Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Division of City Schools
District I
PARADISE FARMS COMMUNITY SCHOOL
City of San Jose del Monte, Bulacan
Ikalawang Markahan
Unang Langumang Pagsusulit

I. Isulat ang A – kung palaging ginagawa, B - kung minsan lang at C - kung hindi ginagawa ang ugaling
pagiging mapagtimpi sa sumusunod na sitwasyon.
______ 1. Inihaharang madalas ng iyong kaklase ang kanyang paa sa tuwing ikaw ay daraan.
______ 2. Siningitan ka ng iyong kaklase sa kantina.
______ 3. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan.
______ 4. Kinuhang bigla ng iyong kaklase ang iyong pencil case.
______ 5. Itinulak ka ng iyong kaklase dahil gusto niyang mauna sa pagpasok sa inyong silid-aralan.
II Sagutan ng Tama o Mali:
______ 6. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan.
______ 7. Huwag pansinin ang kaklase na nanunukso.
______ 8. Ang taong mahinahon ay takot makipag-away.
______ 9. Suriin at pag-aralan mabuti ang mga pangyayari bago umaksyon.
______ 10. Ang taong mahinahon ay umiiwas na makagawa ng mali.
III. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito upang maipakita ang pagkamahinahon? Isulat ang titik ng tamang
sagot.
11. Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumanig?
a. Tatakbo palabas ng mall. c. Duck Cover and Hold
b. Iiyak na malakas d. Lalapit sa information area.
12. Pinakisuyo mo na hawakan ng iyong kaklase ang iyong bag subalit ibinagsak niya ito.
a. magagalit c. isusumbong sa guro
b. kukunin ang bag at magpapasensya d. ibabagsak din ang bag ng kaklase.
13. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kaklase ang iyong lapis.
a. sisigawan ang kaklase c. sasabihin sa kuya
b. iiyak ng malakas d. ipahihiram na lang ang lapis
14. Pinakiusapan ka ng nanay na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng baon.
a. magtatampo sa nanay c. uunawain si nanay
b.magagalit sa kapatid d. magpapakabusog na lang bago pumasok
15. Sa kagustuhan mo na makasama sa palatuntunan ng paaralan kahit luma ang iyong damit ay nakilahok ka
pa rin. Pinagtawanan ng iyong kaklase ang iyong suot.
a. Pagbubutihan na lang performance sa palatuntunan.
b. Magdadabog pagdating sa bahay upang malaman ni nanay na ikaw ay napahiya.
c. Humanap na kakampi.
d. Gantihan ang kaklase na nagtawa.
IV. Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtutuwid sa nagawang pagkakamali at kung hindi.
_______ 16. Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na dapat kasanayan ng isang bata.
_______ 17. “Buti nga sa iyo”, ang salitang nararapat sabihin sa kamag-aaral mong hindi mo sinasadyang masagi habang ikaw ay
naglalakad.
_______ 18. Pinapatawad ko ang aking kaibigan na nakagawa sa akin ng pagkakamali ngunit hindi ko ito malilimutan.
_______ 19. Gumagawa ako ng paraan upang humingi ng tawad sa aking nanay.
_______ 20. Hindi ko na kinakausap ang aking kamag-aaral na may nagawang kamalian sa akin.
VI. Isulat ang MP kung magandang puna at HMP kung hindi magandang puna.
_______ 21. Ang galing naman ng ginawa mo sa ating proyekto.
_______ 22. Napakalikot mong bata ka.
_______ 23. Hindi naman siya marunong kumanta. Bakit pa siya sumali sa paligsahan?
_______ 24. Bagay sa iyo ang damit mo. Para kang lola kapag suot mo iyan.
_______ 25. Ikaw na ang manguna sa ating pangkatang gawain. Alam kong matalino ka.
VIII. 26- 30. Kumpletuhin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon.
nabubully magiliw damdamin nakasasakit magbiro
Nakakatuwang isipin na nakapagpapasiya tayo ng ____________________ ng ating kapwa. Kilala ang mga Pilipino sa
pagiging masayahin at ____________________. Hindi masamang ____________________subalit may mga pagkakataong naaabuso
at
____________________ ang kapwa. Kaya dapat pumili ng mga salitang hindi ____________________ sa damdamin ng iba.
Department of Education
Region III
Division of City Schools
District I
PARADISE FARMS COMMUNITY SCHOOL
City of San Jose del Monte, Bulacan
Ikalawang Markahan
Layunin Bilang ng Aytem Porsyento
Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
5.1 Pagtanggap ng sarling pagkakamali at 14 46.6
pagpapatawad ng bukal sa loob
5.2 Pagtanggap sap una ng kapwa ng 8 26.6
bukal sa kalooban
5.3 Pagpili ng mga salitang di-nakakasakit 8 26.6%
ng damdamin sa pagbibiro
30 100%

You might also like