Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ABADA COLLEGE

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TEACHING GUIDE

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


ASIGNATURA

ARALIN 1
Paksa
TEKSTONG IMPORMATIBO
Pamantayang
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
5. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
Kasanayang Pampagkatuto
6. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
7. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
8. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
9. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa Sa reaksyong papel na isinulat
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang kahulugan ng Tekstong Impormatibo,
Detalyadong Kasanayang 2. Naiisa-isa ang mga elemento ng tekstong Impormatibo,
Pampagkatuto 3. Naiisa-isa ang mga uri ng tekstong impormatibo,
4. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong Impormatibo,
5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
Pamamahagi ng oras 240 minuto(4 na sesyon)

Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”


ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Balangkas:

1. Panimula/Pagbabalik-aral
2. Pagganyak
3. Pagsasanay
4. Pagpapayaman
5. Pagtataya

Mga Kagamitan Laptop, monitor


Sanggunian Pinagyamang Pluma
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

PAMAMARAAN PANTULONG NA GAWAIN PARA SA MGA MAG-AARAL


PANIMULA
1. Panimulang Gawain
- Pananalangin
- Pagbati sa Klase
- Pagtsek ng liban
- Pagpapaayos ng upuan

2. Ilahad sa mga mag-aaral ang mga kasanayang pampagkatuto, layunin at pamantayang


pagganap sa aralin na ito.

Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”


ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PAGGANYAK
1. Pagpapanood ng isang balita.
MGA TANONG:
 Ano ang inyong napansin sa balita?
 Ano-ano ang mga impormasyon na inyong naitala mula sa balita?
 Makabuluhan ba ang balitang inyong napanood? Bakit? Paano?
2. Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsulat ng mga tekstong impormatibo? Sa anong
pagkakataon sa ating buhay mahalaga ang mga kaalamang naihahatid ng ganitong uri
ng teksto?
INSTRUKSYON

Sa pag-aaral na ginawa ni Duke (2000), ang dahilan kung bakit hindi gaanong
nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay dahil limitado ang
ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kapaligiran.

Ayon naman sa pag-aaral ni Mohr(2006), na kung mabibigyan ng pagkakataong


makapamili ng aklat ang mga mag-aaral sa unang baitang, mas pipiliin nila ang aklat na di-
piksiyon kaysa piksiyon.

Sa pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral sa unang baitang mula sa sampung paaralang
pinili nila ay dinala sa isang eksibit ng mga aklat. Pinaikot sila sa mga naka-display na aklat at
pinapili ng isang aklat na magiging kanila na humigit-kumulang 85% sa mga mag-aaral ang
pumili ng aklat na di piksiyon. Nang isinagawa ang kaparehong pag-aaral sa mga mag-
aaral sa kinder ay mas pinili rin ng mga bata ang mga aklat na may impormatibong teksto
kaysa piksiyon.

Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”


ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa
mga hayop, isports, agham, o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon, at iba pa.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 LAYUNIN NG MAY-AKDA
Maaaring magkakaiba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong
impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto nang maraming bagay
ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng
insekto, hayop, at iba pang nabubuhay; at iba pa. gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
 PANGUNAHING IDEYA
Di tulad ng tekstong nartibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari
upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong
ipormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi- tinatawag
din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
 PANTULONG NA KAISIPAN
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
 MGA ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA
BINIBIGYANG-DIIN
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”
ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:


 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time
line, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mababasa sa mga
tekstong impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,nakahilis,
nakasalungguhit, o nalagyan ng panip upag higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibiyang-diin sa babasahin.
 Pagsulat ng mga talasanggunian
Karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang ginagamit upang higit na mabigyang-diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon
o pagkakataon. Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng
manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari
ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at
pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical account.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,
hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming,
cybrbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
3. Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay-paliwanag kung paano o bakit naganap
Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”
ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

ang isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowcahrt na may kasamang
mga paliwanag.
Hal. Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, atbp.

PAGSASANAY
PAGPAPABASA NG ISANG HALIMBAWANG TEKSTONG IMPORMATIBO
“CYBERBULLYING”

MGA TANONG:
1. Ano ang cyberbullying? Paano ito isinasagawa?
2. Paano ito naiba sa pambu-bully nang harapan?
3. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?
4. Anong datos ang magpapatunay na bagama’t walang opisyal na estadistika ang
Pilipinas kaugnay ng mga nabibiktima ng cyberbullying, ito ay isang isyu o realidad sa
ating bansa?
5. Ano-anong katangian ng tekstong binasa ang magpapatunay na ito nga ay isang
tekstong impormatibo?
PAGPAPAYAMAN
Pagsulat ng dyornal:

Isulat sa isang buong papel ang sagot sa tanong na ito:

Bakit hindi dapat manahimik lang ang biktima ng cyberbullying? Paano higit na lalala ang
problemang ito kapag nanahimik lang ang mga biktima nito?

Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”


ABADA COLLEGE
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
“BUILDING A BETTER YOU”
BRGY. MARFRANCISCO PINAMALAYAN 5208, ORIENTAL MINDORO PHILIPPINES
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

EBALWASYON

1. Maikling pagsusulit.
2. Pagsulat ng isang halimbawang tekstong impormatibo.

Inihanda ni: Sinuri ni: Tinanggap ni:

________________________________ _____________________________ _________________________________


G. ARNOLD A. ANTONIO G. RUPERTO E. OROPESA III GNG. EMELYN M. NARRA
Guro SHS Coordinator Punungguro

Abada College-Senior High School |“Your partner in quality education”

You might also like