Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PELIKULA

*Isang obrang pansining na kakikitaan ng galing,


tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at
pagpapahalaga ng tao/bansang pinagmulan
nito.

*Salamin ng bayan

*Ito ay may responsibilidad sa dimensyong


sosyal.

*Libangan ng mga tao.

*Ito ay isang uri ng media na may malaking


epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga
manonood.

*Iba iba ang pinapaksa ng pelikula.


Ang pagsasagawa ng pelikula ay
nangangailangan ng mahabang proseso.
Maraming salik o elemento ang isinaalang-
alang. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

1. Direksyon: Paano ipinahahatid ng director


ang mensahe ng pelikula? Bakit siya tinatawag
na kapitan ng barko sa paggawa ng pelikula?

2. Pagganap: Nabigyang lalim at bisa ba ang


pagsasabuhay ng mga karakter? Makatarungan
ba ang Pagganap ng mga actor at mga aktres?

3. Istoryang Pampelikula: Kapana-panabik ba


ang bawat pangyayari sa kwento? Paano
binigyang-linaw ang mga pangyayari sa istorya?

4. Disemyong Pamproduksyon: Angkop ba sa


istorya at mga tauhan ang mga ginamit na
kagamitan, kasuotan, tanawin, set at panahaon?

5. Sinematograpiya: Tiyak at masining ba ang


bawat anggulo ng kamera, ang bawat galaw,
ang layo o lapit na nais marating, liwanag at
dilim sa pag-iilaw, mga hugis, anino at kulay?

6. Editing: Mahusay ba ang pagkakaedit ng


pelikula? Hindi ba naapektuhan ang kabuluhang
estetiko ng pelikula sa pagkakaedit ng ilang
eksena?

7. Musikal Iskoring: Pinatitingkad ba at angkop


ang mga musika at mga tunog na ginamit sa
iba't ibang emosyon sa bawat eksena ng
pelikula?

8. Paglalapat ng tunog: Malinaw ba ang dating


ng mga dayalog sa pelikula? Nauuna ba o
nahuhuli ang mga tunog sa bawat eksena?

You might also like