Validasyon at Revisyon NG Gabay Sa Sulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

VALIDASYON AT REVISYON NG GABAY SA SULATING PANANALIKSIK


SA SENIOR HIGH SCHOOL

Kilos Saliksik
Na Iniharap sa
Division Conference of Basic Education Research (DCBER)
Batangas Researchers Association Of Value Driven Education (BRAVE)
Sangay ng Batangas

Alvin Pricas Metrillo

Agosto 2019

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 1 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
ABSTRAK

Title : Validasyon at Revisyon ng Gabay sa Sulating


Pananaliksik sa Senior High School

Author : Alvin P. Metrillo

Affiliation : Batangas Researchers Association for Value-driven


Education (BRAVE)

Mataasnakahoy’s Organization of Leaders and


Dedicated Educators through Research (MOLDER)

Division of Batangas Association of School Paper


Advisers (DBASPA).

E-mail address : alvin.metrillo@deped.gov.ph

Keywords : Validasyon, Revisyon, Gabay, Sulating Pananaliksik

Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay makapag-ambag ng


kagamitang pampagtuturo sa pagsulat ng pananaliksik na magagamit sa buong
sangay ng Batangas gayundin sa buong Rehiyon IV-A CALABARZON. Nabuo sa
pag-aaral ang Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik bilang awtput na lilinang sa
kasanayan ng mga mag-aaral.
Nakaangkla ito sa palarawang disenyo at purposive selected sampling. Ang
Constructivism ang naging batayan maging ang iba pang kognitibong teorya nina
John Dewey, Jean Piaget, Lev Vygotsky at Jerome Bruner upang mapagtibay ang
pag-aaral. Talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap
ng datos. Nagsagawa rin ng focus group discussion at tiniyak na kumpidensyal na
impormasyon ang naging kasagutan ng mga kalahok. Sa isinagawang pagsusuri,
ginamit ang payak na istadistika upang mapagtibay, at maging balido ang mga datos
na nakalap.
Natuklasan sa pag-aaral na nakaangkla ang kabuuan ng awtput sa
curriculum guide (cg) at angkop ang nilalaman sa matinding pangangailangan ng
mga mag-aaral sa senior high school. Napaunlad pa itong lalo dahil sa mga ibinigay
na rekomendasyon, pagwawasto at suhestiyon ng Learning Resources and
Management Development System (LRMDS). Lubos na sinang-ayunan ng mga guro
na malaki ang gampanin at estratehiyag ginagamit nila sa paglinang ng kasanayan
sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Natuklasan din na bawat bahagi ng gawaing

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 2 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
pananaliksik ay nakapaloob at pinagtuunan ng pansin kung kaya, handa na itong
gamitin nang malawakan.
Limitado ang pag-aaral sa 6 na mga gurong nagtuturo ng pananaliksik, 3
gurong evalweytor, 1 gurong tagamasid sa Filipino at 1 learning resource evaluator
sa Sangay ng Batangas bilang kalahok sa pag-aaral.
Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na isinagawa
sapagkat makatutulong ito sa malalimang pagtingin sa pananaliksik. Makatutulong ito
at makapag-aambag ng kaalaman sa mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan
ang gawaing pananaliksik.
Orihinal at pinag-aralang mabuti ang awtput ng pananaliksik kung kaya
nakatakda itong sumailalim sa Panrehiyong pagtataya ng LRMDS. Napapanahon ito
sapagkat kinikilala ang kahalagahan ng pananaliksik bilang bahagi ng paglinang ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa makaagham na pagtuklas ng mga datos.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 3 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City

Konteksto at Rasyonale

Nakatutulong sa lubos na pagkaunawa ng mga mag-aaral ang mga

kagamitang nagagamit sa oras ng talakayan. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng

kagamitang pampagtuturo ay nakapag-aambag ng kalinangan at kawastuhan ng

mga ideya at impormasyon tungo sa kabisaan at kasanayan sa isang gawaing tulad

ng pananaliksik. Sa pagbuo nito, nangangailangan ito ng malalimang pag-aaral at

pagsusuri sa bawat detalye sa pamamagitan ng validasyon at revisyon. Upang

maisagawa ito nang matagumpay, ang kasanayan ng mga eksperto sa larangan ng

pananaliksik ay kailangan sa ganitong uri ng gawain.

Ipinahayag ni Jocson (2016) na sa bawat galaw ng mag-aaral, saan man siya

bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kapaligiran upang magsagawa ng

pananaliksik. Ito ay isang akademikong gawain kung saan nabibigyang pagkakataon

ang mga mag-aaral na mapalawak ang karanasan, maragdagan ang mga kaalaman,

at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad.

Kaugnay nito, masasabing mahirap na gawin ang pagbuo ng pananaliksik

ngunit ang paghihirap ay may hatid na malawak na kaalaman at kaginhawaan. Kung

titimbangin at isasaalang-alang ang kagalingang dulot, hindi malayong ang

hinahangad na matiwasay at kaaya-ayang pamumuhay ay mararating ng bawat isa.

Sinasabi nina Austero et al., (2006) na mahirap ang gawaing pananaliksik

sapagkat napakalaki ng pananagutan sa sarili, sa mga may-akda, sa mambabasa at

sa lipunan. Kailangang taglayin ang pagiging masipag at matiyaga sa ganitong uri ng

gawain. Ganito ang suliranin ng iba sapagkat ang pananaliksik ay walang humpay na

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 4 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
pangangalap ng datos, walang sawa sa pagsusulat ng mga ideya, pagbabasa at

paghahanap ng mga tao na maaaring mapagkunan ng tala sa paksang sinasaliksik.

Bilang isang pangkaraniwang gawaing pangmag-aaral, marami ang nabibigla

at nagkakaroon ng takot kung paano gawin at buuin ang isang pananaliksik. Ang

iniisip ng iba ay pahirap at dagdag na gawain lamang na hindi batid ang kagalingang

dulot nito. Sa kabilang banda, nakatutuwang isipin na bagaman mapaghamon at

mahirap ang pananaliksik, may mga mag-aaral pa rin na nagnanais kumuha ng

kursong may ganitong gawain.

Mula sa K to 12 Core Curriculum (2013), sinasabing bubuo ang mga mag-

aaral ng pananaliksik kaugnay ng penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Ang

mabubuong pananaliksik ang magsisilbing pinal na awtput ng mga mag-aaral.

Nakapaloob din sa gabay pangkurikulum (curriculum guide) ang pag-aaral sa

proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong

sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. Mahalagang bigyang-pansin

ang mga bahagi ng sulating pananaliksik upang maayos na maihanay ang bawat

bahagi kasama ang ideya, datos o impormasyong nakalap.

Dahil sa katotohanang naranasan bilang guro sa asignaturang pananaliksik,

naglakas-loob na magkaroon ng pag-aaral tungkol sa validasyon at revisyon ng

gabay sa sulating pananaliksik sa senior high school. Sa puntong ito, hinangad na

makapag-ambag sa larangan ng pagtuturo ng kagamitang lubos na makatutulong sa

pagtuturo ng mga guro at sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang mabubuong kagamitan ay

magdudulot ng kapakinabangan sa loob ng silid-aralan sa pagitan ng guro at mga

mag-aaral. Gamit ang na-valideyt at narebisang gabay, malaki ang maitutulong nito

sa larangan ng pagtuturo sa pananaliksik sa buong sangay ng Batangas maging sa

buong Rehiyon IV-A CALABARZON upang bigyang-halaga at ipagpatuloy ang

kultura ng pananaliksik.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 5 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Inobasyon, Interbensyon at Estratehiya

Awtput ng Pag-aaral Benepisyaryo Interbensyon Estratehiya


(Inobasyon)
Gabay sa Pagsulat- Mga Ito ay inihanay Validasyon at Revisyon
Pananaliksik sa Mag-aaral batay sa naging ng Awtput ng
Senior High School. resulta ng pag- Pananaliksik. Sa tulong
Nakapaloob sa gabay Mga Guro aaral. Ang nga mga gurong nagtaya,
ang mga hakbang kung kahandaan at Learning Resource
saan lumabas sa pag- suliraning Evaluator (LRE) at gurong
aaral na dito kulang at nararanasan ng tagamasid sa Filipino,
walang kahandaan ang mga mag-aaral sa naisakatuparan ang pagba-
ibang mga mag-aaral. gawaing valideyt at pagrerebisa ng
Nilalaman nito ang mga pananaliksik ay gabay sa pagsulat-
hakbang na binuo, nangangailangan pananaliksik sa senior high
ibinatay sa kung saan ng gabay upang school gamit ang:
sila mahina at mapaunlad ang
nakaranas ng mga kahinaan sa Thinking Skills na
kahirapan na naging gawaing ito. Ito’y isinasagawa sa
suliranin. magsisilbing pamamagitan ng paglinang
pantulong upang at pagsasaalang-alang ng
mapadali ang mga ideya.
pagtuturo ng mga
guro at pagkatuto Content Based
ng mga mag-aaral Instruction. (CBI) na
sa gawaing nakapokus sa aralin o
pananaliksik. mismong subject matter.
Inobasyon. Ang binuong gabay sa pagsulat-pananaliksik na nagsilbing

awtput ng pag-aaral ay sumailalim sa revisyon at validasyon mula sa mga gurong

nagtaya hanggang sa Learning Resources Management and Development System

(LRMDS) upang malawakang magamit ng mga guro at mga mag-aaral sa Sangay ng

Batangas maging sa Rehiyon IV-A CALABARZON. Makatutulong ito sa paghubog ng

kasanayan ng mga mag-aaral sa senior high school sa gawaing pananaliksik.

Interbensyon. Dahil sa kakulangan ng kagamitang pampagtuturo tungkol sa

pananaliksik, nilayon ng pag-aaral na makabuo, makapag-valideyt at makapagrebisa

ng kagamitang maaaring magamit ng mga mag-aaral at guro sa asignaturang may

kinalaman sa pananaliksik. Hiniling ang tulong ng mga gurong nagtuturo ng

pananaliksik sa Filipino, gurong evalweytor, learning resource evaluator, gurong

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 6 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
tagamasid sa Filipino at Learning Resources Management and Development System

(LRMDS).

Estratehiya. Bilang solusyon sa nakikitang suliranin, isinangguni at

sumailalim ang awtput ng pag-aaral sa validasyon at revisyon upang paunlarin,

pagtibayin at tuluyang maipagamit nang malawakan upang mapadali ang pagbuo ng

pananaliksik ng mga mag-aaral sa senior high school. Nagsagawa ng focus group

discussion (fgd) at nagpasagot ng talatanungan sa mga kalahok ng pag-aaral upang

mapagtibay ang isinagawang pananaliksik.

Mga Tanong sa Pag-aaral

Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay makapagvalideyt at

makapagrebisa ng gabay sa sulating pananaliksik bilang kagamitang magagamit ng

mga mag-aaral at guro ng senior high school.

Nilalayon din ng pag-aaral na sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang pananaw ng mga guro at valideytor sa isinagawang gabay sa

pagsulat-pananaliksik?

2. Ano ang kinalabasan ng validasyon at revisyon ng gabay sa pagsulat-

pananaliksik?

3. Sa pagbuo ng sulating pananaliksik, ano ang gampanin ng mga guro sa

paglinang ng kasanayan?

4. Ano ang estratehiya ang ginagamit ng mga guro sa paglinang ng kakayahan

ng mga mag-aaral sa pananaliksik?

5. Anong bahagi ng gabay sa pagsulat-pananaliksik ang nangangailangan ng

pagpapaunlad o pagrerebisa?

6. Batay sa resulta, ano ang kagamitang pampagkatuto ang maaaring mabuo?

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 7 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Metodolohiya ng Pag-aaral

Disenyo ng Pag-aaral. Palarawang disenyo ng pag-aaral ang ginamit ng

mananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, piniling gamitin ang

Descriptive Survey Research Design. Ang disenyong ito ay gumagamit ng

talatanungan upang makapangalap ng iba’t ibang datos (Hale, 2011). Talatanungan

at focus group discussion (fgd) ang pangunahing instrumentong ginamit sa

pangangalap ng datos at pagkuha ng mga impormasyon upang malaman ang resulta

ng validasyon at revisyon ng gabay sa sulating pananaliksik sa senior high school.

Nakaangkla ang pag-aaral sa kwantitatibo-kwalitatibong metodo o

magkahalong metodo na nagbibigay ng mga pananaw sa problema at nakatutulong

upang bumuo ng mga ideya sa pamamagitan ng bilang o dami at pakikipanayam (De

Franzo, 2011).

Ang Constructivism ang naging batayan maging ang iba pang kognitibong

teorya nina John Dewey, Jean Piaget, Lev Vygotsky at Jerome Bruner upang

mapagtibay ang pag-aaral. Ito ay sumusuporta sa mga larangang nagbibigay-malay

tulad ng pananaliksik na nagtataguyod ng mga karanasan, impormasyon at mga

gawain na nagdudulot ng pag-aaral ng indibidwal. Sa pananaliksik na nagpapakita

kung paano natututo ang tao, ang pamamaraan sa pagkatuto kung saan ang mga

mag-aaral ang mismong bubuo ng pananaliksik

Etika sa Pananaliksik. Ang etika ng pananaliksik ay gabay sa tamang

pagsasagawa ng pag-aaral. Ang mga eksperto sa validasyon at revisyon ng awtput

ng pag-aaral ang kalahok sa pananaliksik na ito kung kaya’t humanap ng oras na

tutugma sa malayang oras sa pagitan ng mga evalweytor, gurong tagamasid sa

Filipino at ng mananaliksik. Ang kanilang pagkakakilanlan ay isinaalang-alang sa

pamamagitan ng etika. Ipinabatid din na ang lahat ng magiging sagot ay

mananatiling kumpidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na isinagawa.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 8 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
A. Mga Kalahok at/o Iba Pang Hanguan ng Datos

Ang mga kalahok sa pag-aaral na isinagawa ay mga gurong nagtuturo sa

pananaliksik sa Filipino sa senior high school, mga gurong evalweytor, gurong

tagamasid sa Filipino at Learning Resource Evaluator (LRE) sa Sangay ng

Batangas. Saklaw ng pag-aaral ang mga gurong nagtuturo ng asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik sa taong panuruan 2018-

2019. Ginamit ang purposive selected sampling sapagkat hindi nagkaroon ng quota

o hangganan ang mananaliksik sa pagpili ng iba’t ibang pangkat ng mga kalahok na

gagamitin sa pag-aaral (Agito, 2017).

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Kalahok sa Pag-aaral

Kalahok Bilang ng Sangay


Kalahok
mga gurong nagtuturo ng pananaliksik 6

mga gurong evalweytor 3


Batangas
gurong tagamasid sa Filipino 1

learning resource evaluator (LRE) 1


Kabuuan 11
B. Paraan ng Pangangalap ng Datos / Instrumento ng Pananaliksik

Upang makabuo ng maayos na pananaliksik, kailangan ang masusing

pangangalap ng datos. Sa puntong ito, gumamit ang mananaliksik ng makabuluhang

instrumento, ang talatanungan at focus group discussion (fgd).

Talatanungan. Ito ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap

ng datos. Binuo ito sa pamamagitan ng pananaliksik at malawakang pagbabasa ng

mga aklat at iba pang babasahin, pagtatanong sa ibang guro na nagtuturo ng

pananaliksik, pagsangguni sa mga eksperto at sa mga nakaraang pag-aaral na may

kaugnayan sa paksa.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 9 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Nilalaman ng talatanungan ang pananaw sa isinagawang gabay sa pagsulat-

pananaliksik ng mga guro at valideytor, kinalabasan ng validasyon at revisyon,

gampanin ng mga guro sa paglinang ng kasanayan, estratehiyang ginagamit ng mga

guro sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pananaliksik at bahagi ng

gawaing pananaliksik na nangangailangan ng lubos na kasanayan.

Paraan ng Pagkuha ng Datos at Pag-iiskor. Ang mga talatanungan ay

kinalap ng mananaliksik na muling napabalik sa araw na napagkasunduan.

Pagkatapos masagutan, sinimulan ang pagsusuri sa mga sagot sa bawat tanong na

nakalahad. Ang mga kasagutan sa mga natipong talatanungan ay inihanay, binilang

at sinuri para sa gawaing presentasyon at interpretasyon.

Pinag-aralang mabuti ng mananaliksik ang nakuhang datos mula sa

talatanungan. Ginamit ng mananaliksik ang Lykert Scale sa pagbibigay

interpretasyon sa weighted mean na nakuha sa pag-aaral. Nasa ibaba ang ginamit

na opsyon.

Opsyun Interbal Berbal na Interpretasyon

4 3.5-4.0 Lubos na Sumasang-ayon (LS)


Lubos na Ginagamit (LG)
Lubos na Nangangailangan ng Pagrerebisa (LNP)

3 2.5-3.49 Sumasang-ayon (S)


Ginagamit (G)
Nangangailangan ng Pagrerebisa (NP)

2 1.5-2.49 Hindi Gaanong Sumasang-ayon (HGS)


Hindi Gaanong Ginagamit (HGG)
Hindi Gaanong Nangangailangan ng Pagrerebisa (HGNP)

1 1.0-1.49 Hindi Sumasang-ayon (HS)


Hindi Ginagamit (HG)
Hindi Nangangailangan ng Pagrerebisa (HNP)

Focus Group Discussion (FGD).Upang masusing mailahad ang pananaw at

kinalabasan ng validasyon at revisyon ng gabay sa pagsulat-pananaliksik, isinagawa

ang fgd sa tulong mga gurong nagtuturo ng pananaliksik at mga gurong valideytor.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 10 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa pagsasagawa ng fgd kasama ang

iskedyul upang makapangalap ng mga dagdag na ideya at impormasyon na lalong

nagpatibay sa isasagawang pag-aaral.

Bago isagawa, ipinaliwanag ang layunin at kahalagahan ng gawain at kinuha

ang pagsang-ayon ng mga kalahok bago sila isali. Nagkaroon ng pagpapalitan ng

opinyon, paniniwala o persepsyon ang mga kalahok na guro sa fgd at malayang

pinag-usapan ng mga miyembro ng pangkat ang mga tanong na ibinigay. Ang

tinalakay na paksa ay nakatuon sa mga tanong na ibinatay sa pag-aaral. Habang

nagaganap ito, nagtala ang mananaliksik ng mga mahalagang punto.

Istadistikang Ginamit. Sa isinagawang analisis at pagsusuri, ang ginamit ng

mananaliksik ang sumusunod na payak na istadistika upang mapagtibay,

makabuluhan at maging balido ang mga datos na nakalap.

Composite Mean. Ito ay ginamit upang makuha ang kabuuan ng weighted

mean sa bawat talahanayang sinagutan ng mga kalahok.

Weighted Mean. Ito ay ginamit upang malaman kung ano ang

pagkakasunod-sunod ng bawat aytem batay sa resulta ng pag-aaral tungkol sa

pananaw sa isinagawang gabay sa pagsulat-pananaliksik, gampanin at

estratehiyang ginagamit ng mga guro sa paglinang ng kasanayan sa pagbuo ng

sulating pananaliksik at bahagi ng gawaing pananaliksik na nangangailangan ng

pagpapaunlad o pagrerebisa.

Pagtalakay ng Resulta at Rekomendasyon

Sa tulong ng mga gurong nagtuturo ng pananaliksik sa Filipino, mga gurong

valideytor, gurong tagamasid sa Filipino at Learning Resource Evaluator (LRE), ang

validasyon at revisyon ng gabay sa pagsulat pananaliksik ay matagumpay na

naisakatuparan. Makikita sa ibaba at sa mga susunod na talahanayan ang naging

resulta ng pag-aaral

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 11 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Talahanayan 2
Pananaw ng mga Guro at Valideytor sa Isinagawang
Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik

Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon


Mean
1.Nakatutulong ang gabay sa pagsulat
pananaliksik sa mga mag-aaral upang 4.00 Lubos na Sumasang-ayon
mapadali ang gawaing pananaliksik.
2.Nabibigyang-linaw ang mga bahagi ng
pananaliksik na nagkaroon ng kulang at 4.00 Lubos na Sumasang-ayon
walang kahandaan.
3.Napadadali ang pagbuo ng sulating
pananaliksik sa pamamagitan ng 3.50 Lubos na Sumasang-ayon
paggamit ng gabay.
4.Nakalilinang ng kakayahan ng mga
mag-aaral upang mapatatag ang kultura 3.00 Sumasang-ayon
ng pananaliksik sa senior high school.
5.Nadaragdagan ang kaalaman ng mga
guro at mag-aaral sa pagbuo ng 3.67 Lubos na Sumasang-ayon
sulating pananaliksik.
6.Nakapagbibigay ng sapat na 3.17 Sumasang-ayon
impormasyon tungkol sa pananaliksik.
7.Naisasaayos ang mga ideya ng mga
mag-aaral sa organisadong 3.50 Lubos na Sumasang-ayon
pamamaraan.
8.Nagpapakilala ng mga pamamaraan
sa pangangalap ng datos mula sa iba’t 3.50 Lubos na Sumasang-ayon
ibang uri ng sanggunian.
9.Nagbibigay ng mga halimbawa upang
maisagawa nang maayos ang 3.67 Lubos na Sumasang-ayon
pananaliksik ng mga mag-aaral.
10. Naipaliliwanag ang wastong
paggamit ng instrumento sa 3.17 Sumasang-ayon
pangangalap ng datos.
11.Naglalahad ng angkop na
pamamaraan sa pagpili at pag-aanalisa 3.33 Sumasang-ayon
ng istadistikang ilalapat sa pananaliksik.
12.Nagpapakita kung paano bumuo ng 3.17 Sumasang-ayon
lagom, konklusyon at rekomendasyon.
Composite Mean 3.47 Sumasang-ayon

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 12 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Sumasang-ayon at may composite mean na 3.47 ang mga guro at valideytor

sa isinagawang gabay sa pagsulat-pananaliksik. Ayon sa kanila, nakatutulong ang

gabay upang mapadali ang pananaliksik at nabibigyang-linaw ang mga bahagi na

nagkaroon ng kulang at walang kahandaan.

Pinagtibay ito ni Jocson na ang pananaliksik ay isang akademikong gawain

kung saan nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mapalawak ang

karanasan, maragdagan ang mga kaalaman, at higit sa lahat maging kapaki-

pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad at tila nakangiting nag-aanyaya ang

kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.

Kinalabasan ng Validasyon at Revisyon ng Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik

Ayon sa kinapanayam na mga gurong nagtaya ng awtput ng pananaliksik,

angkop ang nilalaman nito sa matinding pangangailangan ng mga mag-aaral sa

Senior High School lalo na sa larangan ng pananaliksik. Makatutulong ito sa mga

mag-aaral at guro sa paglinang at pagbuo ng pananaliksik. Dahil sa ito ay nagbibigay

ng mga halimbawa at paalala sa bawat bahagi ng pananaliksik, madali itong

mauunawaan at magkakaroon ng interes upang masimulan at matapos ang awtput

ng mga mag-aaral.

Dagdag pa nila, ito ang kailangan ng mga guro lalo’t higit ng mga mag-aaral

sa senior high school. Mas mapaiigting nito ang kagustuhan ng mga mag-aaral na

makabuo ng isang maka-Pilipinong pananaliksik sa tulong ng vinalideyt na gabay.

Hindi madali ang pagbuo ng ganitong gabay dahil nangangailangan ito ng bukas na

isipan at pagsasaalang-alang sa bawat hakbang at bahagi ng pananaliksik.

Espisipiko, naglalahad ng impormasyong kailangan at nagbibigay ng mungkahi ang

binuong gabay kaya’t makatutulong talaga ito sa bawat mag-aaral at guro.

Naging resulta rin ng validasyon at revisyon na nakaangkla ang kabuuan sa

curriculum guide (cg) ng senior high school. Inilahad ng learning resource evaluator

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 13 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
na mainam ang pagsasaalang-alang ng binuong gabay sa pangangailangan ng cg

dahil binigyang-pansin ang mga hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Isa ito sa

pangunahing kailangan ng lahat ng gagamit ng gabay para sa mga mag-aaral.

Sa kabuuan, binigyang-pansin ang kahingian ng curriculum guide sa larangan

ng pananaliksik. Bawat nilalaman nito ay pinag-isipan at makabuluhang iniisa-isa at

inilahad upang makapag-ambag sa edukasyon lalo’t higit sa mga mag-aaral ng

senior high school. Ang pormulasyon at ilustrasyon ay angkop sa pangangailangan

kaugnay ng pananaliksik. Makikita sa talahanayan ang nakuhang grado sa bawat

salik.

Talahanayan 3
Nakuhang Grado ng Awtput sa Bawat Salik ayon sa Pagtataya ng Evalweytor
ng Learning Resources and Management Develoment Systems

Salik Aktwal na Perfect Raw Nakatalagang Grado


Iskor Score Bigat ng Salik

1 7/50 50 40% 28%

2 35/35 35 20% 20%

3 35/35 35 20% 20%

4 30/30 30 20% 20%

Kabuuan 88%

Dahil sa sumailalim ang awtput ng pag-aaral sa Learning Resources and

Management Development Systems (LRMDS), lalo pa itong napaunlad dahil sa mga

ibinigay na rekomendasyon, pagwawasto, revisyon at suhestiyon. Ayon sa gurong

nagtaya mula sa LRMDS, ang mga paksa ay maayos na natalakay sa pamamagitan

ng pagkalap ng mga kaugnay na impormasyon hinggil sa tinatalakay. Walang

revisyon kundi minor sa mga pagkakasulat.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 14 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
“Bagamat lahat ng kaisipan ay nagpapatunay ng kawastuhan ng saliksik,

dapat na pag-ukulan ng pansin ang mga salitang pinagkamalian, pagsasalin at

pagkakasulat ng mga salita”, wika ng gurong nagtaya.

Ang bawat salik ay may nakatalagang bigat upang makuha ang grado ng

kagamitang pampagtuturo. Sa kabuuan, nakakuha ito ng 88% na nangangahulugang

ang gabay sa pagsulat-pananaliksik bilang awtput ng pag-aaral ay sumailalim sa

Pansangay na LRMDS na may kakayahan at maaaring magamit nang malawakan sa

Sangay at nangangailangan ng minor na revisyon.

Talahanayan 4
Nakuhang Grado ng Awtput kaugnay ng Kasanayang Pampagkatuto ayon sa
Pagtataya ng Evalweytor ng Learning Resources and Management
Development Systems

Kailangang Kabuuang Bilang Bahagdan ng Bahagdan ng


Bilang ng ng Kasanayang Kasanayang Kasanayang
Kasanayang Pampagkatuto Pampagkatuto Pampagkatutong
Pampagkatuto Sapat na Nabuo
(SD)
15 15 50 86.67%

Sa pagkuha ng bahagdan ng nabuong kagamitan o awtput, inalam ng

evalweytor ang kasanayang pampagkatuto, bilang, code, katangian, at pahina kung

saan ito matatagpuan. Lumabas sa pagsusuri na may labinlimang (15) kasanayang

pampagkatuto ang sakop ng gabay sa pagsulat-pananaliksik. Ito ay nakaangkla sa -

curriculum guide ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik.

Sinabi ng evalweytor na “ang bawat paksa sa bawat bahagi ng gawaing

pananaliksik ay nakapaloob at pinagtuunan ng pansin. Bagama’t ito ay sasailalim pa

rin sa minor na revisyon, malinaw na naipakita ang layunin ng gabay bilang awtput

na makapag-aambag sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik”.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 15 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
May 86.67% ng kasanayang pampagkatuto ang nabuong awtput na

nangangahulugang sapat na nabuo (sufficiently developed) ang bawat bahagi ng

gabay kaugnay ng 15 kasanayang pamapagkatuto ng nasabing asignatura.

Talahanayan 5
Gampanin ng mga Guro sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagbuo ng
Sulating Pananaliksik
Aytem Weighted Berbal na
Mean Interpretasyon
1.Pagpapaliwanag ng mga batayang katangian ng 4.00 Lubos na
isang mainam na paksa sa sulating pananaliksik Sumasang-ayon
2.Pagsasaayos ng mga ideya sa organisadong 3.67 Lubos na
pamamaraan Sumasang-ayon
3.Pagpapakilala sa mga may-akda bilang hanguan ng 3.17 Sumasang-ayon
mga impormasyon
4.Pagtingin sa pangyayari sa pamamagitan ng 3.33 Sumasang-ayon
paglahok-obserbasyon.
5. Pagsusuri ng kinalabasan ng pananaliksik batay sa 4.67 Lubos na
layunin ng pag-aaral Sumasang-ayon
6.Pagwawasto ng baybay, bantas at gramatika sa 3.83 Lubos na
pagbibigay-kahulugan o interpretasyon Sumasang-ayon
7.Pagbibigay-diin sa mga mahahalagang tuklas at 4.00 Lubos na
bahagi ng datos upang mapagbatayan ng konklusyon. Sumasang-ayon
8.Pagsisiyasat sa bawat ideya at katibayang inilahad 3.67 Lubos na
Sumasang-ayon
9.Pagsasaayos ng mga patalatang pahayag upang 3.17 Sumasang-ayon
mailarawan ang mga datos
10.Pagtuturo ng angkop na istadistika na bihirang 3.33 Sumasang-ayon
magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang
sagot sa tanong
Composite Mean 3.68 Lubos na
Sumasang-ayon
May pinakamataas na weighted mean na 4.67 ang pagsusuri ng kinalabasan

ng pananalisksik batay sa layunin ng pag-aaral na lubos na sinang-ayunan ng mga

guro. Sa pagsusuri ng kinalabasan, malaki ang kaugnayan nito sa layunin ng pag-

aaral upang matiyak na nasusunod at nasasagot nang wasto ang mga katanungan

ng pananaliksik.

May pangangailangang suriin ang mga datos o impormasyong nakalap

sapagkat iba’t iba ang ginagamit na pamamaraan upang lapatan ng angkop na

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 16 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
istadistika. Ito ang magbibigay linaw upang maanalisa ang mga ideya at magkaroon

ng wastong pagkakahanay ng mga konsepto at kaisipan sa gawain. Pagkatapos ang

pagsusuri, kailangan itong ipaliwanag nang malinaw at makabuluhan gamit pa rin

ang istadistikang angkop sa pananaliksik. Nagsisilbi itong matibay na pundasyon sa

gawain para sa madaling pagkaunawa ng isinasagawang pag-aaral.

Ganito ang sinabi ng mga kalahok na guro, kailangang pagtuunan ng pansin

ang mga batayang katangian sa pagpili ng paksa. Nagkakaroon ng kalituhan ang

mga mag-aaral sa mga batayan gaya ng edad, kasarian at lugar upang makapili ng

magandang paksa. Inilahad din sa panayam na mahalagang ilagay sa huling

kabanata ang mga natuklasan sa pag-aaral sapagkat ito ang magsisilbing batayan

sa pagbuo ng konklusyon.

Samantala, ang pagpapakilala sa mga may-akda bilang hanguan ng mga

impormasyon at pagsasaayos ng mga patalatang pahayag upang mailarawan ang

mga datos ay may pinakamababang weighted mean na 3.17 na parehong sinang-

ayunan ng mga gurong kalahok. Ipinahayag ng mga gurong kalahok na isang

mahalagang gampanin ang pagkilala sa pinaghanguan lalo na sa may-akda. Upang

maiwasan ang isyu ng plagyarismo, maingat na kinikilala ang ideya maliit man o

malaki ang naiambag sa pananaliksik.

Dagdag pa nila, dahil sa mahina ang mga mag-aaral sa paggamit ng wastong

gramar at tamang konstruksyon ng pangungusap, apektado nito ang pagbuo ng

patalatang pahayag upang mailarawan ang mga datos o impormasyong nakalap.

Sa kabuuan, may composite mean na 3.68 at lubos na sinang-ayunan ng

mga guro ang gampanin nila sa paglinang ng kasanayan sa pagbuo ng sulating

pananaliksik. Nangangahulugan na malaki ang ginagampanang papel ng mga guro

sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 17 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Talahanayan 6
Estratehiyang Ginagamit ng mga Guro sa Paglinang ng Kakayahan ng mga
Mag-aaral sa Pananaliksik

Aytem Weighted Berbal na


Mean Interpretasyon
1. Thinking Skills na isinasagawa sa pamamagitan ng Lubos na
paglinang at pagsasaalang-alang ng mga ideya ng mag- 3.83 Sumasang-ayon
aaral.
2. Activity Based na maaaring pang-isahan o pangkatang
gawain gaya ng diyalogo, pagpaplano ng proyekto, hands
on inquiry, analisis at paggawa ng proyekto tungo sa 3.83 Lubos na
mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral. Sumasang-ayon
3.Online Collaborative na integrasyon ng teknolohoya sa
mga aralin at inihahanda ang mga mag-aaral sa pagiging 3.17 Sumasang-ayon
responsableng indibidwal sa paggamit ng modernong
teknolohiya.
4. Think-Pair-Share na nabibigyan ng pantay na
pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang gawain ang mga 4.00 Lubos na
mag-aaral upang malinang ang kasanayan at Sumasang-ayon
nagagawang ibahagi ang ideya sa iba pang mag-aaral.
5.Integrated Process Approach na binibigyang-diin ang
koneksyon at pagpapaunlad ng komunikasyon ng mga 3.00 Sumasang-ayon
mag-aaral at stakeholders kaugnay ng ipinatupad o
napagkasunduang proyekto/gawain.
6. Peer Teaching na pagtuturo ng mag-aaral sa kapwa 3.83 Lubos na
mag-aaral at maaaring reciprocal teaching, peer tutoring Sumasang-ayon
at kooperatibong pagkatuto.
7.Scaffold-Knowledge Integration na isinasagawa
upang matulungan ang mga mag-aaral na matuto mula sa 3.67 Lubos na
iba pang mag-aaral na nakapaloob ang 4A’s – Aktibiti, Sumasang-ayon
Analisis, Abstraksyon at Aplikasyon.
8.Content Based Instruction. (CBI) na nakapokus sa 3.50 Lubos na
aralin o mismong subject matter gamit ang lenggwaheng Sumasang-ayon
nais matutunan bilang kasangkapan tungo sa kaalaman.
9.Cyclic Inquiry Model and Practical Inquiry Model na
ipinapaskil ang aralin bilang panimulang pahayag o 2.83 Sumasang-ayon
katanungan sa pisara o sa isang maliit na karatula upang
kritikal na mag-iisip at malalim na magsuri sa paksa.
10.Knowledge-Building Community Model na
pagproseso ng resulta na magagamit bilang datos sa mga 3.17 Sumasang-ayon
susunod na gawain batay sa pakikilahok ng mga mag-
aaral sa komunidad.
11.Self-Evaluation and Self-Reflection bilang paglalahat
kung ano ang nangyari sa loob ng silid-aralan at pag- 3.67 Lubos na
aanalisa ng guro at mag-aaral ng napag-alamang Sumasang-ayon
impormasyon.
Composite Mean 3.50 Lubos na
Sumasang-ayon

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 18 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Kaugnay ng pedagohikal na pagdulog sa pagtuturo, iba’t ibang estratehiya

ang ginagamit ng mga guro sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

pananaliksik. Nanguna rito ang Think-Pair-Share na may pinakamataas na weighted

mean na 4.00 kung saan nabibigyan ng pantay na pakikilahok sa iba’t ibang gawain

ang mga mag-aaral upang malinang ang kasanayan at nagagawang ibahagi ang

ideya sa iba pang mag-aaral.

Sinundan ito ng Thinking Skills na isinasagawa sa pamamagitan ng

paglinang at pagsasaalang-alang ng mga ideya ng mag-aaral, Activity Based na

maaaring pang-isahan o pangkatang gawain gaya ng diyalogo, pagpaplano ng

proyekto, hands on inquiry, analisis at paggawa ng proyekto tungo sa mabilis na

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang dalawang nabanggit na estratehiya ay parehong

nakakuha ng weighted mean na 3.83.

Samantala, sinang-ayunan ng mga kalahok at may pinakamababang

weighted mean na 2.83 na ginagamit nila ang Cyclic Inquiry Model and Practical

Inquiry Model kung saan ipinapaskil ang aralin bilang panimulang pahayag o

katanungan sa pisara o sa isang maliit na karatula upang kritikal na mag-iisip at

malalim na magsuri sa paksa.

Sa pangkalahatan, lubos na sumasang-ayon ang mga gurong kalahok na

iba’t ibang estratehiya ang ginagamit nila sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-

aaral sa pananaliksik na may weighted mean na 3.50. Nangangahulugan na ang

paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ay makatutulong sa pag-unawa ng mga

mag-aaral upang matagumpay na maisakatuparan ang gawaing pananaliksik sa

senior high school. Gayundin, makatutulong ito sa bahagi ng guro upang madaling

mapaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pananaliksik mula sa pagpili ng

paksa hanggang sa pagbuo ng lagom. konklusyon at rekomendasyon.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 19 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Talahanayan 7
Bahagi ng Gabay sa Pagsulat- Pananaliksik na Nangangailangan
ng Pagpapaunlad o Pagrerebisa
Aytem Weighted Mean Berbal na
Interpretasyon
1.Pagpili ng paksa 2.00 Hindi Gaanong
Nangangailangan ng
Pagrerebisa
2.Paglalahad ng tentatibong 2.10 Hindi Gaanong
balangkas Nangangailangan ng
Pagrerebisa
3.Paggamit ng instrumento sa 2.17 Hindi Gaanong
pangangalap ng datos Nangangailangan ng
Pagrerebisa
4.Mga Suliraning Nararanasan ng 2.33 Hindi Gaanong
mga Mag-aaral sa Sulating Nangangailangan ng
Pananaliksik Pagrerebisa
Composite Mean 2.18 Hindi Gaanong
Nangangailangan ng
Pagrerebisa

Nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na 2.33 at hindi gaanong

nangangailangan ng pagrerebisa ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral

sa sulating pananaliksik. Binubuo ito ng 13 suliranin gaya ng paghahanap ng mga

kaugnay na pag-aaral sa mga silid-aklatan, pangongopya ng datos nang hindi

kinikilala ang pinaghanguan, pagkalito sa lohikal na pagkakasunod-sunod na bahagi

ng sulating-pananaliksik hanggang sa pagbuo ng layunin ng pananaliksik at

pagsasama ng opinyon at katotohanan.

Ipinahayag nina Austero et al. na mahirap ang gawaing pananaliksik

sapagkat napakalaki ng pananagutan sa sarili, sa mga may-akda, sa mambabasa at

sa lipunan. Kailangang taglayin ang pagiging masipag at matiyaga sa ganitong uri ng

gawain. Ganito ang suliranin ng iba sapagkat ang pananaliksik ay walang humpay na

pangangalap ng datos, walang sawa sa pagsusulat ng mga ideya, pagbabasa at

paghahanap ng mga tao na maaaring mapagkunan ng tala sa paksang sinasaliksik.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 20 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Samantala, may weighted mean na 2.00 ang pagpili ng paksa na hindi rin

gaanong nangangailangan ng pagrerebisa. Ayon sa mga gurong nakapanayam,

mahalagang ituro at pag-aralang mabuti ang paksa sa pagsulat ng pananaliksik

upang makabuo ng mahusay na layunin.

Sa naging resulta ng pag-aaral, mahalagang ituro at pag-aralang mabuti ang

paksa sa pagsulat ng pananaliksik upang makabuo ng mahusay na layunin. Ito ang

magsisilbing gabay sa manunulat kung paano gagawing mas komprehensibo ang

isusulat. Ito ang mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga

tanong tungkol sa paksa.

Sa kabuuan ng isinagawang validasyon at revisyon, lumabas sa pananaliksik

na hindi gaanong nangangailangan ng pagrerebisa ang gabay sa pagsulat ng

pananaliksik at handa na itong gamitin nang malawakan.

Awtput ng Pag-aaral – Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik. Sa isinagawang

pag-aaral, revisyon at validasyon, napag-alaman na makatutulong ito sa mga mag-

aaral sa pagbuo ng pananaliksik. Dahil sa sumailalim ito sa masusi at malalimang

pagsusuri ng mga eksperto mula sa mga gurong nagtaya o evalweytor, gurong

tagamasid sa Filipino hanggang sa Learning Resources and Management

Development System (LRMDS), iniangkla ito sa curriculum guide (cg) at pinag-aralan

nang mabuti upang malawakang magamit ng mga mag-aaral at guro.

Dahil dito, ang mananaliksik ay nakabuo, nakapagpavalideyt at

nakapagrebisa ng gabay sa sulating pananaliksik sa Senior High School na

maaaring magamit ng mga guro sa pagtuturo at gayundin ng mga mag-aaral bilang

kagamitang pantulong sa pagkatuto upang mapaunlad at madaling maisagawa ang

pagbuo ng nasabing gawain.

Ang gabay na binuo ng mananaliksik ay may layuning mabigyan ng

karagdagang kaalaman, matulungan at magabayan ang mga guro at mag-aaral sa

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 21 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
pagbuo ng pananaliksik. Gamit ang binuong gabay ng mananaliksik, bilang

pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo

sa Pananaliksik, magkakaroon ng ideya at maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang

gawain.

Sa Kurikulum na K to 12, nakahanay ang mga asignaturang may kinalaman

sa pananaliksik. Maituturing na ang pagbuo ng gabay ay isang kagamitang panturo

na kailangan upang mapagtibay at mabuo nang mabilis ang gawain. Kalakip ng

pananaliksik na ito ang awtput, ang sipi ng Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik na binuo

ng mananaliksik.

Konklusyon

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilahad ang sumusunod

na mga konklusyon:

1. Sumasang-ayon ang mga guro at valideytor sa isinagawang gabay sa pagsulat-

pananaliksik.

2. Makatutulong ang gabay sa pagsulat-pananaliksik sa mga mag-aaral at guro sa

paglinang at pagbuo ng pananaliksik.

3. Napaunlad pang lalo ang gabay dahil sa mga ibinigay na rekomendasyon,

pagwawasto, revisyon at revisyon.

4. Malinaw na naipakita ang layunin ng gabay bilang awtput na makapag-ambag sa

kasanayan ng mga mga mag-aaral sa pananaliksik.

5. Malaki ang papel na ginagampanang papel ng mga guro sa paglinang ng

kasanayan sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

6. Iba’t iba ang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa paglinang ng kakayahan ng

mga mag-aaral sa pananaliksik.

7. Hindi gaanong nangangailangan ng pagrerebisa ang mga bahagi ng gabay sa

pagsulat-pananaliksik.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 22 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Rekomendasyon

1. Paggamit ng binuong gabay sa pagtuturo ng sulating pananaliksik ng mga guro at

pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. Pagsasailalim sa rebyu ng Panrehiyong Learning Resources and Management

System (LRMDS) upang malawakang magamit sa buong Rehiyon IV-A

CALABAZON.

3. Pag-alam sa naging epekto ng paggamit ng gabay sa sulating-pananaliksik ng

mga mag-aaral sa senior high school.

4. Pagsasagawa ng katulad na pag-aaral na nakatuon naman sa pagsusuri ng

nabuong pananaliksik (research output) ng mga mag-aaral gamit ang rubrik sa

pananaliksik.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 23 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Planong Aksyon

Sa paraan ng pagrerebisa, isinaalang-alang ang mga rekomendasyon at

puna ng mga guro at ekspertong kinapanayam. Naniniwala ang risertser, na

magsisilbi itong kagamitang pangmag-aaral upang malinang ang pagbuo ng

pananaliksik. Makikita sa ibaba ang naging planong aksyon.

Layunin Istratehiya/Gawain Taong Panahon ng


Kasangkot Pagsasagawa
Nagagamit ang Paghingi ng pahintulot Pansangay na
binuong gabay sa sa Pansangay na Tagapamanih Nobyembre
pagtuturo ng sulating Tagapamanihala ng mga ala ng mga 2019-Marso
pananaliksik ng mga Paaralan at Pansangay Paaralan 2020
guro at pagkatuto ng na Tagamasid sa Filipino
mga mag-aaral. sa diseminasyon at Pansangay na
paggamit ng gabay sa Tagamasid sa
pagsulat-pananaliksik. Filipino

Guro

Mga
Mag-aaral
Naisasailalim sa rebyu Pagkakaroon ng Pansangay na Setyembre
ng Panrehiyong koordinasyon ng Tagamasid 2019-Hunyo
Learning Resources mananaliksik sa sa Filipino 2020
and Management pansangay na gurong
Development System tagamasid sa Filipino at Mananaliksik
(LRMDS) upang panrehiyong LRMDS.
malawakang magamit Panrehiyong
sa buong Rehiyon IV-A LRMDS
CALABARZON.
Nalalaman ang naging Pakikipanayam sa mga Mananaliksik Hunyo 2020-
epekto ng paggamit ng guro at mag-aaral batay Mga Guro Oktubre 2020
gabay sa sulating- sa naging epekto ng
pananaliksik ng mga paggamit ng gabay sa Mga
mag-aaral sa senior pagsulat-pananaliksik. Mag-aaral
high school.
Nakapagsasagawa ng Pagbuo ng pananaliksik Mananaliksik Hunyo 2020-
katulad na pag-aaral na na nakatuon sa research Oktubre 2020
nakatuon naman sa output ng mga mag- Mga Guro
pagsusuri ng nabuong aaral gamit ang rubrik sa
pananaliksik (research pananaliksik. Mga
output) ng mga mag- Mag-aaral
aaral gamit ang rubrik
sa pananaliksik.

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 24 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org
Sanggunian

A. Aklat

Austero et al.(2006).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Pasig City:Unlad


Publishing House

Jocson et al.(2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.Quezon City:Vibal Group, Inc.

B. Tesis

Agito, John Jordan A.(2017).Pagbuo ng Ekspresibong Pagsasanay sa Filipino 7 sa


mga Pribadong Paaralan sa Lungsod ng Batangas. Tesis
Pangmasteral.Pambansang Pamantasan ng Batangas.

C. Pakikipanayam

Focus Group Discussion – Mga Gurong Nagtuturo ng Pananaliksik sa Filipino,


Learning Resource Evaluator (LRE) at gurong tagamasid sa Filipino

D. Hanguang Elektroniko

De Franzo, Susan E.(2011).Difference between Qualitative and Quantitative


Research.https://www.snapsurveys.com/blog/qualitative-vs-quantitative-
research/

Hale, J. (2011).The 3 Basic Types of Descriptive Research Methods. Psych


Central.https://psychcentral.com/blog/archives /2011/09/27/the-3-basic-types-
of-descriptive-research-methods/

E. Iba Pang Sanggunian

K to 12 Core Curriculum – Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t - Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik.Disyembre 2013

DEPEDBATS-PAR-F-001/R0/06-11-2018 Pahina 25 sa 25
(043) 722-1840/ 722-1796/ 722-1437/ 722-2675/ 722-1662 (043) 723-2816 deped.batangas@deped.gov.ph www.depedbatangas.org

You might also like