Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Yakapin Ang Realidad

Pagkalipas ng taong dalawang libo’t labing siyam


Panibagong magandang taon ang ating inaasam
Subalit tila ba hindi maganda ang pasok nito
Ang dami ng negatibong ganap noong enero.

Sa dinami rami ng nangyayari


Sino nga ba ang masisisi?
Mga taong gumagawa ng masama’t walang pangarap?
O ang gobyernong walang ginagawang tulong para sa
mahihirap.

Sunog, digmaan
Virus, pagsabog ng bulkan
Mga nangyayari sa mundo’y hanggang kailan?
Unti-unti na tayong namamatay at nababawasan.

Paano natin haharapin ang hinaharap kung ang hinaharap


Ay kay hirap harapin?
Paano natin malalabanan ang hirap
Kung ang yaman ay kay hirap mahanap?

Dahil sa lahat ng nangyayari


Baguhin natin ang mga mali
Buksan natin ang ating isipan
Mga ginagawa natin ay ating panindigan.

Tinutulungan tayo ng kalikasan


Ngunit ambag natin dito ay kasiraan
Para bang tayo pa mismo ang pumapatay sa sarili natin
Tinatangkilik ang iba ngunit hindi ang sariling atin.

Tayo na lamang ay manalig sa diyos


Tigilan ang pagsira ng kalikasan at pagiyak ng lubos
Isipin na lamang na ang lahat ay masamang panaginip
Imulat ang mata at kalimutan ang hapdi at sakit.

Ito ang realidad


Gagawin ang lahat kahit pa mawala ang dignidad
Nakakalungkot lang makita ang lungkot sa mga mata
Bumangon tayong iisa, gumawa tayo ng mabuti hindi lang sa
kalikasan pati na rin sa kapwa.

You might also like