Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Continuation…..

Ang mga Polis


Polis- isang lungsod-estado, hango ang salita na may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya,
politika, at politiko.
5000 kalalakihan- ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis dahil noon ay sila
lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado.
Acropolis- isa sa mga pamayanan ng polis na matatagpuan sa matataas na lugar o mataas na lungsod.
- Sa panahon ng digmaan, ito ang nagging takbuhan ng Greeks para sa kanilang proteksyon
- Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at temple kung kaya’t ito ang naging sentro ng
politika at relihiyon ng mga Greek.
Agora- o pamiliahang bayan, ibabang bahagi ng acropolis

Ang mga lihitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian,


humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Karagatang Mediterranaen at Iton- sa paligid nito napadpad ang mga Greeks na nangibang lugar dahil
sa mabilis na paglaki ng populasyon sa polis.

Phoenician- nakuha ng mga Greeks mula sa kanila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman na
kanilang sariling alpabeto.
- Mula din sa kanila ang teknik sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko
Sumerian- mula sa kanila namana ng Greeks ang Sistema ng panukat
Lydian- mula sa kanila natutuhan ng Greeks ang paggamit ng sensilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Sparta, ang pamayanan ng mga Mandirigma


Peloponnesus- dito itinatag ng mga Dorian ang polis o lungsod-estado ng Sparta; nasa timog na
bahagi ng tangway ng Greece
Sparta- ito lamang ang hindi umaasa sa kalakalan sa lahat ng mga lungsod-estado.
Helot- mga tagasaka ng mga malalawak na lupang sakahan ng mga Spartan sa Sparta; alipin ng mga
Spartan

 Ang pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at


kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan.
 Ang mga batang lalaki pagsapit ng pitong taon ay dinadala na sa kampo military upang
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo military.
 Layunin ng pagsasanay: malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban,
at katapatan

edad na 20- ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga
hangganan ng labanan
edad na 30- sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan sa kampo, kung
saan hahati na sila sa gastos
edad na 60- sila ay maaari ng magretiro sa hukbo.
 Ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan di tulad ng mga
kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan.
Phalanx- hukbo na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma ; hindi mga
bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito


600 BCE- ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na
Attica.
Ang Athens ay hindi nanakop ng mga kolonya, sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na
nagging dahilan upang nag iba nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.
Athens- sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamumunuan ng mga tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong nagsusulong sa karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan.
Tyrant- bilang malupit na pinuno sa kasalukuyan, pinuno na umaabuso sa kanilang posisyon sa
Athens.
 Sa simula, ang Athens ay pinamumunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at
pinapayuhan ng mga konseho ng maharlika.
 Asembleya- binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan.
 Archon- pinuno ng asembleya na pinaburan ang mga may kaya sa lipunan.
Draco- isang tagapagbatas na sumulat sa ipinagawa ng mga aristokrata o mayayamanh tao upang
mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di-nasisiyahang karaniwang tao ( mga artisan at mga
mangangalakal).
Maraming mga Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang.
Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahgi sa larangan ng politika.
594 BCE- naganap ang sumunod na pagbabago sa pangnguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng
aristokata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Si gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, hindi nasiyahan ang mga aristokrata. Sa
kasalukuyan, ginamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan
na umuugit ng batas.

564 BCE- isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaang Athens. Nakuha
niya ang suporta at tiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya.

510 BCE- naganap muli ang pagbabago sa sistemang political ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes.
Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito
at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya- ang tagagawa ng
pinairal na batas.

Ostrakon – pira-pirasong palayok kung saan nakasulat ang pangalan ng taong palalayasin sa Athens.
Ostracism- sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao

500 BCE- ang pinakamalaking naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan
nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

You might also like