Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bernabe, Patricia Agatha S.

11933704
ECONMIC V25 January 21, 2020
4.0 Party

“Pareho ba ang kuripot sa matipid?”


ni Tereso S. Tullao Jr.
30 Agosto 2013

Gabay sa mga Salita

Kuripot. Tumutukoy ito sa isang indibidwal na nakakakuha ng kasiyahan sa pamamagitan ng labis


niyang pagtitipid ng salaping mayroon siya (Tullao, 2013). Kadalasang mas pinipili ng mga taong
kuripot ang mga bagay o produktong luma, may mababang uri at mababang halaga. Umuusbong
din sa ganitong uri ng katangian ang pagiging maramot sa kadahilanang ayaw ng mga taong may
ganitong pag-uugali na ipamahagi at mabawasan ang salaping naipon o mayroon sila.

Maramot. Tumutukoy ito sa isang indibidwal na ayaw mamahagi o mabawasan ang kaniyang mga
pag-aari katulad ng salapi. Itinituturing na makasarili ang taong maramot. Dagdag pa rito,
mahalaga sa isang maramot na tao na maraming malikom na salapi at hindi ito mabawasan
sapagkat dito niya nahahanap ang kaniyang pansariling kasiyahan.

Matipid. Taliwas sa pagiging kuripot, ang ganitong pag-uugali ay mayroong mabuting intensyon
at layunin. Ang pagiging matipid ay tumutukoy sa isang pag-uugali na kung saan ang isang
indibidwal ay nagtitipid o naglilikom ng salaping maaari niyang magamit sa pangkasalukuyan at
panghinaharap na mga pangangailangan.

Pag-iimpok. Ito ay tumutukoy sa isang gawain na kung saan ang naipong salapi ng isang
indibidwal ay kaniyang inilalagay o inilalagak sa isang bangko o anumang institusyong pananalapi
(Tullao, 2013). Kadalasang isinasakripsyo ng mga maaaring makonsumo sa kasalukuyan ang mga
taong nag-iimpok para sa layuning masiguro o magkaroon sila ng seguridad kapag nagkaroon ng
kagipitan katulad na lamang ng sakuna. Ang pag-iimpok ay isinasagawa para sa pangmatagalang
layunin o kadahilanan. Dagdag pa rito, ginagamit rin ng mga nag-iimpok ang salaping kanilang
naipon sa pangangapital na kung saan ang kita mula rito ay makakatulong sa kanila sa panahon ng
pagreretiro.

Pag-iipon. Sa gawaing ito, binabawasan ang gastos o nagsasakripisyo ng pagkonsumo ang isang
indibidwal para sa isang makabuluhang layunin o intensyon. Ang pag-iipon ay isinasagawa para
sa mga panandaliang layunin o mga layuning maaaring matamo sa maikling panahon lamang.
Halimbawa, maaaring mag-ipon ng salapi ang isang indibidwal na gagamitin niya upang makabili
ng kotse na maaari niyang magamit sa kaniyang araw-araw na pangangailangan sa transportasyon.

Pangangapital. Isa itong pamamaraan ng mga kumpanya at korporasyon na tumutulong upang


lumawak, umunlad, at tumaas ang produktibong kapasidad ng ekonomiya. Kabilang dito ang mga
istruktura, makinarya, at iba pang mga kagamitan na maaaring makadagdag sa pagiging
produktibo at mabisa ng isang kumpanya (Custodio, 2016).
Mga Sanggunian:

Custodio, P. (2016). Araling Panlipunan Dictionary. Kinuha noong Enero 19, 2020 mula sa
https://www.scribd.com/doc/296668456/Araling-Panlipunan-Dictionary

Tullao, T. (2013). Ating Suriin: Pareho ba ang kuirpot sa matipid?. Pinoy Periodiko. Kinuha noong
Enero 19, 2020 mula sa http://pinoyperiodiko.com/ating-suriin-pareho-ba-ang-kuripot-sa-
matipid/.

You might also like