Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Edaine

Hulyo tatlumpu’t-isa, ang araw kung kailan nagsimula ang lahat


Isang mahiwagang nilalang ang ipinanganak sa Iloilo
Siya’y lumaki bilang isang simpleng babaeng may hangaring:
Makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang pamilya .

Sino nga ba ang babaeng ito?

Ang taong may mabuting pusong nagsumikap

Upang marating niya ang kanyang pangarap sa buhay

Siyaý walang iba kundi ang aking ina .

Ang aking inaý walang katulad

Handa siyang ibigay ang lahat para sa kanyang pamilya

Ni minsan hindi niya pinabayaan ang kanyang tungkulin bilang

“Ilaw ng Tahanan”.

Hindi sapat ang mga salita para mailahad ko kung bakit ko hinahangaan ang aking ina

Dahil hindi lamang siya isang ina, ngunit siyaý isa ring kaibigan

Kaibigang alam kong kahit kailan hindi ako iiwan

Sa poot man o ginhawa .

Ina, maraming salamat po sa lahat ng sakripisyong nagawa mo para sa akin ,

Maraming salamat sa lahat ng paalala, kahit kailan hindi ko ito makakalimutan

Maraming salamat sa pag-aaruga, pagmamahal at walang sawang pagsuporta. Ina maraming


salamat ,

Salamat dahil binigyang buhay mo ang isang “Dayne”……., Ang iyong Replika 2004.

You might also like