Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FLORANTE AT LAURA BUOD

Pag-aalay kay Selya

Nagugunita ni Francisco ang masasaya at malulungkot na sandali ng kanilang lumipas na panahon ni Selya.
Kinatatakutan ni Francisco na baka makalimot si Selya sa kanilang pag-iibigan sapagkat noong mga
panahong iyon siya ay nakakulong, samantalang si Selya naman ay malaya. Ayon kay Balagtas kailanman
ay di niya malilimot ang masasayang araw nila ni Selya na naging daan ng kanilang pagmamahalan. At
ngayong siya ay namimighati sa bilangguan ang tangi lamang nakaaaliw sa kanya ay ang paggunita sa
larawan ni Selya sa inilimbag niya sa kanyang puso, isip at damdamin.

Naaalala rin ni Francisco ang mga lugar sa kanilang pinagtatagpuan noong sila ay matamis na nagsusuyuan,
gaya ng ilog Beata, puno ng mangga at ilog Makati, dito ay sinasariwa niya ang matamis nilang suyuan.
Kaya siya ay nagsisisi kung bakit di pa niya naitanan si Selya noong panahong iyon. Sana’y din na naagaw
ni Mariano Kapule. At siya ay napapaiyak kung nagugunita niya ang nangyari sa kanyang buhay, lagi niyang
hinahanap si Selya na nagdulot sa kanya ng libong kaligayahan, sana daw ay din na sila nagkahiwalay. At
dahil sa kanyang mga kasawian ay naisip niyang sulatin ang “Florante at Laura” na si Selya ang naging
inspirasyon at dito ay inilarawan niya ang tinamong kasawian kay Selya.

Sa Babasa Nito

Isang pasasalamat ni Francisco sa sino mang babasa ng tula at magpapahalaga nito. Hinihiling niyang
subukang unawain ang malalim na wikang ginamit dito dahil kung susuriin ng husto ay malalamang ito ay
malinaw at wasto.

Kabanata 1: Ang Gubat (saknong 1-7)

Sa labas ng Reynong Albanya, may isang gubat na madilim at masukal, dahil sa malalaking punongkahoy at
makapal, na dawag ng araw ay di makasikat, kaya ang kapanglawan ay laganap sa loob ng gubat, ang mga
hayop na dito ay gumagala, karamiha’y sierpe, hyena, leon at tigre.

Kabanata 2: Ang Binatang Nakagapos (saknong 8-24)

Isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang
Albanya. Ang binatang ito ay si Florante. Tiyak na kamatayan ang kinabibingitan ng kanyang buhay sa
dahilang hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili.

Sa Albanya mayroong masasamang-loob ang iniluklok sa trono. Dahil sa pag-iimbot ni Konde Adolfo sa
korona ni Haring Linseo at sa kayamanan ng ama ni Florante na si Duke Briseo, sinabugan niya ng
kasamaan ang kaharian.

Kabanata 3: Alaala ni Laura (saknong 25-32)

Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung ito ang gustong mangyari ng
Maykapal. Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng kanyang minamahal sa si Laura. Di niya
maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at iniisip niya na baka agawin si Laura ng kanyang karibal na si
Adolfo.

Kabanata 4: Daing ng Pusong Nagdurusa (saknong 33-54)

Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang kanyang
paghihimutok.

Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang bandang may
letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang dumating siya na may munting galos, agad
ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y tinatanong niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang lahat ng pag-
aaruga ni Laura sa kanya.

Kabanata 5: Halina, Laura (saknong 55-68)

Tanging hiling ni Florante ay makita muli si Laura at siya'y arugain at damayan sa kanyang mga sakit tulad
ng nakaraan. Halos sumuko ang puso ni Florante sa dahas ng panibugho lalo na kung naguguniguni niya sa
si Laura ay humilig na sa kandungan ni Konde Adolfo. Para kay Florante ay matamis pa ang mamatay kaysa
makita niyang si Laura ay nasa ibang kamay.
Hindi makapaniwala si Florante na si Laura ay magtataksil sa kanya dahil ang kagandahan ni Laura ay
itinulad niya sa Langit. Kaya ang paniwala niya ang pag-ibig nito ay kasingtibay din ng Langit. Kailan man ay
di pumasok sa kanyang gunita na ang kagandanhan ay malapit sa tukso at hindi kataka-taka na madaling
mahulog sa tukso. Para kay Florante ay higit niyang nanaisin na ipagkaloob sa kanya ni Adolfo ang lahat ng
kahirapan sa mundo kaysa inagaw sa kanya si Laura na kanyang irog. At dahil sa paghihirap ng kalooban ni
Florante, siya ay nawalan ng malay, siya ay napayukayok sa punongkahoy na kinagagapusan at siya ay
nagmistulang bangkay.

Kabanata 6: Ang Gererong Taga Persia (saknong 69-82)

Nagkataon namang sa gubat ding iyon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na umalis sa sariling
bayan dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa kanyang kasintahan. Sa lilim ng
punong kahoy siya'y umupo at lumuluha habang binabanggit ang pangalan ng kanyang mahal na si Flerida.

Sinambit ni Aladin laman ng kanyang puso at diwa: "O pagsintang labis ng kapangyarihan,sampung mag-
aama'y iyong nasasaklaw;'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang!"

Kabanata 7: Pag-aalaala sa Ama (saknong 83-97)

Ang mga panaghoy ng nakagapos na tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan: ang
pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan; ang akala
niyang pagtataksil ni Laura; ang pagpatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama; ay
nadinig lahat ng gererong Moro kaya tinunton niya ang boses na pinanggagalingan ng panaghoy.

Kabanata 8: Paghahambing sa Dalawang Ama (saknong 98-107)

Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante dahilan sa isang Morong na nakikinig sa kanya. Nabatid niyang
napaiyak ang Moro dahil sa ang kanyang sinisinta ay inagaw ng sariling ama. Samantalang si Florante
naman ay namaalam na kay Laura at pinagdasal na sana ay maging masaya ito sa piling ng iba.

Kabanata 9: Sa Harap ng Dalawang Leon (saknong 108-125)

Samantala, mayroong palapit na dalawang leon, na sa pagkakita pa lamang ay parang nais nang kainin si
Florante. Tila napatigil ang mga leon at nakalimutan ng mga ito ang kanilang tangkang pagkain sa kanya.
Sa pagkakataong iyon, nagpaalam na si Florante sa Albanya, na puno na ngayon ng kasamaan at kanyang
minamahal na si Laura. Wala siyang naisip kundi ipagtanggol ang kanyang bayan subalit di niya inaasahang
ganoon na lamang ang kahihinatnan ng kanyang pagsasakripisyo sa bansa dahil ipapakain lang pala siya sa
dalawang leon.

Kabanata 10: Ang Pagsaklolo (saknong 126-135)

Hindi nagdalawang-isip si Aladin na sagipin si Florante, na nakatali sa puno at nawalan ng malay. Bagama’t
magkaaway ang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon, agad niyang pinatay ang dalawang leon na
nakaabang lapain si Florante.

Kabanata 11: Mabuting Kaibigan (saknong 136-145)

Pagkatapos patayin ang mga leon, agad kinalagan ni Aladin si Florante na sa sandaling iyon ay wala pang
ulirat. Nang magkamalay, ang naging bukambibig ay ang kanyang sinisintang si Laura.

Kabanata 12: Batas ng Lahat ng Relihiyon (saknong 146-155)

Nang matauhan si Florante, sinabi ni Aladin na huwag siyang mag-alala dahil ligtas na siya. Sa di inaasahan,
sinabi niya sa gererong Moro na sana ay hinayaan na lamang siyang mamatay. Hindi akalain ni Aladin na
ganito ang sasabihin ng binata sa kanya.

Kabanata 13: Ang Magkaibigan (saknong 156-172)

Inalagaan ni Aladin si Florante ng magdamag. Pinakain ng kanyang baon ang dalawang araw na nakagapos
sa gubat, bago dinatnan ng saklolo o tulong. Ito'y binantayan ng Moro habang natutulog dahil sa laki ng
panghihina ng katawan. Sa pagkagising ni Florante ay pinagsaulian ng kaunting lakas. Lubos na
nagpasalamat sa Maykapal at sa kanyang tagapagligtas na butihing kalaban. Tinanong ng Morong si Aladin
kung ano ang suliranin o problema sa buhay ni Florante. Hangad daw ng Moro na makatulong siya.

Kabanata 14: Ang Kabataan ni Florante (saknong 173-196)


Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Na sanggol pa lamang siya sa bakasyunang malapit sa bundok
ng kanyang mga magulang na Duke Briseo at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay muntik sa siyang dagitin ng
isang buwitre na mabuti na lamang ay napana ng pinsan niyang si Menalipo na taga-Epiro. Ang kanyang
ama ay tagapagpayo ni Haring Linseo ng Albanya. Kaya’t kahit na siya ay anak ng prinsesa sa Krotona, siya
ay isinilang sa Albanya. Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay sinambilat ng isang alkon ang kwintas
niyang may palawit na diyamante o kupidong diyamante. Noo’y bago pa lamang siyang lumalakad (ang
alkon ay isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit sa makikintab o kumikinang na mga bagay). Nang siyam
na taong gulang siya’y pamana ng ibon at ibang mga hayop ang kanyang libangan.

Kabanata 15: Pangaral sa Magulang (saknong 197-204)

Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya dahil kapag ito'y namihasa, kapag lumaki
na ay mahihirapan. Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin at maramdamin.

Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11 taong gulang upang doon ay mamulat ang
kanyang kaisipan.

Kabanata 16: Sa Atenas. Si Adolfo (saknong 205-214)

Ang guro ni Florante sa Atenas ay si Antenor, isang mabait at matalinong guro doon. Sa Atenas niya nakilala
ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, at ng
kanyang mga kamag-aral dahil sa katalinuhan at kagandahang-asal nitong pinapakita.

Kabanata 17: Kataksilan ni Adolfo (saknong 215-231)

Sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo kaya’t lumabas ang tunay
na pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula sa palatuntunan ng kanilang
eskwela. Ito’y tungkol sa magkakapatid na sina Etiocles (ginanap ni Florante) at Polinese (bahagi ni Adolfo)
na naglaban ng espadahan upang mapasiyahan kung sino sa dalawang prinsipeng mga anak ni Reyna
Yocasta (papel ni Menandro) ang papalit sa namatay nilang ama na si Haring Edipo. Sa kunwaring
ispadahan na ito, talagang matitinding taga ang hinandulong kay Florante ng may masamang balak na si
Adolfo. Mabuti na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang espada ni Adolfo at ang
kataksilan niya’y nabigo. Kinabukasan ay lumisan sa Atenas at umuwi sa Albanya ang napahiyang si Adolfo.
May hangad pala itong maagaw si Laura kay Florante na siyang iniibig ng dalaga upang maging hari kung
maging reyna na si Prinsesa Laura, sakaling yumao o mamatay si Haring Linseo.

Kabanata 18: Kamatayan ng Isang Ina (saknong 232-239)

Namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng isang liham mula sa Albanya.
Ibinalita ng kanyang ama na pumanaw na ang kanyang ina. Laking sama ng loob ang idinulot nito kay
Florante.

Kabanata 19: Paalaman at Habilin (saknong 240-253)

Pagkaraan pa nang dalawang buwan, may sasakyang lumunsad sa pantalan ng Atenas na may pahatid-
liham mula sa ama ni Florante na nagsasabing siya daw ay umuwi agad sa kanyang bayang Albanya.
Nagpaalam siya sa kanyang gurong si Antenor at ito nama’y nagpaalalang siya’y mag-ingat sa banta sa
kanyang buhay. Pinayagan ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante na yumayakap sa kanya ng
mahigpit nang siya’y magpaalam sa kanyang amain.

Kabanata 20: Pagdating sa Albanya at Paghingi ng Tulong ng Krotona (saknong 254-263)

Pagdating sa Albanya ay sinalubong sila ng kanyang ama. Kapwa sila namighati sa nangyari sa kanyang ina.
Siya namang pagdating ng sugo mula sa lolo ni Florante na hari ng Krotona, nanghihingi ng saklolo
sapagkat ang bayan nila ay sinalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.

Kabanata 21: Heneral ng Hukbo (saknong 264-274)

Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linseo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay
napagpasiyahang si Florante ang mamumuno sa hukbo ng Krotona.

Kabanata 22: Si Laura (saknong 275-287)

Nakilala at naakit si Florante sa kagandahan ni Laura, anak ni Haring Linseo.

Kabanata 23: Isang Pusong Sumisinta (saknong 288-295)


Nagkaroon ng tatlong araw na piging para kay Florante. Sa piging na iyon ay sandali lamang silang
nagkasarilinan ni Laura at ipinahayag ang kanyang damdamin sa dalaga. Nang pupunta na si Florante
upang makidigma, nagbaon ng luha si Laura sa kanyang pag-alis.

Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Osmalik (saknong 296-313)

Sa digmaan, halos masira na ang kuta nila. Si Florante at Menandro ang kapwa nagtulong mamuno sa
hukbo. Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng limang oras na paglalaban ay nagapi niya ito.
Nabawi nila ang kaharian ni Haring Linseo.

Kabanata 25: Pagbabalik sa Albanya at Pagsagip Kay Laura (saknong 314-323)

Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkat sabik na
sabik na siyang makita si Laura. Pagdating nila sa Albanya ay namangha siya sapagkat ang bandilang
nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga Moro. Niligtas ni Florante si Laura sa kamay ng isang
pangkat ng mga Moro na magpaparusa at pupugot ng ulo sa kanyang kasintahang si Laura dahilan sa
pagtanggi nito sa pagsuyo ng Emir o gobernador ng mga Morong sumasakop sa kanilang bayan.

Kabanata 26: Ang Pagtataksil ni Adolfo (saknong 324-343)

Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at nailabas sa piitan ang hari, ang kanyang ama at si
Adolfo, na ikinulong sa karsel ng palasyo kasama ng ibang kaginoohan sa Albanya. Labis ang kagalakan
ng hari at si Adolfo lamang ang nagdadalamhati sa kapurihang tinanggap ni Florante. Muling sinalakay ng
pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga kalaban. Labimpitong kaharian pa
ng mga Moro ang pinagtagumpayan nila ni Menandro. Sa Etolya, may sulat na nagtatagubilin kay Florante
ang Haring Linceo na iwanan ang hukbo kay Menandro at umuwing nag-iisa sa palasyo nito. Hindi niya
akalain na pagdating niya ay dinakip agad siya ng may 30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyang
ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay
pakana ni Adolfo. Nalaman din niyang malapit nang ikasal si Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais na niyang
mawalan ng sariling buhay.

Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin (saknong 344-360)

Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at saka dinala siya sa nakalulunos na gubat at iginapos sa
punong kinatagpuan sa kanya ng Morong si Aladin. (Dito nagwakas ang salaysay ni Florante.)

Pagkatapos ni Florante sa kanyang kuwento ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang naging
karanasan sa buhay. Anak siya ni Sultan Ali-adab ng Persya, at siya ang namuno sa hukbong Persyano na
kumupkop sa Albanya. Ngunit pagkatapos ay nilisan niya ang bayan ni Florante upang umuwi sa kaharian
ng kanyang ama. Ipinakulong siya sa karsel ng palasyo nang malamang siya’y lumisan sa kanyang hukbo.
Nang mabalitaan sa Persya na nailigtas ni Florante ang Albanya, ay isinisi ito sa kanyang pagkakalisan sa
kanyang hukbo, kaya’t hinatulan siyang papugutan ng ulo ng kanyang sariling ama. Nguni’t isang heneral
ang nagdala ng patawad kay Aladin pero may pasubaling siya’y umalis na sa Persya kung hindi siya susunod
sa bagong utos na ito, buhay niya ang magiging kapalit. Mabigat ang loob na tumupad si Aladin sa
pagpapalisang ipinarusa sa kanya. May anim na taon na siyang naglalagalag sa iba’t-ibang lugar. Hanggang
sa masapit ang gubat na kinasasapitan ni Florante at siya’y iniligtas sa dalawang leon na sa kanya’y
sasagpang. Sa kanilang paglalakad papalabas ng gubat ay may nadinig silang dalawang tinig ng babaeng
nagsasalaysay.

Kabanata 28: Si Flerida (saknong 361-369)

Ang sabi ng isang babae, nang malaman niyang pupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan ay
pumayag na siyang pakasal sa sultan kapalit ng paglaya ng kanyang kasintahan. Pinawalan naman agad ito,
subalit nang gabi ding iyon ay nagbalat-kayo ang babae ng isang gerero at tumakas sa Persya upang
hanapin ang minamahal niyang si Aladin. May ilang taon ding siyang naglilibot hanggang sa sumapit sa
gubat at nasaklolohan ang kausap niyang babae.

Kabanata 29: Ang Sinapit ni Laura (saknong 370-392)

Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina Laura at
Flerida.

Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya na samantalang nasa ibang bayan si Florante – ang
pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot sa ulo ng hari at sa mga kabig nito. Sinabi niyang
pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipahatid ang nangyari sa Albanya subalit ang natanggap ni
Florante ay isang sulat na huwad sa ngalan ng haring ama ni Laura na mahigpit na nagbibiling umuwi
siyang nag-iisa sa Albanya. Dumating naman si Florante pagkaraan ng isang buwan. Ito ang naging paraan
kung paano nadakip si Florante ng mga kawal ni Adolfo. Ikinulong sa piitan at pagkalipas ng ilang araw ay
ipinadala sa gubat at doon ay ipinagapos. Samantala, humingi ng limang buwang taning si Laura upang
isaalang-alang ang mungkahing pagpapakasal ni Adolfo sa kanya. Sa katunayan ay inaantala lamang ni
Laura ang mga panahon upang makabalik si Florante. Kaya nang wala ng paraan upang mahimok si Laura
ay dinala ito sa gubat upang sana’y pagsamantalahan kundi lamang ito naipagtanggol ni Flerida. Sa
pagkakapana ni Flerida kay Adolfo, naging isa siyang bangkay.
Sa nadinig ni Florante at Aladin na kwento ni Laura at Flerida, nalinawagang hindi nagtaksil si Laura kay
Florante at hindi natuloy ang hanagrin ni Sultan Ali-adab kay Flerida.

Kabanata 30: Masayang Wakas (saknong 393-399)

Habang nag-uusap ang magkakasintahang pinagtagpu-tagpo ng mahiwagang kapalaran, siya namang


pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si Adolfo. Nangagsigawan sa tuwa ang hukbo nang
makitang buhay si Florante at Laura. Nagsibalik ang lahat sa palasyo. Hindi nagtagal at nakasal ang dalawa
at naging hari at reyna ng Albanya. Samantala, sina Aladin at Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang
dibdib din at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan dahil sa kumalat na balitang patay na
si Sultan Ali-adab. Mula noon ay natigil na ang pagdirigmaan ng Albanya at Persya. Naging kapuwa
matiwasay at maunlad ang kanilang nasasakupan.

You might also like