sa taong may nagmamay-ari na? Yung tipong umaarte kayo na parang kayo talaga! Yung tipong hulog na hulog kana! Na akala mo ay sasaluhin ka yun pala ay bibitawan ka!
Yung tipong ipaparamdam sayo
araw-araw na espesyal ka! Mahalaga ka at wala ng iba! Sa paggising mo sa umaga mensahe niya na kumusta ka? Kumain kana ba? Ay ligayang dama!
Naguluhan ako kung ano ba
talaga ang meron tayo. Ay mali wala naman palang tayo! At nag assume lang talaga ako! Baka ako lang naman ang may gusto! Nahulog na ako sayo! Pero wala kang balak na saluhin ako.
Masakit umasa sa taong akala mo
ay mahal ka, yun pala ay niloloko ka! Biniktima ka lang pala ng makamundo niyang pantasya! Pinilit mo ang puso niya na mahalin ka! Kahit na nilalamig at suko na Sadyang marupok ka lang talaga.
Sumugal ka sa larong alam mong
sa umpisa ay talo ka! Na sa puso niya ay may nag may-ari na Masakit man isipin na ang taong Ginawa mo ng mundo Ay siya pa ang sisira sa buhay mo
Kahit na sinaktan ka, pinaasa at niloko!
Tanggap muna hindi siya para sayo! Sadyang bilog lang talaga ang mundo At kalianman ay hindi ito patas maglaro.