Demokrasya PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Demokrasya

Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego:
demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan
ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng
"mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga
oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi
nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang
katagang demokrasya sa konteksto ng isang pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na
nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.

Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay
ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa
kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa
nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o
republikano kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang
Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong
kinakatawan ng mga halal ng bayan. Ang demokrasya ay nangangahulugan rin na nasa taong
bayan ang kapangyarihan na ang pinahihiwatig ay nasa taong bayan ang kapangyarihang
pumili ng magiging lider para sa isang lugar o sa bansa man . Ito ay isa rin sa mga uri ng
ideolohiya kung saan nangangahulugang agham ng kaalaman o ideya.

Para sa akin ang demokrasya ay may postibong at negeatibong epekto sa mga tao at
gobyerno. Maganda ang sistema para sa mga gobyerno at sa mga tao kase puede sila
katapatan mag pahayag sa kanilang opinyon o saloobin sa isang bagay.

Pero minsan ang demokrasya ay hindi maganda na sistema itong proseso ay mahaba kaya
mabagal ang desisyon. Ang kawalan ng katiyakan ng mga kinalabasan ay likas sa demokrasya,
na kung saan ang mga pwersa ay labis na nagsusumikap para sa pagsasakatuparan ng
kanilang mga interes, na ang pagsasama ng kapangyarihan mula sa isang grupo ng mga tao sa
isang hanay ng mga patakaran.

You might also like