Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGHIHIGANTI

(Group 6)

Narrator: Sa isang kilalang Unibersidad mayroong isang guro na siyang


kinatatakutan ng lahat ng estudyante. Siya ay nakapagtapos sa kursong
BSED-ENGLISH bilang isang SUMMA CUM LAUDE. Siya ay pinangaralan
bilang isang ULIRANG GURO 2020 at naghakot ng mga gintong medalya
sa larang ng balarila. Hindi lamang siya sa paaralan nangingibabaw kundi
pati na rin sa pagrerepresenta ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa at
patimpalak na nauukol sa kanyang propisiyon. Siya ay walng iba kundi si
Bb. Margaret Mondragon.
(Background Music: Bell Ring)
Mag-aaral: Tara na!

SETTING: Classroom
M1: Mabuti at hindi tayo nahuli sa klase.
M2: Oo nga! hindi pa naman natin kilala kung sino ang magiging bago nating
guro.
(Background Music: Nagbukas ang Pinto)
Principal: Everyone please settle down! Today you will be having your new teacher.
And I want you to welcome her whole heartedly.
(Background Music: Heels)
Margaret: Good Morning everyone! I am Margaret Mondragon and I will be your new
teacher for the whole semester. I just want you to know I don’t like failing
grades! Kuha niyo?
(Background Music: Students’ Noise)
Margaret: Silence!!!!!!
Narrator: Bago pa man nakapagpatuloy ang guro, mayroong isang bata na dahan-
dahang pumasok dahil siya ay nahuli sa klase.
Margaret: Why are you late? Don’t you have manners? Bumalik ka sa pinto! Kumatok
ka nang tatlong beses. Batiin mo ang lahat ng nasa loob bago ka pumasok.
Kuha mo?
Cassie: Magandang Araw ma’am, magandang araw mga kamag-aral, magandang
araw sa inyong lahat. Pasensya po at ako ay nahuli sa klase maari po ba
akong pumasok?

Margaret: Okay you may go to your chair now.


Narrator: Simula nang araw na iyon naging mainit na sa mata ng guro ang batang si
Cassie.
Margaret: Why are you dirty? Tingnan mo nga ang itsura mo! Ang damit mo sobrang
marumi!
Cassie: Pasensiya na po guro, mahirap lang po kasi kami, wala po kaming pambili
ng bagong damit. Kaunti lang po ang sahod nang aking Itay sa
pambabasura at sa bahay lang po ang aking ina binabantayan ang tatlo
kong kapatid.
Margaret: Wala akong pakealam sa kuwento ng buhay mo. Kinakailangan ko nang
malinis at desenteng estudyante na kaaya-ayang tingnan at hindi katulad
sa iyo. Tingnan mo nga ang sarili mo! Tama ba yang tawagin kitang
esrudyante?
Narrator: Dahil sa napahiya ng husto si Cassie, umiyak ito at tumakbo palabas ng
silid-aralan. Sa pagmuni-muni nang guro naalala niya ang kanyang
pinagdaanan sa kamay ng kaniyang naging guro nang siya ay nag-aaral pa
lamang. Si Margaret ay nanggaling sa mahirap na pamilya. Siya ay
nakaranas ng pagmamalupit ng kaniyang guro na kahit kailan ay hinding-
hindi niya makakalimutan.
(Background Music: Flashback)
Guro: Margaret, bakit ka na naman huli sa klase?
Margaret: Pasensya na po ma’am wala kasing pamasahe kaya nagtinda pa ako ng
kakanin sa palengke.
Guro: Problema ko pa? Wala akong pakialam sa kwento ng buhay mo. Your
reason is not acceptable. Kung talagang disidido kang mag-aral marunong
kang magbalanse ng oras mo.
Narrator: Nang mga panahong iyon, sobrang dinamdam ni Margaret ang sinabi nang
kaniyang guro at sang-ayon siya sa sinabi nito. Dahil sa pagmamalupit ng
kaniyang guro, sinikap ni Margaret na makapagtapos at makakuha ng
pinakamataas na parangal. Nais niyang siya naman ang makapagturo at
maghiganti sa kanyang mga mag-aaral. Nais niyang iparanas sa kanila ang
kaniyang naranasan noong siya ay estudyante pa lamang. Ipinangako niya
sa kaniyang sarili na siya ay maghihiganti. Dahil dito naging malupit si
Margaret sa kaniyang mga estudyante lalong-lalo na kay Cassie. Sa tuwing
tinitingnan niya si Cassie, nakikita niya ang kaniyang sarili noong siya ay
nag-aaral pa lamang. Kaya palagi niya itong pinapagalitan dahil nais niyang
maturuan ng maayos at maging matatag ang bata sa lahat ng umaapi sa
kaniya. Nais ng guro na kahit mahirap lang si Cassie ay kaya nitong
makapagtapos ng pag-aaral. Isang araw, maagang pumasok sa silid-aralan
si Cassie ito ay nakangiti at halatang inspirado. Binati niya si Margaret.
Cassie: Magandang araw po ma’am!
Margaret: Salamat! Bakit ang aga mo ngayon?
Cassie: Kasi maaga po akong gumising at agad na nagtinda ng kakanin kaya
maaga po akong nakarating dito.
Margaret: Mabuti naman kung ganon.
Narrator: Pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap ay nagsimula na ang klase.
Margaret: Dapat tandaan ninyo ang lahat ng tinuro ko para sa exam ay may isasagot
kayo. Nakuha mo ba Cassie?
Cassie: Opo ma’am nakuha ko po ang sinabi niyo mula isip, puso at hanggang
kaluluwa.
Narrator: Nabigla si Margaret nang marinig ang mga katagang iyon bakas sa
kaniyang mukha ang labis na pagkagulat kaya tinanong niya si Cassie.
Margaret: Saan mo natutunan ang katagang iyon Cassie?
Narrator: Ngumiti si Cassie at agad na sumagot.
Cassie: Tinuro po sa akin nang nanay ko, sabi siya kapag tinanong daw ako ng
“kuha mo” sasagutin ko raw po nang “Opo, nakuha ko po ang sinabi niyo
mula isip, puso, at hanggang kaluluwa”.
Narrator: Biglang nalungkot ang mukha ni Margaret. May mga luhang namumuo sa
kaniyang mata na para bang siya ay iiyak. Pinipigilan niya ang malakas na
bugso ng kaniyang puso. Unti-unting nahuhukay ang mga alaalang minsan
na niyang kinalimutan. Nais niyang yakapin si Cassie at maghagolgol
subalit pinigilan niya ang kaniyang sarili at bigla siyang tinawag ni Cassie.
Cassie: Ma’am okay lang po ba kayo?
Margaret: Oo okay lang ako. Cassie maaari ba tayong mag-usap mamaya? Pumunta
ka sa opisina ko.
Narrator: Naisip ni Margaret na kausapin si Cassie dahil nais niyang masagot ang
mga tanong na gumugulo sa kaniyang isipan. (Pumasok si Cassie sa
opisina)
Cassie: Magandang araw po ma’am maaari po ba akong pumasok?
Margaret: Aba! Mabuti at marunong ka nang kumatok at magbigay galang.
Cassie: Opo! tinatandaan ko po kasi ang bawat sinasabi niyo.
Margaret: Cassie, totoo bang sa nanay mo nakuha ang mga katagang iyong binanggit
kanina?
Cassie: Opo ma’am, Si nanay po ang nagturo sa akin.
Margaret: Maaari ko bang malaman ang pangalan ng iyong ina?
Cassie: Si Margareta po ang aking ina.
Margaret: Tama nga ako, buhay pa ang aking anak. O Diyos ko, napakabuti mo, hindi
ako makapaniwala, buhay pa pala ang aking anak. Cassie, apo ko,
patawarin mo ako.
Narrator: Humagolgol sa iyak si Margaret at niyakap niya si Cassie nang sobrang
higpit. Bakas sa mukha ni Cassie na wala siyang alam sa sinasabi ni
Margaret. Noong panahon na nakapagtapos si Margaret sa pag-aaral,
aksidenteng napa-ibig siya sa isang lalake at nabuntis siya nito subalit hindi
siya pinanagutan. Kaya mag-isa niyang pinalaki ang kaniyang anak. Palagi
niya itong tinuturuan na kapag tinatanong siya ng “Kuha mo” ang isasagot
niya ay “Opo, kuha ko po ang sinabi mo mula isip, puso hanggang kaluluwa”
maliban sa kaniyang anak ay wala na siyang iba pang tinuruan ng mga
katagang ito. Apat na taon na ang anak niya nang siya ay naging abala sa
pagtatrabaho at pakikipaglahok sa mga patimpalak sa ibang bansa,
pansamantala niyang ipinaalaga ang kaniyang anak sa kaniyang tiyahin.
Isang araw habang siya ay nasa Amerika, nagkaroon nang malakas na
bagyo sa kanilang probinsya na nagdulot ng pagbaha. Nagsilikas ang mga
residente kabilang na dito ang kaniyang tiyahin. Habang papunta sa
Evacuation Center ang kaniyang tiyahin ay aksidente nitong nabitawan ang
anak ni Margaret na si Margareta. Tinangay nang malakas na agos ng tubig
ang bata hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ng kaniyang
tiyahin. Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay hinanap ng maraming tao
ang bata subalit hindi nila ito natagpuan at inisip nilang patay na nga ito.
Labis ang pagdadalamhati ni Margaret nang malaman niya ang
pangyayaring iyon. Maraming beses niyang hinanap ang kaniyang anak
subalit siya ay nabigo. Masakit man sa kaniyang kalooban ay naniwala
nalang siyang patay na nga ang kaniyang anak na si Margareta. Mula nang
araw na iyon ay itinuon na ni Margaret ang kaniyang sarili sa paguturo
hanggan sa naging estudyante niya si Cassie. Si Cassie na kaniyang
pinagbalinan ng paghihiganti, si Cassie na kanyang palaging pinapagalitan,
si Cassie na anak ng kaniyang anak at si Cassie na kaniyang apo.

You might also like