Professional Documents
Culture Documents
SCRIPT (Marinduque)
SCRIPT (Marinduque)
SCRIPT (Marinduque)
Mutya Marin
Garduque
Datu Batumbakal
Datu ng Batangan/Batangas
Datu Kawili
Datu ng Camarines
Datu Sagwil
Datu ng Laguna
Datu Bagal
Datu ng Mindoro
EKSENA:
Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni Marin,
sa loob at labas ng kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang
dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang makata ay di-mamakailang
pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag makipagkita sa kanyang butihing anak.
Datu Batumbakal: “Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala akong
pahintulot?” ang minsa’y tuligsa sa kaawa-awang makata.
Garduque: “Ako po’y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.” “Ako po’y
sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.”
Garduque: “Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya Marin. Ako po’y
pinabibigkas ng mga tulang kanyang kinagigiliwan.”
Hindi na matiis ni Mutya ang paglait ng kanyang ama sa minamahal. Kaya minsa’y
ipinagtanggol ni Marin ang binata.
Mutya Marin: “Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking
kasintahan. Siya ang tumutugon sa aking mga saligan sa buhay.”
Mutya Marin: “Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kita makita. Maluwat nang
hindi mo ako sinisipot. Kay dali mong makalimot!” ang pagtatampo ng dalaga.
Mutya Marin: “Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal,
hahamakin ang lahat. Kahit kamataya’y iyong susuungin kung dahil sa akin.”
Garanduque: “Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako’y isang dukha,
kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay
makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong
kalinga?”
Garduque: “Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga
naman ang iyong mapapala sa isang mang-aawit na tulad ko? Maaari ka bang
pakainin lamang ng aking mga tula?”
Mutya Marin: “Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong
kaluluwa.”
Garduque: “Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki’y
ipinagbabawal ng datu?
Mutya Marin: “Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating
sariwain ang sumpaang sa ating dalawa ay walang mamamagitan kundi
kamatayan!”
Mutya Marin: “Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.”
Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap.
Sumagi sa kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo.
Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t paano niya maaakyat iyon?
Wala siyang mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupo at nag-isip. Namataan
niya na may aninong gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa’y may naglawit ng
lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na
siya’y nasa paanan ng tore at naghihintay. “Dapat sana siyang mag-ingat sa
paglalawit ng ilaw sapagka’t baka mahalata ng bantay,” ang bulong ng makata sa
sarili.
Mutya Marin: “Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon
akong kinasabuwat na mga alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo
hinihintay.”
Mutya Marin: “Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doon sa walang
amang makapanghihimasok sa pag-ibig ng anak.”
Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit na sasakyan
sa malaking sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang
binata. Tuloy-tuloy sa kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing
sangkap ng kamatayan.
Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang pagtitika sa kanyang nagawang
pagmamalupit, siya’y nagpakatino. Siya’y naging mapagmahal sa kanyang mga
sakop. Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin na higit sa rati. Binago
niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang mga alipin at mga maharlika ay
naging pantay-pantay sa dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa
puso.