Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

MAID AKO NG BOYFRIEND KUNG CASSANOVA

BY: MARIEL ORENSE

Matagal ng may gusto si Kae sa kanilang amo na si Kenneth


Salvador, lagi niyang sinasabi ang kanyang nararamdaman sa
kaniyang kakambal. Paano kung isang araw malaman niyang may
nagugustuhan ang amo nila pero akala niya ay siya pero ayun pala
ay ang kanyang kakambal na may lihim ding pagtingin kay
Kenneth.

Habang nagluluto ang kambal ay panay ang kanilang kwentuhan at


tawanan.

Kae: Ang gwapo talaga ni sir Kenneth


Faye: Hoi Kae, wala kang galang kay sir
Kae: sorry naman, crush na crush ko kase siya eh!
Faye: oh, siya tama na yan, tara na baka gutom na si sir
Kae: sige sige

Pagdating nila sa harap ng pinto ng amo nila, bahagyang sinabi ni


Faye sa kanyang kakambal na siya na ang magdadala papasok ng
pagkain sa kwarto.

Kae: pero!
Faye: wala ng pero, pero , baka mairita lang si sir
Kae: bakit naman?
Faye: Baka mamaya bigla mo nalang yakapin si sir
Kae: Hindi ko yun gagawin, wag kang mag alala
Sa kakakulit ni Kae sa kanyang kakambal ay napapayag niya din
ito. Pagpasok ng dalawa sa kwarto ng kanilang amo, namangha
ang dalawa sa ganda ng kwarto kaya hindi nila napansin na nasa
harap na nila ang kanilang amo.

Kenneth: Anong ginagawa ninyo dito?


“Uhmmm… sir dinalhan po namin kayo ng pagkain” kinikilig na sabi
ni Kae

Kae: eto sir! Enjoy your breakfast


Kenneth: Salamat!

Paglabas ng dalawa sa kwarto ni Sir Kenneth, nagtatalon bigla si


Kae.

Kae: Waahhhh… nagthank you siya sakin, ang saya diba? Sabay
alog kay Faye
Oo nga! naiiritang sagot ni Faye

Araw ng lunes, maagang gumising ang kambal para maghanda sa


kanilang pagpasok at mapagsilbihan ang kanilang amo, pinasabay
na sila ng kanilang amo sa pag uumagahan, habang kumakain
biglang nagsalita ang kanilang amo.

Kenneth: sakin na kayo sumabay mamaya, tutal isa lang naman


na school ang pinapasukan nating tatlo
Sige ba! Masayang sabi ng kambal.

Pagpasok pa lang nila sa universty, nagsigawan na ang mga


babae sa sobrang kilig.
Student 1: ahhhhhh… ang hot niya talaga!
Student 2: akin kana lang Kenneth!
Student 3: Be my boyfriend kenneth! Kahit gawin mo akong slave
okey lang!

Napatawa naman ang kambal sa mga pinagsasabi ng mga babae,


iritang irita naman si Kenneth, habang nakasunod sila kay Kenneth
biglang may bumulong na estudyante.

Chismosa 1: sino kaya yan


Chismosa 2: Feeling maganda!
Chismosa 3: siguro katulong yan ni kenneth, halata naman!
Hahhaha

Napikon si Faye sa mga chismoso’t, chismosang mga estudyante,


lalapitan niya sana ng pigilan siya ni Kae.

Faye: wag na! Mahinahon na sabi ni Kae sa kanyang kambal.


Faye: Sabi mo eh ! tara na nga!

Ang dalawang kambal ay pumunta na sa kani-kanilang room,


pareho silang third year pero nasa star section si Kae samantalang
ang kanilang amo ay fourth year na, pare-pareho silang college.
Labasan na nilang dalawa at pauwi na sana sila ng mabasa nila
ang announcement sa bulletin board.

Oh my god! May concert sila ngayun! Tara manuod yaya ni Kae


Faye: Maglilinis pa tayo ng bahay remember!
Kae: faye, sandali lang tayo dun please….
Faye: sige
Pagdating nila sa concert ng kanilang amo, ang daming fans na
nagsisiksikan at nagtutulakan sa sobrang kilig kaya hirap silang
sumingit.

Kae: Excuse me! Excuse me! Dadaan ang girlfriend ni Kenneth


Maarte 1: Ang kapal ah!
Kae: Anong sabi mo ?
Maarte 1: you’re so stupid
Kae: Stupid pala ah! Sabay tulak sa babae
Maarte 1: Ouchhhh… ano bang problema mo hah!
Kae: Wala akong problema, ikaw ang meron buti nga nag eexcuse
pa ako eh! Arte arte mo!
Maarte 1: How dare you call me maarte hah! You Freak!
Kae: Mas freak ka , kasi mukha kang aswang

Galit na galit naman ang babae samantalang utas na sa kakatawa


ang kambal habang palayo sa babae

Kae: HAHAHAHAHAHHA
Faye: Nakita mo yung mukha niya, bentang benta hahahha
Kae: Ako pa!

Hindi pa natatapos ang concert ay umuwi na ang kambal para


magluto ng dinner saka gutom na din sila plus inaantok na din.
Gabi na ng umuwi si Kenneth, bitbit niya sa likod ang kanyang
gitara, hindi na siya kumain dahil antok na siya plus pagod na din.

Kinabukasan:
Daily routine na ni Kae na gumising ng maaga para magluto at
maghanda na ng makakain, pagkatapos niyang magluto at
magbihis ng uniform, pumunta na siya sa kwarto nila para gisingin
si Faye

Uiiii…. gisinggggg… yugyog ni Kae sa kanyang kambal


Ano ba? Inis na sabi ni faye dahil nabitin sa kanyang pagtulog.

Kae: Morning!
Faye: Morning, teka ginising mo na si sir kenneth?
Kae: hindi pa, gigisingin ko pa lang
Faye: Ako na gigising
Kae: Sige

School

Nagkaklase na sina Faye, inip na inip siya sa kanyang klase, ganun


din si Kenneth, wala namang ginawa ang mga nasa unahan niyang
babae kundi hingin ang number niya hindi niya naman ito
pinapansin dahil ayaw niya sa mga babae na obssed sa kanya.
Dahil nga asar na asar na si kenneth sa mga nasa unahan niyang
mga babae at dahil bored na bored na din siya napagtripan niyang
lagyan ng bubble gum ang mga palda ng kanyang mga
kinaaasarang babae, tawa naman siya ng tawa kaya tuloy
napapangiti rin yung mga babaeng nasa unahan. Tinawag ng
teacher ang mga babae at pinasagot sa unahan, bigla naman
nagtawanan ang kanilang mga kaklase, napansin din naman ito ng
teacher nila.

Ano bang trip niyo sa buhay? Bakit may mga bubble gum sa palda
ninyo?
Mam! Hindi nga? Gulat na sabi nila sabay tingin sa likod ng palda
nila, hindi naman maipaliwanag ang mga reaction nila, tapos sa
sobrang priceless ng mukha nila napatawa na talaga ako, sabay
tingin naman sakin nung mga babae na nasa unahan at gigil na
gigil na talaga “ patay kang bata ka” bulong niya sa sarili.

Samantalang naglalaro na sina Kae, kagrupo niya sina Cathy,


Aimee, Kitty at iba pang kaklase, kalaban nila ang mga maaarteng
babae tapos yung iba pa ay varsity players, start na ng game nasa
kabila ang bola kaya alerto sila sa pagbabantay, si Kae naman ang
pinakaleader kumbaga, unang round natatambakan sila dahil nga
puro varsity ang kalaban nila, time-out mua kaya nagpulong muna
kami lahat.

Kae: Guys kailangan natin ng teamwork, maging alerto kayo


Team: Game!!! Fight for the win

Nagwhistle na yung referee ibig sabihin start na uli ng game kaya


naging alerto naman sila at nasa kanila naman ang bola, naka
3-points shot si Kae at sunod sunod na yun, nahahabol na nila ang
scores ng kalaban, sa last round nalamangan na nila ang kalaban
at sila ang nanalo, sobrang saya naman nila, nagpaalam muna si
Kae sa team niya para mag cr dahil nanlalagkit na talaga siya.

Sa kabilang banda naman, hingal na hingal na si kenneth dahil


patuloy parin siyang hinahabol nung mga weird na babae, na may
pagkalahing-kabayo pala dahil sa bilis tumakbo! Nakarating siya sa
girls restroom, hindi sana siya tatago doon kaso maaabutan na siya
talaga, kaya no choice siya kundi pumasok sa cr ng girls.

Pagkatapos ng game, dumiresto muna si Kae sa Girls Restroom


dahil nanlalagkita na siya, buti nalang walang tao. Naghihilamos
siya ng biglang kumalabong ang pinto, nagulat siya lalo na ng
makita si kenneth.
Kae: Anong ginagawa mo dito?
Kenneth: Itago mo ako bilis! May humahabol sakin
Kae: Sino?
Kenneth: Basta

Maya-maya narinig nilang nag uusap ang mga babaeng


humahabol kay kenneth.

Maarte 1: Kadiri talaga! yuckkkkk


Maarte 2 : Lagot talaga siya satin
Maarte 3: Kakalbuhin ko talaga siya

Muntik ng matawa si Kae sa reaction ni kenneth ng marinig ang


sinasabi ng mga babae sa labas.

Kae: Relax!! sabay tap sa bilikat ni kenneth


Kenneth: tumigil ka nga kita ng kinakabahan eh, masungit nitong
sabi

Pero dahil nga isang pasaway si Kae may naisip siyang kalokohan

Ahhhhh…..hmmmm… angal ni Kae dahil takip ni kenneth ang bibig


ni Kae
Kenneth: ano sa tingin mo ang ginagawa mo?
Kae: Wala! Kinikilig na sabi niya
Narinig nilang bumukas ang pinto at pumasok ang mga babaeng
humahabol ay kenneth, buti na lang nakapagtago silang dalawa sa
isang cubicle pero dahil gumana na naman ang kalokohan ni Kae.

Kae: meowwwwwwww……
Maarte 3: ano yun? Narinig nyo ba yun?
Maarte 1: ano?
Maarte 3: may pusa?
Maarte 2: huh?

Kae: meowwwwww…
Maarte 1: ahhhh.. wag mo sabihing may mutlo !!!

Paglabas ng mga babae biglang humagalpak ng tawa sina Kae at


kenneth.

Kae: hmpfftt.. hahahhahahah


Kenneth: hhahhahahahah

Sa sobrang tawa ni kenneth nadanggil niya ang pihitan ng shower,


napatalon silang dalawa sa gulat dahil sa sobrang lamig.

Kae: ayy tumalon!


Kenneth: what the!!
Kae: anong what the, ikaw nga yung pumihit eh
Kenneth: hindi ah
Kae: ikaw eh
Ah ganun sabay kuha ni kenneth ng isang tabong tubig at sinaboy
kay Kae.
Kae: ano baaaa!
Kenneth: hahahahahhahaah

Ahhh ganun pala ha, kumuha sin si Kae ng isang tabong tubig pero
nakatakbo na si kenneth kaso si kenneth ay nadulas, utas naman
sa kakatawa si Kae sa reaction ni kenneth.

Kae: yan kase takbo takbo pa , hahahahahahaha


Kenneth: pinagtatawanan mo ba ako? Hoyy master mo parin ako
baka nakakalimutan mo.

Wag kang mag alala sir! Hindi ko yun nakakalimutan sabay buhos
ng isang tubig kay kenneth, saka si Kae nagtatakbo pero sa
kasamaang palad nadulas din siya.

Kenneth: hahahahaaahha, tatawa tawa kase, kinarma tuloy bleh!


Sabay dila kay Kae.
Kae: lagot ka talaga sakin kapag nakatayo ako dito tamo!

Baka gusto mo pa ng tulong, nang aasar na sabi ni kenneth sabay


lahat ng kamay, pero dahil pasaway si Kae hinigit niya ang kamay
ni kenneth, kaya ang ending nasa ibabaw niya si kenneth, nagsisi
si Kae na hinigit niya ang kamay ni kenneth, pero silang napatulala
at sabay namula ng biglang may pumasok.

Janitor: susmaryosep na mga bata ito, jusko


Mali po kayo ng iniisip! Sabay na sabi ni Kae at kenneth
Janitor: naku, tatanggi pa e huli na sa camera
Hin- sabi pa nina Kae at kenneth
Janitor: oh siya siya gabi na, magsiuwe na kayo

Bago sila lumbas narinig nilang bumulong ang janitor.

Janitor: mga bata nga naman ngayun, napakamapupusok, hindi


muna inisip ang pwedeng mangyare sa kanila

Pareho naman silang nagkahiyaan, walang umimik sa loob ng


sasakyan, si Kae ay nasa backseat umupo dahil nga sobrang
akward ng nangyari. Alalang ala naman si faye dahil past 7:00 na
ng gabi ay hindi pa dumadating si Kae worst pati si kenneth,
napatingin siya sa bintana ng marinig niyang may bumusina sa
parking, sigurado na siyang si kenneth na iyon pero nagtaka siya
dahil sabay umuwi sina kenneth at Kae worst pareho silang basa.

Faye: san kayo galing? Bat pareho kayong basa?


Kae: mahabang kwento, faye
Faye: sir,okey lang po ba kayo?
Kenneth: oo, una na ako.

Araw ng linggo, inayang mag enchanted kingdom ni kenneth sila


faye at Kae, dali dali silang nagbihis paglabas nila sa bahay nakita
nilang nasa loob na ng sasakyan si kenneth, dahil sa sobrang
pagka excite nin faye at Kae mabilis silang umupo sa backseat
pareho pa silang nakangiti, lumingon naman si kenneth sa kanila
ng nakakunot ang noo. May balak pa ata kayong gawin akong
driver? aniya ni kenneth. Nagpauyuhan pa ang dalawa kung sino
ang uupo sa passenger seat, sa huli si Kae na lang ang umupo,
nagselos naman si faye dahil parang kung titingnan ng mga tao ay
parang may namamagitan na sa kanila, pagkarating nila sa
enchanted, tumakbo na lang bigla si Kae sa loob dahil tuwamg
tuwa siya dahil first time niyang pumunta sa enchanted at sa wakas
natupad narin ang kanyang pangarap, bale ang magkasabay ng
lumakad papasok sa enchanted sina faye at kenneth, pareho
naman silang nahiya dahil hindi naman sila close, lihim naman
napangiti si faye dahil oo, gusto niya din ang kanyang amo. Sa
paglalakad nila kenneth, napansin nilang wala si Kae, hinahanap
niya ito dahil baka nga mawala si Kae, napansin naman ito ni faye
kaya hinawakan niya ang kamay ni kenneth.

Faye: wag kang mag alala, andyan lang yun sa tabi tabi

Samantalang sa sobrang pagka excite ni Kae nakalimutan niyang


wala na pala siyang kasabay, kinabahan naman siya bigla pero
nawala ito ng makita niya ang isang ice cream na may kumilbit sa
likuran niya.

Kenneth: para ka talagang bata!


Kae: haha, masarap kaya to! Try mo, bili ka din tapos libre mo pa
ako ng isa bilisssss…

Natawa naman si kenneth, bumili siya ng dalawang ice cream at


ibinigay ang isa kay Kae habang kumakain sila

Kae: kenneth, asa nga pala si faye?


Kenneth: andun kasama yung mga kaklase niya

Pagkatapos nilang kumain ng ice cream, sumakay na sila sa mga


ibat ibang rides, panay ang kanilang tawa dahil sa reaction nilang
dalawa nung sumakay sila sa roller coaster at dun sa flying shuttle.
Bumili muna sila ng kakainin bago sila patuloy na humanap pa ng
ibang sasakyang rides, nakakita naman si Kae ng horror house,
nakaisip na naman siya ng kalokohan kaya bigla niyang hinigit
papasok si kenneth, pagpasok nila agad na kumapit kay kenneth si
Kae, nagkunwari siyang takot sa zombies para makapitan niya si
kenneth, pero ang totoo hindi naman siya takot sa mga zombies.
Nakakatakot naman! Kunwaring natatakot na sabi ni Kae. Relax,
ikaw nga ang nagyaya dito eh, bulong ni kenneth.

Ahhhhhh…..sigaw ni Kae sabay kapit sa braso ni kenneth


Kae hindi ka naman aanuhin niyan, tinatakot ka lang naman ng
mga iyan, bulong padin niya habang nakaatingin sa kanya kaya
hindi niya nakita na may nag iislide na zombies sa gitna kaya
pagharap ni kenneth, natamaan ang kanyang mukha kaya hindi
napigilan ni Kae ang tumawa ng malakas.

Hmmmpfttt…hahahaa utas sa kakatawa si Kae habang nakatingin


kay kenneth na ngayun ay nakakunot na ang noo, halata niyang
naiinis na ito base sa expression nito. Tawa pa rin siya ng tawa
kaya lang biglang umalis si kenneth, hinabol niya naman ito.

Sir! Sorry na oh, hindi ko naman sinasadya eh


Pauwi na sila, pero hindi parin umiimik si kenneth, halatang
badmood parin, pagdating nila agad bumaba si kenneth sa kotse at
pumasok na sa loob, nahahalata naman ito ni faye.

Kae anong nangyari kay sir, bakit badmood?


Kaseeee… kinuwento ni Kae kay faye laking galit naman ni faye
kaya medyo nagtaka si Kae sa inasta ng kanyang kakambal.

Isang linggo na pero hindi parin siya pinapansin ni faye atsaka ni


kenneth, nagtataka nga siya eh, tapos simula noon lagi na ang mga
itong magkasam nakakaramdam na nga siya ng guilt dahil hindi
niya alam kung may nagawa ba siya o ganun na lang ba kalaki ang
ginawa niya kay kenneth para magalit ito, kasalukuyan silang
magkakaibigan na kumakain sa cafeteria habang nakatitig si Kae
sa dalawa ni kenneth at faye na msayang nag uusap habang
kumakain.
Kitty: Girl,tulaley na naman ang beauty mo
Kae: Hindi ko kase alam ang gagawin ko eh!
Kitty: Misunderstanding lang yan, girl lagi kaming andito para
damayan ka sinapok naman siya ni cathy
Cathy: Para namang namatayan si Kae!
Kitty: Syempre namatayan ng pag ibig
Sinapok naman siya ni Kae
Kitty: Aray naman! Ikaw na ngang dinadamayan
Kae: Peace! Hahahaah

Napagpasyahan ni Kae na kausapin na sila kenneth at faye. Pag


uwi ng bahay, naabutan naman niyang nakahiga ang dalawa sa
garden, nagselos siya sa dalawa pero minabuti niyang kausapin
ang mga ito, at thankful siya kasi naging maayos naman at
nagkaayos naman silang tatlo, hindi na lang ni Kae pinansin ang
closeness ni faye between kenneth.
Sa paglipas ng buwan, mas lalong naging close sina kenneth at
Kae, ang tawagan na nga nila ay bhest, sobrang nagselos naman
si faye kahit hindi naman sila ni kenneth, close na rin naman sina
kenneth at faye pero mas close sina Kae at kenneth. Kasalukuyan
si Kae na nag aaral para sa kanilang exam, hirap na hirap siya sa
math dahil hindi niya makuha ang sulotion, sobrang bugnot na
bugnot na siya.

Kae: ala! Bahala na nga nakakasura eh!


Narinig naman niyang tumawa si kenneth
Kenneth: ang boplaks kase eh, ganto lang yan oh!
Kae: wow naman! Edi ikaw ng matalino, sarsatkong sabi nito

Gabi na nung nakauwe si faye dahil nagpractice siya ng sayaw


nadatnan naman niya sa salas ang dalawa na magkatabing
magkatabi, nakaramdam tuloy siya ng selos at galit sa kapatid kahit
ang kakambal naman niya ang unang nagkagusto kay kenneth.

Kinabukasan

Uwian na, naglinis pa ng classrom si Kae ng biglang pumasok si


kenneth, kilig na kilig naman ang mga kasama niya sa paglilinis,
may binulong si kenneth sa mga ito na kilig na kilig, takang taka
naman si Kae sa kung ano ang ibinulong neto, naramdaman na
lang niya na hinila siya neto sa labas

Kae: oy, teka teka hidni pa ako tapos maglinis


Kenneth: wag na maarte, hindi ka pa ba sawa ng paglilinis?
Kae: paano ako magsasawang maglinis eh, katulong ako atsaka
sanay na ako diba bhest?
Kenneth: basta tara!
Kae: saan

Hindi siya sinagot ni kenneth sa halip hinigit lang ni kenneth siKae


na walang kaalam alam kung saan sila pupunta. Nagtaka naman si
Kae ng malamang sa mall ang punta nila

Kae: mall?
Kenneth: hindi hindi nasa palengke tayo, sarsatiko nitong sabi
Sinamaan lang siya ng tingin ni Kae saka ito nagwalk out

Kae: bahala ka nga dyan


Kenneth: ui bhest, jinojoke lang naman kita eh, sorry na! Habol
neto kay Kae
Kinikilig naman si Kae habang iniimagine niya na para silang
magjowa na may LQ, naglakad lakad lang sila sa mall , tingin tingin
ng mga stuff toys na pwedeng bilhin, pumunta na sila sa timeszone
biglang tumigil sa tapat ng basketball area si Kae bigla naman
siyang inakbayan ni kenneth.

Kae: laro tayo


Kenneth: sige ba! Pero bago yan lets have a deal, pag nanalo ka
ililibre kita, pero pag ako ang nanalo hihingi ako ng favor sayo!
Okey ba yun?
Kae: ano ba yung favor?
Kenneth: secret

Unang naglaro ay si Kae, ladies first kumbaga, samantalang cool


lang nakatayo si kenneth sa tabi, focus na focus namna si Kae sa
pag sho-shoot ng bola, isa na lang tira at mananalo na siya pero
nung ishoshoot na niya yung bola bigla naman may dumaan at
nadanggil siya kaya ang ending hindi niya ito naishoot, gustong
gusto niyang kutusan ang dumanggil sa kanyan pero hindi niya
nakita.

Kae: ang daya dapat may isa pa ako eh, may dumaan kase
Kenneth: syempre mall to kayo may dadaan talaga, madaya ka rin,
ako naman

Sunod- sunod na naishoot ni kenneth ang bola, naka 17 puntos na


siya, si Kae naman ay nagdadasal na sana ay may dumanggil sa
likod ni kenneth pero sa kasamaang palad ay walang dumaan kasi
lahat ay nanunuod sa kanila.

Kenneth: oh! Paano ba yan talo ka


Kae: cheh! Ang daya mo kase
Kenneth: hah! Ako pa madaya , tawa tawang sabi neto
Kae: sinabihan mo ang mga iyon na wag dumaan
Kenneth: hindi ah! Masyado lang sila naakit sa charms ko ,
pagyayabang neto

Sa pizza hut sila kumain

Kenneth: tungkol nga pala dun sa deal, muntik kunang


makalimutan
Kae: ano ba ang favor mo?
Kenneth: yes ka muna
Kae: ano pa bang magagawa ko, edi yes!
Kenneth: sabi mo yan ah
Kae: oo ang kulit ng lahi mo

Kenneth: pwede bang manligaw?

Naibuga naman ni Kae ang kanyang iniinom, inabutan naman siya


ni kenneth ng tissue

Kae: ano bang klaseng tanung yan? Namumula niyang sabi


Kenneth: wag kasi atat, hindi pa naman tapos, sabi ko kase, kung
pwede manligaw sa kakambal mo

Nagulat naman si Kae sa tanong ni kenneth, pero sa halip na tubig


ang maibuga niya, parang luha pa ata niya ang papatak pero pilit
niya itong pinipigilan.
Kae: ba-bahala ka hindi naman ako si faye eh
Kenneth: pero kase, kelangan ko ng tulong mo
Kae: huh?
Kenneth: papatulong sana ako ng panliligaw kay faye, kase alam
ko na marami kang alam tungkol kay faye
Kae: marami din naman alam ang mga kaibigan niya ah!
Kenneth: pero diba Kae! Naka - oo kana? Atsaka iba parin kase
pag sa kapatid niya nanggaling kase kapatid mo siya at mas kilala
mo siya

Ang katotohanang ito ay tumatak sa kanya, na kahit kelan ang


lalaking pinapangarap niya ay may gusto sa kakambal niya, ang
sakit sakit pala ng pakiramdam na lagi kang andyan pero iba pala
ang gusto neto, at dun pa lang ay wala na siyang laban.

Araw ng lunes, matamlay na nakaupo si Kae sa kanyang upuan ng


maabutan siya ng kanyang mga kaibigan.

Kitty: Kae anong problema?


Kae: wahhhhh! Sabay yakap niya kay kitty
Kitty : bakit anong nangyare?
Kinuwento ni Kae ang deal ni kenneth na panliligaw sa kanyang
kakambal, gulat na gulat naman ang mga ito sa pagpayag niya.

Aimee: Kae ang shuga mo! Bakit ka pumayag, tapos ano pag
naging sila na ni faye, ano kakalimutan ka na lang niya parang
isang bula hah? Frustated na sabi neto
Catty: bhesty, dapat inamin mo na kay kenneth na matagal muna
siyang
Kenneth: matagal ng ano? Kunot noong sabi nito
Napatalon naman sa gulat si cathy sa biglang pagsabat ni kenneth
buti na lang at hindi niya nasabi

Cathy: ano kasi matagal kana niyang gustong tulungan para kay
faye
Kenneth: ah! Salamat naman kung ganun, nga pala Kae pabigay
naman nito sa kakambal mo, sabay abot ng bouqet of tulips and
choclates
Kae: a-ah si-sige, nauutal na sabi ni Kae sabay ngiti ng peke

Paalis na sana si kenneth pero lumingon uli ito.

Kenneth: ah! Kae , salamat

Tinanguan nalang ito ni Kae, pag alis ni kenneth, inulan siya ng


konsensya ng kanyang mga kaibigan.

Aimee: Kae, bakit ka pumayag, alam mo ba ang ginagawa mo,


siansaktan mo lang ang sarili mo.
Cathy: atsaka dapat umamin kana kay kenneth
Kae: hindi ko kaya, snifff… humahagulgol niyang sabi

Niyakap naman siya ng mga ito at pinatahan

Kitty: shhhhhh.. tahan na, basta girl andito lang kami lagi para
sayo, wag mo yan kakalimutan ha

Tinulungan nga ni Kae, si kenneth na manligaw sa kanyang


kakambal, tuwing magkasama nga sila lagi nitong bukang-bibig si
faye, ideal girl niya daw kase ay isang yulad ni faye yung tipong
mahinhin. Pinilit niyang tatagan ang loob niya kahit feeling niya
minsan parang gusto na niyang umamin dito at parang gusto na
niyang mag-give up pero hindi pwede alang-alang sa dalawang
taong mahalaga sa kanya.

Masayang masaya naman si faye dahil nililigawan na siya ng taong


mahal niya, at noon pa man ngayon lang natin nakitang ngumiti yan

Ara: oo nga, paano ba naman kase nililigawan niyang kanyang


ideal boy at higit sa lahat ang heartrob ng buong campus.
Irish: diba may gusto din ang kakambal niya kay kenneth?
Faye: oy andito ako no
Ara: ano yun faye, edi hindi mo sasagutin si kenneth?
Faye: aba hindi, ano ako shunga, tagal kong hinintay na mapansin
din ako ni kenneth, at ngayung andito na siya, go with the flow
nalang ako.

Hindi nila alam na kanina pa nakikinig si Kae sa usapan nila na galit


na galit.

Kae: matagal na niya pala akong tinatraydor. Ako etong uto-uto na


sabi langng sabi ng feelings ko para kay kenneth, yun pala
tinatawanan niya pala ako.

Araw ng mga puso ngayun araw, may surprise si kenneth para kay
faye pero sa tulong ito ni Kae parin, nagpapasyahan naman ni faye
na ngayun sagutin si kenneth, samantalang nag eemote naman si
Kae sa loob ng kanilang classrom kasama ng kanyang mga
kaibigan.

Girl! Ano ba yan araw na araw ng mga puso nakasimagot ka diyan


sabi ni cathy.
Dapat kase inamin mo na kay kenneth ang nararamdaman mo
bago pa mahuli ang lahat, tandaan mo ito, mas masakit umasa
kesa ang mabasted atelast kung nabasted ka alam mo na wala ka
pag asa pero yung asa ka lang ng asa tapos sa huli mabibigo ka
lang! Mahabang lintanya ni aimee.

Tamaaaaa!!!! sabay sabi nina cathy at kitty

Napagpasyahan ni Kae na umamin na kay kenneth kaso huli na


pala dahil sinagot na ni faye si kenneth, napaupo naman si Kae sa
corridor sa sobrang sama ng loob hindi kana kenneth at faye kundi
sa sarili niya dahil hindi niya man lang nasabi ang nararamdaman
niya bago sagutin ito ni faye, naging sila ng ani kenneth at faye
kaso habang tumatagal lumalabas ang tunay na ugali ni faye ang
pag ka reklamador nito at pagka selosa, hindi naman makalapit si
kenneth kay Kae para magpasalamat dahil napakaselosa nga ni
faye pati sarling kakambal ay pinagseselosan.

Kasalukuyan namang kumakain sina Kae at ang kaniyang mga


kaibigan sa cafeteria, ,matamlay at mugto ang mata ni Kae habang
kumain.

Besty! Tingnan mo ng itsura mo, masyado ka ng stress, alagaan


mo naman ang sarili mo sabi kasing itretreat kita ng libreng
make-over.

TOK!

Cathy: bat ka ba nanapok hah?


Kitty: paano ang dami mong kalokohang alam, kung ako ang
nililibre mo ng make over, edi maganda
Cathy: pwet mo! Hindi kana gaganda no!
Kitty: ang sama mo naman, di na kita bati, ble!
Cathy : hindi rin kita bati
Kitty: mas lalo ako hinding hin-

Napatalon si kitty ng sumigaw si aimee

Aimee: tumigil nga kayong dalawa! Para kayong mga bata

Dismissal na, napagpasyahang intayin ni kenneth si Kae para sana


personal na magpasalamat dito pero biglang tumunog ang
cellphone niya.

(Bhabe calling…)

Faye: Hello bhabe! Bakit wala ka pa, labas na namin


Kenneth: ahmmmmm… faye sensya na hidni kita maisasabay
umuwi may iniintay pa kasi ako
Faye: sino?
Kenneth: kaibigan ko
Faye: ano? Ipinagpalit mo ako sa kaibigan mo! Bhabe naman ang
tagal ko ng naghintay dito tapos hindi mo pala ako ihahatid, my
ghaddd kenneth naman, hapon na oh wala akong kasabay
Kenneth: sor-

Inis na inis na pinatayan ng cellphone si kenneth ni faye halos


durugin na niya ang cellphone niya sa gigil.

Faye: nakakainis sobra! Makita ko lang siya na may ibang babae,


humanda yung babae niya
Samantalang si Kae na lang ang nasa loob ng classroom, ala
singko na pero hindi pa siya tapos kumpletuhin ang kanyang
requirements na ngayun ang due date, minamadali na niya ang
kanyang ginagawa para makauwi na siya.

Sa wakas natapos din

Paglabas ni Kae sa kanilang room, nakita niyang inip na inip na


naghihintay si kenneth sa labas.

Kae: siguro pinag iintay na naman ito ni faye

Dadaanan na sana niya ito, pero hindi pa siya nakakalampas ng


hawakan siya neto sa braso

Kenneth: sabay na tayo umuwe


Kae: pero asan si faye?
Kenneth: umuwi na
Kae: eh!
Kenneth: ikaw talaga ang iniintay ko dito
Kae: ako?
Kenneth: oo
Kae: pero bakit hindi ka pumasok sa loob, saka bakit naman?
Kenneth: gusto ko sana magthank you sayo
Kae: hahaha okey lang yun

Nagtaka si faye ng makitang wala pa si Kae sa bahay ala sais na


pero wala parin si kenneth wait! Pati si Kae. Wag mo sabihin na
magkasama sila pero hindi naman siguro naniniwala naman ako na
hindi ako tratrydurin ng katid ko.
Narinig niyang may bumusina sa labas kaya dali dali siayng
lumabas ng mansion pero nawala abg pagka excite niya ng makita
niya kasama ito ni Kae saka malakas na sinampal ni faye si Kae

Faye: napaka traydor mo! Pati boyfriend ko nilalandi mo! Hindi ka


na nahiya! Saka sinabutan ni Kae

Pilit naman na inaawat ni kenneth si faye

Kenneth: tama na yan faye


Faye: anong tama na! Napakalandi neto! Bakit pinagtanggol mo ba
siya? Dba ako ang girlfriend mo! Hindi siya!!!

Hindi lumaban si Kae sa kanyang kakambal, inaawat naman ito ni


kenneth na ngayun ay iritang iritang na

Kenneth: bakit ba napaka reklamador mo faye? Napakaselosa mo,


lahat na lang pinagselosan mo pati ba naman kakambal mo,
kaibigan ko lang siya yun lang.

Ayos na ulit ang relastionship nina kenneth at faye pero may balak
si faye para magalit ng tuluyan si kenneth sa kambal niya dahil
feeling niya inaagaw ni Kae si kenneth sa kanya.

Pagdating ni Kae sa mansion para siyang may nasesense na


masama ang manyayari dahil kinakabahan siya, dumating na sina
kenneth at faye sa bahay. Ngumiti naman si faye na tumingin sa
kanya.
Faye: bhabe! Taas lang ako
Kenneth: sige bhabe

Pag akyat ni kenneth sa taas, sinulyapan siya ni faye at nginitian,


isang ngiti na parang may binabalak.

Faye: mahal kung kapatid, musta kana pala?


Kae: okey lang naman ako, ikaw kamusta kana din traydor kung
kapatid?
Faye: hah! Tingnan lang natin kung sino ang magiging traydor at
magiging luhaan.

Kanina pa hinahanap ni kenneth ang relo na regalo pa ng kanyang


daddy. Mahalaga ito sa kanya dahil ito na lang yung natitirang
alaala

ng daddy niya sa kanya at hindi niya mapapatawad ang kumuha


nito. Dali dali siyang bumaba para itanong sa kambal kung nakita
ang kanyang relo.

Kenneth: may napansin ba kayong pumasok sa kwarto ko kanina?


Kae: bhest wala
Faye: sigurado kang wala, eh ikaw nga unang dumating dito sa
bahay eh
Kenneth: bhabe pati ba naman kakambal mo, pagbibintangan mo
Faye: edi! Tingnan naten, subukan kaya nating maghalughog sa
bawat sulok ng mansion

Nahalulog na nila lahat ng sulok pati mga kwarto pero wala parin
Kae: dun naman sa kwarto namin bhabe para makasigurado dba?
Kae: paano naman mapapapunta sa kwarto natin yun?

Unang nilang hinalughog ang mga gamit ni faye pero hidni parin
nila nakita, sinunod naman nila ay yung kay Kae na gamit

Kae: bhest wal-

Nagulat si Kae ng makita niyang binuklat ni kenneth ang kutson


niya at nakita doon ang relong hinahanap bigla naman siya netong
nilingon at tiningnan ng masama saka siya hinigit palabas

Kenneth: dyan ka lang bhabe

Paglabas na paglabas nila bigla siyang binitawan nito ng malakas

Kenneth: paano mo ako niloko


Kae: bhest maniwala ka, hindi ko yun kayang gawin
Kenneth: wag na wag mo akong tatawaging bhest dahil wala
akong kaibigan na katulad mo, isang traydor at magnanakaw
Kae: bhest, wag mo naman sakin gawin to, umiiyak na sabi niya
Kenneth: tapos ano iiyak iyak kana lang diyan, siguro tama si faye
eh na isa ka ngang traydor at isang malandi

Hindi na nakatiis si Kae nasampal niya ito, napatingin naman ito sa


tabi saka ngumisi

Kae: ang sakit mo magsalita ha, oo sige traydor na ako, malandi na


ako o ano masaya ka na ha!! kenneth bakit ganun ako lagi ang
nasa tabi nyo bakit hindi niyo akong kayang paniwalaan, sir kahit
ba minsan tinuring niyo akong kaibigan niyo at minahal ninyo ako
kahit kunti lang?

Kenneth: gusto mo malaman ang totoo diba? Hindi!! kasi ginamit


lang kita para mapalapit kay faye, pero nagpaloko ka eh hinayaan
kita na umasa, at lalong lalo naman na hindi kita minahal dahil si
faye lang ang kaya kong mahalin dahil wala ka namang kwenta sa
buhay ko

Bigla namang dumating si faye na may dalang maleta saka inihagis


kay Kae

Faye: so wala nang dahilan para tumira ka dito kaya lumayas ka na


dito ngayon na o gusto mo kaladkarin kita

ano to!

Faye: bingi ka ba talaga ha, umayas kana dito, dyan na nga ang
maleta mo oh, buti nga pinagtsagaan ko pa yang ayusin eh

Kae: sir! Gagwin ko po ang lahat, wag niyo lang ako paalisin,
nagmamakaawa po ako at saka niyakap ang binti ni kenneth

Pero tinulak lang siya ni faye

Faye: wag na wag mo nga mahawakan ang boyfriend ko, malandi


ka talaga

Sabay tulak kay Kae sa gitna ng kalsada pero hindi nila alam na
may paparating na sasakyan
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP

Napako naman sa kinatatayuan si kenneth, pero nang


nahimasmasan siya dali dali niyang binuhat si Kae na walang
malay dahil sa pagkakabundol ng kotse, mabilis na naipasok si Kae
sa loob ng kotse, nakita niya pa ngang pumasok din sa kotse si
faye pero hindi niya nalang ito pinansin, masyado syang
kinakabahan sa pwedeng mangyari kay Kae

Pagdating nila sa hospital agad na ipinasok sa emergency room si


Kae nagpipilit pa nga na pumasok si kenneth kaso hinaharangan
na siya ng mga nurse, wala siyang nagawa kaya umupo na lang
siya sa labas ng pinto ng E.R, sising sisi siya sa mga nasabi niya
kay Kae, nilapitan naman ni faye para sana yakapin kaso tinabig
nya lang ito saka ito hinawakan ng mahipit sa braso

Faye: ouch!! ano ba bhabe nasasaktan ako

Kenneth: kapag may nangyari masama sa kanya hinding hindi kita


mapapatawad tandaan mo yan

Nagising naman si Kae na sobrang sakit ng katawan niya at puro


ding sugat ang katawan niya, nakita niyang pang papasok si
kenneth na kausap ang doctor

Doc: kailangan niya munang magpahinga dahil sa mga sugat na


natamo niya at nagkaroon din siya ng fracture kaya hindi pa siya
pwede munang gumalaw
Kenneth: sige po doc

Doc: kaano ano mo ba siya iho?

Kenneth: girlfriend ko po

Samantalang galit na galit naman si kaye lalong lalo na kay


kenneth, nagpanggap nalang siyang nakatulala

Kenneth: para nga pala sayo, sorry kung dahil sa akin


nagkaganyan ka, sana mapatawad mo akoa

Hindi man lang kumibo si kae

Umuwi muna sa mansion si kenneth para kumuha ng mga damit at


pagkain na dadalhin niya para kay kae at para makaligo na rin sya,
naabutan niya pang mugto ang mata ni faye dahil nga
nakipaghiwalay na siya dito.

Pagdating niya sa hospital, tinungo niya agad ang room ni kae kaso
pagpasok niya wala na ito sa loob bigla siyang kinabahan, kaya dali
dai siyang lumabas at bawat makakasalubong niya ay tinatanong
niya
Nurse: napansin ko doon ata siya pumunta sa exit

Kenneth: wala sana mangyari sa kanya, kung hindi, hindi ko


mapapatawad ang sarili ko

Paglabas niya sa hospital, nagpalinga-linga nagbabakasakaling


makita niya si kae
At nakita niya itong patawid na nang kalsada, buti nalang maagap
siya at hindi ito nahagip ng sasakyan

Kenneth: ano ba pumasok sa kokote mo! At naisip mong umalis,


alam mo bang alalang alala ako ha

Kae: so ganun ako pa yung may kasalanan kung bakit nagaalala


ka dapat kasi hindi mo nalang ako hinigit at hinayaan mo nalang
ako mabangga tutal wala lang naman akong kwenta sa buhay mo
diba!

Kenneth: pasensya kae, nagsisisi na ako sa ginawa at nasabi ko,


oo, aaminin ko, napagsalitaan kita ng masasakit pero dahil lang
yun sa galit, maniwala ka

Kae: pasensya? Sabihin mo nga sa akin kung paano kita


paniniwalaan ulit, kung ikaw na mismo ang sumira ng tiwala ko
sayo, kenneth bakit ganun hindi mo ako nagawang paniwalaan,
kulang pa ba lahat ng ginawa ko para hindi mo ako paniwalaan,
ang sakit sakit kase eh, minahal kita ng sobra pero binalewala mo
lang lahat ng iyun siguro nga ito na ang oras para naman sarili ko
ang isipin ko

Kenneth: kae patawarin mo ako handa na akong magbago para


sayo

Kae: ngayon pa, balang araw siguro mapapatawad rin kita sa


ngayon kasi gusto ko muna magmove on sayo kaya sana hayaan
mo muna ako.
After five years

Isa nang sikat na model si kae sa bansang korea, pupuntahan na


niya ngayon ang manager niya, dahil may importanteng daw itong
sasabihin

Pagdating niya, pinaupo agad siya ng kanyang manager

Kae: manager ano yun


Manager: kae ang kompanya ay dadalhinka pabalik sa pilipinas
Kae: ano
Manager: bakit? Ayaw mo ang ideya
Kae: hind naman po
Manager: ano ba ang bumabagabag sayo? Sabihin mo sa akin
Kae: dahil……

Ikinuwento nya sa kanyang manager ang nakaraan niya

Manager: kailangan mong harapin ang nakaraan mo, hindi


pwedeng lagi ka na lang tumatakbo kase walang manyayari sa
buhay mo

Kae: pero…
Manager: ipakita mo sa kanila na eto ka na ngayon, sikat ka na at
sana balang-araw magawa mo din silang mapatawad
Natahimik naman si kaye sa sinabi ng kanyang manager, oo
napatawad niya na ang mga ito peromasakit pa rin kase ang
ginawa ng mga ito sa kaya makalipas ang limang taon….

Manager: so! Payag kana?


Kae: oo
Manager: oh! So oo mo nalang ang iniiintay
Kae: bakit?
Manager: bukas na bukas din pupunta ka na ng pilipinas
Kae: ano! Agad- agad

Kinabukasan

Nasa airport na siya dala dala ang kanyang maleta pero wala
parin ang binayaran ng manager niya para sunduin siya, inip na
inip na sya biglang may tumigil na convertible car na tumigil sa
tapat niya, inalis naman neto ang salamin nito at lumingon sa
kanya, gulat na gulat naman si kae

Ano bayan, unang araw ko palang dito sa pilipinas, siya agad ang
nakita makikita ko, malas naman

Bumababa naman ito at dahil doon napataas ang kilay niya dahil
pinagbuksan siya nito ng pinto

Welcome back my Saranghaeyo

Kae: sino ka ba sa tingin mo

Ako ang mapapangasawa mo


Anoooo??

Sinamaan ata siya ng lasa ng marinig ito na mapapangasawa na


niya ang lalaking nasa harap niya at walang iba kundi si kenneth
salvador

Naging sobrang busy na si kae itong mga nagdaang araw kasi


kailangan niyang gumawa ng magasin ang feature naman ay ang
pilipinas, inaayusan siya ng biglang dumating ang kanyang mga
kaibigan, natandaan nya noong mga college pa sila

Cathy: Bhessssssty, ang ganda ganda mo na, wahhhhh..

Kae: Matagal maganda no

Cathy: Ang lakas ng hangin grabe, pero bhesty nakakatampo ka


hindi ka man lang nagpaalam sa amin
Kae: Naku, sorry hah! Masyado kasing nagmamadali si tita noon

Nagkwentohan lang sila hanggang naging topic ay si kenneth

Kitty: Diba sabi mo ngayon, sabi ni kenneth na mapapangasawa


ka na niya, ui haba ng hair mo, kinikilig na yan
Kae: Hindi ah! Hindi na ako ganun noh
Aimee: Speaking of mapapangasawa, andito na siya!!

Kae: Nasan?
Nakita niya itong ngumiti sa kanila nahiya naman agad si Kae

Cathy: Uhmmmmm….sige bhesty, gora muna kami ha


Kae: sige sige

Pag alis nina kitty, agad naman siyang hinigit niyo palaba ng studio

Kae: oy san tayo pupunta


Kenneth: basta!

Aba, sineswete sya hinila-hila lang niya ang isang model na tulad
ko, kung iba to, naku!baka nasapok ko na to

Samantalamg sobrang saya naman ni Kenneth dahil sa wakas,


nakasama niya ulit ang babaeng mahaal nya after 5 years, kahit pa
ayus ang kanilang relationship…

Nagtaka naman si Kae ng nakita na sa mansion pala nina kenneth


sila pupunta

Kae: ano namang meron?

Pagpasok nila nakita niya ang kanyang stepmother at ang daddy


niya atsaka ang parents ni kenneth

Daddy ni kae: maganda kong anak, kamusta kana?


Kae: okey lang ako daddy
Mommy ni kenneth : maganda ka pala sa personal
Kae: salamat po, sabay yuko niya
Mommy ni kenneth: maganda pala eh, kaya baliw na baliw si
kenneth eh.
Kenneth: Maaaaaaa!!!!

Namula naman si kae, bigla naman sumulpot si troy ang kanyang


stepbrother

Troy: baby! Sabay kiss ni troy sa pisngi ni kae

Nahiya naman si kae dahil nakita niyang masama ang tingin sa


kanila ni kenneth, selos naman si kenneth

Kumakain sila, ang magkatabi ay sina troy,kenneth at kaye


Troy: baby juice nga
Kenneth: kae tubig nga

Pareho naman ito binigyan ni kaye, nakita niya pang masama ang
titigan nina troy at kenneth, siniko naman niya si troy at binulungan.

Kae: kuya umayos ka nga


Troy: ok! Ok! Baby! Haha
Kae: tumigil ka nga sa kalokohan mo kuya

Natapos na pinag uusapan at doon na niya nalaman na tunay nga


nga na mapapangasawa na niya si kenneth, nai-arranged marriage
na nga siya dito, balak kase ng magulang nila na pagsamahin ang
dalawang kumpanya para lalo ito lumago, naloka naman siya sa
arraged marriage na yan, hindi parin kase siya makapaniwala
Kinabukasan

Nagising siya ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya, hindi


na niya tingnan ang caller

Kae: hello
Kenneth: magandang umaga, sa maganda kong mapapangasawa

Napabangon naman siya bigla ng malamang si kenneth ang


kausap niya, akala niya kase ay si troy, sa sobrang panic niya
napindot niya ang end call, maya maya may tumawag uli, akala
niya si kenneth yun pala yung abnormal niyang stepbrother lang
pala.

Kae: hello!
Troy: hello baby! Mamasyal naman tayo sa mall
Kae: sige ba! Namiss ko rin yun eh

Namasyal ang dalawa sa mall, nakaakbay si troy kay kae at


masaya silang nag uusap, hindi nila alam na kanina pa sila
sinusundan ni kenneth hindi na siya nakapag pigil kaya lumabas na
siya, nagulat pa nga si kae eh lalo na nung sinuntok na niya si troy,
gaganti pa sana ito ng biglang sumigaw si kae

Kae: ano bang problema mo kenneth ha?


Kenneth: eto ang problema ko, fiancee na nga kita pero inaagaw
ka niya sakin
Napatawa naman si troy at kae kaya nagtaka si kenneth

Kae: ano ka ba kenneth stepbrother ko si troy


Kenneth: ah ganun ba! Bakit hindi mo sinabi?
Kae: tinanung mo ba?
Kenneth: hindi
Kae: yun naman pala e

Tinulungan naman tumayo ni kenneth si troy

Kenenth: naku sorry ha, hindi mo kase sinabi na step brother ka ni


kae eh, nasuntok tuloy kita
Troy: naku baby wag muna pakasalan itong si kenneth, subukan
mo lang!

Lumipas ang ilang buwan ayos na ulit ang relasyon nina kenneth at
kae, napatawad na ni kae ng tuluyan si kenneth at faye dahil nga
sabi nga matutong magpatawad, nakita na nila uli si faye humingi
naman ito ng tawad kay kae tapos si kenneth naman ay nanligaw
sa kanya kahit mapapangasawa na niya si kae , hindi pala
masunget si kenneth dahil meron din pala itong side na makulit

Proposal

Ngayun ang kaarawan nina kae at faye pareho na silang 18 yrs old,
pero nagtataka si kae kasi wala paring bumabati sa kanya kahit isa,
nagtatampo na tuloy siy dahil akala niya ay nakalimutan ng lahat na
ngayun ang kanyang kaarawan, okey lang sana na wala siyang
debut pero ang makalimutan ang kaarawan niya ay talagang
nakakatampo

Buong araw lang siya nagkulong sa bahay, bigla naman na


pumasok ang mga katulong sa kanyang kwarto may inabot na box,
pagbukas niya
Kae: wow ang ganda naman ng gown
Katulong: senyorita, pinapasabi nga po pala ni sir kenneth na may
susundo daw po sa inyo para ihatid kayo sa venue ng debut ninyo
Kae: may debut pala ako, pero bakit ganun hindi man lang niya ako
sinundo

Pagpasok niya sa loob, nakita niya ang mga kaibigan nya, si troy,
stepmother niya at ang daddy niya mga schoolmate niya lalong lalo
na ang lalaking mahal niya. Una siyang isinayaw ng daddy niya,
nauna din isinayaw ni kenneth ang kakambal niya, pagkatapos
saka ito lumapitsa kanya at naglahad ng kamay.

Kenneth: pwede ka bang maging huling sayaw ko?

Tinanggap naman ito ni kae at dinala siya ni kenneth sa gitna para


isayaw pero bigla itong lumuhod sa harapan niya.

Kenneth: papakasalan mo ako?

Naipayak naman si kae sa sobrang saya, kaya nagpanic naman


agad isi kenneth ng makita itong umiyak.

Kenneth: wag kang umiyak, hindi kita pipilitin magpakasa-

Pintulol niya ito at sinabi na niyang OO! Tuwang tuwa naman ito at
binuhat siya nito at pinaikot bigla siya nitong hinalikan sa labi.
After 1 year

Noong naikasal na sila at nagkaroon sila ng pamilya naging


masaya lola sila dahil nagkaroon sila ng kambal na sina Maxwell
Laurent Salvador at Maxrill Won Salvador.

Dito nagtatapos ang kwento ng Maid ako ng boyfriend kung


cassanova…

You might also like