Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN:
Nasusuri ang mga katangian ng yamang – tao ng Asya Nasusuri ang kaugnayan ng
yamang tao ng mga bansa sa Asya sa pag – unlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon batay sa (a) dami ng tao. (b) komposisyon ayon sa gulang.
(c) inaasahang haba ng buhay. (d) kasarian. (e) bilis ng paglaki ng populasyon. (f)
uri ng hanapbuhay. (g) bilang ng may hanapbuhay. (h) kita ng bawat tao. (i)
bahagdan ng marunong bumasa at sumulat at (j) migrasyon.

4.9 Nakagagawa ng multimedia advocacy campaign materials.


4.10 Naipalalaganap ang mga programa o proyekto na sumusuporta sa
ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano.

II. NILALAMAN:
A. Paksa : Yunit I Katangiang Pisikal ng Asya
Aralin 4 – Yamang Tao ng Asya
B. Sanggunian : Blando. R. C.. et. al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba LM pp. 85
C. Kagamitan : ¼ illustration board, long bond paper, Oslo paper,
magazine, colored paper, gunting, glue at iba pang nais
dalahing materyales, laptop at broadband kung nanaiisin.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak: – Logo Quiz
a. Magpakita at magpaskil sa pisara ng limang (5) logo ng ilang cause –
oriented groups o non – government organizations sa mga mag – aaral.
b. Ipasagot sa kanila kung alam nila ang mga logo, kung hindi ay magbigay
ng clue upang unti – unting masagot ang mga logo.
c. Kapag nasagot na lahat ng logo ay ibigay sa mga mag – aaral ang mga
isinusulong nilang programa at ang mga paraan sa pagpapalaganap nito.
d. Itanong: Sa anong organisasyon nais mong sumapi? Bakit?

Mga Logo:

WWF – World Wildlife Fund, isang samahang pangkalikasan na nagsusulong sa


pangangalaga at mga karapatan ng mga hayop.

Pinagkunan: https://www.wwf.org.uk/
Red Cross – pangalagaan ang buhay at kalusugan ng tao, respeto sa lahat ng tao at
bawasan at sugpuin ang paghihirap ng tao

Pinagkunan: http://www.aitonline.tv/post-
red_cross_launches_n480m_emergency_fund_for_victims_of_insurgency

Bantay Bata 163 – panganagalaga at proteksyon sa karapatan ng mga bata

Pinagkunan: http://logos.wikia.com/wiki/Bantay_Bata_163
Habitat for Humanity – pagpapatayo ng mga bahay sa mga kapus – palad.

Pinagkunan: https://www.tchabitat.org/

GMA Kapuso Foundation – pamahalaan ang mga programang panlipunan na


maaabot ng publiko, tulungan at suportahan ang mga nangangailangan, biktima ng
mga kalamidad, mga bilanggo at dating bilanggo.

Pinagkunan: https://greatnonprofits.org/org/gma-kapuso-foundation-inc

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach / Activity Based


1. Multimedia Advocacy
Panuto:
a. Sa bahaging ito kayo ay papangkatin sa lima ng inyong guro.
b. Pumili ng lider at tagatala.
c. Ang pangunahing gawain ng bawat pangkat ay makagawa ng
multimedia advocacy campaign material (maaari itong brochure, video
clips, documentary o anumang paraan nais at kaya) gamit ang
sitwasyon sa ibaba.Handa ka na ba?

Ang Asya ay dumaranas ng iba’t ibang suliraning


pangkapaligiran at kalagayang panlipunan. Ikaw bilang isang
“Ambassador of Goodwill” ay inatasang maghikayat at
makapaimpluwesiya ng mga kabataang Asyano upang ipalaganap ang
mga programa o proyekto na sumusuporta sa ikabubuti ng kapaligiran
at kapakanan ng mga Asyano. Isagawa ito sa pamamagitan ng
paggawa ng multimedia campaign. Ito ay tatayain ayon sa: nilalaman,
pagkamalikhain, impact, organisasyon, at kapakinabangan.
d. Hikayatin ang mga pangkat na magpulong sa kanilang gagawing
multimedia advocacy campaign materials at ibigay ang buong araw
para magawa ito.

IV. PAGTATAYA :
Panuto: Tayain ang multimedia advocacy campaignment material ayon sa rubrics.

V. KASUNDUAN:
1. Kung hindi pa rin tapos ay tapusin ito sa loob ng isang araw at ibigay sa guro
upang markahan.
2. Pagbalik – aralan ang mga paksa sa Yunit I para sa Unang Lagumang
Pagsusulit.
Aralin 1 – Heograpiya ng Asya
Aralin 2 – Ang Kapaligiran ng Asya
Aralin 3 – Ang mga Pangkat Etnolinggwistiko sa Asya
Aralin 4 – Ang Yamang Tao ng Asya

You might also like