Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

MAPEH IV
SY: 2019 – 2020

Pangalan: __________________________________________ Lagda ng Magulang: ________________ Iskor: ______


MUSIKA
Panuto: Piliin at isulat sa puwang ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pababa na pahakbang na himig?

A. C.

B. D.

2. Gamit ang hulwarang ritmo, tukuyin ang mga pitch name nito.
A. ti-la-so
B. do-re-mi
C. fa-so-la
D. re-mi-fa

3. Alin sa sumusunod ang simbolong inilalagay sa unahan ng staff na nagtatakda ng mga pitch name?

A. B. C. D.

4. Ano ang gamit ng G clef?


A. Naglalahad ng paraan ng wastong pag-awing ng kanta.
B. Tumutukoy sa distansiya o pagitan ng mga nota sa hulwarang ritmo.
C. Nagsasabi na ang pitchname na G ay nakalagay sa pangalawang linya ng staff.
D. Nagsasabi sa taas ng boses nang pag-awit ng isang grupo ng mga mang-aawit.

5. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang ledger line?


A. B. C. D.

6. Tukuyin ang pitch name ng notang nasa ledger line.


A. B
B. C
C. D
D. E

7. Tukuyin ang range ng pagitan ng note sa hulwarang ritmo ito?


A. Maikli
B. Pantay
C. Malawak
D. Patalon-talon

Para sa bilang 8.
Suriin ang hulwarang himig sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na tanong:

8. Bilugan ang may pinakamataas na nota ng awit.

9-10. Gumawa ng sarling likhang melodiya gamit ang staff sa ibaba.


ARTS 4
Panuto: Piliin at isulat sa puwang ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pagpipinta kung saan ang paksa ay patungkol sa kabukiran, kagubatan, at tanawin sa kapatagan?
A. Cityscape painting C. Seascape painting
B. Floral painting D. Landscape painting
2. Ang mga Maranao ay nakikilala sa kanilang pambihirang disenyo na tinatawag na _________.
A. Banig B. Inabel C. Okir D. Vakul
3. Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng tanawing kultural. Alin sa mga sumusunod na tanawin ng pangkat-etniko ang
kakikitaan ng disenyong okir ang kanilang tahanan?
A. Bahay ng Ivatan B. Bahay ng Maranao C. Bahay ng T’boli D. Bahay ng Ifugao
4. Bakit iba-iba ang mga likhang sining ng mga pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural?
A. Nagpapagalingan sila ng disenyo. C. Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligirang kinagisnan.
B. Kaniya-kaniya sila mag-isip ng mga disenyo. D.Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran
5. Saan karaniwang gawa ang mga tirahan ng mga Ivatan sa Batanes?
A. Kawayan at pawid B. Limestones at coral C. Table at yero D. Kugon at bakal
6. Ano ang magiging pagbabago sa kulay asul kapag dinagdagan ng maraming tubig sa isang watercolor painting?
A. Mapusyaw na asul B. Madilim na asul C. Matingkad na asul D. Malamlam na asul
7. Ano-anong halimbawa ng mga bagay ang makikita kapag inilalarawan mo ang pamayanang kultural sa kabundukan sa
pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta?
A. Malalaking gusali, mahabang kalsada, at mga pabrika.
B. Mga bahay na may disenyong okir, sarimanok, at pako-rabong.
C. Karagatan, palaisdaan, at mga bahay na nakatayo sa tabing dagat.
D. Banawe Rice Terraces, bulubundukin, mga bahay na yari sa kawayan
8. Ito ay makulay na pista na ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon bilang pasasalamat sa kanilang patron dahil sa masagana
nilang ani.
A. Ati-atihan B. Kadayawan C. Pahiyas D. Sinulog
9. Ang mga sumusunod ay mga maaari mong gawin upang maipagmamalaki ang mga pagdiriwang sa ating bansa,
alin ang hindi?
A. Sasali ako sa mga pagdiriwang kapag may pagkakataon.
B. Manonood na lamang ako ng telebisyon dahil dito ako mas komportable.
C. Gagamitin ko ang aking kakayahan upang maipromote ang mga pagdiriwang.
D. Sisikapin kong gumawa ng travel blog tungkol sa mga pagdiriwang sa bansa.
10. Sa paggawa ng myural, aling prinsipyo ng sining ang nagpapakita ng tamang laki ng mga bagay sa mga iba pang bagay
sa guhit o larawan?
A. Armonya B. Balanse C. Proporsiyon D. Ritmo

PHYSICAL EDUCATION 4
Panuto: Piliin at isulat sa puwang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o puwersa.
A. Puwersa B. Koordinasyon C. Lakas ng kalamnan D. Tatag ng kalamnan
2. Si Arman ay mahusay sa paglalaro lalong-lalo na sa mga larong invasion games kaya lahat ay masayang nakikipaglaro sa
kanya. Alin kaya sa mga sumusunod ang magiging epekto nito sa kanyang pagkatao?
A. Madali siyang magiging irritable C. Iiwasan siya ng mga kalarong naiinggit sa kanya
B. Gaganda ang kanyang personalidad D. Magiging tampulan siya ng tukso ng kanyang mga kalaro
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang dulot ng paglalaro?
A. Nagiging masigla ang isang tao
B. Lumalakas ang mga buto at kalamnan
C. Dulot nito ang pagkapagod na dahilan ng pagkakasakit
D. Gumaganda ang kalusugan at samahan ng mga taong nakikipaglaro
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI lumilinang ng bilis at liksi?
A. Agawang base B. Agawang panyo C. Pitik-bulag D. Tumbang preso
5. Paano naipakikita ang lakas ng kalamnan?
A. Pagdidribol ng bola
B. Pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo
C. Pagbubuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan
D. Pagsasalin ng bigas sa isang lalagyan gamit ang maliit na pantakal
6. Bakit mahalagang malinang ang liksi o agility sa paglalaro?
A. Upang maging masaya ang paglalaro C. Upang madaling makaiwas sa taya kapag naglalaro
B. Upang madaling maging taya kapag naglalaro D. Upang mahirapan ang mga kalaban kapag naglalaro
7. Sino sa mga sumusunod na manlalaro ang nagpapakita nang maayos na pakikipaglaro?
A. Si Harold na binabago ang ilang batas ng laro.
B. Si Bryan na sinusunod ang mga alituntunin ng laro.
C. Si Paulo na umaayaw kapag nakikipaglaro ng basketbol.
D. Si Carlo na nagdadahilan na maysakit kapag siya na ang taya.
8. Paano nilalaro ang larong agawang base?
A. Iniiwas ang mga sisiw mula sa mga kamay ng lawin
B. Maagaw ng grupo ang base ng kalaban ng hindi natataya
C. Mag-uunahan ang dalawang manlalaro na tinawag upang agawin ang panyo
D. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya hanggang sa huling linya at pabalik
upang makapuntos
9. Paano nabuo ang larong lawin at sisiw?
A. Binuo ito upang linangin ang kaangkupang pisikal
B. Nagpasalin-salin ang larong ito mula sa ating mga ninuno
C. Nabuo ito mula sa isang kuwento nila inahing manok at lawin
D. Kinagigiliwan itong laruin ng mga batang mahilig sa takbuhan
10. Alin sa mga sumusunod na laro ang lumilinang sa tatag ng kalamnan?
A. Circle chase B. Lakad tren C. Obstacle relay D. Talunin ang sapa

HEALTH 4
Panuto: Piliin at isulat sa puwang ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sangkap ng kadena ng impeksyon na may paraan ng pagsasalin o paglilipat ng mikrobyo sa ibang tao sa pamamagitan
ng droplets, airborne, foodborne, vectorborne, at bloodborne.
A. Mode of exit B. Mode of entry C.Mode of transmission D. Bagong tirahan o susceptible host
2. Sangkap ng kadena ng impeksyon kung saan nananahan at nagpaparami ang mga causative agents o pathogens.
A. Mode of entry B. Susceptible host C. Reservoir or source D. Mode of transmission
3. Ito ay isang uri ng sakit na naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa ibang tao.
A. Bacteria B. Pathogens C. Nakahahawang sakit D. Hindi nakahahawang sakit
4. Paano naisasalin ang sakit na trangkaso?
A. Kapag ikaw ay nagpabakuna ng anti-influenza vaccine
B. Kapag lumapit at nakikain ka sa taong may sakit na trangkaso
C. Kapag ang karayom na itinusok sa iyo ay ginamit muna sa taong may trangkaso
D. Kapag gumagamit ka ng mask kapag nakikipag-usap ka sa taong may trangkaso
5. Nabalitaan mong nagtrangkaso ang iyong kaibigan, ano ang iyong gagawin?
A. Aalagaan ko siya
B. Dadalawin ko siya at yayakapin
C. Sasabihan ko siyang magpagaling nang husto bago pumasok
D. Bibilinan ko siya na huwag niya akong lalapitan kapag hindi pa siya magaling
6. Paano naisasalin naililipat ang sakit na tuberculosis?
A. Kapag inihiwalay mo ang kanyang mga kasuotan
B. Kapag nasalinan ka ng dugo ng taong may sakit na TB
C. Kapag ginagamit mo ang mga kagamitan ng taong may TB
D. Kapag nakakasalubong mo ang mga taong may sakit na ganito
7. Aling gawain ang makatutulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusigan?
A. Paliligo kung kailan lamang gusto C. Pagsesepilyo ng tatlong beses sa isang linggo.
B. Paglilinis ng katawan at paliligo araw-araw D. Pagpapalit ng damit panloob tuwing ikalawang araw
8. Paano ka iiwas sa sakit na leptospirosis?
A. Lumayo sa mga taong kakikitaan ng mga sintomas nito.
B. Iwasan ang paglusong sa baha lalo na kapag may sugat.
C. Kumunsulta sa doktor kapag masakit na ang lalamunan mo.
D. Gumamit ng mask sa pakikipag-usap sa taong may leptospirosis.
9. Napansin mong maraming langaw, ipis, at daga sa basurahang malapit sa inyong bahay, ano ang inyong gagawin?
A. Susunugin koi to para hindi sila dumami.
B. Palilinisan ko ito sa mga opisyal ng aming barangay
C. Magpapaskil ako ng babalang “Bawal Magtapon ng Basura Dito.”
D. Gagamit ako ng inscet spray at panlason para mamatay ang mga peste.
10. May ubo at sipon ang iyong kaklase. Ang lahat ay maaari mong gawin maliban sa isa, alin ito?
A. Magtakip ng bibig at ilong kapag kausap siya.
B. Sabihan siyang umuwi na at magpagaling sa bahay.
C. Iwasang gamitin ang ginamit niyang baso sa pag-inom.
D. Sabayan siya sa pagkain upang magkaroon siya ng gana.

You might also like