Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 75

PONOLOHIYA

• Isa sa antas ng pag-aaral ng wika ang


ponolohiya. Ang “pono” ay galing sa
English na “phone” na nangangahulugang
tunog at ang “lohiya” na nangangahulugang
pag-aaral.

Samakatuwid ang ponolohiya/ponoloji ay


pag- aaral ng mga tunog ng ating wika. Ang
tunog ay tinatawag na ponema at bilang yunit
ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan.
PONEMA
• Ang tawag sa mga tunog ng ating
wika.

Halimbawa:
Ang pasa at basa ay nag-iiba ang
kahulugan kapag pinalitan. Ang /p/ at
/b/ ay mga makabuluhang tunog.
Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik
sa Pagsasalita
1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga (pressure
created when exhaling)
2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig (Vocal)
3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng
tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang
itinuturing na resonador (modifies the sound. The
mouth and nasal passageway are considered as
resonators.)
URI NG PONEMA
A. MGA PONEMANG SEGMENTAL
Ang ponemang segmental
ay pag-aaral ng mga tunog na
may katumbas na titik o letra
para mabasa o mabigkas.
Binubuo ito ng mga patinig,
katinig, klaster, diptonggo at iba
pa.
1. Ponemang Katinig
• Ang mga Ponemang Katinig ay
inayos sa dalawang artikulasyon –
ang paraan at punto ng
artikulasyon. Ang paraan ng
artikulasyon ay naglalarawan
kung paano pinatutunog ang mga
ponemang katinig sa bibig.
Ang sumusunod ay ibat-ibang punto
ng artikulasyon:
PANLABI
- Ang mga ponemang /p/, /b/, at /m/ ay
binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng ibabang
labi sa itaas na labi.

PANLABI-PANGNGIPIN
- Ang mga ponemang /f/, at /v/ ay binibigkas
sa pamamagitan ng pagdidiit ng labi sa mga ngipin
sa itaas.
PANGNGIPIN
- Ang mga ponemang /t/, /d/, at /n/ ay
binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng dila sa
mga ngipin sa itaas.

PANGGILAGID
- Ang mga ponemang /a/, /z/,/l/ at /r/ ay
binibigkas sa ibabaw ng dulong dila na dumidikit sa
punong gilagid.
PANG NGALANGALA
- Ang ponemang /ῇ/ at /y/ ay binibigkas sa
punong dila at dumidiit sa matigas na bahagi ng
ngalangala.

PANLALAMUNAN
- Ang mga ponemang /k/,/g/,/j/ at /w/ ay
binibigkas sa pamamagitan ng ibaba ng punong dila
na dumidiit sa malambot na ngalangala.
GLOTTAL
- Ang /?/ at /h/ ay binibigkas sa pamamagitan
ng pagdidiit at pagharang ng presyon ng papalabas
na hininga upang lumikha ng glottal na tunog.

ang sumusunod ay mga paraang ng artikulasyon:


Pasara
- Ang mga katinig na binibigkas ng pasarang walang
tinig at may tinig ay /p,b,t,d,k,g,?/.
Pailong
- Ang mga katinig ay binibigkas sa paraang
dumadaan sa ilong ang tunog kapag binibigkas.
Ang mga katinig na binibigkas na pailong ay /m,n,l/
Pasutsot
- Ang mga katinig na pasutsot ay /s,h/
Pagilid
-Ang mga katinig na pagilid ay /l/
Pakatal
- Ang katinig na pakatal ay /r/
Malapatinig
- Ang mga katinig na malapatinig ay /w/ at /y/.
2. PONEMANG PATINIG
- Ang ponemang patinig ay
binibigkas sa ating dila na binubuo ng
harap, sentral, gitna, at likod na bahagi.
Ang mga bahagi ng dila ang siyang
gumagana sa pagbigkas ng mga patinig
na binibigkas ng mataas, gitna at
mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas.
Ang /a,e,i,o,u/ ay mga patinig.
TSART NG MGA PONEMANG PATINIG

Anyo ng BAHAGI
Dila NG DILA
HARAP SENTRAL LIKOD

MATAAS i u
GITNA e o
MABABA a
3. Diptonggo
- Alinman sa ponemang patinig na
/a,e,I,o,u/ na sinusundan ng malapatinig na
/w/ at /y/ sa loob ng isang pantig ay tinatawag
na diptonggo. Ang diptonggo ay: aw, ay, ey, iw,
iy, oy, ow, uw, at uy.

Halimbawa:
Ba-liw sa-baw rey-na
Ba-hay ka-hoy ba-duy
4. KLASTER (KAMBAL-KATINIG)
- Ang klaster na maituturing na kambal katinig
ay binubuo ng dalawang magkasunpd na katinig sa
isang pantig, Maaring makita ang klaster sa inisyal,
midyal at pinal na pantig na salita.
Halimbawa:
Inisyal Midyal Pinal
Blusa sombrero ark
Kwento ekspresyon kard
Dragon asambleya biks
5. PARES MINIMAL
- Kasama sa pag-aaral ng ponemang
segmental ang pares minimal. Ito ay binubuo ng
pares ng salitang magkaiba ang kahulugan
ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas.
Halimbawa:
Pepe/pipi uso/oso
Misa/mesa pala/bala
Tila/tela bata/pata
6. PONEMANG MALAYANG
NAGPAPALITAN
- ito ay binubuo ng pares ng salitang
nagtataglay ng magkaibang ponemang
matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na
di-nagbabago ang kahulugan.
Halimbawa:
marami/madami tutuo/totoo
nuon/noon babae/babai
B. PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
• Ang Diin, bilang ponemang
suprasegmental, - ay lakas,
bigat o bahagyang pagtaas
ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salitang
binibigkas.
• Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling
pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.

• Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na
sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya
1. DIIN
Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang
pantig ng salita na may diin. Sa Filipino,
karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang
higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin
ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

/ba:hay/ - tirahan
/pagpapaha:ba?/ - lengthening
/kaibi:gan/ - friend
/sim:boloh/ - sagisag
2. TONO
- Ginagamit ang tono kapag
tumutukoy ang tindi ng
damdamin sa pagsasalita. Sa
tono ng tagapagsalita,
malalaman ang kahulugan ng
pahayag na kanyang gustong
sabihin.
3. INTONASYON
- Nauukol ito sa pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat
sa kahulugan ng isang pahayag. Ang punto
naman ay tumutukoy sa rehiyonal na tunog
o “accent”.
HALIMBAWA:
Totoo ang sinabi niya. (Nagsasalaysay)
Totoo ang sinabu niya? (Nagtatanong)
4.Hinto/ juncture
• Ito ang saglit na pagtitigil kung
nagsasalita ,sa pangungusap
mapapansin ang bahagi kung
kailan dapat huminto ito ay sa
pamamagitan ng kuwit (,) at
tuldok (.)
Halimbawa
• Tito jose antonio ang kaibigan ko // ( ipinakilala
ang buong pangalan ng kaibigan nya)
• Tito/ jose antonio ang kaibigan ko //( ipinakikilala
sa kanyang tito jose antonio)
• Tito jose/ antonio ang kaibigan ko //
(ipinakikilala sa kanyang tito si jose antonio )
• Tito jose antonio / ang kaibigan ko //(
ipinakikilala ang kaibigan kay tito jose antonio)
Mga uri ng diin at tuldik
• Ang diin ay paglalaban ng bigat ng isang pantig sa
pagbigkas ng isang salita .

1. Malumanay o banayad o malumanay


2. Mabilis o masigla
3. Malumi o banayad na impit
4. Maragsa o bigla o mabilis na impit
5. Mariin o mabagal
6. Malaw – aw o paudlot
- Ang tuldik ay mga pananda sa ilang uri ng
diin sa pagbasa ng mga salitang nakasulat o
nakalimbag. Ang bawat tuldik ay may diing
kinakatawan o kinauukulan. Sa anim na uri ng
diin, 3 lamang ang tuldik na ginagamit na
pananda tulad ng :

1. Tuldik na pahilis ( /)
2. Tuldik na paiwa (\)
3. Tuldik na pakupya (^)
Uri ng Diin
1. Salitang malumanay
a) Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig ng
salita buhat sa hulian; binibigkas ng banayad
at hindi tinutuldikan.maaring magtapos sa
patinig o katinig
Halimbawa
1. Bunga 4.mayaman
2. Halaman 5.mahirap
3. Tao 6.aso
a)Ang bigkas ay di
nagbabago kahit gamitan
ng pang angkop o panlapi.
Halimbawa
1.Dahon 4.makilalang
2.Talakayin 5.mabuhay
3.Dalaga 6.ala -ala
2.Salitang mabilis
• Ang diing mabilis ay binibigkas
ng pagbunton sa hulihang
pantig ng salita o nang tuloy
tuloy .ito ay maaaring
magtapos sa patinig o katinig
.ang tuldik na ginagamit sa
saliitang mabilis ay pahilis.
Halimbawa :
1. Timpalάk 4.lihά
2. Panahάn 5.kulugό
3. batά

b.Lahat ng salitang ugat na


dadalawahing pantig at nagsisimula o
pinangungunahan ng isang katning sa iy
o sa uw ay binibigkas ng mabilis at
tinutuldikan.
Halimbawa :
1. Iyᾁk 4.buwάn
2. Niyόn 5 .siyά
3. Uwάn 6.buwάg

c.Lahat ng mga panghalip panao ay


may diing mabilis maliban sa mga
panghalip na akin,tayo,amin, naming,
atin, natin na pawang malumanay.
- Ang mga salitang dadalawahing pantig na
magkasunod ang dalawang katinig ay binibigkas
gaya ng: aklὰt ,daglὰt maliban sa minsan at pinsan
na pawang mariin.
Halimbawa :
1. akό 4.kanilά
2. Ikάw 5.ninyό
3. inyό 6.nilά
d. Lahat ng mga katutubong tawag sa mga
bilang,buhat sa isa ay panay na mabilis maliban sa
apat,anim ,libo,yuta, at angaw na mga
malumanay at ang sampu nat laksa na kapwa
maragsa.
Halimbawa:

•Isά
•Dalawά •Walό
•Tatlό •Siyάm
•Pitό
e. Titik na
magkawangis na
dadalawahing pantig
maliban sa oo na
diing malumay.
Halimbawa

Paᾴ
Noό
Libᾴg
f. Salitang binubuo ng pantig na
kabilaan na magkawangis at
magkasunod

Halimbawa

Liwayw ᾴ y
Ligamgᾴm
3. Salitang Malumi
a. Ang mga salitang malumi ay may
tuldik na paiwa. Laging
nagtatapos sa patinig. Ang diin
ay nasa kaliwang pantig buhat sa
hulian ngunit ang huling pantig
ay may in pit kung bigkasin.
Walang malumi na iisahing
pantig.
Halimbawa
Panukalᾲ
Binatᾲ
Sariwᾲ
birᾲ
Luhᾲ
Dambuhalᾲ
b. Nananatili ang bigkas na malumi
kahit may unlap at gitlapi.
Halimbawa:
pinanᾲ
nadayᾲ
bumatᾲ
Tumulᾲ
lumuhᾲ
lumabᾲ
c. Nagiging malumay ang
malumi kapag inaangkupan.
Halimbawa:

Diwang kayumanggi
Binatang-bukid
Sariwang bukid
Luhang pumatak
4. Salitang Maragsa
a. Ito ay may tuldik na pakupya at laging
nagtatapos sa patinig. Binibigkas ang salita na
tuloy-tuloy ngunitinimpit sa huling pantig.

Halimbawa:
Sinundâ
sinalitâ
dumugộ
pinunộ
bumahâ
sumalitâ
c. Ang maragsa ay nagiging mabilis
kapag inaangkupan o ginagamitan
ng ‘t o ‘y/
Halimbawa:
Gintột pilak
Dugộy Pilipino
Binhíy magaling
d. Ang salitang dadalawahing pantig na
ang huling patinig ay sumusunod sa
dalawang katinig ay binibigkas nang
maragsa.
Halimbawa:

Biglâ
Dukhâ
binhí
5. Salitang Mariin
a. Ang diin ay laging nasa ikatlo o higit pang
pantig. Ang mga salitang may diing
mariin ay binubuo ng tatlo o higit pang
pantig.
Halimbawa:
Kaluluwa
Libingan
Tahanan
Lasingan
Kaininan
tibagan
b. Mga pangalan sa bilang, kung inuulit ang
unang pantig at nangangahulugan ng wala
kundi iyon lamang.
Halimbawa:
Iisa
Sasampu
Wawalo
Dadalawa
Pipito
Tatatlo
c. Mga salitang iuunlapian ng tala o pala
at hinuhulupian ng an o han.
Halimbawa:
Palabigasan
Talatinigan
Palatuntunan
Palabigkasan
Talatanungan
palatunugan
d. Mga pandiwang nasa aspetong
imperpektibo at komtemplatibo.
Halimbawa:
Kumakain
Tatawagin
Sumusulat
Kakain
Babasa
titimbagin
Ang Pagpapantig
Halaw mula sa revisyon ng alfabetong Filipino
2001
Kayarian ng Pantig
Sa Kasalukuyan ay may mga kayarian ng
pantig na ambag ng mga lokal na wika at
panghihiram..

Ang pagtukoy sa pantig gayundin sa kayarian


nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng
simbolong K para sa katinig at P para sa patinig.
Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
Kayarian Halimbawa
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plantsa
KKPKK trans-portasyon
KKPKKK shorts
ANG PAGPAPANTIG
- Ay paraan ng
pagbabaha-bahagi
ng salita sa mga
pantig.
a. Kapag may magkasunod na dalawa o
higit pang patinig sa posisyong
inisya, midyal at final na salita, ito ay
hiwalay sa mga pantig.
Halimbawa:
Salita Mga Pantig
aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
b. Kapag may dalawang
magkaibang katinig na
magkasunod sa loob ng isang
salita, maging katutubo o hiram
man ang una ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang
pangalawa ay sa patinig na
kasunod.
Salita Mga Pantig
Buksan buk-san
Pinto pin-to
Tuktok tuk-tok
Pantig pan-tig
Sobre sob-re
Kopya kop-ya
Kapre kap-re
Tokwa tok-wa
c. Kapag may tatlo o higit pang
magkakaibang katinig na
magkakasunod sa loob ng isang salita,
ang unang dalawa ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang huli ay sa patinig
na kasunod.
Salita Mga Pantig
Eksperimento eks-pe-ri-men-to
Transkripsyon trans-krip-syon
d. Kapag ang una sa tatlong
magkakasunod na katinig ay m
o n at ang kasunod na dalawa
ay alinman sa bl,br,pl,tr, ang
unang katinig (m o n) ay sa
sinusundang patinig kasama at
ang huling dalawa ay sa
kasunod na patinig.
Salita Mga Pantig

asembleya a-sem-ble-ya
alambre a-lam-bre
balandra ba-lan-dra
sentro sen-tro
simple sim-ple
e. Kapag may apat na magkakasunod
na katinig sa sa loob ng isang salita, ang
unang dalawang katinig ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang huling
dalawa ay sa patinig na kasunod.
Salita Mga Pantig
ekstradisyon eks-tra-di-syon
eksklusibo eks-klu-si-bo
ANG PAG-UULIT NG PANTIG
Ang mga sumusunod ang tuntunin sa
pag-uulit ng pantig.
a. Kung ang unang tunog ng salitang-
ugat o batayang salita patinig,
patinig lamang ang inuulit.
a-lis a-a-lis
eks-tra e-ekstra
Ang tuntuning ding ito ang
sinusunod kahit may unlapi ang
salita.
mag-alis mag-a-alis

umekstra u-me-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang-
ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-
patinig), ang katinig at ang kasunod na
patinig lamang ang inuulit.

Ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa


La-kad la-la-kad ni--la-la-kad
Tak-bo ta-tak-bo nag-ta-takbo
Sulat su-su-lat mag-su-su-lat
c. Kung ang unang pantig ng salitang-
ugat ay may KK (klaster na katinig) na
kayarian, dalawang paraan ang maaring
gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng
nagsasalita o variant ng
paggamit ng wika sa
komunidad.
- Inuulit lamang ang ang unang katinig
at patinig

Plan-tsa - pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa

Pri-to - pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to

Kwento - ku-ku-wen-tu-han - mag-ku-kwen-to


- Inuulit klaster na katinig, kasama ang
patinig.

Plan-tsa - pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa

Pri-to - pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to

Kwen-to - ku-ku-wen-tu-han - mag-ku-kwen-to


ANG GAMIT NG GITLING
- Ginagamit ang
gitling (-) sa loob ng
salita sa mga
sumusunod na
pagkakataon.
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o
mahigit na sa isang pantig ng
salitang-ugat.

araw-araw dala-dalawa
isa-isa sari-sarili
apat-apat kabi-kabila
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig kapag ito hindi
ginigitlingan magkakaroon ng ibang
kahulugan.
mag-alis pang-ako
nag-isa may-ari
mang-uto tag-init
3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan
ng dalawang salitang pinagsama.

Pamatay ng insekto - pamatay-insekto


Kahoy sa gubat - kahoy-gubat
Humigit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan- bahay-aliwan
dalagang tagabukid- dalagang bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng
dalawang salita ay magbago ang
kahulugan, hindi na gagamitan ng
gitling ang pagitan nito.

dalagambukid (isda)
buntunghininga
dahumpalay (ahas)
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan
ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo.
Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispelling.
maka-Diyos mag-PAL
maka-Rizal maka-Johnson
maka-Pilipino mag-Ford
pa-Baguio taga-Luzon
Sa pag-uulit ng pantig ng tanging
ngalang may unlapi, ang gitling ay
nililipat sa pagitan ng inulit na unang
pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan.
mag-Japan magja-Japan
mag-Coke magco-Coke
mag-Zonrox magzo-Zonrox
5. Kapag ang panlaping ika-ay
iniunlapi sa numero o pamilang.

ika-3:oo ng hapon ika-20 pahina


ika-10 n.u ika-3 rebisyon
ika-9 na buwan ika-7 kabanata
6. Kapag isinulat nang patitik ang
mga yunit ng fraction.

isang-kapat (1/4)
lima’t tatlong-kapat (5Â3/4)
7. Kapag pinagkakabit o
pinagsasama ang apelyido ng babae
sa kanyang bana o asawa.
Jane Kibla- Lartec
Dolores Sunga- Tanawan
Anita Arabejo-Nacin
8. Kapag hinati ang
isang salita sa dulo ng
isang linya.

You might also like