Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MGA PISTA SA PILIPINAS

1. PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa
Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro
Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa
simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay
isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec
na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade. Ang
mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes

2. ATI-ATIHAN FESTIVAL

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng
Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa
mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na
waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista,
magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan.
Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong
mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

3. SINULOG FESTIVAL

Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang
tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga
turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival
at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
4. CARACOL FESTIVAL

Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay


ipinagdiriwang ng Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang
pagdiriwang ay isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras. Ilan sa mga highlight ng
pagdiriwang ay ang iba't-ibang street dancing na may makukulay na 'costume na
sinasalihan ng mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang
tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay
ang pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan. Iba't-ibang makukulay na kasuotan ang
tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak,
bunga, mga puno, at mga hayop.

5. BINIRAY FESTIVAL

Ang Biniray Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay


ipinagdiriwang ng mga taga-Romblon tuwing ikalawang linggo ng Enero ng taon bilang
pagpupugay sa Señor Santo Niño na kahalintulad sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ng
Cebu. Sa isang banda, ito ay nagpapakita ng taimtim na pananampalataya ng mga taga-
Romblon sa relihiyong Katoliko. Lubhang makulay at masaya ang pagdiriwang ng Biniray
Festival kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga sayaw at awit. Isa sa mga
inaabangan sa pagdiriwang ito ay ang tinatawag na flotilla of vessels na gumugunita sa
pagtatangka ng mga Kastila na itakas ang imahe ng Santo Niño mula sa bayan ng Romblon.

6. DINAGYANG FESTIVAL

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa


lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-
Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa
pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing
taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National
Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk
Choreography.

7. PHILIPPINE INTERNATIONAL HOT AIR BALLOON FIESTA

Ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta ay isang taunang selebrasyon na
ginaganap tuwing Pebrero sa Omni Aviation Complex, sa Clark Field, Lungsod ng Angeles
sa Pampanga. Ang fiesta ay nagpapamalas ng pagpapalipad ng makukulay na mga hot air
balloons na mula sa iba't ibang bansa. Nagsimula ang Philippine International Hot Air
Balloon Fiesta noong taong 1994. Kabilang sa pagdiriwang ang mga aktibidad tulad ng
skydivign, flag jump, microlight at rocket demonstrations, plane fly-bys at fly-ins,
pagpapamalas ng paglipad ng mga eroplano at helikopter na de-baterya, aerobatics,
precision maneuvers, light airplane balloon bursting, ultra-light flying formation at bomb
droping, paggawa at pagpapalipad ng saranggola, high-start launch gliding, pylong racing,
banner towing, aero-modeling symposium, at karera ng motorsiklo.

8. CANDELARIA FESTIVAL

Ang Candelaria Fesitval ay isa sa pinakamalalaking kapistahan sa Iloilo bilang pasasalamat


sa patrong Birheng Maria ng Candelaria. Ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang araw ng
Pebrero sa bayan ng Jaro, Iloilo. Dumarayo ang mga tao mula sa Kanlurang Visayas sa
Iloilo para masaksihan ang mga sabong, eksibit ng industriya ng Jaro, karnabal, konsyerto,
paligsahan at iba pa. Nagkakaroon din ng parada at inaabangan ang engrandeng prusisyon.
Naniniwala ang mga tao na naipakikita rito sa pistang ito ang simbolo ng kaunlaran at
pagmamahal ng mga tao sa mga pista at pagdiriwang. Sa huli ay inaabangan din ang
paghirang sa mapipiling Jaro Fiesta Queen ng taon.

9. PAMULINAWEN
Ang Pamulinawen ay isang awitin ng mga Ilokano. Sinasabing ito ang pangalan ng
babaeng inaawitan ng lalaki sa kanyang panghaharana. Tuwing unang Linggo ng Pebrero,
ginaganap ang Pamulinawen Festival sa Lungsod Laoag, kasabay ng pagdiriwang ng pista
ng patron ng bayan na si Saint William the Hermit.

10. PISTA NG PANAGBENGA

Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa
Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang
kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't
ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang,
"panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan
ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos
ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

11. SUMAN FESTIVAL

Ang Suman Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-14 hanggang ika- 19
ng Pebrero, sa bayan ng Baler sa Aurora. Itinuturing itong pinakamalaking kasiyahan sa
lalawigan, kung saan ipinaparada ang iba't ibang mga karosa na nilagyan ng palamuti na
naaayon sa pagdiriwang.

12. BABAYLAN FESTIVAL

Ang Babaylan Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay


ipinagdiriwang ng mga taga-Negros Occidental tuwing ika-19 ng Pebrero ng taon. Mula sa
kasaysayanng Negros, itinuturing ang mga Babaylan bilang isa sa mga
pinakamakasaysayang pigura sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang
mga babaylan ay kinabibilangan ng iba't-ibang tao sa lipunan gaya ng doktor, albularyo,
pintor, tagapayo, magsasaka at iba pa na nagtatampok sa isang mataas na responsibilidad
at ito ay pinaniniwalaang tagapag- ingat ng mga ritwal at espiritu sa mundo. Mula dito ay
ibinatay ang pagdiriwang ng Babaylan Festival.

13. GULING-GULING FESTIVAL

Ang Guling-Guling Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay


ipinagdiriwang sa Paoay, Ilocos Norte tuwing Martes, ang araw bago sumapit ang
Miyerkoles ng Abo. Ang guling ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay “markahan” o
“pahiran.” Ito ay sumisimbolo sa masaganang pagdiriwang ng mga Ilokano bago sumapit
ang Mahal na Araw.

14. BANGKERO FESTIVAL

Ang Pagsanjan Bangkero Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Marso. Ito ay


inspirasyon sa pamamagitan ng nakatuon sa lahat bangkeros (boatmen) sa Pagsanjan at sa
karangalan ng patrona ng bayan, Ang Lady ng Guadalupe. Ang mga boatmen magsilbing
tour guides sa mga kasanayan at kagalingan ng kamay nagpakita sa maneuvering ang
bangka pasalunga sa agos at laban sa malakas na alon ng tubig hanggang sa maabot ang
dulaan ng Pagsanjan falls. Limang-araw na Festival ay may iba't ibang mga gawain tulad
ng mga tradisyonal na bangka lahi o regata, fluvial at lupa parada sa street dancing, drum
at lyre competition at iba pang mga sports mga kaganapan. May mga pangkulturang
pagtatanghal at ang taunang paghahanap para sa "Ginoong Bangkero" at ang "Lakan sa
Binibining Pagsanjan" din.

15. PISTA NG SAGING

Ang Pista ng Saging ay ginaganap tuwing ika-18 hanggang ika-19 ng Marso sa Baco,
Oriental Mindoro upang ipagdiwang ang kasaganahan ng ani ng saging. Itinatanghal dito
ang iba't ibang uri ng saging tulad ng Señorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din ng
selebrasyon na ito ang kapistahan ng patrong si San Jose. Tampok sa pagdiriwang na ito
ang isang paligsahan sa pagluto ng mga putaheng may sangkap na saging. Mayroon ring
pagsasayaw sa mga kalsada kung saan ang suot ng mga kalahok ay gawa sa mga materyales
na nagmula sa saging. Nagkakaroon rin ng beauty pageant.

16. KALILANGAN FESTIVAL

Ang Kalilangan Festival ay isa sa mga pagdiriwang sa Pilipinas na dinadayo ng maraming


turista taun- taon ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-General Santos sa Timog Cotabato.
Ipinapakita dito ang mayamang kultura ng nasabing lungsod. Ang Kalilangan ay nagmula
sa salitang kalilang na mula sa dialekto ng mga taga-Maguindanao. Ito ay
nangangahulugang “pagdiriwang,” “kapistahan” o “kasiyahan.” Ilan sa mga espesyal na
aspesto ng pagdiriwang ay ang paggamit ng pare-pareho at makukulay na kasuotang
kahawig ng tinalak ng mga T'boli.

17. RODEO MASBATEÑO

Ang Rodeo Masbateño Festival ay taunang pagdiriwang sa Lungsod Masbate kung saan
ipinakikita ang husay sa paghawak sa mga alagang baka gaya ng paghuli at pagsakay sa
mga ito. Kasabay nito ang trade fair at pagtatampok at pagbenta ng mga baka at kabayo.
Ginawa ito noong tag-init ng 1993 sa lalawigan ng Masbate na tinaguriang “Cattle Country
of the Philippines.” Pinaka inaabangan naman ang kumpetisyon ng rodeo kung saan
nagsusuot ang mga kababaihan at kalalakihan ng damit ng cowboy at nanghuhuli ng mga
baka habang nakasakay sila sa kabayo o nasa lupa; ang pakikipagbuno sa baka; pagsakay
sa baka; ang karambola ng dalawang tao; at iba pang gawaing may kinalaman sa
pagmamando sa mga alagang baka.

18. ARAW NG DABAW

Ang Araw ng Dabaw ay isang taunang selebrasyon sa Davao bilang pasasalamat sa mga
biyayang tinatanggap ng siyudad. Kalimitang nagsisimula ang pagdiriwang tuwing ika-
labing anim ng Marso at tumatagal ng isang linggo. Noong ika- labing-anim ng Marso
taong 1936 naghain si Davao Assemblyman Romualdo Quimpo ng batas para malikha ang
Davao bilang siyudad sa takot na baka sakupin ito ng mga Hapon. Ngayong taon,
pampitumpu’t pitong taon nang ipinagdiriwang ang Araw ng Dabaw. Ang pagkakaisa raw
ng mga Dabawenyo ang dahilan kung bakit maunlad ang ekonomiya ng siyudad at kung
bakit kilala ito bilang lugar sa Pilipinas na may mayamang kultura, maraming pasyalan at
may sari-saring masasarap na pagkain. Idineklara ng Malacañang ang Marso 17, 2014,
Lunes bilang isang holiday para sa pagdiriwang ng Araw ng Dabaw. Sa bisa ng
Malacañang Proclamation bilang 735, naisakatuparan ito upang bigyang pagkakataon ang
maraming Dabawenyo na maipagdiwang ang kanilang pista.

19. PAGPAPAPAKO SA KRUS SA CUTUD

Sa paggunita ng Semana Santa, dinadagsa ang San Pedro Cutud sa San Fernando,
Pampanga upang masaksihan ang kanilang kontrobersyal na pagsasadula ng pasyon at
kamatayan ni Kristo. Kasama na rito ang pagsasadula ng pagpapako sa krus. Sa halos 54
na taong tradisyon nang pagpapapako ng mga tinaguriang 'Kristo' ng Cutud, ito ay dinarayo
na ng mga turista at lumikha na ng ingay sa telebisyon, mga pahayagan at pati na rin sa
Simbahang Katolika. Ang mga karatig na barangay ng Cutud tulad ng Brgy. Sta Lucia and
Brgy. San Juan ay may sarili ring programa sa tuwing sasapit ang Semana Santa.

20. SANDUGUAN FESTIVAL

Ang Sanduguan Festival o Pista ng Sanduguan ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing


ika-apat na linggo ng Abril sa isla ng Mindoro. Ipinagdiriwang ito bilang paggunita sa
unang barter sa pagitan ng mga Mangyan at mga mangangalakal na Tsino noong unang
panahon. Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa Sanduguan, isang kumpetisyon sa
pagsasayaw sa lansangan habang nakasuot ng makukulay na kasuotan na gawa sa mga
produktong matatagpuan sa lugar. Nagmula ang sanduguan sa salitang sandugo na
nangangahulugang “pagkakaibigan”. Tinutukoy din ng salitang sanduguan ang kasunduan
sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa Mindoro at mga mangangalakal na Tsino.

21. KADAUGAN SA MACTAN

Ang Kadaugan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong Abril 27, 1521. Natalo ng hukbo
ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng
Portuges na kapitan at eksplorer na si Fernando de Magallanes. Napatay ng mga tribung
sundalo si Magallenes, na nagkaroon ng alitang pulitikal at pagkakaribal kasama si Lapu-
Lapu.

22. PISTA NG TSINELAS


Malaki ang kahalagahang ibinibigay ng Pilipinas sa paggamit ng tsinelas at dahil dito, may
dalawang bayan sa bansa ang ipinagdiriwang ang Tsinelas Festival kung saan
ipinagmamalaki sa publiko ang pagsulong ng industriya ng tsinelas sa kanilang bayan:
Liliw, Laguna: Ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival ay ipinangalan sa nagtatag ng
lungsod na si Gat Tayaw. Ang pinakaunang selebrasyon ng kapistahan ay idinaos noong
Abril 5-7, 2002 upang isulong ang lokal na turismo. Lungsod Gapan, Nueva Ecija: Ang
Tsinelas Festival sa Lungsod Gapan ay idinaraos tuwing Agosto 6 hanggang 25. Ang
labingpitong araw na selebrasyon na ito ay pagbibigay halaga sa industriya ng tsinelas na
nagdudulot ng 500 hanggang 600 milyong piso bawat taon.

23. ARAW NG KAGITINGAN

Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang tuwing 9 ng Abril, ay isang taunang pista


opisyal sa Pilipinas na gumugunita sa katapangan at katatagang ipinakita ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa Imperyong Hapon sa kasagsaganng Ikalawang
Digmaan Pandaigdig. Ito din ay kilala bilang Araw ng Bataan at Corregidor.

24. PISTA NG MORIONES

Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang


Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip
sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng
maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa
paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw
ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

25. PISTA NG MAGAYON

Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang
isang pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagmula sa pangalang
magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding ito ay bilang
pagbibigay parangal kay Nuestra Señora de la Porteria, ang patron ng Daraga. It ay isang
maalamat, makasaysayan at ralihiyosong pagdiriwang na naglalayong buhayin and kultura
ng mga mamamayan ng Daraga, Albay.

26. FLORES DE MAYO

Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong
buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa
buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na
huwarang kalinisan at kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang
nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada
Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga
lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.

27. PISTA NG BINATBATAN

Ang Pista ng Binatbatan ay ang pinakatampok na programa sa taunang Pista ng Sining ng


Vigan o Viva Vigan Festival of Arts. Lahat ng tao, mapa-residente man o turista ay
nakikilahok sa pagsayaw. Ang mga kasapi ay gumagamit din ng makukulay na mga
kasuotan at Abel at maging mga patpat ng kawayan sa pagsasayaw. Isa ang Pista ng
Binatbatan sa mga dahilan kung bakit dinarayo ng maraming lokal at banyagang turista
ang Vigan sa Ilocos Sur. Daan-daang residente at turista ang nagkukumpulan sa kalye ng
Crisologo na puno ng mga ansestral na tahanan upang masilayan ang iba't ibang tampok
na programa ng nasabing pista. Isang linggong puno ng kasiyahan at pagdiriwang ang Pista
ng Binatbatan kasabay ng ibang pagdiriwang tulad ng Pista ng Longanisa na kung saan
sikat rin ang Ilocos at ang Amazing Heritage Race.

28. PISTA NG PAHIYAS

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa


Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil
sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang
selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san
Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling
ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang
nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

29. PISTA NG KALABAW

Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng


paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan
dito ng parangal ang halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga
nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija
at sa Pulilan, Bulacan.

30. RITUWAL NG OBANDO

Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay parangal
sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18
para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong
ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan. Ang pagdiriwang na ito ay dinarayo ng libu-
libong deboto at banyagang turista upang mag-obserba at ang iba naman ay upang
makilahok. Ang mga tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay dumadayo sa Obando sa
kagustuhang mabuntis at magka- anak at makilala ang makakapareha sa buhay.

31. ARAW NG KALAYAAN

Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap


tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas.

32. TAONG PUTIK FESTIVAL

Ang Taong Putik Festival ay isang taunang pista ginaganap tuwing Hunyo sa Bibiclat,
Nueva Ecija kung saan ang mga deboto ay magbabad ang kanilang sarili sa putik at
masakop ang kanilang mga katawan na may pinatuyong dahon ng saging upang
ipagdiwang ang kapistahan ng Saint John the Baptist. Ang patong ng putik at mga dahon
ay isang gawa ng kapakumbabaan at pangungumpisal. Ayon sa ilang mga matatanda sa
bayan, ang pagdiriwang na ito ay isang pagtulad ng papel ng propeta na ang buhay ni
Jesucristo, kung saan siya ay upang itago ang kanyang sarili para ma-binyagan ang Anak
ng Diyos.

33. PARADA NG LECHON

Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan,
Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng
mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada
nito sa buong bayan.Ang pagbibihis sa lechon ay babatay sa temang paghahandaan ng
bawat organisasyon, baranggay na makikilahok sa pagdiriwang. Sa gabi bago ang parada,
pinipili at pinaparangalan ang magwawaging binihisang lechon at tataguriang 'lechon
queen'. Sa mismong araw naman ng bago ang parada'y isang misa ang isasagawa sa
Simbahan ng Immaculada Concepcion.

34. PISTA SA KALIGUAN

Ang Pista sa Kaliguan ay ginaganap upang gunitain si San Juan Bautista tuwing ika-22
hanggang ika-24 ng Hunyo. Kilala ang pista para sa patimpalak upang makoronahan ang
Perlas ng Kaliguan. Ang Pista ng Kaliguan ay ginaganap sa dalampasigan at dahil dito ay
maraming mga kasiyahan gaya ng pagsasayaw sa buhangin at kung anu- ano pang mga
mapagkakaabalahan.

35. PISTA NG PINTADOS


Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang
pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang
"Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni
Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga- Leyte ay ipinagdiriwang ang
nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa
pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.

36. ARAW NG MAYNILA

Ang Araw ng Maynila ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo upang gunitain ang
proklamasyon sa siyudad noong 1571 bilang kabisera ng kolonya ng Espanya sa Pilipinas.

37. KINABAYO FESTIVAL

AngKinabayo Festival na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 25 sa Dapitan City Zamboanga del


Norte Pilipinas ipagdiwang ang isang mahiwaga at makulay na pageant muling nakakabisa
ang Spanish-Moorish wars, higit sa lahat ang Labanan ng Covadonga kung saan ang
Espanyol pwersa sa ilalim ng Pangkalahatang Pelagio kinuha ang kanilang huling stand
laban Saracan. Sila ay mag-agawupang ibagsak ang tide sa pamamagitan ng mapaghimala
espiritu ng St. James. Ang pagdagdag ng mga lokal na kulay at pagkamakabago ay ginawa
na ito taunang pagdiriwang ng isang popular na-akit na pinagsasama-libo ng mga tourists
sa Dapitan City.

38. PAGODA FESTIVAL

Ang Pista ng Pagoda ay isang tradisyunal na pagdiriwang na ginagawa sa bayan ng Bocaue


sa Bulacan bilang pasasalamat sa patron nito na si San Francisco ng Assisi. Ipinagdiriwang
ito tuwing unang Linggo ng Hulyo. Tinawag itong Pagoda Festival dahil sa ipinuprusisyon
ng isang malaking pagoda o balsa kung saan nakasakay ang mga deboto ng santo.
Naglalakbay ang balsa sa ilog ng Wawa. Nakikiganyak na sumama ang mga deboto sa
pagoda sa paniniwalang magiging mas maayos ang kanilang mga buhay at magigigng
swerte sila sa kabuuan ng taon. Kaya nga ba't ito ay tinuring na isang panata.

39. BANIG FESTIVAL

Ang Pista ng Banig ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa Badian, Cebu tuwing
ika-5 ng Hulyo. Tampok sa pagdiriwang ang kultura, tradisyon at produkto ng mga
Cebuanong Badianganon

40. ARAW NG PASIG

Ang Araw ng Pasig ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Hunyo upang gunitain ang mga
pangyayaring nagpabago sa kasaysayanng Lungsod ng Pasig. Itinuturing na pista-opisyal
ang araw na ito at karaniwang walang pasok sa lahat ng pampubliko at pampribadong
sektor na nasasakupan ng lungsod.

41. SINULOG DE TANJAY FESTIVAL

Ang Sinulog de Tanjay Festival o "Saulog de Tanjay" ay ginaganap tuwing Hulyo 24, ang
araw bago fiesta ng lungsod. Bago, ito ay kilala bilang "Sinulog" ngunit napalitan ng
pangalan sa "Saulog" upang makilala ito mula sa Sinulog ng Cebu. Ang mga damit sinusuot
sa parada ay pagpapakita ng katutubong kasuotan, habang ang horsefighting pagtatanghal
re-enacts ang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at ang mga Muslim. Ang lokal ng Tanjay
ay binyagan ng mga Espanyol friars sa pangalan ng Saint James ang Greater nang sila'y
magsidating sa silangang baybayin ng Negros para sa isang relihiyosong paglalakbay-
dagat.

42. T’NALAK FESTIVAL


Ang Pista ng Tinalak o T'nalak ay ang araw kung saan ipinagdiriwang ang pagkakatatag
ng Timog Cotabato. Ang pista ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo sa Lungsod ng
Koronadal na siyang sentro ng lalawigan.

43. PALU-PALO FESTIVAL

Ang Palu-palo festival ay itinampok sa bayan ng Basco ito ay ginaganap taung tuwing
Agosto 08. Ito ay isang kultural na pagtatanghal ng mga munisipalidad ng Basco, Batanes,
pagpapakita ng kanilang mga etniko group 'ay masungit pa makasaysayan iral. Palu-palo
nangangahulugan sticks o arnis na ginamit sa pamamagitan ng mga katutubong Ivatan
upang labanan ang mga puwersa ng mga kolonisador tulad ng mga Kastila at ang mga
Olandes. Ang natives magsuot ng tradisyonal na suot ay gawa sa katutubong materyales
mula sa balat ng puno na kung saan ay pipi.

44. DINAGAT FESTIVAL

Ang Dinagat Festival sa Cordova ay isang karaniwang pagdiriwang ginaganap taun- taon
tuwing buwan ng Agosto sa iskaparate ang kabuhayan at pangingisda kultura ng
munisipalidad na ito. Dinagat ay bantog na may relihiyosong samahan sa paniniwala sa
panahon ng kapistahan ng patron ng bayan - San Roque.

45. BUWAN NG WIKA

Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon na ginagawa sa Pilipinas tuwing buwan ng


Agosto. Ito ay buong buwang pagdiriwang para sa kahalagahan ng opisyal na lenggwahe
ng bansa, ang Filipino (na dating tinatawag na “Tagalog”). Noong una, ito ay ginaganap
lamang sa loob ng isang linggo o tinatawag na “Linggo ng Wika” na ipinagdiriwang simula
Agosto 13 hanggang Agosto 19. Ito ay pinalawig ng dating pangulo na si Fidel V. Ramos
sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 na nagkaroon ng bisa noong Enero 15,
1997.

46. KADAYAWAN SA DABAW

Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa


masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng
Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig
sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga
bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy
sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

47. ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang Bayani tuwing huling linggo ng Agosto
bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t ibang personalidad na lumaban at
nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas. Kabilang na rito ang mga pangalang nakalimutan
na sa kasaysayan.

48. BATTLE OF PINAGLABANAN

Sa pook na ito naganap ang makasaysayang labanan ng mga Pilipino at Kastila noong 30
Agosto 1896. Dito unang sumalakay ang mga Katipunero sa pamumuno ni Andres
Bonifacio at Emilio Jacinto. Sa labanang ito na kinasawian ng 153 Katipunero, ipinakilala
ng mga Pilipino na handa silang mag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan ng
Inang Bayan.

49. PEÑAFRANCIA FESTIVAL

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng


Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng
Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng
pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa
selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng
mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga
nakakasiglang kumpetisyon.

50. HINUGYAW FESTIVAL


Ang Hinugyaw Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod Koronadal bilang
pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang lungsod na noo'y Marbel Settlement District
noong 1940. Nagkakaroon ng parada, pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro,
paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng
Koronadal.

51. SARAKIKI-HADANG FESTIVAL

Calbayog City sa Western Samar nagdiriwang Sarakiki-Hadang Festival tuwing Setyembre


7. Ang pagdiriwang na ito ay kumakatawan sa mayamang kultura at etniko kasaysayan ng
bayan. "Sarakiki" ay isang lokal na termino sa Calbayog na naglalarawan ng iba't ibang
mga paggalaw ng isang tandang bilang ito sumusubok upang akitin ang pansin at
gayumahin ang isang inahing manok sa panahon panliligaw.

52. TUNA FESTIVAL

Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng industriya ng tuna sa General Santos, ay


ipinagdiriwang ang Tuna Festival tuwing buwan ng Setyembre. Sa pamamagitan ng iba’t
ibang mga gawain at aktibidades ay naipapakita ang pangunahing pinagmumulan ng
pinagkakakitaan mula sa tuna ng mga residente ng naturang lugar.

53. PARADA NG KAKANIN / FESTIVAL OF NUESTRA SENORA DE ARANZAZU

Ang Parada ng Kakanin ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-9 ng


Setyembre sa Lungsod ng San Mateo, Rizal. Ipinaparada nila ang kanilang ginawang
kakanin at ipinamimigay sa mga tao at mayroon din upang ialay sa kanilang Nuestra. Ito
ay pinamamahalaan ng simbahan sa tulong ng mayor, lokal na pamahalaan, at kapulungan
ng turismo. Ngayon taong 2009, ipagdiriwang ng San Mateo ang ika-305 taon ng Parada
ng Kakanin.

54. BURDANG LUMBAN FESTIVAL

Ang Burdang Lumban Festival o kilala rin bilang Burdang Festival ng Lumban, Laguna ay
ipinagdiriwang tuwing ika-21 ng Setyembre taun- taon upang ipagmalaki ang pangunahing
industriya ng Lumban. Pagbuburda ang kanilang kahusayan gamit ang maselang tela ng
pinya at husi. Isa rin itong selebrasyon bilang pagpupugay sa sinaunang sining ng
pagbuburda maging ang kagalingan at pagiging malikhain ng naturang mga residente.

55. LA NAVAL FESTIVAL

Ang La Naval Festival ay isang selebrasyon na ginaganap tuwing ikalawang Linggo ng


Oktubre sa simbahan ng Sto. Domingo sa Quezon City. Ang pagdiriwang na ito ay
nakasentro sa imahen ng Mahal na Birheng Maria ng La Naval, na nililok noong 1593. Ang
imahen ay ibinigay bilang isang regalo sa mga paring Dominikano noong panahong iyon.
Pinalamutian ito at inilagay sa isang karwaheng kahugis ng barko. Tuwing kapistahan,
ipinaparada ang imahen sa labas ng simbahan, kasunod ang ilang imahen ng mga santong
Dominikano. Umiikot ang prusisyon sa mga kalyeng pumapalibot sa simbahan ng Sto.
Domingo. Ibabalik naman ang imahen sa simbahan at ilalatag itong muli sa altar sa gitna
ng palakpakan ng mga dumadalo.

56. LANZONES FESTIVAL

Ang Lanzones Festival ay isang taunang selebrasyon ng pasasalamat dahil sa masaganang


ani sa Isla ng Camiguin. Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito tuwing ikatlong
linggo ng Oktubre, sa panahon nang pag-ani sa prutas na lanzones.

57. INASAL/HALAD FESTIVAL


Isang pagdiriwang ng Talisay, Cebu City patrona 'Sta. Teresa de Avila. Ito ay naglalayong
upang itaguyod ang lungsod bilang isang tourist spot. Ito ay iskaparate mga gawain tulad
ng sports fest, street dancing, parada ng mga dakilang higantes, na nagtatampok ng mga
sikat na "Inasal" o lechon. Talisay ay pinakamahusay sa inihaw na baboy - golden brown,
crispy balat, masarap na karne pinalamanan mula herbs. Ang mga tao ng Talisay
ipagdiwang ang kapistahan bilang pasasalamat sa blessing na natanggap. Ito ay isang
maligaya ambiance pagkain sa paligid ng sulok na may tulad na mga masasarap na pagkain
tulad ng lechon at Inasal.

58. LA HERMOSA FESTIVAL

Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa


Zamboanga bilang pagbibigay-pugay sa milagrosong imahen ng Ating Babae ng Pilar sa
Fort Pila. Naniniwala ang mga taga- Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen
sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar. Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang
fiesta, kung saan isinasagawa ang novena, paputok, parada, kultural na pagtatanghal,
regatta, at ang parada ng Miss Zamboanga.

59. MASSKARA FESTIVAL

Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang
isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Unang ginanap ang MassKara
Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan
ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang
musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong
panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan.
Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay
“marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin
ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang
pagdiriwang.

60. KIDAPAWAN FRUIT FESTIVAL

Kilala ang Kidapawan sa tawag na City of Fruits at ipinagdiriwang tuwing buwan ng


Agosto ang Timpupo Festival o piyesta ng mga prutas. Nagsisimula ang pagdiriwang sa
isang Fruit Float Parade, isa sa mga pinananabikan at inaabangang bahagi ng selebrasyon.
Libu- libong tao ang nagtutungo sa ipinagmamalaking kapital ng lalawigan ng Cotabato
upang saksihan ang naturang kasayahan at makilahok sa pagdiriwang ng masaganang ani
ng prutas sa lungsod ng Kidapawan.

61. PINTAFLORES FESTIVAL

Ang Pintaflores Festival ay isang pagdiriwang na idinaraos taun-taon sa lungsod ng San


Carlos sa Negros Occidental tuwing ika-5 ng Nobyembre. Ginawa ito upang magkaroon
ng sariling pagkakakilanlan ang lugar sa larangan ng mga pagdiriwang at kasiyahan.
Ipinagdiriwang ang Pintaflores bilang paggunita at pagpaparangal kay San Carlos
Borromeo, ang patron ng lungsod. Idinaraos ng mga taga-San Carlos ang pagdiriwang sa
pamamagitan ng pagsasayaw at pagpaparada sa mga pangunahing kalsada ng lungsod na
nakasuot ng makukulay na pananamit na pinalamutian ng iba't ibang disenyo ng bulaklak.

62. HIGANTES FESTIVAL


Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang
tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para
kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga
lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na
nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari
sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga
“higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang
labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong
Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

63. GIANT LANTERN FESTIVAL


Ang Giant Lantern Festival ay ang taunang selebrasyon sa pagdi-displey ng mga mala-
higante at makukulay na mga parol kung saan ipinagmamalaki dito ang abilidad at husay
ng mga manggagawa ng parol sa bayan ng Pampanga. Ito ay isinasagawa sa Lungsod San
Fernando, Pampanga, kilala bilang Christmas Capital of the Philippines. Sa kasalukuyang
taon, ang "Ligligan Parul 2008", maaasahan ng mga bisita ang pagpapalabas ng mga parol
na may laki ng hanggang 15 metro ang taas, gamit ang 16,000 bumbilya, ang sayaw ng
mga makukulay na ilaw, kasabay sa indayog ng mga Pamaskong awitin. Ang mga barangay
na kasali sa pagdiriwang na ito ay ang San Jose, Dolores, Sat. Lucia, Sto. Rosario, Sto.
Nino San Felipe, San Juan, San Nicolas at San Felipe.

64. MAYTINIS FESTIVAL

Isang orihinal na tradisyon sa Kawit, isang dramatic retelling ni Santa Mariang Birhen at
paghahanap ni Jose sa bethlehem para sa isang lugar upang manatili na tinatawag na
"Panunuluyan". reenactment Nangyayari ito sa mga kalye ng Kawit na may iba't ibang
floats depicting iba't ibang bibliya eksena mula kay Adan at Eba hanggang sa Mary at
Joseph. Ang "Panunuluyan" tumatagal sa lugar ng ilang mga bahay at tapos na sa pag-awit
hanggang umabot sa 300 taon ang St. Mary Magdalene Church of Kawit kung saan ang
Birheng Maria at Joseph ay tinatanggap sa pamamagitan ng mga anghel sa isang higanteng
"belen" (Nativity Scene) na kung saan ay sumasaklaw sa buong retablo o Altar ng
simbahan. Ang mga kanta ginanap sa pamamagitan ng mga anghel kumilos sa
pamamagitan ng maliit na batang babae ay halos sa Espanyol at Tagalog.

You might also like