CABRILLOS - CASANO - QUANICO (Revised)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagpapahalagang Pilipino sa mga Piling Siday ng San

Julian, Silangang Samar


Ian Mark P. Nibalvos, M.A

Nibalvos I. M. (2018). Pagpapahalagang Pilipino sa mga Piling Siday ng San Julian, Silangang Samar.
San beda University.

Ayon kay Timbreza (2003) sa Nibalvos (2018), ang tao mismo ang kanyang sariling
pagpapahalaga.Tayo ay ano at sino sa ating mga pagpapahalaga, kung paano tayo namumuhay,
kumikilos, nagtatrabaho, nag-iisip, humuhusga at gumagawa ng mga desisyon batay sa ating
sistema ng pagpapahalaga. Samantala, sa pananaliksik ni Dr. Nur Silay na A Survey of Values
Education and Its Connection with Character Education noong taong 2013, nabanggit niya ang
kahulugang ibinigay ni Halstead (1996), ito ay mga prinsipyo na nagsisilbing pangkalahatang
gabay sa pag-uugali o gawi o bilang batayan sa paggawa ng desisyon o sa ebalwasyon ng mga
paniniwala at kilos.
Ang panitikan bilang instrumento sa pagtuturo ng mga pagpapahalagang Pilipino. Nakasaad rito na
ang hibla ng panitikan at pasalindilang tradisyon ay naging instrumento sa pagtuturo ng mga
pagpapahalagang pilipino. Ang pagpapahalagang pilipino ay ang salalayan ng interes, naisin,
kagustuhan at hangarin ng mga tao, itinuturing itong mabuti, mahalaga, tama, angkop, karapat
dapat, tanggap at naisin na buhay ng mga tao. Ang mga pagpapahalagang ito ay nagpasalin salin
mula sa unang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon at sa susunod na panahon. Ang mga
pagpapahalagang pilipino ay makakatulong upang magkaroon ng buhay na disiplinado. Ang
panitikan ay sumasalamin sa buhay at karanasan ng mga pilipino, isang patunay lamang na ito ay
natagapagdala ng tatak ng nakaraan at buhay sa kasalukuyan na dapat at kailangang muling
buhayin. Ang bawat katha ay nagsisilbing tulay at mensahe sa paghubog sa isang kadakilaan ng
isang tao.
Ayon kina Shivalli, Chitagubbi, at Devendrapa (2012), dahil sa pag-unlad ng lipunan sumasabay din
sa pagbabago ang mga pagpapahalaga na umaaayon sa katangian ng isang mundong patuloy ding
nagbabago na nagdulot sa paghina at pagwawalangbahala sa pagpapahalagang moral sa
kasalukuyang lipunan. Nakita sa lipunan ang pagtaas ng interes sa kasiyahan kontra sa mas
seryosong bagay at pagbaba ng pamantayang moral na nagdudulot ng kawalan ng disiplina sa
lahat ng antas ng lipunan at ang epekto nito ay makikita sa kanilang pag-uugali tulad ng pandaraya,
kawalan ng dignidad at paggalang, at korupsyon.Batay sa kanilang pananaliksik na Perception of
Values of Present College Youth Towards Marriage noong taong 2012, nabanggit na ang mga
pagpapahalagang binibigyang-halaga sa kasalukuyan ay ang pagsisinungaling, kawalang-galang,
kawalan ng kooperasyon, ang pakikipagrelasyong may kapalit na benepisyong makukuha, pang-
aabuso sa dignidad, ang pagkawala sa pagmamalaki dahil sa kasipagan, ang pagtaas ng interes sa
paggawa ng mga di makatarungang bagay at iba pang krimen makuha lamang ang kayamanang
inaasam-asam. Ayon kay Gupta (2016), ang pagkawala ng mga pagpapahalagang pantao ay isang
penomenon sa maraming bansa sa mundo. Sa kanyang pag-aaral na Degradation of Human Values
in Higher Education: An Analysis noong taong 2016, nagbigay siya ng tatlong dahilan sa pagkawala
ng mga pagpapahalagang pantao sa Higher Education o kolehiyo: 1.) ang kakulangan ng positibong
kapaligiran sa pagkatuto, 2.) ang kakulangan ng akademikong silabus na may kaugnayan sa
pagpapahalagang pantao, at 3.) ang kakulangan ng mga extracurricular na mga gawain batay sa
mga pagpapahalagang pantao. Isa sa mga pangunahing suliranin ng edukasyon sa kasalukuyan ay
ang pagkawala ng mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga ng kabataan. Pagdaragdag pa ni Plaza-
Galigao (1997), ang pananampalataya, paggalang sa matatanda, pangangalaga sa sarili,
pagkamatulungin, kasipagan, at pangmoral na pakikiramdam ay unti-unti nang nawawala dahil sa
mga materyal na kanilang pinanonood at nababasa ngayon. Nabanggit pa niya na ang mga maling
pagpapahalaga at hindi angkop na asal sa publiko o pribadong buhay ay nagdadala sa kanila sa
hindi kanais-nais na landas.
Ang pinalawig na teorya sa pagsusuri ng mga pagpapahalagang pilipino sa mga akdang
pampanitikan. Nagsimula ito sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglapat ng tatlong teorya, o klasipikasyon ng mga pagpapahalagang pilipino ni Timbreza, nina
Bulatao, Gorospe, Cordero, Paterno at Crisol, at Schwartz. Sinalaysay sa teoryang ito ang
pagpapaliwanag ng isang sistematikong proseso sa paglalarawan sa kultura ng isang lugar bilang
identidad o pagkakakilanlan. Ginamit ang mga iba't ibang teorya upang mabatid ng kasalukuyang
henerasyon ng mga mag-aaral at kabataan ang mga kayamanang minana pa sa mga katutubong
ninuno.

Lumitaw ang paraan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga piling siday sa pamamagitan ng
paglalapat ng mga kaugaliang sumasalamin sa kultura ng mga tao sa San Julian, makikita sa mga
piling saknong ng mga siday ang pagpapahalagang inilapat. Ayon sa pagsusuri ni Nibalvos (2018)
may mga lumitaw na mga pagpapahalagang Pilipino sa mga piling siday nang paulit-ulit. Ang mga
ito ay tinatawag na Recurring Filipino Values o ito ang mga karaniwang pagpapahalaga o kaugalian
na taglay ng mga taga San Julian o mga Pilipino. Ayon pa rin sa pagsusuri ni Nibalvos (2018),
mayroon siyang nakitang mga pagpapahalagang Pilipino na hindi nakabatay sa mga klasipikasyong
kanyang ginamit mula sa mga theorist, ito ay tinatawag na Emerging Filipino Values na
nangangahulugang ito ay ang kaugaliang taglay ng mga San Juliananon na siyang nagresulta sa
pagiging natatangi ng mga taga San Julian sa ibang kapuwa Pilipino.

Ang pagkatao ng mga taga San Julian ay sumasalamin sa mga pagpapahalagang nasipat sa mga
piling siday, ang mga pagpapahalagang ito ang nagbigay hugis sa kanilang kayariang pagkatao.
Ayon pa kay Timberza (1986) sa Nibalvos (2018), may dalawang uri ng pagkatao, ito ang walang
karahasan at ang depensibong sangkap na taglay rin ng mga San Juliananon. Sa unang uri
nakapaloob ang pagiging mapagmamahal sa sarili, sa pamilya at ibang tao. Masisipat dito ang pag-
iisip at damdaming 'di-marahas ng mga San Juliananon. Sa pangalawang uri naman ang
depensibong sangkap. Ang pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa kalikasan at pamilya at
kababaihan. Sumasalamin dito ang pagiging makabayan at bayani ng mga San Juliananon.

Sa pangkabuuan, ang mga pagpapahalagang nakita sa mga piling siday ay nagpakita ng


pagkakaroon ng sariling identidad ng mga San Juliananon at bilang Pilipino, ang mga ito ang patuloy
nilang pinagsasalahun at sinasalin sa iba't ibang henerasyon na nakatutulong sa pagpapaunlad ng
kanilang at sarili at kanilang mithiin sa buhay.

Anotasyon nina:

Marbe C. Cabrillos, John Kevin C. Casano at Alexandra Gaile R. Quanico

You might also like