Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Natalie Sherry L.

Aggabao XI – Euclid

San Antonio, Zambales

Tuwing Nobyembre o Disymbere ay nagkakaroon ng programa ang aming simbahan


kung saan ang mga babae sa edad na 12 - 17 ay nagkakamping ng 3 hanggang 5 araw. Noong
Nobyembre 2017 sa San Antonio, Zambales. Ang lugar na ito ay hindi sikat at napakalayo sa
bayan. Pagdating sa San Antonio ang unang nakakuha ng aking atensyon ay ang bundok.
Napakaganda ng kulay at dahil palubog na ang araw napagkaganda rin ng langit na
pumapaligid dito. Ang bundok na ito ay nasa kabila ng ilog at sa aking paningin mukha siyang
pinintahan lamang ng isang talentadong mangpipinta dahil sa lubos na kagandahan nito. Sa 3
araw na pagkamping dito natuto kaming muumuhay ng walang lutuan, malayo sa bayan,
walang bahay at walang maayos na CR. Dahil dito napilitan kaming gumawa ng mga bagay na
hindi kami sanay na gawin tulad ng kumatay ng manok, magigib ng tubig at maligo sa ilog. Sa
kabila ng mga di kaaya-ayang karansan may mga magaganda pa rin itong naidulot.Isa sa
pinakapaborito kong nakita sa lugar na ito ay ang napakaraming bituin na halos sakop na nila
ang buong langit, di tulad sa lungsod ng Makati kung saan halos mabibilang mo pa ang mga
bituin. Napakaganda rin ng simoy ng hangin sa aming paggising at pagkatapos ay umakyat
kami ng bundok at nagrock climbing para lamang makaligo kami sa may waterfalls. Sa kabuan
ay mahirap man dahil sa kakulangan ng mga pangangailangan ay marami akong natutunan at
marami din akong nakitang kakaiba at magagandang bagay na matatagpuan sa kalikasan.

You might also like