Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL

ANNEX
T.P: 2018-2019

KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO 10

Nobyembre 28, 2018

I. Mga Layunin:
a. Nahihinuha ang mahahalagang impormasyon batay sa panonooring “Video Clip”
b. Napalalakas ang kasanayang pagdidiskurso (Paglalarawan, Paglalahad,
Pangangatwiran, Pagsasalaysay) sa pamamagitan ng Dulog na “Design thinking”
c. Nakalilikha ng bagong kritisismo batay sa pagbasag sa iba’t ibang disiplina

II.Paksang Aralin:
Pamagat ng Akda: Nelson Mandela, Bayani ng South Africa
Uri ng akdang Pampanitikan: Talumpati
Sanggunian: Ang Panitikang Pandaigdig, Filipino 10
Kaisipan: “ Ang espiritu ng matapat at may birtud na pinuno ay magiging talaytayan sa
Pagliliwanag ng kamalayan ng bawat indibiduwal na magsisilbing tuntungan
sa mabungang komunikasyon upang magkaunawaan at makalikha ng mga
positibong kaugalian, at di-kalaunay magiging tradisyon at hahantong sa
inaasam na pagkakaisa na magsisilbing sandata upang ipaglaban ang
karapatang pantao at ng ating inang bayan.”

III. Proseso sa Pagkatuto


a. Paunang Pagsubok:
Gagamitin ang Istratehiyang “Celebrity Bluff” upang sagutin ang mga piniling
katanungan.
b. Pagganyak:
“Paano mo Nasabe?”
Magpapanood ang guro ng isang “Video Clip” upang makabuo ng impormasyon
upang maitawid ito sa akdang tatalakayin.
c. Pagtalakay sa Paksa
1. Paglalahad
Tatawag ng isang mag-aaral at ilalahad ang talumpati ni Nelson Mandela.
2. Pangkatang Gawain
Panuto: Magdiskurso ng mga Impormasyon, gamitin ang Dulog na
“Design Thinking” sa paghabi ng akda
Unang Pangkat: Pamaraang “Emphaty Map”
Ikalawang Pangkat: Pamaraang “ I Like, I Wish, What if”
Ikatlong Pangkat: Pagdidiskurso ng Pahayag gamit ang apat na uri
Ikaapat na Pangkat: Pagtatanghal ng “Informance Theater”
Ikalimang Pangkat: Pagbibigay ng Kritisismo sa mga Presenter
d. Pagtatasa
Huling Pagsubok

Panuto: SCRAMBLED LETTER, GAWING BETTER!

Bumuo ng kaisipan na maiuugnay ang limang mabubuong salita na masasalamin


ang akdang tinalakay.

e. Paglalapat
Pagbabahaginan ang sayusay na ito:

“Ang mabuting PINUNO ay tulad ng kandilang nagbibigay LIWANAG sa mga

pinaglilingkuran tungo sa kanilang tagumpay!”

IV. Takdang Aralin

1. Ano-ano ang layunin ng pagtatalumpati

2. Ibigay ang katangian ng pagtatalumpati

3. Sa iyong palagay , paano nagiging mahalaga ang isang talumpati?

4. Saliksikin at basahin ang Talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino.

Nagpakitang Turo:

JESSE R. VICENTE
TII, Tagapangulo sa Kagawaran ng Filipino

Namasid ni:

NOEL S. FAVILA
OIC-Principal
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL
ANNEX
T.P: 2018-2019

KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN
SA
EL FILIBUSTERISMO
Marso 6, 2019

I. Mga Layunin:
a. Naipagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tulong ng “Time Line”
b. Napahahalagahan ang iba’t ibang talino, talento at kakayahan sa paglikha ng
impormasyon at ideya sa tulong ng dulog kolaboratibo
c. Nakadidiskurso ng konsepto hinggil sa tiyak na kaisipan na nais palitawin ng may akda.

II.Paksang Aralin:
Pamagat ng Akda: Kabanata 18- Ang mga Karayaan
Uri ng akdang Pampanitikan: Nobela
Sanggunian: El Filibusterismo

III. Proseso sa Pagkatuto

a. Pagganyak:
Magpapakita ng mga larawan ang guro at pipiliin ang tamang sagot ayon sa mga
katanungang hinihingi.

b. Pagtalakay sa Paksa
1. Paglalahad
Pagsusunud-sunurin ng mag-aaral ang mga pangyayari na nahalaw mula
sa binasang kabanata gamit ang Flash Card sa pamamagitan ng
Estratehiyang “ Time Line.”
Mga Gabay na tanong:

1. Paano masasabing ang buhay ni Imuthis ay buhay ni Ibarra?

2. Ano ang sinasagisag ni Cambyses sa salaysay ng espinghe?

3. Paano naging parang sinadyang kahawig ng buhay ni Ibarra ang

salaysay ng Espinghe?

4. Paano nagawa ang pagbuo sa ulong


nagsasalita?

5. Saan nagtungo si Mr. Leeds matapos ang palabas? Bakit?


2. Pangkatang Gawain
Panuto: Panoorin ang Bidyu Klip at pagkatapos madalumat ang tema ng
Bidyu Klip ,Gamitin ang “ Multiple Intelligence Scheme” na lapat ang iba’t
ibang kolaboratibong gawain sa paglikha ng mga impormasyon,
kaalaman, ideya o produkto.
Pangkat 1-Talinong Biswal (Pagguhit ng Larawan)
Pangkat 2-Talinong Berbal (Sentence Stem)
Pangkat 3-Talinong Matematikal ( Card Sort)
Pangkat 4- Talinong Kinestetika (Pagsasadula)
Pangkat 5-Talinong Musikal-( Pagbubuo ng isang Awit)
Pangkat 6-Talinong Intrapersonal (Turn and Talk)
Pangkat 7-Talinong Interpersonal ( Save the last Word for Me)
Pangkat 8-Talinong Naturalist
Pangkat 9-Talinong Existentialist

(Paalala: Ang pagsasakatuparan ng lahat ng gawain batay sa “multiple


Intelligences” ay nakadepende sa pipiliin ng mag-aaral ayon sa tunay nilang
kakayahan at talino, kaya maaring hindi lahat ay maisagawa)

c. Pagtatasa
1. Kung si Simoun nga ang may pakana ng lahat sa bulwagan, makatwiran ba ito?
Bakit?
2. Ano ang layunin ng pagtatanghal na pinangunahan ni Mr. Leeds, tama bang
gamitin ang pandaraya para lamang maisakatuparan ang isang hangarin kahit
ito pa ay para sa ikabubuti ng lahat?
d. Pagtataya
Pagkatapos ninyong madalumat ang nilalaman ng KARAYAAN, anong diskurso
ang maari ninyong ibahagi hinggil dito?

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Kabanata 19. Ang Mitsa.Pp. 70-74

Bumuo ng Banghay hinggil dito, gamitin ang Plot Diagram

Nagpakitang Turo:

JESSE R. VICENTE
TII, Tagapangulo sa Kagawaran ng Filipino

Namasid ni:

NOEL S. FAVILA
OIC-Principal
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL
ANNEX
T.P: 2018-2019

KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO 10

March 7, 2019

I. Mga Layunin:
a. Naipaliliwanag kung paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan batay sa
katangian nito
b. Naiuugnay ang kalagayang panlipunan sa tiyak na tema ng akda
c. Nakalilikha ng dagli batay sa pamantayan ng pagsulat

II.Paksang Aralin:
Pamagat ng Akda: Ako Po’y Pitong Taong Gulang
Uri ng akdang Pampanitikan: Dagli
Sanggunian: Panitikang Pandaigdig
Kaisipan: Bawat indibiduwal ay may karapatan at tungkulin sa ginagalawang lipunan at
ito ay dapat na iniingatan at pinahahalagahan ng bawat isa.

III. Proseso sa Pagkatuto


a. Paunang Pagsubok:
Magpapakita ng isang larawan ang guro tungkol sa isang batang nasa edad 7
hanggang 15 taon at sasa gutin ang gabay na tanong.
Gabay na Tanong
1. Ano-ano ba ang dapat na ginagawa ng isang bata?
2. Sa isang mahirap na bata, ano kaya ang naghihintay sa kanyang
kapalaran?Ipaliwanag.

b. Pagganyak:
Magpapanood ng isang maikling dokyumentaryo ang guro tungkol sa paksang
“Child Labor”
c. Pagtalakay sa Paksa
1. Paglalahad
Gagamitin ang estratehiyang dugtungang pagbasa para ilahad ang dagli.
2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Gagamitin ang Estratehiyang “ Turn and Talk” upang tukuyin
ang pangunahing detalye ng dagling binasa
Pangkat 2: Gagamitin ang Estratehiyang “ Sentence Stem” upang ilahad
ang suliraning nakapaloob sa akda.
Pangkat 3: Gagamitin ang Estratehiyang “ Four Corners” upang talakayin
ang mga nasipat na sitwasyon mula sa tinalakay na dagli
Pangkat 4: Gagamitin ang Estratehiyang “ Venn Diagram” upang pag-
ugnayin ang dagli sa maikling Kuwento.
d. Pagtatasa
1. Bakit nangyayari sa mga kabataan ngayon ang ganitong sitwasyon na
humahantong sa pang-aabuso at pagkawasak ng pangarap?

2. Paano kaya ito malulunasan ng ating pamilya, komunidad at pamahalaan


upang maisakatuparan ang sinasabi ni Rizal na “ Ang kabataan ay pag-asa ng
Bayan”.

e. Paglalapat
Ipaliwanag batay sa abot ng inyong kakayahan.
“Bawat indibiduwal ay may karapatan at tungkulin sa ginagalawang lipunan at
ito ay dapat na iniingatan at pinahahalagahan ng bawat isa”
f. Pagbubuo
Sumulat ng isang dagli na may pinamagatang “ Ang Aking Pangarap”

IV. Takdang Aralin

1. Ano ang elemento ng Nobela?

2. Manood ng isang pelikula tungkol sa isang mangigisda.

2.1. Batay sa iyong napanood, isa-isahin mo nga ang kanilang sakripisyo na


nararanasan sa buhay.
2.2. Sa isang mangingisda, may pag-asa pa kaya silang umasenso sa buhay?

Nagpakitang Turo:

JESSE R. VICENTE
TII, Tagapangulo sa Kagawaran ng Filipino

Namasid ni:

NOEL S. FAVILA
Principal 1
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL
ANNEX
T.P: 2018-2019

KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO 10

March 8, 2019

I. Mga Layunin:
a. Naiisa-isa ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbuo ng banghay
b. Nakikilala ang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng “Character Profile”
c. Nakabubuo ng ng sariling opinion batay sa mensaheng hatid ng akda

II.Paksang Aralin:
Pamagat ng Akda: Don Custodio
Uri ng akdang Pampanitikan: Nobela
Kaisipan: Maglingkod ng tama sa bayan, huwag haluan pandarambong o kurapsyon ang
anomang pagtulong sa mamamayan.

III. Proseso sa Pagkatuto


a. Paunang Pagsubok:
Ibigay ang pagkakatulad at kaibahan ng TIMAWA sa Makapangyarihan.

b. Pagganyak:
Magpapanood ng isang bidyu na naglalaman ng isang balita tungkol sa isang
makapangyarihang opisyal
Gabay na Tanong:
1. Ano ang mahihinuha ninyo sa ipinakitang bidyu?
2. Tunay kayang naglilingkod bayan ang ganitong opisyal? Patunayan.
c. Pagtalakay sa Paksa
1. Paglalahad
May ipaparinig na Voice Record ang guro at ito ay naglalaman tungkol sa
buhay ni Don Custodio
2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Bumuo ng banghay ( simula tumitinding galaw, kasukdulan ,
kakalasan at wakas) batay sa narinig mula sa voice record
Pangkat 2: Buuin ang Character Profile batay sa narinig
Pangkat 3: Ibigay ang katangian ng pangunahing tauhan
Pangkat 4: Buuin ang estratehiyang “ Design Thinking” upang mapunan
and I wish, I like and What If”
d. Pagtatasa
1. Maihahalintulad ba natin si Don Custodio sa mga kawani ng ating pamahalaan
sa kasalukuyan?

2. May gamut pa kaya lunas sa mga katulad na tiwali n gating pamahalaan ,


patunayan
e. Paglalapat
Kung magiging isa ka sa pinuno ng ating bayan ano ang un among isasagawa
upang patunayan na tapat ka sa iyong paglilingkod?

IV. Takdang Aralin

1. Ibigay ang katangian ng Nobela at Dula

2.Magsaliksik sa Internet : Mga larawan at Gawain ng mga abogado

Nagpakitang Turo:

JESSE R. VICENTE
TII, Tagapangulo sa Kagawaran ng Filipino

Namasid ni:

NOEL S. FAVILA
Principal 1
HOLY SPIRIT NATIONAL HIGH SCHOOL
ANNEX
T.P: 2019-2020

KAGAWARAN NG FILIPINO

BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO 10
Hulyo 9, 2019
(Ikalawang Araw)

I. Mga Layunin:
a. Napauunlad ang kasanayang pagpapakahulugan batay sa mga salitang napili mula sa
akda
b. Nalilinang ang Talinong Interpersonal sa pagdalumat sa akda sa pamamagitan ng
“ Gallery Walk”
c. Napalalakas ang antas ng epektibong pakikinig sa tulong ng tinig ng tagaganap mula sa
napanood na dokyumentaryo

II.Paksang Aralin:
Pamagat ng Akda: Ang Kuwintas
Uri ng akdang Pampanitikan: Maikling Kuwento mula sa France
Sanggunian: Ang Panitikang Pandaigdig, Filipino 10. Pahina 56-68
Kaisipan: “ Hindi kayamanan o materyal na bagay ang magpapaligaya sa sangkatauhan”

III. Proseso sa Pagkatuto


a. Pangganyak
Gagamitin ang Istratehiyang “Celebrity Bluff” upang matukoy ang wastong sagot
sa nabuong katanungan.
b. Paglalahad
1. Iisa-isahin ang Rubriks ng Pagmamarka sa gawaing itatanghal

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA 4 3 2 1


A. Kaugnayan ng paksa ang binuong diskurso
B. Nagtataglay ng kaisahan ng ideya na manipestasyon ng lakas
interpersonal
C. Gumamit ng mga payak na salita at medaling maunawaan
D. Nasunod ang pamatayan sa paggawa ng tuntunin

Interpretasyon:

4- Napakahusay ng pagkakabuo ng diskurso


3- Mahusay ang pagkakabuo ng diskurso
2-Katamtamang husay ng pagkakabuo ng diskurso
1- Kailangan pa ng pagsasanay sa pagbuo ng diskurso

2. Ilalahad ang angkop na pangyayari na nasipat sa akda sa tulong ng “Plot


Diagram”
c. Pagtalakay sa Paksa
1. Talatinigan
Pipiliin ng mag-aaral ang wastong kahulugan ng mga salitang napili sa
akda

2. Pangkatang Gawain
“Gallery Walk”
Panuto:
1.Bawat isa sa anim na pangkat ay dadaan sa lahat ng istasyon
2.Kailangang tugunan ang mga panutong nakasaad sa mga
papel na makikita rin sa 6 na istasyon naglalaman ng tanong, kaisipan o
quotation.
3. Pagkatapos mabasa ang nakasulat sa papel, 2 hanggang 3 minuto
lamang ang ibibigay upang talakayin ng pangkat ang hinihinging tugon
ayon sa isinasaad ng panuto
4. Ipapahayag ito sa klase pagkatapos na mabuo ang diskurso

d. Pagtatasa
Buuin ang “Character Map”

TAUHAN KATANGIANG PISIKAL GAWI/AKSIYON REAKSIYON NG IBANG TAUHAN

1.

2.

3.

e. Paglalapat

1.Magpapanood ng dokyumentaryo ang guro na may pamagat na


“ Ang Malaking Dagok ng Pamilya ni Maribel”

2. Isasagawa ng mag-aaral ang mapanuring pakikinig sa mga pahayag ng


tagaganap mula sa panonooring dokyumentaryo

3. Bubuuin ang Paradigma ng “ REFLECTION FIGURE” at ipahahayag ng mag-aaral


ang bunga ng kanilang kritika mula sa napanood at napakinggan sa
dokyumentaryo.


“REFLECTION FIGURE”

THINGS I HAVE LEARNED

(KNOWLEDGE)

THINGS I HAVE REALIZED


AND APPRECIATED

(ATTITUDES)

THINGS I HAVE DISCOVERED

(SKILLS)

f. Pagpapahalaga

Pagbabahaginan ang kaisipan na halaw mula sa akda.

“ Hindi kayamanan o materyal na bagay ang magpapaligaya sa sangkatauhan”

IV. Takdang Aralin

Saliksikin ang depinisyon ng mga sumusunod:

1.Pangungusap at Sugnay

2. Cohesive Devices

3.Anapora at Katapora

Nagpakitang Turo:

JESSE R. VICENTE
Teacher II

Namasid ni: Binigyang Pansin ni:

ERNESTO D. FERRER JR. MARY GRACE C. DELA CRUZ


OIC-School Principal Head Teacher III

You might also like