Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marijah Victoria B.

Ferrer Talumpati 12 STEM - ALTRUISTIC

KAYAMANAN

“Nanay Tatay ang gusto ko'y tinapay Ate Kuya ang gusto ko'y kape lahat ng gusto ko ay susundin
ninyo ang magkamali ay pipingutin ko”. Isang kanta na sa tingin ko ay tumutukoy sa bawat miyembro ng
isang pamilya, nandidito si Nanay, si Tatay, si Ate, at si Kuya. Sa aking mga kaibigan, mga minamahal
kong kamag-aral, at sa aking guro, isang mapagpalang hapon sa ating lahat.

Bukod sa aking nanay, tatay, kuya, at kakambal, itinuturing ko ding pamilya ang mga taong
malapit sa akin. Pakiramdam ko nga mas kilala ako ng aking mga kaibigan kaysa sa aking pamilya, dahil
mas bukas at mas madalas ako magkwento ng aking problema sa kanila. Pero kahit naman ganun
naniniwala pa din ako sa kasabihan na “blood is thicker than water”. Ibang iba pa din ang pagmamahal
na ipinapadama at sayang idinudulot ng ating mga magulang at mga kapatid. Pero hindi naman sa lahat
ng oras masaya kami, siguro kung bibilangin mas maraming beses ang di namin pagkakaunawaan. Pero
kung tuutuusin, ang di pagkakaunawaan o di kaya’y bangayan ng isang pamilya ay normal lang. Oo tama
na sa oras na tinalikuran at iniwan ako ng lahat, pamilya ko ang nandiyan para saluhin ako. Pero may
mga panahon na sila mismo hindi ako maiintindihan at hindi ako matatanggap sa kung ano ang totoong
ako. Walang nilikha ang Diyos na perpektong tao, perpektong pamilya pa kaya?

Masasabi ko na kaya ko napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na dumaan sa aking buhay


ay dahil iyon sa aking pamilya. Sila ang nagbibigay lakas ng loob, nagtitiwala, at naniniwala na kaya ko.
Kaya salamat dahil wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung ‘di dahil sa inyo. Muli salamat at isang
mapagpalang hapon sa ating lahat.

You might also like