Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Skip to main content

Skip to primary sidebar


Skip to footer
TAKING THE 2020 PRINCIPALS’ TEST? Spend your vacant time reviewing with us anytime,
anywhere! - DOWNLOAD NOWClose Top Banner
Additional menu
TeacherPH LogoTeacherPHProfessional Learning Online Community of Teachers and for
TeachersMenu
You are here: Home / Buhay Guro / Social Networking Sites: Ang Mga Epekto Nito Sa
Mga Mag-Aaral
Social Networking Sites: Ang Mga Epekto Nito Sa Mga Mag-Aaral
By MARK KEVIN GABRIEL SANTOS · 5 COMMENTS

Share
Tweet
Facebook, Twitter, at Instagram. Marahil ay mayroon kang account sa isa sa mga
nabanggit na social networking sites. Siguro ay hindi kumpleto ang iyong araw kapag
hindi mo na-check ang iyong mga notifications sa iyong Facebook account, makapag-
tweet sa Twitter, at makapag-post ng litrato sa Instagram. Ang mga social
networking sites na ito ay bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay at naging
parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang mga ito na
produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating pagkatao.

Ikaw ba ay hindi nakakagawa ng takdang-aralin sapagkat inuuna mo pang bisitahin ang


iyong facebook account para tingnan ang mga notifications? O dili kaya’y naaagaw ng
Twitter at Instagram ang iyong oras sa halip na ilaan ito upang gumawa ng proyekto
na kailangan mo nang ipasa kinabukasan? Ang mga social networking sites na ito ay
may mga hindi magandang naidudulot sa mga mag-aaral na dapat pagtuunan ng pansin.
Ang pagbaba ng marka sa mga asignatura ay isa sa mga masasamang dulot ng paggamit
ng mga social networking sites na ito. Sa halip na mag-aral ang ilang estudyante,
inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-chat sa kanilang kaibigan. Bilang
epekto nito, sila ay nagka-cramming sapagkat ang mga araling hindi nila naaral ay
kanilang pinagtutuusan ng pansin sa mismong oras ng klase. Ang iba nga ay
nagpupuyat pa dahil hindi nila mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang mga
account. Ang resulta ay wala sila sa pokus habang sila ay nasa loob ng silid-
aralan. Physically present but mentally absent, ang sabi nga nila. Ang kanilang
mundo ay umiikot na lamang sa mga social networking sites na nagiging sanhi upang
hindi nila magampanan ang kanilang mga obligasyon bilang mga mag-aaral. Maging ang
kanilang aspetong pisikal ay lubos na naaapektuhan. Dati, ako ay namulat sa mga
larong pinoy: may lata at tsinelas ka lang sa tumbang preso at pang-guhit sa
harang-taga ay kumpleto na ang ang araw ko. Ang mga larong pinoy na ito ay tila
nawawala na sa kasulukuyang panahon sapagkat sila ay sinupil na ng mga produkto ng
teknolohiya na patuloy na pumapatok sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Dahil dito,
ang ilan sa mga kulturang Pilipino ay nabubura na sa ating makulay na kasaysayan.
Ang aspetong sosyal rin nila ay nawawala na sapagkat hindi na nila mabigyan ng
sapat na oras ang kanilang pamilya at kaibigan. Ang mga simpleng gawain tulad ng
pagkain ay tila nalilimutan na rin ng ilan sapagkat ang iba ay nasa alapaap,
pansamantalang kapiling ang kanilang mga “virtual” na kaibigan.

Sa kabilang dako, mayroon ding mga magagandang naidudulot ang mga social networking
sites. Ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook. Ginagamit nila ito upang
makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang takdang-aralin
kinabukasan. Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng mga
takdaling-aralin na ito. Sa pamamagitan din ng group chat, nagagawa nilang
makahingi ng lektyur sa kanilang mga kaklase at guro sa mas madaling paraan.
Nalalaman din nila ang mga mahahalagang anunsyo na kailangan nilang malaman. Ang
mga “applications” na maaaaring matagpuan at gamitin sa mga na nakapaloob sa mga
ito ay malaki rin ang naitutulong upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Sa
mabilis na paglipas ng araw, mayroong mga bata ang hindi na nakakapanood ng balita
sa telebisyon. Sa tulong ng mga social networking sites, maaari pa rin nilang
malaman ang mga mahahalagang balita na nangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang pagsulpot ng mga social networking sites sa buhay ng mga mag-aaral ay parte na
ng modernisasyon na siyang kailangan sa patuloy na pag-unlad ng bawat bansa. Ang
maayos na paggamit ng mga social networking sites ay mahalaga upang makatulong ang
mga ito sa lubos na pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Maging responsable sa
paggamit ng mga social networking sites. Nawa ay gamitin natin ang mga ito sa
tamang paraan na kung saan ay hindi nasasakripisyo ang ating pag-aaral. Maaari
nating gamitin ang mga ito upang mapataas ang ating mga marka sa iba’t ibang
asignatura. Nakakabuti rin ang paggamit ng social networking sites sa mga mag-aaral
ngunit kapag nasobrahan, ito ay labis na nakasasama sa kanilang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga social networking sites na may tamang layunin at
oras ay maiiwasan natin ang mga masasamang epekto na dulot nito.

Read:

Sa Likod ng Telon
Isang Tasa ng Pag-asa
Share
Tweet

FILED UNDER: BUHAY GURO


TAGGED WITH: SOCIAL MEDIA

About Mark Kevin Gabriel Santos


Mark Kevin G. Santos is a licensed teacher. He is a science enthusiast. He placed
7th during the September 2012 Licensure Examination for Teachers – Secondary Level.
He is currently teaching at Tabacao National High School in Talavera, Nueva Ecija.

Reader Interactions
Comments
Mary Dee says

FEBRUARY 22, 2017 AT 8:58 PM

kailan po ito na publish?

REPLY
MARK LLEGO says

FEBRUARY 23, 2017 AT 7:34 PM

Hi, 2016-04-07T18:54:45+08:00

REPLY
selle says

FEBRUARY 2, 2017 AT 11:17 AM

Anong taon po na publish?

REPLY
MARK LLEGO says

FEBRUARY 2, 2017 AT 12:47 PM

April 7, 2016 po maam.

REPLY
Miguel Cuerpo says

SEPTEMBER 12, 2016 AT 1:12 PM

good afternoon po, gusto ko po mag tanong kung ito lang ang nagiisang artikulo basi
sa epekto ng social media sa magaaral? mayroon po kasi akong research at nagustuhan
ko po ang iyong isinulat at magandang ang pinagmumulan nyo. salamat

REPLY
Leave a Reply
Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment

Name *

Email *

Website

Primary Sidebar
SEARCH
DepEd...
DepEd...
RECENT POSTS
Standard Display for All DepEd-Issued Laptops, Tablets, and LCD Monitors/Projectors
January 30, 2020
National Autism Consciousness Week 2020 Theme, Gameplan, and Calendar of Activities
January 27, 2020
Schedule of Early Registration for School Year 2020-2021 January 27, 2020
Consequences of DepEd “No Read, No Pass Policy” January 19, 2020
SEC Releases Official Advisory on Teachers Financial Coaching Program (TFCP)
January 14, 2020
FEATURED POSTS
Dear Duterte: Here’s What Teachers Really Want
An Open Letter to DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones
Common New Teacher Struggles (And How to Deal with Them)
Working Advice and Tips for New Teachers
The Unsupportive Co-Teacher: What is the Root?
Why Teachers Can’t Have a Normal Life?
Top Reasons Why Public School Teachers Should Get a Well-Deserved Salary Increase
Parent-Teacher Relationship and Cooperation: An Important Factor in Student’s
Quality Learning and Self-Development
Students and Parents Bullying Teachers: A Fast Spreading Disease
2020 Principals’ Test Online Review
Get it on Google Play
TeacherPH Online Review (Students’ Portal)
Get it on Google Play
2020 DepEd English Proficiency Test (EPT) Reviewer
Get it on Google Play
RECENT COMMENTS
Flor de Luisa Fontanilla on ERF Requirements for Teacher II & III
Kerra Caina E. Pano on How to Request for DepEd NCAE Duplicate Certificate of
Ratings (COR)
anthony on 2020 DepEd English Proficiency Test (EPT) Reviewer
rhaniel on 2019 DepEd WinS Program (PowerPoint PPT)
Chie on FULL TEXT: 105-Day Expanded Maternity Leave Law
Footer
TAKING THE 2020 PRINCIPALS’ TEST?
We provide an extensive and comprehensive review of the 2020 Principals’ Test. The
review period runs up to three months before the examination.

YES, TAKE ME THERE

FACEBOOK GROUP
FAN PAGE
PRINCIPALS’ TEST
ANDROIDS APPS

COPYRIGHT © 2020 TEACHERPH.COM · PRIVACY POLICY · TERMS OF SERVICE · COMMENT POLICY

You might also like