Professional Documents
Culture Documents
Kantahing Bayan
Kantahing Bayan
Karamihan sa mga
oyayi o panghele sa mga sanggol sa buong mundo ay tunay na nakakapagpatulog at paulit-ulit
lamang ang pagbigkas ng mga salita. Marapat lamang banggitin na sa ilang oyayi ng Pilipinas,
ang mga salita ay di lamang paulit-ulit ngunit mayroon ding temang seryoso katulad ng :
panibugho sa kahirapan na kung saan ang sanggol ay ipinanganak o ang mataas na pangarap
ng isang ina sa kanyang anak kapag ito ay lumaki na.
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Magtanim Ay Di Biro
Bulilit Singers
Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko.
Di man lang makaupo,
Di man lang makatayo.
Braso ko'y namamanhid,
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umagang paggising,
Ang lahat iisipin.
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Braso ko'y namamanhid,
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimitig,
Sa pagkababad sa tubig.
Halina, halina, mga kaliyag.
Tayo'y magsipag unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas,
Para sa araw ng bukas.
Para sa araw ng bukas!
Minamahal Kita
ni Mike Velarde
Kung aking wariin sinta
Ay naghihintay pagtapatan ka
Kung nais malaman sinta
Bakit tangi kang minamahal
Ikaw lang ang tunay at siyang dahilan
Ng aking kaligayahan
Chorus:
Minamahal, minamahal kita
Pagsinta ay di magiiba
Hindi mo ba nadarama sinta
Bawat kilos ko'y pangarap ka
Minamahal, minamahal kita
At nasa iyo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ko twina
Minamahal, minamahal kita
(Repeat Chorus)
"Dahil Sa Iyo" is a song by Mike Velarde
Written in 1938 for the movie
✿Bituing Marikit
Sung by the "King
of the Philippine Movies"
Rogelio de la Rosa
=================♫
Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit
ng pusong umiibig
Mandin wala ng langit
At ng lumigaya
hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta
ang aking pag-asa
Isa ang diona sa mga katutubong anyo ng tula na una kong nasagap sa isang palihan sa
pagtula noong nasa hayskul pa lang ako. Mayroon na nito bago pa tayo sakupin ng
mga Kastila. Nabanggit pa nga ito bilang isa sa mga auit (“awit”) sa Vocabulario de
la lengua tagala nina Juan Jose de Noceda at Pedro de Sanlucar (1974).
Awit ang tawag sa mga katutubong tula dahil noong unang panahon ay inaawit ang
pagbigkas sa mga ito. Hindi naman ito nakapagtataka dahil may mga ganitong anyo
rin ng tula sa ibang bansa na inaawit pa rin hanggang ngayon.
Halimbawa:
Ang payong ko’y si inay
Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay
-Raymond Pambit
Ang Kumintang ay isang pangalan na tumutukoy sa iba't ibang uri ng metodo, teknino at porma sa
musika at sayaw na ginamit ng mga sinaunang Kastilang cartographers upang ilarawan ang kulturang
umiiral noon sa Batangas. Ang kahulugan nito ay "chant national" na isang musikang sinasayaw ng isang
pares ng lalaki at babae. Kadalasan, ang Kumintang ay patungkol sa pag-ibig at panliligaw. Bahagi ng
tradisyon sa pag-sayaw ng Kumintang ang ipasa ang isang baso ng lambanog sa kapwa mananayaw
habang sila ay umaawit din.
CHORUS:
Ang awit ng kabataan
Ang awit ng panahon
Hanggang sa kinabukasan
Awitin natin ngayon
CHORUS:
Ang awit ng kabataan
Ang awit ng panahon
Hanggang sa kinabukasan
Awitin natin ngayon
At sa pag-tulog ng gabi
Maririnig and dasal
Ng kabataang uhaw
Sa tunay na pagmamahal
Nawawala,nagtatago
Naghahanap ng kaibigan
Nagtataka, nagtatanong
Kung kailan kami mapakikinggan
CHORUS:
Ang awit ng kabataan
Ang awit ng panahon
Hanggang sa kinabukasan
Awitin natin ngayon
Kabataan...
Panahon...
Kabataan...
Ngayon na ang ating panahon
DALIT: Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na
taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa
Diyos, sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
Ang dalít naman ay isang tula na maaaring mabuo sa isang saknong gaya ng tanága at diyóna. Ito ay
binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin ang bawat taludtod.
Ito ang isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan.
Sa dalít ipinahahayag ng mga Tagalog ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin.
Narito ang isang mapagpatawang dalít noon:
Gagataliptip kalapad,
Kaya nakikipagpusag,
Halimbawa:
Nag-aral siyang pilit
Nang karangala’y makamit.
Buong buhay s’yang nagtiis.
Makapagtapos ang nais.
Ang Dungaw o Dung-aw ay isang makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano. Isa itong tulang inaawit.
Ito ay inaawit bilang panaghoy sa isang taong namatayan.
Ang dung-aw ay isang tradisyong Ilokano kung saan binabasahan ng tula ang patay ng pa-awit. Sa
kontemporaryong panahon naman ay maraming mga kanta ang maaaring ialay para sa mga yumao at sa
mga namatayan.
Isa rito ay ang “Paglisan” na kinanta ng bandang Color it Red. Ang awiting ito ay nagnanais magparating
ng walang katapusang pagmamahal sa namayapa.
Umbay
Awit ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang.
Tanging Yaman
Carol Banawa
* Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na di lubasang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan
Ika'y hanap sa t'wina,
Nitong pusong
Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga,
Nangungulila sa'yo sinta
Ika'y hanap sa t'wina,
Sa kapwa ko
Kita laging nadarama
Sa iyong mga likha,
Hangad pa ring masdan
Ang 'yong mukha
Kutang-kutang
Mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan.
Kutang kutang ay isang pampalipas ng pagod at awit sa lansangan na
ang layunin ay magpatawa
Kutang kutang
> Street songs (Mga awit sa kalye na kadalasa'y mula sa mga probinsya)
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin na pasalaysay. Katang-tanging katangian ng mga
sikat na tula at awit noon sa Pulo ng Briton ang Balada simula noong huling bahagi ng Gitnang
Panahon hanggang ika-19 na dantaon at labis na ginagamit sa buong Europa at lumaon ay ginamit
din ng mga bansa sa Amerika, Australia at Hilagang Aprika.
Ang Balad/balada isang uri o temang isang tugtugin na pasalaysay. Katang-tanging katangian ng mga
sikat na tula at awit noon sa Pulong Briton ang balada simula noong huling bahaging Gitnang Panahon
hanggang ika-19 na daantaon at labis na ginagamit sa buong Europa at lumaon ay ginamit din ng mga
bansa sa Amerika, Australia at Hilagang Aprika.
ba·lá·da
png |Lit Mus |[ Esp ]
1:tula o awit na nagsasalaysay : BALLAD, KANTINÉLA
2:mabagal at madam-daming awit na may dalawa o higit pang saknong na magkatulad ang
himig : BALLAD, KANTINÉLA
AWITING-BAYAN
-> Tinatawag din na Kantahing-bayan
-> Nasa anyong patula at binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod
-> Tungkol sa pang-araw-araw na buhay
-> Kaugalian, karanasan, gawain o hanapbuhay, at paniniwala
Ang mga kantahing-bayan ay tuloy-tinig (survival) ng kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Sa
kabuuan, ang mga kantahing- bayan noong panahon ng pre-kolonyal ay mga katutubong awitin ng
ating bansa.
Mga Halimbawa:
Lawiswis-Kawayan – Waray
Dandansoy – Ilonggo
Ay Kalisud – Ilonggo
Ili-ili Tulog Anay – Ilonggo
Si Pilemon – Sugbuwanon
Mga Uri:
1. Soliranin = awit ng mga mangingisda (Si Pelimon)
2. Talindaw = awit ng mga bangkero (Mama, Mamang Namamangka)
3. Diona = awit sa mga ikinakasal
4. Oyayi / Hele = awit pampatulog sa mga bata (Dandansoy, Ili-Ili Tulog Anay)
5. Kumintang = awit sa digmaan (Waray-Waray)
6. Dalit = awit sa simbahan
7. Sambotani = awit pag nagtagumpay (Kapirasong Luya)
8. Balitaw = awit ng pag-ibig [kundiman sa Tagalog] (Arimunding-Munding, Lawiswis Kawayan)
9. Dung-aw = awit sa patay ng Ilokano (pangangaluwa sa Tagalog)
10. Kutang-Kutang = awit sa lansangan (Paru-parong Bukid, Ale, Aleng Namamayong)
11. Maluway = awit sa sama-samang gawa (Bahay Kubo, Magtanim ay Di Biro)
Tatlong dahilan ng kahalagahan ng pag-aaral ng mga Kantahing-bayan:
1. Ang mga kantahing-bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at
kaluluwang bayan.
Uri ng Awiting-bayan
Kundiman
Ito ay ang awit ng pag-ibig.
Halimbawa:
Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)
Dandansoy, maiwan na kita
Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
Talindaw
Ito ay ang awit sa pamamangka.
Halimbawa:
An Balud (isinalin mula sa Waray)
Tila nag-aapoy, mapupulang langit
Maging itong dagat, tila nagngangalit
Siguro'y may nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
Daluyong na ito'y laruan ng dagat
Na nagmula pa sa karagatan
Ang gabing madilim, tubig na malinaw
ang pag-asa ng mga mandaragat
Diona
Ito ay ang awit sa kasal.
Halimbawa:
[walang pamagat]
Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang puso ngayo'y ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.
Soliranin o Suliranin
Ito ay ang awit sa paggaod habang namamangka o sa mga manggagawa.
Halimbawa:
Magtanim ay 'di Biro
Magtanin ay 'di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Dung-aw
Ito ay ang awit sa patay o pagdadalamhati ng mga Ilokano.
Rawitdawit
Ito ay ang awit ng mga lasing.
Sambotani
Ito ay ang awit ng pagtatagumpay.
Maluway
Ito ay ang awit sa sama-samang paggawa
Kutang-kutang
Ito ay ang awiting panlansangan.
Pananapatan
Ito ay ang panghaharana sa Tagalog.
Balitaw
Ito ay ang panghaharana sa Bisaya
Pangangaluwa
Ito ay ang awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.