Kalinga Lubuagan Cadamayan Falls 2 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KALINGA (LUBUAGAN) (CADAMAYAN FALLS 2) #4


Sa Cordillera Administrative Region matatagpuan ang Probinsya ng Kalinga na maituturing na puso ng rehiyon. Ang Kalinga ay isang
pangkat-etniko at may lawak ng lupain na may sukat na 3,164.3 kilometrong parisukat na sumasakop sa labimpitong (17) porsyento ng Cordillera.
Noong mayo 2010 naitala ang bilang ng populasyon ng kalinga na umabot sa 201,613. Ang Kalinga ay binubuo ng pitong munisipalidad at isang
bayan/lungsod. Ang bayan ng Tabuk ang may pinakamalaking populasyon na umabot sa 103,912 bilang ng tao at itinuring bilang kapital ng Kalinga
dahil ito ang sentro ng kalakalan at industriya. Samantala ang bayan ng Tanduan ang may pinakamababang populasyon na umabot lamang sa
8,119. Ang Kalinga ay mayaman sa mineral na madalas makita sa munisipalidad ng Balbalan at Pasil kabilang ang “sulphur, gravel, at sand”.

Ang Lubuagan ay matatagpuan sa walong daan (800) metro sa itaas ng antas ng dagat. Mula sa orihinal nitong pangalan na
“Lubuangan” nangangahulugang “Mudhole” o kumunoy, na marami ang lugar na ito, ay binago at pinalitan bilang “Lubuagan” upang mas madaling
bigkasin. Noong Hunyo 5, 1963 ang Lubuagan ay kinilala bilang isang ganap na munisipalidad. Sa taong 1901 hanggang 1907 walang
organisadomg lokal na pamahalaan ang buong lugar. Kinilala bilang “Golden years” ng Lubuagan ang panahon sa pagitan ng “Colonial Civil
Government” at “Commonwealth Government”. Mayo 1932, ang bayan ng Tanuday ay nahiwalay sa Lubuagan bilang isa sa mga distrito nito. Ang
Lubuagan din ang unang nagtayo ng mataas na uri ng edukasyon sa buong probinsya. Kasabay ng pagdating ni Emilio Aguinaldo sa Lubuagan
noong ika-6 ng marso ay petsa rin ng kanilang kapistahan. Laga Festival ang tawag nila rito, mula sa salitang “Laga” nangangahulugang
paghahabi, kung saan mayaman ang lugar na ito. Ipinagdiriwang ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Maraming pasyalan ang makikita sa probinsya ng Kalinga partikular sa munisipalidad ng Lubuagan. Isa na rito ay ang Cadamayan
Falls. Ang Cadamayan falls ay isa sa pinagmamalaking pasyalan sa Lubuagan dahil na rin sa angkin nitong ganda at hiwaga. Kung kaya’t hindi
kami nagdalawang isip na mapuntahan ito. Mula maynila ay bumyahe kami pa-Tabuk, isa sa mga munisipalidad ng kalinga sapagkat walang
direktang sasakyan patungo ng Lubuagan kung saan nakalokasyon ang Cadamayan Falls. Inabot kami ng mahigit siyam (9) na oras sakay ng bus.
Nakakapagod ang byahe at nakakainip dahil na rin sa katagalan nito. Kami ay natulog na muna sa bus dahil mahabang habang byahe ang aming
susuungin. Makalipas ang mahigit siyam na oras ay nakarating na rin kami sa munisipalidad ng Tabuk ngunit hindi pa rito nagtatapos ang byahe.
Kumain kami saglit at agad agad na bumyahe patungo sa Cadamayan Falls. Mula Tabuk ay sumakay kami ng habal o motorsiklo patungo sa
Talon. Marami ring ibang alternatibong sasakyan patungo roon. Maari ring sumakay ng bus o jeep. Inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras ang
byahe mula Tabuk patungo sa Cadamayan Falls. Sa daan pa lamang ay nakita na naming ang kagandahan ng talon. Naibsan ang pagod at
pagkainip sa byahe nang marating na mismo ang Cadamayan Falls. Agad kaming naglakad sa basa at malambot na lupain sa kabuuan ng
Cadamayan Falls. Ako ay muntik pang madulas dahil sa mga lumot na pumapalibot sa naglalakihang bato na mayroon ito. Habang naglalakad ay
may nakita kaming mga kakaibang tubo ng halaman at mga balat ng ibat ibang hayop tulad ng ahas, suso, mga patay na insekto at iba pa. Mapuno
ang paligid ng Cadamayan Falls kung kaya’t nakakatakot lumakad magisa rito. Matatalim ang mga sanga at matataas ang tubo ng mga damo
dahilan upang di gaanong matanaw ang dinadaanan. Kumuha kami ng sangay upang pang-gabay sa aming nilalakaram. Nang makarating kami sa
mismong talon ako ay naginhawaan. Nakakamangha ang ganda ng nakita namin sa talon na ito. Hitik na hitik sa puno’t halaman na nagsilbing
nilamon ang buong talon dahil sa nagngangalit na kulay luntian na mayroon ito. Katulad ng ganda ng kulay ng mga puno ay ang linis at puti na
kulay ng talon habang bumubuhos sa pagitan ng mga bato. Sa hangganan ng talon kami nagbalak kumuha ng litrato. Doon ay di gaanong malinis
ang tubig dahil narin siguro sa kapal ng lumot ng mga bato ay nahawaan na nito ang kulay ng talon. Gayunman, hindi nito mababago ang
kabuuang ganda ng Cadamayan Falls. Pinili kong pumwesto malapit sa mga bato at halaman upang maganda ang tanawin sa pagkuha ng litrato.
Matapos nito ay kinuhaan ko naman ng litrato ang aking kasama. Hindi ko mapapalampas ang kagandahang mayroon ang Cadamayan Falls.

You might also like