Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG _________) S.S.

SAGOT SA KONTRA- SALAYSAY

Ako, si MA. JINKY Y. MISTADES, nasa hustong gulang, Filipino,


matapos manumpa ng naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasaad
ng mga sumusunod:

1. Na ito po ay hingil sa Answer/Explanation to Show Cause Order na


isinumite ng Maidenway Management Specialist;

2. Na ina-adopt ko po ang lahat ng mga sinabi ko sa sinumpaang reklamo


salaysay na isinumite ko ko upang itanggi ang lahat ng mga sinasabi ng
Maidenway (respondent) sa kanilang answer / explanation na isinumite;

3. Na gusto ko po linawin na kaya po ako nag sampa ng reklamo laban sa


respondent dahil base sa member’s personal profile wala po ang pangalan
ng respondent sa kanilang data at tanging ang previous employer ko
noong 2015 ang tanging nakarehistro. Ganun din po sa tanggapan ng
POEA, kinumpirma na wala po akong record sa kanilang data, at bilang
patunay ng mga ito, inilakip ko po ang kopya ng OWWA member’s
personal profile at sulat kamay ng empleyado ng POEA nag assist sa
request ng father ko kungsaan ang nakalagay ay 1) FRE; and 2) DFA –
OUMWA: “NO RECORD” bilang Annex “A” at Annex “A-1”;

4. Kaya’t nagulat po ako bakit po bigla nag karon ng kopya ng Certificate of


Employment (COE) na may marking Annex 1 na lakip ng answer /
explanation ng respondent. Medyo salungat po sa bineripikasyon at
dokumento na nakuha ng aking ama sa OWWA at sa POEA. Kung totoo
man po na na prinoseso ng respondent ang aking mga document sa
POEA, dapat nung una pa lang ay nakakuha na ang aking ama ng kopya
ng COE, ngunit parang bigla pong nag hokus pokus at nakakuha na ang
respondent ng COE. Sana po ay kumuha din po sila ng kopya sa PagIBIG
at sa OWWA at OUMWA – DFA ng record para mas matibay ang kanilang
ebidensya na ako ay dokumentado bilang OFW

5. Pangalawa, tulad po ng nabanggit ko na hindi po kusang loob na ginawa


ko ang settlement sa harap ng POLO, ngunit dahil sa sinabi ni Marwan na
na matagalan akong umuwi pag nag sampa pa ako ng kaso laban sa
employer ko, kaya’t kahit ang totoo ay hindi kumpletong binigay ng una at
pangalawa kong employer ang kabuuang sweldo na pinagtrabahuhan ko,
pikit mata ko na lang na ginawa at pinirmahan ang nasabing sulat kahit
sobrang labag sa kalooban basta ang iniisip ko ng mga oras na iyon ay
ang makauwi na lamang ako. Hindi din po maitatanggi na binineta ako ng
aking Foreign Recruitment Agency nap ag aari ni Mr. Anwar kaya’t
makikita po na sinasabi na bayad (kahit walang katotohanan na fully
settled) ang buong sahod ko mula sa una at pangalawang employer ko sa
Jordan;

6. Na ako po ay naninindigan sa mga statement ko sa aking reklamo


salaysay at nawa’y ma.
BILANG PATOTOO, sa lahat ng ito ay aking inilalagda ang aking
pangalan ngayong ika 24 ng Enero 2020.

MA. JINKY Y. MISTADES

You might also like