Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

“Bakit Karamihan

sa mga Estudyante
ay
MayroongMababa
at Bagsak na Marka
sa Eskwelahan”

Akda ni : Marvilyn Quilong Quilong


Pasasalamat

Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod


dahil sa pagbibigay ngsuporta upang
akingmapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:

Unang- una,ako’y nagpapasalamat sa Diyos na


maykapal sa pag-gabay sa akin sa paggawa ng
pananaliksik na ito at upang maisakatuparan ang
mga bagay upang mabuo ito.

Sa mga may awtor, mga teorista at iba pang mga


mananaliksik na aking kinuhanan ng mga
impormasyon at proposisyon na ukol sa aking paksa.

Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga


tanong para sa sarbey at interbyu na nakatulong ng
malaki upang mas maging epektibo ang pananaliksik
na ito.

Sa aking pamilya at kaibigan, na naniwala sa akin sa


pagtapos ng pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng
suporta nanakatulong rin sa akin para maisagawa ng
tama ang aking pananaliksik .

MARAMING SALAMAT PO!


TALAAN NG MGA NILALAMAN:
Pasasalamat
Kabanata 1 Ang Suliranin o Saligan Nito*
A. Panimula
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Paglalahad ng Suliranin
Kabanata 2 Mga kaugnay ng Pag-aaral o Literatura*

Kabanata 3 Mga disEnyo at Paraan ng Pananaliksik*


A. Mga Disenyo ng Pananaliksik
B. Metodolohiya
C. Mga Respondent
D. Instrumentong Pananaliksik
E. Tritment ng Datos

Lagom
Konklusyon
Talasanggunian
Patungkol sa may-akda
KABANATA 1 ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. Panimula

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng


pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging
progresibo at maunlad ito ngunit kayraming problemang panlipunan ang kinakaharap ng
ating bansa at isa na nga rito ang mga dahilan kung bakit maraming mga estudyante
ang mayroong mababang marka o grade sa eskwelahan?

Ito ay mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila’y nasa
eskwelahan .Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong
nakalap ko sa internet at sa sarbey na aking ginawa.
Bakit karamihan sa mga estudyante ang bumabagsak sa mga Major subjects?
Anu-ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito?
ang lahat ng kasagutan ay nasa nilalaman ng pananaliksik na ito.
Halina’t tuklasin ang mga bagay na ito sa pananaliksik na ito.

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito’y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng mga mamamayan ng bansa
tungkol sa tunay na kalagayan ng estudyante sa ating bansa
tatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibong solusyon sa mga dahilan ng mga
estudyantekung bakit madalas silang nakakakuha ng mga mababang marka sa mga major
subjects. Ang mga impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang
mas epektibong proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na ang pag -aaral ng
mabuti ang susi sa isang masaganang buhay at kinabukasan

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

SA MGA MANANALIKSIK
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon at
makagawa ang isang pananaliksik ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang
tao upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito

Sa mga kabataan
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at
sanhi ng mga estudyante kung bakit mayroon silang mga mababang marka at kung
bakit sila madalas bagsak sa kani-kanilang mga major subjects. Ito rin ay tutulong sa
kanila upang kanilang malaman na may malaking kinakaharap ang mga ganitong
klaseng problema ang ating bansa tungkol sa mag-aaral.

Sa mga magulang
Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng mga magulang upang kanilang malaman
ang katotohanang malaki ang problema ng ating bansa lalong-lalo na sa mga
estudyanteng may mga mababang marka.

Sa pamahalaan
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pamahalaan upang mas mapalawig pa nila
ang kanilang kaisipan at hanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at paraan
upang masolusyunan ang problema sa mga estudyante ng ating bansa. Ang pag-aaral
na ito’y makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng edukasyon sa ating bansa
lalo na sa mga estudyante sa ating bansa.

Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang
mga isip at makagawa ng mga iba’t ibang kuro-kuro para makatulong sa estado ng
edukasyon ng ating bansa.

D. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa ng mga kongkretong
impormasyon at datos na ukol hindi lamang sa mga Problema sa edukasyon ng bansang
Pilipinas lamang kundi maging sa mga estudyanteng mayroong mababang marka sa
klase at maraming bagsak sa kani-kanilang mga major subjects. Ako’y mangangalap ng
mga datos sa iba’t ibang lugar sa aming lugar na makakatulong sa pagsasagawa ng
pananaliksik na ito.

E. PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN


Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat angang mga
estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nilaang ilang mga
kasagutan nila katulad ng:
•Ano nga ba ang pag-aaral?
•Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
•Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
•Paano ko mapapataas ang aking mga marka?
•Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na akobumagsak pang
muli?
•Paano ko mababago ang sarili ko?Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng
pananaliksik na ito.Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang
mahubogang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga estudyante na walangkinalaman sa


pag-aaral. artikulo mula sa mga estudyante:

EPEKTO NG IPOD, LAPTOP, CP, AT PSP SA MGS KABATAANG PILIPINO

Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindiito dahil sa hindi nila
maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahilmarami silang pinagkakaabalahan bukod
sa pag-aaral. Talagang napakalayona ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga
makabagong kagamitan.Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan
ngayon ngmarami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming o ang paglalaro sacomputer na
piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin,lalo na sa klase, na imbes libro at
bolpen ang dala ng mga mag-aaral, angmga dala nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na itomalalaman ang mga
makabagong kagamitan na mabibili sa mga mallsngayon. Ang magasin na io ay may buwanang
sipi na may titulong “What’sHot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan
ngayon atmga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mgamagasin,
maraming kabataan ngayon ang bumibili ng K-Zone dahil na rin sa “What’s Hot?”
naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kunganung bagong kagamitan ngayon.

Ang mga naunang pag-aaral patungkol samga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga
grado na nakukuha ngmga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema
sapamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na studyhabit, etc. Ngunit
dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop atCellphone, wala pang pag-aaral ang
naglayong alamin ang mga epekto ngmga makabagong kagamitang ito sa mga mag -aaral. Ang
kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ngmakabagong kagamitan imbis sa pag -
aaral. Dati ay sinasabing angedukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit sa
pagsulpotng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba’t ninanakaw na nito angoras na
dapat sana’y sa edukasyon nakalaan?

KABATAAN ---> ORAS SA PAG-AARAL---> PAGPAPAHINGA


|
TEKNOLOHIYA
|
MAKABAGONG KAGAMITAN
|
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan aynapagod na sa kanilang pag-
aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilangpagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay
ang magpahinga omatulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag -aaral.
Sakabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphoneo di kaya’y
makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitangito na hatit ng teknolohiya ay
maaaring magdulot masama at mabutingepekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot
ng mabuting epektodahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ngmga
mag-aaral.

Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod atPSP sa kadahilanang maaari itong
maging sanhi ng pagkatamad ng mgamag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang
sila buong haponimbis na mag-aral.Sa pag-aaral na ito, kami ay nagsagawa ng sarbey sa
tatlonginstitusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay,Espaňa. Dahil
ito ay pampblikong paaralan, nais malaman ng pag-aaral naito kung naaapektuhan ba ang pag-
aaral nila ng mga makabagong kagamitan.

Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Itoang isa sa mga maraming
bagay na napapabilis ang mga gawain kapagginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong
naghihikayat sa mgakabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone
ayang usong-usong text messaging.Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilisna komunikasyon.
Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gustomong sabihin sa iyong kausap kahit saan at
kahit kailan. Ang cellphone dinay mayroon na ngayong Multimedia. Na kung saan pati litrato ng
mga taoay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nangmagagawa ngayon
kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kunganu-ano ang mga nauuso na features ng
mga lumalabas na mga bagongmodelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live
mongmapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saanall in one
cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono saiisang modelo. At video phone
na kung saan magagamit mo ito na parangvideo camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na
naidudulot ngpagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming negatibo itong dala sabawat
isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsana ng buhay natin ang
cellphone. Marami na kasi ang mandurukot nagagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan
na ito. Madali kasingmabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ngkinabukasan
ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang haloslahat ng oras nila na sana’y sa
pag-aaral na lang. ginagamit kasi angcellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng
panliligaw. Madalikasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone.
Angpangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat atang mga
tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isangkompyuter lalo na sa mga
kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay angpagbibigay ng internet. Alam naman nating
lahat na halos lahat ngimpormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro
naginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ngimpormasyon. Ang
kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word,Powerpoint, Excel at marami pang iba na
tumutulong sa paggawa ng mgaresearch work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas
napapabilis kasi angpaggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter
dinay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patoklalo na sa mga
kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mgalaro sa kompyuter kaya maraming
kabataan ang nahihikayat na maglaronito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng
kompyuter. Maymga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas aypur o
laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba dinnaman ay masyado na ring
dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sainternet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot
minsan ng plagiarism opagkopya ng ibang gawain.
Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauusosa mga kabataan ngayon.
Malamang ay maraming kabataang katulad ko napilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito.
Marahil isang dahilan kungbakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa marami
itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang “features” nito ay angMultimedia
Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula.Audio Player kung saan ay may
maaaring makinig ng mga musika. Camerakung saan ay maaaring makakuha ng litrato. Wireless
Networking dahil angPSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W -IFI
nakung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang “multiplayer gameplay”.
Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP.
Internet Connectivity nakung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa pamamagitan
ngwireless connection at maaaring makapanood ng live television broadcast.At Games kung
saan maaaring makapaglaro ng iba’t- ibang klase ng laro.Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga
gumagamit nito at nakakatangal ngpagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw ay isinama ng
magulang mosa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itonggamitin.
Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya madaling
gamitin. Hindi rin naman mawawala na maymga magaganda at masasamang dulot ang gadget
na ito. Ang isa sa mgamabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may -
arisa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal angkagamitan na ito.
Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sangayon ay hindi natin maikakaila na
maraming kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at unibersidad.
Dahil sa madalasna paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad
ngpagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upangmatapos ang laro.
Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games.Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo ng
pagkakaibigan dahil sakaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta
opelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan saimpluwensiya ng droga
dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kungmayroong magandang dulot… Malamang ay may
masama rin ito. Tulad ngdahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga
ito.Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaringkalabasan nito ay
magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese angmga kabataan. Nakakasira sa
kalusuagan lalo na sa mata. Alam natingmaraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na
magkaroon nito…Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat
sakagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ngpagnanakaw. At higit sa
lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral.Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong
gawin kesa sa paggawa ngkanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga
pagsusulit. Isapang gadget na patok sa mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nilamaiwan
iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay maymagagandang “features” ito
kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan.Ang mga “features nito ay Games na kung saan
ay nakakapaglaro ng iba’t-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang
magnumero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mgaimportanteng gawain. At
ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photoskung saan ay makikita ang mga ilang larawan
na inilgay at Stopwatch. Atang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito nakalagay
angmadaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natinmatatanggal sa
mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito aymasasabi nilang sunod ka sa uso
kaya marami din ang naghahangad namagkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at
nagsisilbing libangan.Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito
upangmagsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga
kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataangmayroon nito ay naaappreciate ang mga
iba’t-ibang genre ng musika at silaay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa
pagangat atpagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mgamagandang
dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magiponang mga kabataan upang makabili
ng ganitong kagamitan o nagigingdahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging
maingat atresponsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ngpagkakaibigan
at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’t-ibang tao. Angmga masamang dulot naman ng IPOD
sa mga kabataan ay nagdudulot itong pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik
din ang mga itosa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ngIPOD
ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes nabumili ng orihinal na album o
cd’s ay nagdadownload nalang ang mgakabataan sa limewire o itunes.

Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong angteknolohiya sa ating buhay.


Lahat ng sektor sa ating komunidad aymadarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya
sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga trabahador na nasa ibang bansaay
madali lamang makausap ang kanilang mahal sa buhay, at madali dingmakaratingang pera para
sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible datiay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na
dati ay napaka hirapgamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng
teknolohiyasa medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isaupang lalo
tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gustinggawin na teknolihiya kagaya ng
kloning. Nagawa na natin ito sa hayopsubalit gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung
magtatagumpayang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang
mgamangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay malakingkasalanan sapagkat
ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos.Kaya ang tao ay kailangan magkaroon
ng hangganan ang pagiisip ng masabgong teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong
bas a ating kapwa at sa ating mga kapaligiran.
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DATOS NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibongmetodolohiya ng
pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na
gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makakuha ng mga datos.
Naniniwala nag-aaral ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil
mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa
mgasumagot ng sarbey na isinagawa. Sa ginawa kong sarbey nagtanong ako sa mga
estudyante na nasa hayskul at kolehiyo.
B. METODOLOHIYA

Nagbigay ako ng sampung (10) tanong sa bawat tao para saisinasagawang


pananaliksik. Sa 100 talatanungan,hindi lahat ay umangkopsa aking pag-aaral. Ang
talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga marka ng mga
estudyante. Unang tanong nito ay tungkol sa mga mababang grado ng mga estudyante
at sa kung anongsubject sila merong ganitong grado o marka. Nagtanong din ako kung
saanong paraan nakakaapekto ang pagiging mababa ng grado ng estudyante,kung sa
paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa lipunang kanyangginagalawan, at ang
kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhanang mga bagay na ito. Huli,
tinanong ko kung may ginagawa bang hakbangang mga estudyante upang masmapabuti
pa nila ang kanilang pag-aaral.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral naito.
Naghanda ng sarbey ang mananaliksik na naglalayong din makangalapng mga datos
upang malaman ang persentaston at damdamin ng mgarespondente sa pagkuha ng mga
datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa pagaaral ng mga estudyante at kung
anu-anong mga suliraninang maaring makaapekto sa kanila.Bukod dito, ay nagsagawa
din kami ng pangangalap ng impormasyonsa internet upang makakuha pa ng iba pang
mahahalagang karagdagangimpormasyon ukol sa iba pang mga suliranin.Kasabay nito,
nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyontungkol sa iba’t-ibang kalagayan
sa ibang eskwelahan.
D. MGA RESPONDENTE
Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng iba’t-ibang
paaralan sa kasalakuyang taon.Ang mga estudyanteng napili ay ang mga taong madalas
nakakaranas ng mga nasabing suliranin. Ang mga estudyante ay nabibilang sa iba’t-
ibang antas at Ilang estudyante sa iba’t-ibang paaralang pangKolehiyo.

E. TRITMENT NG MGA DATOS


Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kungbakit mababa o
bagsak ang mga grado ng estudyante sa iba’t-ibangasignatura, kaya naman hindi ito
nangangailangan ng mga numerikal nadatos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang
ang pamanahong papel ngwastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa interbyu at
sarbey nasinagutan ng mga respondente.Mula sa mga sagot na makukuha sa mga
respondente, pipiliin lamangang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa
pananaliksik o saginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho
atpagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datosat
impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.

LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problema ng mga estudyante sa
mga subjects ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon
nito at mga epekto sa kani-kanilang mga marka at upang malaman kung ito’y
nakakabuti o nakakaganda sa kanila. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga
tanong na magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang proposisyon at kuro-kuro
na nanggaling sa aking na sarbey.

KONKLUSYON
Ipinapakita lamang dito sa pag-aaral na ito ang mga bagay o mgadahilan kung bakit
ang mga marka o ang mga grado ng mga estudyantengayon ay mababa.Nais lamang
maipahayag ng pag-aaral na ito sa mga estudyante angimportansya sa pag-aaral. Bilang
estudyante rin na gumagawa ng ganitongpag-aaral, nakikita ko sa aking sarili ang mga
bagay na ginagawa ko nahindi dapat gawin habang nag-aaral.Napakahalaga ng
eduksyon at pag-aaral sa ating buhay dahil kungwalang edukasyon siguro’y mangmang
o walang alam ang bawat tao ngayonsa kanilang buhay.Ginawa ko ito para maipalabas
ang tunay na kahulugan ng edukasyonbilang isang pundayon na bumubuo sa ating
buhay. Kahit ito’y isangkonkreto lamang napakalaking bagay na sa atin ang matutunan
ang bawatdetalye na maari nating gamitin sa araw-araw.Ang pag-aaral na ito ay
nagtatapos sa konklusyong “Ang estudyantena mismo ang gumagawa ng dahilan kung
bakit bagsak o mababa angkanilang mga marka.”

TALASANGGUNIAN

“Epekto ng ipod laptop cp at psp sa kabataang Pilipino”- mula sa mga


estudyante
Patungkol sa AWTOR:

I. Personal na impormasyon
Pangalan:Marvilyn Quilong Quilong
Tirahan:PH 8B PKG 1 BLK 32 LOT EXCESS Bagong Silang Caloocan City
E-mail Address :quilongmarvilyn@gmail.com

II. PERSONAL NA DATOS


EDAD: 21
KAPANGANAKAN: IKA-15 ng Pebrero
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Caloocan CITY
LAHI: FILIPINO
KASARIAN: Babae
III. EDUKASYONG KAKAYAHAN
Paaralan :
Pang-umpisa : New Era University SPKP
ELEMENTARYA : Pag-Asa Elementary school Unit 1
Sekondarya : Bagong Silang High School

Mga interes at pangarap


Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak makapagtapos ng aking
pag-aaral.Nais ko rin makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating bansa o kung papalarin
ay sa buong mundo upang lumawak ang aking kaalaman.Nais kung magkaroon ng
masayang buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at
makabuo ng isang pamilya. Sa aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung
makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao na makakatulong sa pagkamit ng mga
pangarap na aking inaasam.

You might also like