Professional Documents
Culture Documents
Fil 101
Fil 101
the theory that all knowledge is derived from sense-experience. Stimulated by the rise of
experimental science, it developed in the 17th and 18th centuries, expounded in particular by
John Locke, George Berkeley, and David Hume.
nativism
2.the theory that concepts, mental capacities, and mental structures are innate rather
than acquired by learning.
2. 2. Ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, at laging may
bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo at
hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang
buhay. Richards (1992)
3. 3. Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
Hendricks (1998)
5. 5. 1. Walang Itinatangi Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa
klase o ang kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng
klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin
sa lahat ng mga mag-aaral.
6. 6. 2. May Positibong Ugali Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.
8. 8. 4. May Haplos Personal Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa
kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan
ng mga mag-aaral.
9. 9. 5. Masayahin Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling
pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay
nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.
10. 10. 6. Malikhain Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.
11. 11. 7. Marunong tumanggap ng kamalian Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang
kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging
modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.
12. 12. 8. Mapagpatawad Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa
kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro
ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din
niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.
13. 13. 9. May Respeto Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng
sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na
matupad ang kanyang mga tunguhin.
14. 14. 10. May Mataas na Ekspektasyon Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-
aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
16. 16. 12. Ipinadaramang kabilang ang mga mag-aaral Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y
kabilang sa klase. Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at
pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-
aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro
ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga
mag-aaral.
18. 18. Ang Mga Guro Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at
pagkatuto ng wika.
19. 19. Ang Mga Guro Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo
ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa
pag-aaral ng wika.
20. 20. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum Pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng
kaalaman; Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang
natamong kaalaman;
22. 22. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at
pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o
pagkabahala ;
23. 23. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum Binibigyan sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga papuri. (“Magaling ang iyong sagot,.” Sige, ipagpatuloy mo”). Ito’y
nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala ang kanilang kakayahan sa klase;
24. 24. Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon
sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika
Ang Pagtatamo at Pagkatuto ng Wika (W 1 at W2): Mga Teorya at Praktika
INTRODUKSYON
Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at paniniwala sa
mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon, pokus sa mag-aaral, mga batayang
teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at maiintidihan kung anu nga ba ito. Narito rin ang pag-
aaral ukol sa istruktural na pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole language approach, at ang content-
based instruction. Halina’t tuklasin ang mga ito.
TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung
saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan
ang bagong tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang pagkakamali ay isang palatandaan ng
pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod.
Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa
at ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklawna
kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo
sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisismula sa paglalahad ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa
kaisipang ang mga impormasyong ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang
pangkaisipan at sa kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming aspekto. Parehong
pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay ipinanganak na may likas na kakayahan upang
matutuhan ang isang wika (page at pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang
suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng
mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa pagkatuto ng
wika.
TEORYANG MAKATAO
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga salik na
pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-
aaral at malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang
sumusunod: Community Language Learning ni Curran; ang Silent Way ni Gattegno at
ang Suggestopedia ni Lazonov.
Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa
“labas”
Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens
Pagkatutong partisipatori
CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang integrasyon ng
mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.