbay sa mundo at hindi dapat tayo maging Diyos saating buhay.
Ang pagpapakamatay ay isang malaking kasalanan dahil tinatapos natin ang ating buhay kahit
may mga plano pa ang Diyos para saatin. Napakadaming pangako ng Diyos sa Bibliya na
nagsasabing matapos ng lahat ng paghihirap ay may kasiyahan sa dulo, ngunit kung kikitilin
natin an gating buhay ay hindi na natin makikita ang pinangakong kaligayahan saatin. Ang mga
pinagdadaanan natin, lalong-lalo na ang mga bagay na nagiging dahilan ng kagustuhan
magpatiwakal ay mga pagsubok lamang para tumibay tayo at i-handa tayo sa plano ng Diyos
para saatin. Wala tayong karapatan sumuko dahil hinding-hindi tayo sinukuan ng Diyos gaano
pa man kalaki ang kasalanan natin sakaniya. Hindi kailanman dapat maging paraan ang
pagtitiwakal para matapos ang mga problema.

III. Mga Argumento sa Isyu

A. Buod ng Mga Argumento

Iba-iba ang paniniwala at pagtingin ng mga tao tungkol sa pagtiwakal. May ibang tao na
sinaabing dapat ito maging legal, may iba naman na nagsasabi na ginagawa lamang nila ito
dahil pakiramdam nila wala ng mangyayari kung patuloy pa silang mamumuhay, at may iba
naman na iniisip na mas mabuting wala nalang sila sa mundo. Pero ano pa man ang paniniwala
ng mga tao tungkol sa pagtitiwakal, ang paggawa ng isang tao nito ay magreresulta ng
malaking epekto lalong lalo na sa mga taong malapit sakaniya, pati na rin sa mga taong hindi
siya kilala ngunit nalaman ang nangyare sakaniya.

B. Mga Impormasyong Sumusuporta sa Argumento

Ayon sa libro ni Jennifer Michael Hetch na Stay: Arguments Against Suicide na isa sa
mga dahilan ng pagtitiwakal ay ang kaalaman tungkol dito. Sabi pa niya: “Kung ikaw ay
nagpatiwakal para na rin itong delayed homicide.” Maraming tao ang hindi naniniwala sa
paratang ni Hetch, para sakanila ang pagtitiwakal ay isang matahimik at mabisang pagtakas sa
gulo ng mundo dulot ng mga masasamang karanasan. Maraming tao ang hindi iniisip ang
masama at delikadong epekto nito sa mga pamilya, kaibigan, pati na rin sa mga taong hindi nila
kilala.

Ayon sa pagaaral, kapag nagpakamatay ang isa o parehas na magulang, ang kanilang
anak ay may dalawa hanggang apat na mas mataas na tyansang magpakamatay matapos ng
sampu o higit pangtaon na panlulumo sa pangyayare.

Nilahad din ni Hetch na base sa mga pagsasaliksik, ang pagtitiwakal ng isang tao
sakaniyang buhay ay nagpapataas ng tiyansa na kitilin din ng ibang tao ang kanilang buhay
halimbawa nalamang nito ay ibang mga baranggay, trabaho, paaralan, at iba pang lugar na
laganap ang pagtitiwakal. Malaki rin ang impluwensiya ng media sa isyung ito sapagkat kahit
hindi sila magkakilala ngunit may mga katangian na kaparehas sila ng ibang tao katulad na
lamang ng hilig, edad, o kahit kasarian ay nagiging dahilan din para tumaas ang tyansang
magtiwakal ang ibang tao.

Binigyang diin ni Hetch sakaniyang libro na mas mabuti nang umiyak at makaramdam
ng sobrang panlulumo kaysa patay. Ayon sakaniya ay ang paglaban sa kagustuhan na
magpatiwakal ay parang sinasalba mo na rin ang buhay ng ibang tao na maapektuhan kung
ikaw ay mawawala. Para kay Hetch, ang pagtitiwakal ng isang tao ay magreresulta sa
pagtitiwakal din ng ibang tao.

Malaking bagay na ipakita sa ibang tao na hindi mabuting magpatiwakal at dapat itong
pag-usapan sa harap ng maraming tao upang maintindihan ang epekto na dala nito sa mga
taong maiiwan. Dapat ay mapalaganap ang katotohanan na hindi lang pagtitiwakal ang tanging
pwedeng gawin para malampasan ang mga pinagdadaanan, dahil imbis na matapos ang
problema na iyon ay lalo pang lumaki.

C. Mga ebidensya para sa argumento

Ayon sa pagaaral ng Johns Hopkins University sa kanilang May 2010 issue ng Journal
of the American Academy of Child and Adolescent Psychiatry pinakita nito na ang mga anak
(labing-walong taong gulang o mas bata pa) ng mga biktima ng pagtitiwakal ay may tatlong mas
mataas na tyansang magpatiwakal sa hinaharap, kaysa sa ibang labing walong taong gulang na
ang walang mga magulang ang nagtangkang magpatiwakal. Ang pagaaral na ito ay tungkol sa
populasyon ng mga Sweko sa loob ng 30 taon. Ang mga mananaliksik ng Estados Unidos at
Sweden ay pinagaral ang mga pagtitiwakal, psychiatric hospitalizations, at iba pang karahasan
na naransan ng 500,000 na bata, dalaga at binata, at mga matatandang sweko na mas mababa
sa 25 taong gulang na naulila ng mga magulang na namatay dahil sa pagtitiwakal, aksidente, o
sakit na kinumpara sa mahigit kumulang apat na milyong bata, dalaga’t binata, at matanda na
may buhay na mga magulang.

Binanggit din ni Hetch sakaniyang libro ang pagkamatay ng isang sikat na personalidad
sa media na si Marilyn Monroe dahil sa pagtitiwakal, lalong tumaas ang bilang ng mga
nagpapatiwakal noong mga panahon na iyon. Pinatunayan nito ang mga paratang niya na
tumataas ang tiyansang magpatiwakal ang isang taong katulad ng edad, kasarian, o ng lahi
kung may isang namatay dahil dito.

Ayon din sa World Health Organization, ang pagtitiwakal ang pangalawa sa


pangunahing dahilan ng pagkamatay ng isang tao. Kada-taon ay may 800,000 na tao ang
nagpapakamatay o isa kada 40 segundo at sa kada isang nagpapatiwakal ay 20 naman ang
nagtatangka.

Naglahad naman ang pagaaral ng ilang mga lugar na laganap ang pagpapatiwakal katulad
nalamang ng Nanjing Yangtze River Bridge sa China, Golden Gate Bridge sa San Francisco,
Aokigahara Forest sa Japan, Beachy Head sa England, at Bloor Street Viadut sa Toronto.
Noong 2010, naitala ang 1,300 kataong nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa Golden
Gate Bridge magmula nang i-patayo ito noong 1937. Sa iba naming lugar na madalas din ang
pagpapatiwakal ay pinatayuan na ng mga harang para maiwasan ito katulad nalamang ng
Luminous Veil sa Toronto, Eiffel Tower sa Paris, West Gate Bridge sa Melbourne, at Empire
State Building sa New York City. Ayon sa Hall 1987, naging mabisa ang ganitong paraan para
matugunan ang mataas na bilang ng nagpapatiwakal sa mga lugar na iyon.

IV. Ang Sariling Opinyon sa Isyu

A. Ang mga taong nagsasabing gusto nilang magpatiwakal ay hindi talaga ito
gustong gawin.

1. Ito ay hindi totoo. Maaring kapag sinasabi ng isang tao na gusto na niyang
magpatiwakal o simpleng pagsasabi lang tungkol dito ay nahingi siya ng
tulong. Maaring hindi niya masabi sa paraan na direkto dahil baka sabihan na
siya ay nagiinarte lang o gusto lang magpapansin pero ang katunayan niyan
ay gusto niya na talaga itong gawin at ang simpleng pagsabi niya nito ay
paraan niya ng pag-hingi ng suporta para makaahon sa problemang iyon.

2. Binigyang diin ng World Health Organization sa kanilang libro na Preventing


Suicide: A global imperative (2014) na maraming tao na iniisip magpatiwakal
ay maaring nakakaranas ng anxiety, depression, o sobrang pagkalungkot, at
kawalan ng pag-asa kaya naiisip nila na wala ng ibang paraan kundi ang
magpatiwakal.

B. Hindi masamang magpatiwakal kung sobra-sobra na ang pinagdadaanan.


1. Kailanman ay walang itinalagang magpatiwakal, ano pa man ang dahilan sa
likod nito. Lahat ng tao ay may problemang pinagdadaanan, ngunit naiiba
lamang tayo sa kung papaano ito gagawan ng paraan. Ang mga problemang
pinagdadaanan natin ay hindi ibibigay saating kung hindi natin ito kayang
lampasan, kaya walang tao ang may karapatan sumuko at tuldukan ang
kanilang buhay. Lahat ng bagay ay may pagpipiliian kaya kailanman ay hindi
dapat piliin ang paraan na ito para makatakas sa problema. Para naman sa
mga taong nakakaranas ng sakit sa utak at laging nagtatangkang
magpakamatay, hindi pa rin dapat nila ito piliin dahil may tulong naman na
maaring ibigay sakanila.

2. Ayon sa WHO, maiiwasan naman ang pagpapatiwakal. Para maging


epektibo ang pagtugon ng isang bansa sa pagdami ng taong nagpapatiwakal
ay kailangan ng kooperasyon ng maliliit na sektor ng lipunan at magkaroon
ng istratehiya para gawin ito. Isa rin sa mga mabisang paraan para maiwasan
ito ay paglayo o pagtanggal ng mga maaring gamitin sa pagpapatiwakal
katulad nalamang ng mga lason, baril, gamot, at mga blade. Dapat din ay
maging isa sa mga abilidad ng mga nagtatrabaho para sa kalusugan ang
pagtugon sa pagtitiwakal. Para naman sa mga may sakit sa utak at sobra-
sobrang paginom ng alak na malaki ang kontribusyon sa pagpili nila
pagpapatiwakal ay dapat matugunan agad para masigurado ang kaligtasan
nila. Malaking bagay ang kayang gawin ng isang komunidad para matugunan
ito, maari silang magbigay ng suporta, labanan ang stigma na bumabalot sa
isyung ito, at i-paalam sa mga tao ang posibleng epekto nito.

C. Isang kasalanan ang pagpapatiwakal.

1. Maituturing na malking kasalanan ang pagpapatiwakal dahil lamang sa mga


problema sa buhay. Ngunit kung ikaw ay magpapatiwakal para maisalba ang
buhay ng ibang tao ay hindi ito maiuturing na kasalanan. Pero para sa mga
tao na pakiramdam nila ay ala na silang ibang paraan para malampasan o
maresolba ang mga problema na nararanasan nila kundi ang tuldukan ang
buhay nila ay napakalaking kasalanan sapagkat tayo ay tao lamang at wala
na tayo sa posisyon para sabihing tama na o tapos na.
2. Binigyang diin ng GotQuestions.org, isang blog site na sumsagot na
nakabase sa Bibliya ang mga karaniwang tanong ng mga tao. Ayon sakanila,
gaano man kabigat ang kasalanang dinadala mo ngayon, tiyak na
papatawarin ka Niya sa iyong mga kasalanan kung taus-puso kang magsisisi
(Talikuran mo ang iyong mga kasalanan at manampalataya sa Diyos). “Kung
kayo ay may bagabag, Ako lagi ang tawagin; kayo'y Aking ililigtas, Ako'y
inyong pupurihin” (Awit 50:15). Wala kang ginawang kasalanan na hindi
kayang patawarin ni Hesus. Ang ilan sa Kanyang mga piniling
tagapaglingkod ay nakagawa ng malaking kasalanan kagaya ng pagpatay
(Moises), pakikiapid (Haring David), at pang-aabusong pisikal at emosyonal
(Apostol Pablo). Subalit nakamit pa rin nila ang kapatawaran sa kanilang mga
kasalanan at ang bago at ganap na buhay kay Hesus. “Linisin Mo sana ang
aking karumihan at ipatawad mo yaring kasalanan” (Awit 51:2). “Kaya't ang
sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang
dating pagkatao; Siya'y bago na” (2 Corinto 5:17). Ito ang dahilan kung bakit
hindi dapat tayo magpakamatay.

Dagdag pa rito, ayon sa Bibliya, kung ang isang tao ay magpakamatay hindi
ito ang magtatakda kung makapapasok ba siya sa langit o hindi. Kung ang
isang hindi mananampalataya ay magpakamatay, wala siyang ginawa kundi
ang padaliin ang kanyang pagpunta sa impyerno. Gayon man, ang taong
nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno hindi dahil sa siya ay
nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang
ipinagkakaloob ni Kristo. Bawat isa sa kanila ay masama, asal-demonyo, at
makasalanan. Itinuturing ng Bibliya ang pagpapakamatay na kapantay ng
pagpatay sa tao (murder) - dahil ito'y pagpatay sa sarili. Ang Diyos lamang
ang dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao.
Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga
kamay, ayon sa Bibliya, ito'y isang pagkutya sa Diyos.

V. Konklusyon

A. Buod ng Iyong Posisyon


Maraming tao ang nagtatangka o iniisip na magpatiwakal. Kadalasan ay hindi
napapansin ng mga tao sa paligid niya ang paghingi niya ng tulong o suporta sa mga problema
niya. Maraming dahilan ang nababalot sa pagpapatiwakal ng mga tao, kilala man natin sila o
hindi. Ngunit, kahit ano pa man ito, kailanman, ngayon o hanggang sa mga susunod na
panahon, walang tao ang tinawag o itinalagang magpatiwakal. Kailanman ay hindi dapat
maging paraan ang pagpapatiwakal para malampasan ang mga problemang pinagdadaanan.
Maraming ibang paraan para malampasan ito, ngunit maaring sa mga oras na iyon ay
pakiramdam mo talaga ay walang-wala na, humingi ka ng tulong dahil may mga hotline
numbers naman na maaring tawagan kung walang-wala na talaga silang mapagsabihan.
Napakaimportante na sabihin ang pinagdadaanan, hindi naman kailangan na matulungan ka
nilang masolusyunan ito ngunit sa simpleng pakikinig lamang nila sa mga problema ay baka
naisalba na niya ang buhay mo.

Maraming tao ang iniisip magpatiwakal, ngunit kahit patuloy na dumadami ang bilang ng
mga tao na ginagawa iyon ay kailanman hindi dapat ito tanggapin na tama. Ang Diyos lamang
ang may karapatan na tuldukan ang ating buhay at hindi dapat tayo maging Diyos ng sarili
nating buhay. Marami pa ang pwedeng mangyari, hindi natin ala kung ano ang plano ng Diyos
sa buhay natin kaya dapat ay lumaban lamang tayo ng lumaban dahil isasalba tayo ng Diyos
kung tayo ay lumapit sakaniya. Maging matatag at huwag sarilihin ang problemang
pinagdadaanan dahil ito ang makakatulong para malampasan ang mga problemang umaakay
saatin para piliin ang pagpapatiwakal.

B. Plano ng Pagkilos

Dapat lamang na mas lumalim pa sa pagmamahal ng Diyos dahil Siya lamang ang
makaktulong saatin sa mga panahon na pakiramdam natin ay tapos na tapos na tayo. Walang
imposible sa Diyos, gaano pa man kalaki ang problemang nararanasan ay may plano Siya.
Walang problemang ibibigay saatin na hindi natin malalmpasan kaya karapat-dapat lamang na
araw-araw natin piliin na magpasalamat Sakaniya, mahalin Siya, magsisi sa mga kasalanan
natin, at hayaan Siya na gamitin tayo para sa mga plano Niya saatin.

Malaking bagay din kung magiging mas bukas pagusapan ang pagpapatiwakal sa mga
paaralan, trabaho, at tahanan. Dapat ay ipaalam sa mga tao ang epekto ng pagkamatay ng
isang tao dahil sa pagpapatiwakal dahil patuloy na dadami ang mga pangyayaring ito kung
mananatiling tahimik at hindi tutugunan ang isyung ito. Malaking tulong ang pagpapaalam sa
mga tao ng mga pwede nilang lapitan kung pakiramdam nila ay wala na talaga silang
makakausap. Dapat din ay magkaroon pa ng mas murang mental health services para
matulungan ang mga taong nakakaranas ng mga mental disorders ngunit walang pera para
makapagpagamot. Dapat din na sugpuin na ang stigma na bumabalot sa pagpapatiwakal at sa
mga mental disorders na malaking dahilan ng pagpapatiwakal. Kailangan maintindihan ng mga
tao na ito ay nangyayari talaga at patuloy na mangyayari kung hindi matutugunan.

Maaring magsimula ng mga seminars o open forum ang paaralan para malaman ng
kabataan ang epekto ng pagpapatiwakal para hindi gawin ito ng mga kabataan na nakakaranas
ng lubhang hirap sa kanilang mga leksyon, o kaya nakakaranas ng matinding pressure mula
sakaniyang mga magulang at gustong-gusto na tapusin ang kanilang buhay.

Malaking bagay din ang maitutulong kung maiimbitahan ang mga tao na gumawa ng
mga bagay na masaya sila at hindi magpakalunod sa mga gawain, katulad ng pagbabasa,
pagsayaw, pagkanta, pagluluto, pageehersisyo, paglalaro, at iba pa na habit na pwede nilang
paglabasan ng sama ng loob o gamitin nilang lugar para makahinga sila at makapagsaya.
Dapat din ay ipaalam sa mga tao na hindi masamang mapagod at magpahinga, malaking bagay
na piliin nila ang kanilang sarili sa mga oras na hindi na nila alam ang gagawin para naman
hindi sila lubusang makaramdam ng kalungkutan o kawalan ng pagasa.

VI. Sanggunian

https://www.who.int/mental_health/suicide-prevention/key_messages.pdf?ua=1

https://www.who.int/mental_health/suicide-prevention/myths.pdf?ua=1

https://en.wikipedia.org/wiki/Suicide#History

https://www.who.int/mental_health/prevention/suicide/suicideprevent/en/

https://www.smh.com.au/opinion/stay-arguments-against-suicide-20140821-106kq4.html

https://www.gotquestions.org/Tagalog/kailangang-magpakamatay.html

https://pinoymentalhealthblog.com/tag/suicide/

You might also like