Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SIPON

Ang sipon o karaniwang sipon ay ang karaniwang dulot ng iba't ibang mga uri
ng virus, alerhiya, pagbabago ng panahon, at pagiging malamig ng panahon.
UBO
Ang ubo ay isang uri ng sintomas ng pagkakaroon ng karamdaman. Nagaganap
ang pag-ubo kapag kailangang mayroong ilabas ang katawan ng mga partikulo
ng dumi o mga partikulong dayuhan na napupunta sa mga baga, na maaaring
ihambing sa pagbahing (pag-atsing), na isa pang proseso ng pagpapalabas ng
dumi mula sa katawan. Karaniwang kasama ng ubo ang sipon na dulot ng
birus.
TRANGKASO
Ang trangkaso, impluensa, impluwensa, o gripe ay isang uri ng karamdamang
nakakahawa na may sintomas na lagnat, ubo, at sipon. Ang trangkaso ay isang
uri ng pangkaraniwang sakit. Isa itong uring sakit na pana-panahon o nauuso
ang paglitaw, na biglaan ang pagdating, partikular na tuwing panahon ng tag-
ulan o taglamig. Bagaman nawawala nang kusa ang trangkaso, isa rin itong
sakit na katindihan at paglala, at maaaring makapagdulot ng kamatayan.
TUBERKULOSIS
Ang tuberkulosis, sakit sa tuyo, MTB, o TB o tuberculosis sa Ingles ay isang, at
sa kadalasan ay nakamamatay, nakakahawang sakit. Ang sakit na ito ay dulot
ng mga sari-saring strain ng mycobacteria, na karaniwan ay Mycobacterium na
tuberkulosis. Ang tuberkulosis ay karaniwang umaatake sa mga baga, ngunit
maaari ring makaapekto sa ibang mga bahagi ng katawan. Ang tuberkulosis ay
naikakalat sa pamamagitan ng hangin kapag ang mga taong may aktibong
impeksiyon ng TB ay umuubo, bumabahin, o dinadala ang kanilang laway sa
hangin. Karamihan sa mga impeksiyon ay asymptomatic o walang sintomas at
hindi aktibo. Ngunit ang halos isa sa sampung hindi aktibong impeksiyon sa
kalaunan ay magiging aktibong sakit. Kung hindi gagamutin ang tuberkulosis,
ito ay ikakamatay ng mahigit sa 50% ng mga taong mayroon nito
DERMATITIS
Ang dermatitis o dermataytis ay isang masaklaw o pangkalahatang katawagan
sa sakit sa balat na mayroong pamamaga ng balat (katulad ng mga pantal, at
iba pa). Karaniwang isa itong tugon, reaksiyon, o ganting-kilos ng iba't ibang
uri ng dermatitis dahil sa partikular na mga bagay na nakakasanhi ng alerhiya
(mga alerheno). Maaari ring gamitin ang salitang ito para tukuyin ang eksema,
na kilala rin bilang dermatitis na eksema, eksemang dermatitis, o maeksemang
dermatitis. Kalimitang nagpapahiwatig ang isang diyagnosis ng eksema ng
atopikong dermatitis, dermatitis ng kabataan, o dermatitis ng kamusmusan,
subalit kung walang nararapat na konteksto o diwa ay isa lamang
"pamamantal".

You might also like