Ang Paglilitis KWENTO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang paglilitis

kwentong bayan ng Cambodia


Salin ni Erwin L. Fadri

Noong unang panahon sa kaharian ng Cambodia, may isang binata ang


umibig sa isang dalaga, sya ay pumunta sa magulang nito upang sabihin na
nais niya itong pakasalan. “Gusto ko pong hingin ang kamay ng inyong
anak at kami ay magpapakasal.” Ang sabi ng kanyang magulang,
“kailangan mo munang dumaaan sa mga pagsubok. Kailangan mo munang
ilubog sa tubig na hanggang leeg na nakatali ang mga paa ng tatlong araw
at tatlong gabi. Kahit na ikaw ay nilalamig, hindi ka maaaring gumalaw
upang mapawi ito. Kapag nalampasan mo ang pagsubok na ito sa
pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari mong makuha ang kamay ng
aming anak upang magpakasal.” At ang binata ay pumayag sa kasunduan
at sya ay tinalian at inilubog sa tubig.

Makalipas ang dalawang gabi at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa,


nakita niya ang isang sunog sa ibabaw ng burol. Sya ang pagod at nilalamig
na, itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang apoy sa di kalayuan. At
sa pagkakataong iyon ang magulang ng babae ay bumaba sa may lawa at
nakita ang kanyang ginawa. At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na
mainitan ang kanyang sarili sa apoy mula sa malayong burol at di niya
natupad ang isa sa mga kondisyon. At tumanggi silang magpakasal ang
kanilang anak.

Ang binata ay nagalit ng dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa


mahistrado. Inimbita ng opisyal ang magulang ng babae at ang
hinuhusgahan. Ang magulang ng babae ay pumayag at dahil sila ay
mayaman nagawa nilang magbigay ng mga regalo sa mahistrado. Subalit,
ang binata ay mahirap at walang maibigay sa mahistrado, at ito ay nagbigay
ng hatol. “ang binata ay di tumupad sa mga kondisyon ng pagsubok sa
pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili. Sya ay natalo sa paglilitis
na ito. Hindi niya maaaring pakasalan ang dalaga. At sa karagdagan,
kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa pamamagitan ng pabibigay
ng salo-salo sa ating lahat.” Ng marinig ng binata ang nagging hatol, siya
ay nagalit at nabalisa, sya ay umalis na nagrereklamo ng sobrang sakit. Sa
kanyang paguwi, nadaan niya ang hukom na kuneho. “bakit ka nalulungkot,
kapatid?”ang tanong ng hukom ng kuneho. “kailangan kung umalis at
maghanda ng isang salu-salo,” ang sagot ng binata. “ah” ang sabi ng hukom
na kuneho, “magpatuloy ka at maghanda ng piging; pagkatapos bumalik ka
at ako’y sunduin at isama sa handaan. Maaari kang manalo sa kasong ito
kung susundin mo ang sasabihin ko. Kapag naghanda ka ng pagkain,
huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw. Ilagay mo ang asin sa ibang
putahe.”
Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulungan siya ng hukom na
kuneho. At sya ay umalis upang ihanda ang salu-salo, siniguro niyang
walang asin ang sabaw katulad ng sinabi nito. At kaniyang inihain ang salu-
salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at sa
mahistrado. Nakita ng mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong
tinanong: “Kapatid na kuneho, bakit ka naririto?” “Naririto ako upang ikaw
ay tulungan sa kasong ito” ang sagot ng hukom na kuneho. “Ahhh” ang sabi
ng Mahistrado, “Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito kasama namin?”

At ng ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado. Dalawang


malalaking subo sa sabaw ang kanyang ginawa at nagsabi, “Bakit hindi
nilagyan ng asin ang sabaw na ito?” ang hukom na kuneho ay mabilis na
sumagot sa kanya, “Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng malayong burol
mula sa binata ay ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya. Paanong ang
asin para sa sabaw, ng inilagay malayo sa sabaw ay hindi nagbigay ng lasa
dito?” Ang Mahistrado ay napahiya at natahimik. Ang kaso ng binata ay
agad na binaliktad at inihayag na nanalo at agad na ipinakasal sa dalaga.

“Ang paglilitis” sa kulturang pakahulugan.


Sa nasabing kwento, ang huwes ay nasuhulan ng mayamang pamilya at
nagbigay ng pabor na desisyon sa kanila. Ito ay nagsasalamin sa katiwalian
sa sistema ng katarungan na nararanasan ng maraming tao sa Cambodia.
At saka, ang kwento ay hindi nagasabi kung ano ang nararamdaman ng
dalaga para sa binatang nais syang pakasalan. Ang kwento ay nagsasaad
lamang ng hiling ng magulang at ng binata na nais magpakasal subalit hindi
binangit ang ukol sa dalagang ito.
Ang Babae sa Nam-Xuong
Ang Babae sa Nam- Xuong
Halaw sa Maikling Kwento ng Vietnam

May mag- asawang nasa kabataang gulang pa na maligayang naninirahan sa isang pook na
malapit sa Nam- Xuong. Kapiling nila sa kanilang maliit na tahanan ang isang taong gulang
na anak na lalaki. Ang mag-asawa ay kuntento na sa kanilang buhay kahit ano pa man ang
kalagayan ng panahon. Sa gabi'y magkapiling silang nauupo sa harap ng liwanag ng
kanilang ilawang langis. Tahimik ang babae at ibig niyang pakinggan ang tinig ng asawa.
Habang nagkukwento ang lalaki ay nananahi naman ang babae. Mahal na mahal nila ang
kanilang anak na lalaki. Saan man sila magtungo ay kasama nila ito at palagi rin nila itong
nilalaro sa kanilang maliit na tahanan.

Isang araw ay tinawag ng hukbo ang lalaki upang maglingkod na sundalo. Nagpaalam siya
sa asawa upang tumupad sa tungkulin at nagsabing lagi niyang babalitaan ang asawa ng
kanyang kalagayan.

Gayon na lamang ang kalungkutan ng babae nang magpaalam ang asawa. Nagtataka ang
batang lalaki kung bakit hindi siya maaaring sumama sa kanyang ama sa pag- alis nito.
Labis na nangungulila ang mag- ina sa pag- alis ng lalaki.

Lumipas ang mga araw at buwan ngunit walang balita mula sa lumisang lalaki. Tuwing gabi,
sa tuwing sisindihan ng babae ang ilawang langis ay nagugunita niya ang asawa at labis
siyang nalulumbay. Waring nakikita niya ang kabiyak ng puso na nakaupo sa silyang palagi
nitong inuupuan noong kapiling pa nila. Sa maikling panahon ay nakaliutan na ng batang
lalaki ang kaanyuan ng ama.

Lumipas ang tag- init.Sinundan ng taglagas, hindi pa rin bumabalik ang lalaki. Nang
kalagitnaan ng taglamig ay bumaba ang temperatura. Umulan ng yelo at lubhang
lumalakas ng hangin. Umuga ang kanilang maliit na tahanan, namatay ang langis at
bumukas ang pinto sa lakas ng hangin. "Ina, natatakot ako!" ang sigaw ng batang lalaki.
Niyakap ng ina ang anak. Sinindihan niya ang ilawang langis at isinara ang pinto. Ibinalik
nang maayos sa higaan ang batang lalaki. Naupo ang ina sa dulo ng kama ng anak at
tiningnan ang lokasyon ng liwanag ng ilaw na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Inayos niya
ang sarili na nakatalikod siya sa liwanag at sinabi sa anak na tumigin sa dingding sa tabi
nito. Tinignan niya ang anino at sinabi sa anak na, "Huwag kang matakot. Tignan mo,
narito ang iyong ama upang pangalagaan ka." Nakatulog nang mahimbing ang batang
lalaki.

Nang sumunod na gabi sa oras ng pagtulog ay nagtanong ang bata, "Darating bang muli si
Ama ngayong gabi?" Binalot ng blanket ng ina ang anak at sinabing "Narito na siya,
tumingin ka sa dingding." Ang natutuwang bata ay tumingin sa dingding, ipinikit nag mga
mata at matiwasay na natulog.

Nang sumunod na gabi ay sinabi ng bata sa ina na handa na siyang matulog. Binalot niya
ng blanket ang sarili at tinanong ang ina, "Darating ba si Ama?" "Narito na siya," ang sagot
ng ina. Ang anino ng babae ay nasa dingding na katabi ng bata. Ngumiti ang batang lalaki
at natulog na.
Ang ina ay nasiyahan na sa mga ganoong pangyayari. Tuwing gabi, mga ilang sandali
kapag tulog na ang anak, ay nananatili siya sa tabi ng anak na may anino sa dingding na
sinabi niya sa anak na ama nito. Sa mga ganoong pagkakataon ay nadarama niyang
kapiling nilang mag- ina ang kanyang asawa.

Sa wakas ay umuwi na rin ang ama ng tahanan. "Salamat sa ating mga ninuno sa Nam-
Xuong at nakauwi ka na," ang naibilas ng babae. "Kukuha ako ng ating pagkain habang
inaayos mo ang altar." Bagama't hindi nakikilala ng bata ang ama, siya'y masaya sa piling
na lalaking bagong dating. "Pakibantayan mo ang bata habang wala ako," ang patuloy ng
babae.

Samantalang inaayos ng lalaki ang altar ay tinawag niya ang anak, "Halika, anak, umupo
ka sa tabi ng iyong ama." "Hindi ikaw ang aking ama," ang sagot ng bata. "Bakit mo nasabi
iyan?" ang tanong ng lalaki. "Sapagkat hindi ikaw ang lalaking nakikita ko gabi- gabi sa tabi
ng aking higaan," ang tugon ng bata.

Hindi nalaman ng ama ang isasagot. Naghinala siya na may lalaki ang kanyang asawa na
dumadating sa kanilang tahanan gabi- gabi. Inakala niya na mahal siya ng asawa at
hinihintay ang kanyang pagbabalik. Iyon pala ay nakatagpo na ito ng ibang lalaki na
ipapalit sa kanya. Sinakmal siya ng panigbuho at nanalaytay sa kanyang mga ugat ang
matinding poot. Kumulo ang kanyang dugo sa kanyang anak at sa nagpanggap na ama
nito.

Nagmamadaling umuwi ang babae sa pananabik na makapiling ang asawa, gayon na


lamang ang kanyang pasasalamat at ligtas itong nakabalik. Nagtaka siya kung bakit hindi
pa natatapos ayusin ng lalaki ang altar at itinanong niya ang dahilan. Sa halip na sagutin ng
lalaki ang tanong ng asawa ay nagmamadali siyang lumabas at pabalagbag na sinara ang
pinto. Dumaan ang mga araw, hindi na bumalik ang lalaki.

Hindi nakayanan ng babae ang pangungulila sa asawa kaya binalot ng babae ang anak at
inihabilin sa isa nilang kapitbahay. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumisan bago
dumaloy ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang tumakbo at nagtungo sa ilog.
Lumundag siya sa malamig na tubig at nalunod.

Nang nalaman ng lalaki ang ginawa ng asawa ay umuwi siya. Kumakatok sa pinto ng
kapitbahay na pinag- iwanan ng babae sa bata at ibinigay sa ama ang bata. Gabi na noon
kaya hiniga na ng lalaki ang anak sa kama nito. Umupo siya sa bahagi ng higaan na
palaging inuupuan ng babae noong buhay pa ito.

"Bumalik na ang aking ama," ang masayang- masayang wika ng bata habang nakatitig sa
anino ng dingding. Ang paghininala ng lalaki ay napalitan ng matinding kapighatian. Hindi
na siya nag- asawang muli at iniukol na lamang niya ang nalalabing panahin sa kanyang
buhay sa pagmamahal sa anak.
ANG KUWENTO NI LIU SANJIE

Ang Lahing Zhuang ay naninirahan sa dakong timog kanluran ng Tsina, at ang


karamihan sa kanila ay nasa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi. Sa
impresyon ng maraming tao, parang ipinanganak sila na mga folk singer. Sa
kanayunan, habang nagtatrabaho sila sa bukid, umaawit sila ng folk songs. Ang
naririnig natin ngayon ay folk song ng Lahing Zhuang. Ito ay kanilang inaawit
habang nagtatrabaho sa plantasyon ng tsaa

Ayon sa mga lokal na alamat, si Liu Sanjie ay isang kilalang folk singer
noong Tang Dynasty, mahigit 1,000 taon na ang nakakalipas. Siya raw ay
hindi lamang maganda, kundi mahusay rin sa pagkanta. Ang mga folk song
ng Lahing Zhuang ay ginagawa o kinakatha ora mismo. At si Liu Sanjie ay
magaling sa ora mismong pagkatha ng mga awit. Noong siya ay 12 taong
gulang pa lamang, nakalikha na siya ng awit. At sa edad na 17 taong
gulang, si Liu Sanjie ay siya nang pinakakilalang folk singer sa kanyang
lokalidad. Pakinggan natin ang isa sa mga awiting nilikha ni Liu Sanjie, at isa
rin sa pinakakilalang folk song na kabisadong kabisado ng maraming
karaniwang Tsino.
Ayon sa alamat, na-inlove ang magandang si Liu Sanjie sa isang gwapong
lalaki na nagngangalang A-Niu Ge, at ang lalaking ito ay isang mahusay na
folk singer din.
May isang kagawian ang mga mamamayan ng Lahing Zhuang, at ito ay ang
pagtatanong at pagsagot sa pamamagitan ng awit. Ang lalaki ay
magtatanong sa porma ng isang awit at ang babae naman ay sasagot din sa
porma ng isang awit. Ito ay isang espesyal na uri ng komunikasyon, at sa
pamamagitan nito, ang mga di-pa magkakilala ay maaaring
magkamabutihan. Halimbawa, ang isang lalaki ay kakanta ng "Ako ay
simpatiko, ang pangalang ko ay A-Niu, naninirahan ko sa Barangay Li,
dalaga, ano ang pangalan mo?" Sasagot naman ang babae ng "ako ay taga-
barangay Liu, Sanjie ang aking pangalan." Kung minsan, isang ilang bugtong
ang ibinibigay ng isang panig para sa kabila. Halimbawa, "isang prinsesa,
nakaupo sa tasa o hindi tao, hindi hayop, pero mayroong ulo."
Ang mga folk song ng lahing Zhuang ay magandang pick-up line. Dahil
noong unang panahon, wala pang social media. Ang folk song ang ginagamit
nilang paraan upang makilala ang isat-isa. Para sa mga magsasaka,
napakahirap na makakita at makakilala ng ng bagong mukha, kaya naman
sa pamamagitan ng pag-awit, napagtatagumpayan nila ang pagkamahiyain,
at nagkakaroon sila ng pagkakataon na makipag-usap sa isang bagong
kakilala, kapag may pagkakataon.
Ayon sa kuwento, si Liu Sanjie at A-Niu Ge ay na-inlove sa isat-isa sa
pamamagitan ng "pagsasagutan ng kinatha nilang awit." Ngayon, pakinggan
natin ang "pagsasagutan ng awit" ng mga lalaki at babae ng Lahing Zhuang.
Bilang paggunita kay Liu Sanjie, bawat ika-3 ng Marso, idinaraos ng mga
mamamayan ng Lahing Zhuang ang folk-song competition.
"Impression, Liu Sanjie"ay isang outdoor folk musical na ginagawa sa Ilog Li
at ang mga burol sa kabilang pampang ng ilog ang nagsisilbing entablado
nito. Ang direktor nito ay Si Zhang Yimou, isang kilalang film director ng
China; at siya ay naging kilala sa buong mundo bilang direktor ng
seremonya ng pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games.

Kung bibisita ka sa Yangshuo, Guangxi, puwede mong mapanood ang pagtatanghal


ng "Impression Liu Sanjie," ang presyo ng ticket ay mula 198 yuan RMB hanggang
680 yuan RMB. Ang presyo ay batay sa iyong upuan, ordinary o VIP. May dalawang
performance bawat gabi, at ang bawat performance ay tumatagal nang isang oras
at 30 minuto. Sa karaniwan, nagsisimula ang unang performance sa 8:00PM mula
Abril hanggang Oktubre, at mula Nobyembre hanggang Marso, mas umagang,
sinisimulan ang unang performance, 7:45pm..
Ang Lura ng Demonyo
(Maikling Kwentong Hapon)
The demon's spittle; Hiroshi Naito
Salin ni Lualhati Bautista

Noong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa
Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-
sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon.
Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang
umalis siya rito. Tumawid na siya rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik),
nang pauwi na at nakakita siya ng maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga
naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga
ayudante. Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at
nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon.
Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao. Lahat
sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang
ang mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa
lamang. Gulat na gulat ang lalaki sa nakita niya.
"Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni..
"Hulihin natin!" sabi naman ng isa.
Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka
kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang
ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay kainin ang
lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-
alisan. Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na
siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang pamilya
bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon.
" Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy
siya kung ano'ng nangyayari sa kanila.
Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil sa
dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito,
pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa pangyayaring
nagaganap.
Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil
nawawala ito sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at
sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa
ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa pagdaan
ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid
ang Bagong Taon ay naging araw ng trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming
malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng
tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do.
" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-
alay siya ng mga taos-pusong panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo.
Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't
nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw
mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na
tagasunod! Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang
taong masasalubong mo sa daan pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"
Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang magising siya, maliwanag na.
Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang isang pastol. Naisip
niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa kanyang panaginip. Nilapitan siya ng pastol at
sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan, sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na
lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila
nang kaunti at nakarating sa tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang
kanyang baka sa isang kalapit na puno saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at
sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita na imposible niyang
magawa iyon dahil napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin
siya.
Dinala siya ng pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto
sa bandang likuran. Nakaratay sa higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng
mansion. Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at senyora-at lahat ng katulong
ay pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-
nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng ng
karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang
nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng kahoy na martilyo ang ulo ng
maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa, namimilipit ito
sa sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang kanilang anak. Kaagad
silang nagpatawag ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang masamang espiritu na
gumagambala sa anak nilang maysakit.
Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang
masamang espiritu. Umawit ito ng panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-
nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang panalangin ang pari. Gulat
na gulat ang di-nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang
kimono. "Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod
na sandal, lumitaw ang kanyang kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan
sila: "Saan siya nanggaling?"
Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa siya ng senyor tungkol sa
kanyang biglang paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang kakaibang abentura.
Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni Kannon-sama ng Dambana ng
Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin, na gumaling ang prinsesa."
Milagro talaga na nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling din ang prinsesa..
Masayang umuwi ang lalaki. Di na kailangang sabihin pa na tuwang-tuwa ang pamilya niya nang
Makita siyang muli.
Ang identitad na pastol ay nanatiling misteryoso hanggang ngayon pero pinaniniwalaan ng
maraming tao na siya'y isa pang kaluluwa.
BAGONG KAIBIGAN
NORTH KOREA

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon
na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat.
Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah
alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko
ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang
ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako, sa aking silid ay natanaw ko na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bitwin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bitwin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko
ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at
nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at
kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang
sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya
gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan.
Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin
sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.”
ANG KABIT NG LAWA (ISANG MAIKLING KWENTO)
Naka upo sa isang bato si Zhock habang tinatanaw ang lawa at ang paglubog ng araw.
Bakas sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Parang kalian lang, napupugaran ng
mga puting sundalo ang bayan na ito. Si TOOLBOX, isang amerikanong sundalo na
nabighani sa kagandahan ni Zhock. Hindi na sikreto sa kanilang bayan na isang ladyboy si
Zhock. Ngunit gayun paman, napaka buting tao nito at nagmamalasakit sa
nangangailangan. Nang mabatid ni Zhock ang pakay ni TOOLBOX sa kanya diniretso nya ito
tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Ikinagulat naman ni Zhock ang reaksyon ni
TOOLBOX sa kanyang pagtatapat.

TOOLBOX: And? Are you not allowed to fall in love and be loved in return? I don’t care if
you are a ladyboy, I love you Zhock and that is all that matters!

Natulala si Zhock sa kanyang narinig. Ngayon lang sya nakaramdam ng matinding respeto
at pagmamahal mula sa isang lalaki. Nakailang relasyon narin si Zhock ngunit hindi rin ito
nagtatagal. Bagamat alam na ni TOOLBOX ang kanyang lihim, kinakabahan parin si Zhock,
alam nyang meron pa syang isang tinatagong sikreto. Isang sikretong makakasira sa
relasyon nilang dalawa. Minaari nyang huwag muna itong sabihin.
Magaling mag ingles si Zhock na sya namang ikinatuwa ni Toolbox. They talked about
everything above the sun. Hindi mo maalis ang magandang tinginan nilang dalawa sa isa’t
isa.

One time, hindi nakadalaw si TOOLBOX kina Zhock dahil nilalagnat daw ito. Dalidaling
pinuntahan ni Zhock ang irog upang punasan at ipagluto ng mainit na sabaw. Tinanggal ni
Zhock ang damit pangtaas ni TOOLBOX upang punasan ito. Tumambabad sa kanyang
mukha ang magandang katawan ng amerikano. Hindi nanaig ang pagnanasa ni Zhock sa
lalaki, pinagpatuloy nyang punasan ang mainit na katawan nito. Mamaya maya pa’y
nagising si TOOLBOX at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil.
TOOLBOX: What will I do without you?

Napangiti lang si Zhock at tinitigan ang lalaki. Hindi nya kayang lokohin ang sarili. Alam
nyang hindi sya pwedeng makipagtalik sa lalaking ito. Kailangan na nyang tapusin ang
relasyon hanggat maaga pa. Pinatulog na nya si TOOLBOX at umuwi.

Hinanap ni TOOLBOX si Zhock kinaumagahan upang magpasalamat sa kanyang pag galing,


ngunit wala ito sa kanilang bahay.
Buong hapon nyang hinintay si Zhock ngunit nabigo sya. Minabuti nyang tanungin ang
kapitbahay kung saan naroroon si Zhock.

VHETTE: Zhock? Not in the house? Ahh…ehhh… check the lawa, maybe she is swim there. I
mean lake. Yes. Check the lake, she goes there lagi. I mean very many.

Tumungo si TOOLBOX sa lawa at naaninagan nya si Zhock na naliligo. Mala ginto ang
kanyang mga balat dahil sa repleksyon ng araw sa tubig. Maganda ang kurbada ng kanyang
katawan. Napahinto si TOOLBOX upang pagmasdan ang kanyang minamahal. Kalmado ang
itsura ni Zhock habang naliligo, elegante sya kung kumilos, at sa malayo parang akala moy
nakikipagtalik ito sa lawa. Sa lawa na ito nakakapag isip ng maigi si Zhock at sa lawa ding
ito nya pinapatago ang kanyang sikreto.
Napalingot si Zhock ng makarinig ng kaluskos sa likod at nakita nya ang iniiwasang si
TOOLBOX, dali dali itong nagbihis tumakbo palayo sa kanya. Nagulat naman si TOOLBOX sa
reaksyon ni Zhock, na ngayo'y tinutulak ang bangka sa lawa.

TOOLBOX: Wait! Zhock! What have I done wrong? Hold on!

Nakita ni TOOLBOX ang isa pang bangka at ginamit nya ito upang habulin si Zhock.

ZHOCK: Stay away TOOLBOX! PLease, leave me alone!


TOOLBOX: Why? what's wrong? please tell me! I love you Zhock!
ZHOCK: I can't explain it to you, if you really love me just let me go! I don't love you!
TOOLBOX: I don't believe you! I know you love me! Let's talk about it please!
ZHOCK: I don't have alot of time TOOLBOX, it's best if you leave!
TOOLBOX: What do you mean!

Sa mga panahong ito ay bumuhos ang napakalakas na ulan na sya namang ikinabahala ng
mga alon.

ZHOCK: I....I...I have AIDS Toolbox! I can't lie to you anymore! I'm so sorry, please just go
away!!!

Bago pa makasagot si TOOLBOX ay tumaob ang bangka nito sa sobrang lakas ng alon.
Nakita agad yon ni Zhock at dali dali syang tumalon upang sagipin ito. Magaling lumangoy
si Zhock at dalidali nyang nasagip ang lalaki. Nakahandusay sa buhangin si TOOLBOX at
nawalan ng malay. Bibigyan na dapat ni Zhock ng pangunang lunas si TOOLBOX ngunit na
inisip nya muna kung mahahawa niya ito sa kanyang paghalik sa lalaki. Kinuha nya ang
damit ng lalaki at nilapat nya ito sa kanyang labi at inumpisahan syang iligtas.

Nagising si TOOLBOX sa loob ng Hospital, at si Zhock agad ang kanyang unang hinanap
ngunit wala na si Zhock doon. Ayon sa Nurse, hinatid daw sya ng isang magandang babae
at umalis din daw ito kaagad. Kung saan saan hinanap ni TOOLBOX si Zhock ngunit hindi na
nya ito nakita. Sumuko nalang si TOOLBOX sa paghahanap at umuwi ng Amerika.

(Pagkalipas ng isang taon....)


Nakahiga si Zhock sa kwarto, nararamdaman na nya na malapit na syang mamatay.
Eksaktong 6:59 ng gabi, natandaan ni ZHOCK si TOOLBOX, ilang beses nyang pinaulit ulit
sa isip ang magagandang karanasan nilang dalawa, pinaglaruan nya rin sa kanyang isip na
Ikinasal silang dalawa at nag ampon ng dalawang anak. Naging maganda ang buhay nila at
namuhay sila ng masaya....7.00 ng gabi, nalagutan si Zhock ng hininga.

WAKAS
Ang Palaka sa Tuyong Balon

Isang araw, may grupo ng mga palaka ang nagsisilundag papunta


sa kabilang bayan. At dahil sa dilim ay may dalawang palaka ang
nalaglag sa malalim na balon. Nalungkot ang kanilang mga
kasama at sinabihan na doon na sila mamatay. Ang dalawang
palaka ay nagpupumilit na tumalon ng buong kaya nila. Ngunit sa
kabila ng pagtalon at pagpupumilit ay sinigawan sila ng kanilang
mga kasama na nasa itaas na “Wag na kayo magpagod! Antayin
niyo na lang ang inyong kamatayan!”. Napagod ang isang palaka
at nagpatihulog sa sahig at agad na namatay. Ngunit ang isang
palaka ay patuloy pa rin sa pagtalon. Tumalon ito ng ubod ng
lakas at sa huling pagkakataon ay binuhos niya na ang lahat ng
kanyang lakas at nakaahon ito mula sa balon. Nagsilapitan sa
kanya ang mga palaka at nagtanong sila “Hindi mo ba kami
naririnig kanina?! Sabi namin ay doon ka na mamamatay! Pero
hindi ka sumuko?”. Tahimik ang palaka at hindi sumagot. Naalala
nila na siya nga pala ang nag-iisang binging palaka sa kanilang
lugar at inakala niya na sinasabihan siyang huwag sumuko sa
pagtalon kaya hindi siya sumuko at hindi napanawan ng pag-asa.

Aral:

Darating sa buhay mo na pakiramdam mo ay galit sayo ang lahat


ng taong nakapaligid dahil sa isang nagawang pagkakamali. Pag
dumating yun, tawanan mo lang sila at pasalamatan. Gantihan ng
mabuti pag ginawan ka ng masama. Huwag mo silang pakinggan
dahil manghihina ka. Tandaan mo na baka may personal agenda
sila kaya gusto ka nila ibagsak. Makinig ka sa mga kakampi mo
na makakapagpalakas ng loob mo.

You might also like