222222222222222222

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
CONGRESSIONAL INTEGRATED HIGH SCHOOL
Via Verde Village, San Agustin II, City of Dasmariñas, Cavite
 (046) 973-2534

Senior High School

Aralin I

Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Akademikong

Pagsulat

Ipinasa kay:

Ginoong. Raymund Redublo

Ipinasa ni:

Tumbagahan, Megie Boy D.


(STEM 12-1)

November 12, 2019

1
BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Ayon sa Wikipedia, ang pagsusulat ay


isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na
tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit
ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag
(kilala bilang sistema ng pagsulat). Iniiba ito
sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-
guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala
ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal
na tagapamagitan katulad ng magnetikong
teyp na awdyo.

Ito ay alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa kombensyonal, (mala)


permanente at nakikitang simbolo.

AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang Akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng


kasanayan.Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa
kultura,karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat,gayundin ito ay tinatawag
din na intelektwal na pagsusulat. Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin
ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong
maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa.

Mga halimbawa ng Akademikong Sulatin

Tesis

Abstrak

Sinopsis

Aklat

Pagsasaling wika

Akademikong sanaysay

Konseptong papel

Artikulo ( Maaring pahayagan,magasin,atbp.)

Antolohiya

2
Ang Akadademikong Pagsulat ay itinuturing din na isang Intelektwal na
pagsusulat dahil layunin nito na pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.

Katangian ng Akademikong Pagsulat:

Kompleks -kaylangan na maglaan ng ng masusing pananaliksik at pagtuklas, kaylangan


na mas malawak ang leksiyon at mga bokabularyo.

Pormal - kaylangan pumili ng mga salita na naaayon sa salaysay, hindi dapat gumamit
ng mga salitang pabalbal

Tumpak -kailangan na ang mga impormasyon na inilalahad ay walang labis at walang


kulang.

Obhetibo-mga pinagbabatayang katotohanan na kadalasan ay ang impormasyong nais


ibigay

Eksplisit- pagsasama sama ng mga impormasyon pagtukoy sa pagkakaugnay at


paghihinuha

Wasto- Dapat ang isang manunulat ay gagamit ng wastong bokabularyo o mga


salita.

Responsible- kailangan na dapat ang isang manunulat ay maging responsible sa mga


impormasyon na kanyang ilalahad, kaylangan ito ay hango sa kanyang sariling opinyon
at pagkakaunawa,upang hindi siya maparatangan ng isang playgyarista.

Malinaw na layunin - kailangan na maging mahusay at maganda ang paglalahad ng


kaisipan upang maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa

Malinaw na pananaw -upang mas maunawan ng mga mambabasa ang nilalaman.

May pokus - kaylangan na wasto ang mga impormasyon, kung maari ay iwasan ang
mga hindi naman kailangan, hindi mahalaga,at mga taliwas sa mga impormasyon.

Mga benepisyo na makukuha sa pag-aaral ng Akademikong Sulatin:

1. Maaring masanay ang iyong kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at


maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Dahil dito ay malilinang ang iyong mga kasanayan sa pagsusuri ng mga datos
na iyong kakailanganin sa isasagawang pananaliksik.
3. Dahil dito ay maaari ding mahubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang
isusulat batay sa mga naipong impormasyon.

3
4. Mapapaunlad ang kakayahan ng mga mag aaral sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng materyales at mahahalagang impormasyon na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.Gayundin ay magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman.
6. Dito ay mahuhubog ang pagpapahalaga at pagkilala sa mga gawa at akda ng
kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Upang malinang ang kanilang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon
mula sa ibat ibang uri ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

Sa mga akademikong sulatain ay may mga dapat isaalang alang sa pagsulat tunghayan
ang mga sumusunod

Wika

Paksa

Layunin

Pamamaraan ng pagsulat

Kasanayang pampag-iisip

Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin

Ang akademikong pagsulat ay tungkol sa isang sulatin na naglalaman ng mga


nagbibigay-aliw, makatotohanan, at masagisag sa mga mambabasa upang mas
madaling maunawaan at maintindihan ng mga mag-aaral na may kinalaman sa tamang
proseso ng pagsulat.

4
Sanggunian:

Bautista, G. (N/D). kahulugan ng akademikong pagsulat. Nakuha mula sa https://brainly

.ph/question/672469

Ileto, I. (2016). Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat. Nakuha mula sa


https://prezi.com/ieq72adbtlpo/kahulugan-at-kalikasan-ng-akademikong-
pagsulat/

Wikipedia (N/D). Pagsulat. Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusulat

You might also like