Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 62

Kagawaran ng Edukasyon R02 1

Aralin Bilang: 1 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naiisa- isa ang mga dahilan ng maagang pag-aasawa na hindi pa angkop ang
ekonomikal at emosyonal na kakayahan batay sa pagsusuri (interviews ) sa karanasan
ng mga magulang, kapitbahay at kakilala na naitakda sa “ Kampana ng Kamalayan
Planner”

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Basahin mo ang piling seleksyon at ibigay ang kasagutan sa mga
sumusunod na tanong:

Bata pa si Jun-jun at sa edad na labimpito ay bugbog na ang murang


katawan sa pagtratrabaho. Kailangan niyang magkalkal ng basura sa buong
maghapon upang makapagbenta ng alinmang mapagkakakitaan o
mapakikinabangan . Kung suswertehin ay makaiipon siya ng pitumpung piso
( P 70.00 ) sa buong araw. Pag-uwi niya sa kanyang mag-iina ay agad niyang
ibibili ng isang kartong gatas, kalahating kilong bigas at kahit anong
pwedeng maiulam. Mahirap ang ganitong gawain ngunit kailangang tiisin
dahil wala namang pagpipilian ang kagaya niyang walang pinag-aralan. Ito
ang nilalaman ng pahayag sa panayam kay Jun-Jun.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa seleksyon.

1. Sino si Jun sa seleksyon?


___________________________________________________
2. Ano ang masasabi mo sa buhay ni Jun at ng kanyang pamilya?
___________________________________________________

3. Bakit malungkot siya sa paglalahad ng kanyang buhay?


___________________________________________________
4. Nais mo bang mangyari rin ito sa iyong buhay? Bakit?
___________________________________________________
5. May kakilala ka bang ganito rin ang kalagayan sa inyong pamayanan ?
Ilahad ang pagkakatulad.
___________________________________________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 2


Gawain 2
Gawan ng ladder web ang mga dahilan ng maagang pag-aasawa. Anu-
ano ang mga dahilan ng maagang pag-aasawa na hindi pa handa ang
ekonomikal at emosyonal na kakayahan? Isulat ito sa ladder web na makikita
sa susunod na pahina.

Dahilan ng maagang pag-aasawa Dahilan ng maagang pag-aasawa


at hindi pa handa sa ekonomikal at hindi pa handa ang emosyonal
na kakayahan na kakayahan
Na Kakayahan

Gawain 3
Suriin mo ngayon ang mga nag-aasawa nang maaga na hindi pa handa
sa ekonomikal at emosyonal na aspeto.
Gamitin mo ang Cause- Effect –Evidence Chart na ito para sa iyong
gawain.

Sanhi Bunga

Maagang
Pag-
aasawa

Kagawaran ng Edukasyon R02 3


Gawain 4
Punan mo ang “Kamalayan Planner” sa tapat ng bawat edad sa mga
nais mong makamit/mangyari sa iyong buhay. Tingnan ang tsart sa susunod
na pahina.

Emosyonal na
Ekonomikal na Kahandaan Edad
Kahandaan
24
23
22
21
20
19
18
17
16
15
14
13
12

Kagawaran ng Edukasyon R02 4


Aralin Bilang: 2 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Natatalakay ang mga kabutihang dulot ng ipinagpalibang pag-aasawa
hanggang sa pagkamit ng ekonomikal at emosyonal na kakayahan batay sa
pagsususuri (interviews) sa karanasan ng mga magulang,kapitbahay at kakilala na
naitakda sa “Kampana ng Kamalayan Planner”

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Basahin ang mga panayam at sagutin ang mga sumusunod na tanong
tungkol dito.

Panayam sa Panayam sa Panayam sa


Magulang kapitbahay kakilala

“Buti nakatapos “Binigyan kami ng “ Nag-ipon muna at


muna kami ng pag- aming biyenan ng tumulong muna sa
aaral ng iyong ina at puhunan sa aming mga kapatid na
pinalad naman akong pagsisimula ng maliit makapatapos ng pag-
makapasok ng trabaho na negosyo bilang aaral bago
kundi hirap na hirap pa regalo sa pagtupad magpakasal.
rin kami hanggang namin sa pangakong Nagtulung-tulong ang
ngayon na itaguyod ang magkapagtapos ng aming kamag-anak sa
inyong pag-aaral at pag-aaral bago mag- mga gastusin sa aming
tugunan ang inyong asawa.” pagpapakasal.”
pangangailangan.”

Sagutin ang mga katanungan

1. Isulat muli ang pahayag ng magulang tungkol sa kanilang pag-aasawa.


____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Isulat muli ang pahayag ng kapitbahay tungkol sa kanilang pag-aasawa.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Isulat muli ang pahayag ng kakilala tungkol sa kanilang pag-aasawa.


_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Ipahayag naman ang iyong kaisipan para sa mga nais nang mag-asawa.
________________________________________________________
________________________________________________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 5


Gawain 2
Itala mo ngayon ang mga kadahilanan ng pagpapaliban ng pag-aasawa.

(Concept Cluster)

Dahilan ng
Pagpapaliban ng
Pag-aasawa

Gawain 3
Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang dapat na may hanapbuhay bago mag-asawa?


___________________________________________________________

2. Ano ang kabutihang dulot ng nakatapos ng pag-aaral?


___________________________________________________________

3. Paano ipinakita ng mga magulang sa inyong natunghayan na kalagayan


ang kahalagahan ng nakapagtapos ng pag-aaral?
____________________________________________________________
4. Batay sa ikatlong panayam, anon kahandaan ang ginawa ng mag-asawa
para sa kanilang pamilya?
___________________________________________________________
5. Ano sa palagay mo ang nagpapakita ng may kakayahan sa ekonomikal at
emosyonal?
____________________________________________________________

Gawain 4
4.1 Isulat ang salitang KASAL kung ang pahayag ay nagsasaad ng
mabuting samahan ng mag-asawa at SAKAL kung ang pahayag ay
nagsasaad ng di-mabuting samahan ng mag-asawa.

__________1. May matatag na trabaho si Tatay?


__________2. Nagtanan si Kuya at Ate Din-din ng wala sa oras.
__________ 3. Masayang inabot ni Ate Vilma ang diploma kasama sina Inay
at Itay.
__________ 4. Nakapagpundar ng maliit na negosyo si Kuya Dhan bago nag-
asawa.
__________ 5. Nasa wastong taong gulang sina Joseph at Vilma bago nag-
asawa.

Kagawaran ng Edukasyon R02 6


4.2 Buuin mo ang pangungusap na nasa ibaba.

Kung ako’y mag-aasawa, gusto kong ako ay nasa


________________ gulang dahil ________________________.

Kung ako’y mag-aasawa, gusto kong


_____________________ang aking pag-iisip upang
___________________________________.

Gawain 5

Ibigay mo ang iyong kuru-kuro kung bakit kailangang


ipagpaliban ang pag-aasawa hanggang sa dumating ang panaho na
ikaw ay handa na sa ekonomikal at emosyonal na kakayahan.

Nais kong ipagpaliban ang pag-aasawa hanggang ako’y


may sapat na kakayahan sa ekonomikal at emosyonal upang
___________________________________________________
___________________________________________________
_________________________________________________.

Kagawaran ng Edukasyon R02 7


Aralin Bilang: 3 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga pisikal na katangian at pangangailan ng
mga sanggol.

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Ilarawan mo ang katangian ng saggol sa bawat buwan.

0-1 buwan____________________________________________
3-4 buwan____________________________________________
5-6 buwan____________________________________________
9-10 buwan___________________________________________
1 taon ____________________________________________

Gawain 2
Punan mo ang talaan sa ibaba.

Mga katangian ng Mga katangian ng sanggol na


sanggol na malusog di-malusog
1. Kutis
2. Ngipin
3. Taas
4. Timbang
5. Kalamnan

Kagawaran ng Edukasyon R02 8


Aralin Bilang: 4 Bilang ng Araw: 2

Tiyak na Layunin
Naipapakita at naisasagawa ang wastong pamamaraan/panuntunan
pangkalusugan, pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sanggol

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Itapat mo ang mga nasa Hanay A sa dapat na gawaing nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Natutulog a. masustansyang pagkain
2. Naliligo b. breastfeeding hanggang 2 taon
3. Nagbibihis c. malinis na punda ng unan
4. Naglalaro/Naglilibang d. matibay at kumportableng kasuotan
5. Nagpapakain/Nagpapasuso e. kalinisan sa katawan
6. Nagpapadighay f. malinis at maligamgam na tubig
7. Nagpapainom ng gamot g. maayos at may label na lagayan ng
gamot
h. Maiwasan ang kabag sa tiyan

Gawain 2
Uriin mo gamit ng Traffic Light Symbols sa mga pamamaraan ng pag-
aalaga ng sanggol (larawan ng Traffic Lights)

Stop – (Pula) Hindi naayon sa wastong pamamaraan ng


pag-aalaga ng sanggol

Caution – (Dilaw) Nangagailangan ng ibayong pag-iingat


at sapat na kaalaman

Go- (Berde) Naayon sa wastong pamamaraan

Kulayan mo ang bilog sa nararapat na kasagutan.

1. Una hanggang ika-anim na buwan pinakamainam ang gatas ng ina.


2. Unti-unti ang pagsusubo ng pagkain hanggang sa masanay na sa lasa
ang sanggol.
3. Tapikin nang dahan-dahan ang likod ng sanggol hanggang sa siya’y
dumighay.
4. Iwanan ang sanggol upang tapusin ang mga gawain.
5. Palitan agad ang diaper kung kinakailangan.
6. Pasusuhin ang sanggol sa bote ano mang oras.

Kagawaran ng Edukasyon R02 9


7. Kailangang iehersisyo ang sanggol para mabilis lumaki.
8. Kargahin ang sanggol tuwing umiiyak.
9. Hayaang matulog ang sanggol na mag-isa.
10. Malinis na kulambo at kumot ang dapat gamitin ng sanggol.

Gawain 3
Punan mo ng wastong paraan kung paano inaalagaan ang sanggol
batay sa mga sumusunod na sitwasyon:
Dahilan Wastong Paraan ng Pag-aalaga
1. Nagugutom o nauuhaw
2. Basa ang lampin
3. Nais magpakarga
4 . Nakagat ng langgam
5 . May karamdaman
6. Natatakot
7. May nais abutin
8. Inaantok
9 . Iyak nang iyak

Gawain 4
Sagutin ang tseklis sa ibaba:
Paminsan Hindi
Palagiang
Mga Pamantayan Minsang Ginaga
Ginagawa
Ginagawa wa
1.Malinis ang aking mga kamay bago ko
hawakan ang sangol
2.Iniiwasan ko ang paghalik sa bibig ng
sanggol
3.Bumabahing o umuubo ako sa harap ng
sanggol
4. Pinapainom ko ang sanggol ng sariwang
gatas
5. Binibihisan ko ng angkop na kasuotan ang
sanggol
6.Iniiwasan kong dalhin ang sanggol sa
masisikip na lugar
7. Sa pagkarga ng sanggol, inaalalayan ko ang
ulo nito
8. Iniiwasan ang laging pagkarga ng sanggol
tuwing umiiyak
9. Pinapainom ko ng kape/tsaa ang sanggol
10.Tinitiyak kong lahat ng kailangan ay
abot-kamay sa pagpapaligo ng sanggol

Kagawaran ng Edukasyon R02 10


Aralin Bilang: 5 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa
sa mga gawaing pantahanan.

2. Natatalakay ang mga paraan sa paggawa sa tahanan at pangangasiwa ng mga


pinagkukunan ng kailangan.

Sa araling ito matututunan mo ang mga salik at hakbang sa pangangasiwa sa


mga gawaing pantahanan. Ang mahusay at mabisang pangangasiwa ay mahalaga sa
lahat ng gawain.

May mga pamamaraan at hakbang na dapat sundin upang maging


matagumpay at kasiya-siya ang gawain sa pamamahala ng tahanan. Ang mga ito
ay ang mga sumusunod:

1. Pagbabalak – Ang pagtatakda ng plano upang makamit ang layuning nais


maisakatuparan. Nangangailangan ng katalinuhan at kasanayan ang
gawaing ito upang maging matagumpay ang pagbabalak.

2. Pagbubuo at pagtatakda ng mga tungkulin- Kailangang isaayos ang mga


hakbang o gawain ayon sa kanilang pagkasunud-sunod at itakda sa bawat
kasapi ang kanilang tungkulin upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.
Mahalagang paghati-hatian ang mga gawain ayon sa kasarian, gulang at
kakayahan ng bawat kasapi upang matiyak na maisasagawa ang mga ito.

3. Pagsasagawa at pamamatnubay- Kailangan ng maingat na pagsusubaybay


ng isang tagapamahala upang matiyak na ang gawaing itinakda ng bawat
kasapi ay naisasagawa nang maayos upang makamit ang mga layunin.

Kagawaran ng Edukasyon R02 11


Mahalaga sa mag –anak ang salapi upang mabuhay nang maginhawa.
Ang salapi ay kailangan upang mabili ang mga material na pangangailangan sa
araw-araw.
Nanggagaling sa sahod o kita ng ama, ina, o iba pang kasapi ng mag-anak
ang salaping panggugol sa pang araw-araw na pangangailangan ng mag-anak.
Karaniwang nakasalalay sa ina ang wastong pamamahala ng kita ng mag-anak.
Dapat balakin nang mahusay ang paraan ng paggasta ng kita upang matugunan
ang mahahalagang pangangailangan at magkaroon pa ng panagot sa ibang
gastusin.

Ang pinakamahalagang gastusin ng mag-anak na isinasama sa


pagbabadyet ay ang sumusunod :
1. Pagkain
2. Bahay
3. Pananamit
4. Pamamahala
5. Edukasyon
6. Iba pang Gastos
7. Ipon

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Isulat sa tsart ang mga hakbang sa tamang pagsasagawa ng mga
sumusunod na gawaing pantahanan.

Paghuhugas ng mga pinagkainang plato Paglilinis ng buong bahay

Kagawaran ng Edukasyon R02 12


Gawain 2
Punan ang tsart sa mga karaniwang ginagawa mo sa inyong tahanan
sa loob ng isang linggo.

Mga Araw Mga Gawain


Linggo
Lunes
Martes
Miyerkues
Huwebes
Biyernes
Sabado

Gawain 3
Basahin ang kalagayan at gawan ng pie graph ang pangangailangan ng
isang mag-aaral sa isang buwan.
Gumawa nang mahusay na pagbabadyet. Punan ng sapat na halaga
na napapanahon

Kung ikaw ay nasa isang lugar na hindi kasama ang iyong mga
magulang at binibigyan ka ng buwanang gastusin sa halagang P3,500.00.
Paano mo ito mapapangasiwaan nang mahusay ayon sumusunod na
gastusin .

Ang nakatala:

Pagkain _________

Upa ng kuwarto P 700.00

Transportasyon ________

Pambili Proyekto sa Paaralan ________

Iba pang Gastos _______

Kagawaran ng Edukasyon R02 13


Aralin Bilang: 6 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Natatalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing
angkop sa iba’t ibang okasyon.
2. Natutukoy ang mga halaman maaring sangkap sa pagluluto tulad ng kinchay,
sibuyas, oregano, basil, rosemary, paminta at bawang.
3. Nakapagbabalak ng masustansiya, mura at sapat na pagkaing angkop sa
okasyon.

Iba’t-ibang okasyon ang ipinagdiriwang ng mga Pilipino. Ang mga halimbawa


nito ay ang kaarawan, pasko, piyesta, anibersaryo, kasalan, binyagan at iba pa.
Naranasan mo na ba ang maging bahagi sa paghahanda at pagbabalak sa mga ito?
May mga dapat kang matutunan upang maging mahusay sa pagbabalak ng mga
pagkaing ihahain sa iba’t ibang okasyon.
Ang Mga Salik Na Dapat Isaalang –Alang Sa Pagbabalak
Ng Pagkain Angkop Sa Okasyon

1. Uri ng Okasyon – Alamin kung anong okasyon ang ipagdiriwang upang


maihanda ang lahat at angkop na kailangan tulad ng menu at mga kagamitan.

2. Badyet sa pagkain – Ibatay ag pagbabalak ng pagkain ayon sa badyet na


inihanda. May mga pagkaing naihahanda nang masarap at mayos sa murang
halaga. Ang mahalaga ay ang sustansiyang maidudulot ng pagkaing inihanda.
Hindi kailangang gumastos ng labis sa kinikita.

3. Inaasahang bilang ng panauhin- Alamin kung ilang ng panauhin ang dadalo


upang maiwasan ang labis na paghahanda.Tantyahin din mabuti ang ihahanda para
naman hindi magkulang.

4. Menu – Ang menu ay talaan ng putaheng inihahanda sa okasyon. Sa


paghahanda nito ay isinasaalang-alang ang resipe. Mahalaga ring isaalang-
alang ant kaugalian at paniniwala ng mga inaasahang panauhin..
Halimbawa. Kung may bisita na kasapi sa Iglesia ni Cristo, tandaan na
hindi sila kumakain ng dinuguan. Kung may bistang Muslim, hindi dapat
magpakain ng karneng baboy.

5. Panahon at kakayahan sa pagbabalak - Piliin ang mga putahe na madaling


ihanda at madaling lutuin sa pagbabalak.

6. Lugar ng Paghahandaan - Pumili ng maluwag na pagdarausan ng


paghahanda kung Kinakailangan

7. Pagdudulot ng Pagkain – Ang pagdudulot ng pagkain ay ibinabatay sa uri ng


okasyon, dami ng panauhin , laki o lawak ng pagdarausan at dami ng putaheng
ihahain

Kagawaran ng Edukasyon R02 14


Gawain 1
Itala ang mga mahahalagang salik sa pagbabalak ng okasyon.

Mga salik sa
pagbabalak ng
okasyon

Gawain 2
Gumawa ng menu na ihahanda mo sa iyong kaarawan. Isulat ito sa
loob ng plato.

Gawain 3

3.1 Sagutin ang mga sumusunod :

1. Bakit natin ginagamitan ng iba’t ibang sangkap ang mga


lutuing pagkain?
a. Upang ito’y maging kaakit – akit
b. Upang ito’y maging malasa
c. Upang ito’y hindi masira agad
d. Upang ito’y magkaroon ng kanais - nais na amoy
2. Alin sa sumusunod ang hindi mahalaga sa pagbabalak ng
pagkain sa isang okasyon
a. panauhin b. badget c. menu d. kagamitan

3.2 Magbigay ng tatlong (3) halamang maaaring gawing sangkap


sa pagluluto.

1. 2. 3.

Kagawaran ng Edukasyon R02 15


Aralin Bilang: 7 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Nailalapat ang kaalaman sa matalinong pamimili
.

Gawain 1
Alamin kung may natandaan ka sa iyong binasa. Iangkop ang mga
katangian ng bibilhin sa mga sumusunod.

de-lata prutas karne itlog isda

malinaw ang mga mata gumagalaw

mapula ang hasang magaspang ang balat at maputi

napapanahon kulay rosas at hindi maitim

makintab at walang butas nakasara nang husto at malinis

hindi kulubot hindi pa tapos ang expiry date

Gawain 2
Piliin ang titik ng tamang sagot .
1. Bumibili ka ng isang tray na itlog . Alin sa mga sumusunod ang
hindi mo pipiliin upang matiyak mong sariwa lahat ang mabili mo?
a. Makinis at makintab ang balat c. Mabigat
b. Magaspang at maputi d. Malaki
2. Lingguhan ang pamimili ninyo ng Nanay mo. Ano ang dapat
mong dalhin upang mas maayos ang inyong pamimili?
a. Calculator c. Market List
b. Maraming sisidlang ng bilihin d. Checklist

Kagawaran ng Edukasyon R02 16


3. Bumibili ka sa grocery, may 4 uri ng tinapay kang pinagpipilian.
Alin ang pipiliin mo?
a. Uri 1- Buy 1 take 1 at walang expiry date
b. Uri 2- Bagong tatak na galing pa sa ibang probinsya
c. Uri 3- Gawa sa iyong bayan, kahit walang expiry date
d. Uri 4- Malambot at may expiry date.
4. Kaibigan ng nanay mo ang tindera. Inaalok niya sa murang halaga
ang kanyang panindang isda sa ngunit bilasa.
a. Bibilhin mo dahil nahihiya ka
b. Bibilhin mo dahil kaibigan ng nanay mo
c. Hindi mo bibilhin at tuwirang sabihin ito’y di na sariwa
d. Hindi mo bibilhin at magalang na sabihin na ito’y din a
sariwa
5. May sale sa isang grocery. Maraming kilalang imported na de-lata
na ipinagbibili na kalahati sa orihinal na presyo ngunit inalis ang
balat nito dahil ayon sa tindera ay nabasa sa ulan. Alin ang
nagpapakita ng matalinong mamimili?
a. Samantalahin ang murang paninda kahit walang tatak, tutal
papel lang naman ito,
b. Hindi ka bibili dahil hindi mo alam ang tatak nito.
c. Hindi ka bibili dahil hindi mo matiyak ang expiry date.
d. Bibilhin mo dahil ang anyo ay kahawig ng mamahalin at
imported.

Kagawaran ng Edukasyon R02 17


Aralin Bilang: 8 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Natatalakay ang mga paraan ng pagpapanatili ng sustansya, anyo at lasa ng
pagkaing inihahanda

Mga Tuntunin sa Paghahanda ng Pagkain


Kailangang ihanda ang mga pagkain sa malinis at maayos na paraan
upang mapapanatili ang sustansiya, anyo at lasa nito. Higit na magugustuhan
ang mga pagkain kung masarap at kasiya siyang tingnan ang mga ito.

Narito ang mga bagay na dapat tandaan at isagawa kapag


inihahanda ang pagkain:

1. Hugasan ang mga prutas at gulay bago ito balatan o hiwain.


2. Hiwain at balatan lamang ang mga gulay at prutas kapag malapit na itong
lutuin. Maraming nawawalang bitamina kapag nakalantad sa hangin ang
hiniwang mga gulay at prutas.
3. Gawing manipis ang pagbabalat sa mga gulay tulad ng patatas, kerots,
hilaw na papaya, at sayote sapagkat nasa balat ang maraming sustansiya
nito.
4. Kaunting tubig lamang ang gamitin sa paglalaga ng mga gulay. Huwag
itapon ang pinaglagaan at gamiting pansabaw sa iba pang lulutuin .
5. Iwasan ang pagluluto ng labis sa mga gulay. Ilagay lamang ang gulay
kapag kumukulo na ang tubig upang hindi mawala ang sustansiya at
maging mabilis ang pagluluto rito.
6. Takpan ang kaserola habang nagluluto upang uminit kaagad ang pagkain.
Iwasan ang pagbukas sara sa takip at malimit na paghahalo sa niluluto.
7. Ihain kaagad ang mga gulay matapos itong lutuin upang huwag mawala
ang mga sustansiya.
8. Hugasan ang bigas ng isa o dalawang beses lamang. Gamitin ang hugas
bigas na pansabaw sa sopas o gulay upang hindi masayang ang
sustansiya nito.
9. Gumamit ng mababang temperature sa pagpapakulo ng mga karne upang
lumambot ito nang maayos at mapanatili ang taglay na sustansiya.
(Agap at Sikap Serye ng Proded p. 174-176)

Kagawaran ng Edukasyon R02 18


Mungkahing Gawain

Gawain 1
Upang mapanatili ang sustansiya ng pagkaing inihahanda.
Tukuyin kung Tama o Mali ang mga nakasaad. Lagyan ng ang
tamang kaisipan at kung hindi angkop.

1. Ang mga prutas ay kailangang ibabad sa tubig upang matiyak


na malinis at ligtas ang mga ito sa mikrobyo._______
2. Ang matagal na pagluluto ay nakakabawas ng sustansya ng
nilulutong gulay._______
3. Pagkaluto sa mga gulay ay kailangan ihain kaagad upang hind
mawala ang sustansya ng mga ito. ________
4. Ang pahuhugas sa bigas nang maraming beses ay mainam
upang lumambot at mas mabilis itong maluto.______
5. Kailangang talupan nang makapal ang mga halamang- ugat
upang maalis ang dumi na galing sa lupa._______

Gawain 2
Isulat ang wastong paraan ng paghahanda/pagluluto ng mga
pagkain sa loob ng mga hugis.

Gawain 3
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay wasto o
mali ang paraan ng paghahanda ng pagkain o pagluluto.

1. Paghuhugas ng mga gulay at prutas bago balatan o hiwain.


2. Paggamit nang kaunting tubig sa paglalaga ng mga gulay.
3. Pagbababad sa tubig ng nabalatang gulay gaya ng patatas
4. Pagluluto ng gulay ng labis.
5. Pagluluto ng gulay habang sariwa pa ito.

Kagawaran ng Edukasyon R02 19


Aralin Bilang: 9 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naipakikita ang iba’t ibang gawaing- kamay sa paghahanda ng pagkain

.
Narito ang mga karaniwang ginagamit na paraan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain
.
1. Talupan - pag-aalis ng balat sa tulong ng maliit na kutsilyo o pantalop.
Karaniwang tinatalupan ang mga hilaw o sariwang pagkain ang balat ay
nakadikit sa laman tulad ng patola, singkamas,manggang hilaw, at
kalabasa
2. Balatan – pag-aalis ng balat ng mga hinog o nilagang pagkain na ang
balat ay bahagyang nakahiwalay sa laman. Kamay lamang ang ginagamit
sa mga pagkaing tulad ng saging, manggang hinog, nilagang kamote at
nilagang patatas.
3. Kaliskisan – pagaalis ng kaliskis ng isda sa tulong ng kutsilyon o
pangkaliskis.
4. Dikdikin – pagbabayo sa almires ng mga sangkap na tulad ng ulo ng
hipon, bawang, mani, at tinustang bigas upang makuha ang katas o
maging pino ito.
5. Gutayin –pagpipilas ng pagkain tulad ng nilagang manok at mga gulay sa
pamamagitan ng kamay o kutsilyo upang maging makitid at mahabang
piraso ang mga ito.
6. Bistayin – pagsasala ng mga sangkap tulad ng arina, asukal, at gawgaw sa
tulongng bistay o salaam upang maging pino at buhaghag ang mga butil.
7. Salain- paghihiwalay ng likido sa buu-buong laman ng sangkap tulad ng
dinikdik na ulo ng hipon, pira-pirasong pinyang de lata at nata de coco sa
pamamagitan ng salaam o kolander
8. Hiwain – pagputol-putulin ang mga pagkain tulad ng karne, isda, manok,
at gulay sa maliliit na piraso gamit ang kutsilyo o itak.
9. Batihin – pagdaragdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlog
upang maging makinis at magaan ito na ginagamit ang tinidor, pambati, o
panghalong de-koryente.
10. Sukatin – Pagkuha ng wastong dami ng likido o tuyong sangkap sa
pamamagitan ng pamantayang sukatan na tasa o kutsara. Sa pagsusukat
ng tuyong sangkap tulad ng arina o asukal na puti, gamitin ang plastic
o metal na tasang may marking mga sukat na 1/8, ¼, ½,1, at 2
tasang puno. Punuin ang tasa at alisin ang labis sa tulong ng tuwid na
likod ng kutsilyo o ispatula.

Kagawaran ng Edukasyon R02 20


11. Kudkurin – pagpapadaan ng pagkain tulad ng niyog sa kudkuran upang
ito ay pumino.
12. Gilingin – pagdurog nang pino sa mga pagkain tulad ng karne ng baboy
at bigas na ginagamit ang gilingan
13. Himayin – paghiwahiwalayin sa mga pinong bahagi ang mga nilutong
pagkain tulad ng tinapa at nilagang manok.
14. Durugin – pagtadtad nang pinung pino sa mga sangkap tulad ng
bawang, sibuyas at paminta.
15. Hiwaing pakuwadrado – paghihiwa sa mga pagkaing tulad ng patatas,
kerots, at karne ng baboy o baka ng kalahati o isang pulgadang parisukat
na ginagamit ang kutsilyong matalas.
16. Haluin – pagsamahin ang mga sangkap hanggang magkapare-pareho ito
at magkasama- sama na ginagamit ang kutsarang pangkusina o sandok.
17. Paglahukin – paghaluing mabuti ang dalawa o higit pang sangkap sa
tulong ng
panghalong de kuryente.
18. 18.Timplahan – pagdaragdag ng panimplang asin, patis, toyo, suka, o
paminta upang maging pino.
19. 19.Gilitan – paglalagay ng hiwa o gilit sa laman ng isda o karne bago
ito iluto upang hindi mamaluktot.
20. Palamutian o gayakan – paglalagay ng mga palamuti o dekorasyon sa
niluluto bago ito ihain.

(Agap at Sikap VI Serye ng Proded p. 175-176)

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Tukuyin ang inilalarawang gawain.
1. Pag-aalis ng balat ng mga hinog o nilagang pagkain na ang balat ay
bahagyang nakahiwalay sa laman. Kamay lamang ang ginagamit sa
mga pagkain tulad ng saging, mangang hinog, nilagang saging, kamote
o patatas.___________
2. Pagkuha nang wastong dami ng likido o tuyong sangkap sa
pamamagitan ng tasa o kutsarang panukat.______________________
3. Paggamit ng kutsilyo sa pagputol ng mga pagkain tulad ng karne, isda,
gulay, manok upang lumiit ang mga ito. ________________________
4. Paghihiwalay ng mga likido sa buo-buong laman ng sangkap sa
pamamagitan ng colander.
5. Paghiwahiwalayin sa mga pinong bahagi ang mga nilutong pagkain
tulad ng tinapa at nilagang manok ______________________
6. Pagsasala ng mga sangkap tulad ng arina, asukal, at gawgaw sa tulong
ng bistay o salaam upang maging pino at buhaghag ang mga butil.
__________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 21


7. Paghihiwa sa mga pagkaing tulad ng patatas, kerots, at karne ng baboy
o baka ng kalahati o isang pulgadang parisukat na ginagamit ang
kutsilyong matalas.__________________
8. Pagsamahin ang mga sangkap hanggang magkapare-pareho ito at
magkasama-sama na ginagamit ang kutsarang pangkusina o
sandok.____________________
9. Pagdaragdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlog upang
maging makinis at magaan ito na ginagamit ang tinidor, o panghalong
de-koryente.________________________
10. Paglalagay ng hiwa o sa laman ng isda o karne bago ito iluto upang
hindi
mamaluktot._____________________

Gawain 2
Isagawa ang mga sumusunod na gawaing pangkamay sa paghahanda
ng pagkain

1. talupan 4. batihin
2. balatan 5. dikdikin
3. bistayin 6. kudkurin

Gawain 3
Pagmasdan ang mga gamit pangkusina na nasa larawan. Anong
pamamaraan ang ini-aangkop sa mga ito.

1.___________ 4._____________

2.___________ 5._______________

3._____________

Kagawaran ng Edukasyon R02 22


Aralin Bilang: 10 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naipakikita ang pagkamaparaan sa paghahanda ng pagkaing angkop sa
okasyon.

Narito ang mga maparaang pagbabalak ng paghahanda


sa isang okasyon:

1. Pag-isipan ang ihahandang pagkain para sa okasyon.


2. Isa-alang alang ang mga uri ng panauhin at uri ng okasyon
3. Gumawa ng listahan ng mga gagamiting sangkap sa pagluluto ng
menu at ang mga kagamitang kusinang kakailanganin sa pagluluto.
4. Gumawa ng listahan ng bibilhin sangkap at kagamitan.
5. Gumawa ng iskedyul ng pagawa
6. Kung may ibang mga kasama, pag-usapan ang iskedyul.
7. Pagplanuhan ang gagawing paraan ng paghahain ng pagkain .
8. Ihanda ang pagdaraosan ng okasyaon.

(Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ni Dr Profiria Ferrer pp. 88-89)

Ang maayos na paghain ay isang ring mahalagang aspeto sa


paghahanda ng pagkain. Narito ang mga paraan ng paghahain sa isang
handaan o okasyon.

1. Pagsisilbi sa Plato – Ito ay mainam kung ang


hapag kainan ay maliit. Ang mga
platoay nilalagyan na ng lahat ng uri
ng pagkaing inihanda at ibnibigay
sa mga panauhin. Mainam ang parang ito para
sa mga batang panauhin.

2. Pampamilyang Pagsisilbi –Lahat ng pagkain


ay nakaayos sa hapag kainan. Ang mga
kumakain ay nakaupo at ipinapasa ang
pagkain habang ibinibigay sa kanan o
kaliwa.

Kagawaran ng Edukasyon R02 23


3. Buffet – Pinakapopular na uri ng pagsisilbi sa
isang maliit o limitadong espasyo. Lahat
ng pagkain ay nakalagay sa isang
mahabang hapag kainan. Nakaayos
ang mga ito na pinangungunahan
ng kanin sinusundan ng mga ulam at
sa panghuli ay ang sabaw at panghimagas.
Sa isang dulo nito nakalagay ang mga
plato, kutsara at tinidor. Sa
kabilang dulo naman ang panghimagas. Ang
mga panauhin ay maayos na nakapila
sa pagkuha ng pagkain.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ni Dr Profiria Ferrer pp. 98-99,

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Sukatin ang natutunan sa pagiging maparaan.
Tukuyin kung pagiging Maparaan O Hindi Maparaan ang
nakasaad na kaisipan.

1. Ang masusing pagbabalak ay dapat isagawa upang matugunan ang


lahat na kailangang bilhin at lutuin sa isang okasyon.
2. Bigyan pansin ang uri ng okasyon sa pagbabalak ng ihahandang
pagkain.
3. Gumamit ng mga mamahalin at babasaging kagamitan sa
malaking okasyon upang maipakita na spesyal ang mga panauhin.
4. Gumawa ng listahan ng mga panauhin upang matiyak ang dami ng
pagkaing ihahanda.
5. Pumili ng hindi karaniwan ngunit madaling ihandang pagkain sa
espesyal na okasyon.

Kagawaran ng Edukasyon R02 24


Gawain 2
Basahin ang sumusunod na kalagayan at tukuyin ang pinakamainam na
paraan.

1. Magdiriwang si Pattilou ng kanyang ika-apat na kaarawan . Mga bata


ang karamihan sa mga bisita. Anong paraan ng pagdudulot ng pagkain
ang pinakamainam?

__________________________________________________________________

2. Malalapit lamang na kamag-anak ang iyong magiging panauhin sa


anibersaryo ng kasal ng iyong mga magulang. Upang magkaroon ng
masayang kuwentuhan at balitaan, paano mo gagawin ang paghahain ng
pagkain?

____________________________________________________________

3. Maliit lamang ang espasyo ng pagdarausan ng okasyon, ano ang


pinakamainam na paran ng paghahain?

____________________________________________________________

4. Magkakaroon ka ng malaking handaan ngunit iilan lamang ang tutulong


sa iyong paghahanda. Ano ang pinakaminam na gamitin?

___________________________________________________________

5. Ang mga inaasahang panauhin sa isang okasyon ay mga bisitang nasa edad
40 pataas. Anu –ano ang dapat isa-alang alang?

______________________________________________________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 25


Aralin Bilang: 11 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin:
Nakapagdudulot ng pagkaing angkop sa okasyon sa wastong paraan

Pansit Canton/Ginisang Bihon

1 balutang pansit canton


1 guhit na repolyo, hiwang maninipis at pahaba
1 guhit na baboy 1 guhit na atay
2 guhit na sitsaro 1 pecho ng manok ginutay ng maninipis
1 guhit na hipon 1 pirasong sibuyas 1 piraso tokwa
1 ulong bawang toyo, asin, mantika dahon ng sibuyas na mura

Palambutin ng kaunti ang baboy at pagamantikahin, Sa manitika nito iprito


an ang tokwa. Itabi ang tokwa. Igisa ang bawang, sibuyas at manok, Timplahan ng
toyo at pampalasa, Kapag malambot na ang manok ihalo ang hipon, baboy, atay at
tokwa, Isabawa ang isang puswelong tubig na may katas ng hipon. Haluhaluin ,
pag malasado na ang gulay hanguin gamit ang salaaan at itabi.. Hayaang kumulo
ang naiwang sabaw.
Dagdagan ang sabaw ng pinapakuluan ng baboy at manok. Timplahan ng toyo at
asin.
Kapag kumulo na ilagay ang pansit kanton, haluin sa pamamgaitan ng dalawang
syanse hanggang matuyo at maluto. Pagulungi sa kaunting kumukulong mantika.
Hanguin at ilagay sa bandehado, Ibuhos sa ibabaw ang ginisang sangkap.
Gayakan ng hiniwang sibuyas na mura.

Ensaladang Patatas

3 tasang papatas niluto at hiniwa nang pakuwadrado


2 kutsarang sibuyas, hiniwa ng pino
2 itlog (luto at hiniwa nang pakuwadrado
½ tasang sweet-sour pickles hiniwa ng pino
¾ tasang mayonnaise kaunting asin

Paghaluin ang lahat ng sangkap. Ilagay sa salad bowl at palamigin. Upang


magandang tingnan pag ihain, ilagay sa nakalatag na dahon ng repolyo o letsugas.
Maaring gayakan ng hiniwang mansanas kasama ang pulang balat.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ni Dr Profiria Ferrer pp. 93-94

Kagawaran ng Edukasyon R02 26


Spaghetti

1 paketeng spaghetti 1/2 kilo na hotdog hiwain ng oblong


½ kilong giniling na baboy 1 sibuyas
1 itlog ng manok ½ sibuyas na pino ang hiwa
1 kutsarang cornstarch 2 butil ng bawang
1 puswelong tubig 1 latang tomato sauce, toyo,pamintang durog,
1 kahon ng keso asin, mantika

Magpakulo ng tubig na may asin at kaunting matika. Pag kulo, ilagay ang
spaghetti, haluin ng dahan dahan upang hindi magdikit-dikit.. Hanguin sa
pamamgitan ng colander, at ibabad saglit sa malamig na tubig, muling hanguin at
itabi. Igisa ang bawang na natadtad ng pinungpino at sibuyas, Igisa ang giniling
na karne, timplahan ng konting toyo at asinat paminta. Ilagay ang tomato
sauceHaluin ang cornstarch sa 1 puswelong tubig at ihalo. Pakuluin. Ilagay ang
hotdog. . Lagyan ng 1/3 na ginadgad na keso. Pakuluin pa hanggang maluto ang
karne. Hanguin at ibuhos sa ibabaw ng spaghetti na nakaayos sa bandehado.
Budburan ng ginadgad na keso at gayakan ng hiniwang nilagang itlog.
.

Menudo

½ kilong baboy ¼ kilong atay


2/3 puswelong garbanzos 2 patatas, karaniwang laki
2 sibuyas 3 kamatis
1 siling pula (malaki) asin, ,
2 butil ng bawang mantika
toyo, atsuwete
pasas

Hiwain ng kalahating pulgada pakuwadrado ang baboy, atay at patatas.


Hiwain ng pino ang sibuyas at kamatis. Hiwain ng pino at pahaba ang sili. Igisa
ang bawang, sibuyas at kamatis. Isunod ang baboy at pagkaraan ng ilang sandal ay
timplahan ng kaunting toyo. Takpan at hayaang kumulo nang ilang sandal bago
sabawan ng isang piswelong tubig at saka palambutin. Isama sa pagpapalambot
ang sili upang lumasang mabuti sa salsa.Papulain sa pamamagitan ng katas ng
atsuwete na binabad sa kaunting tubig. Kapag malapit nang lumambot ang baboy
isama ang patats at garbanzos. Sa huli ang paghuhulog ng atay at hustuhin na nag
timpla nang naaayon sa [panlasa. Ilang sandal lamamng ang pagkulo ay hanguin
upang hindi tumigas ang atay. Ilagay ang pasas.

Kagawaran ng Edukasyon R02 27


Sopas na Macaroni

¼ kilo na elbow/shell macaroni


¼ giniling na baboy 1 ulong sibuyas
1 ulong bawang 1 pirasong carrot
3 dahon ng sibuyas 1 puswelong hugas bigas
1 maliit na gatas evaporada, mantika,
asin, paminta knorr cubes, mantekilya

Igisa ang bawang, hanggang magbago ang kulay. Isunod ang sibuyas,
karne at karrots na hiniwa ng maliliit na kuwadrodo (cubes). Isunod ang
macaroni. Haluin upang masipsip nito ang mantika, Ilagay ang tubig na
pinaghugasan ng bigas. Dagdagan ng nais na dami ng sabaw. Timplahan ng asin
at knorr cubes. Pakuluin hangang lumambot ang macaroni. Lagyan ng isang
kutsarang mantekilya. Kapag malambot na ang macaroni., ibuhos ang isang lata
ng gatas evaporada. Ihain habang mainit.

Mungkahing Gawain

Gawain1
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang paraan sa pagpapalambot ng spaghetti pasta?


a) Pagpapakulo sa tubig na may asin
b) Pagpapalambot sa kumulong tubig na may asin
c) Pagpapalambot sa kumukulong tubig na may asin at mantika
d) Pagpapakulo sa tubig na may asin at mantika
2. Anong bahagi ng baboy ang pinakamainam na gawing adobo?
a. ulo b. mga paa c. .tiyan d. leeg
3. Upang maiwasan ang pagdikit-dikit ng pansit, ito ay
a) Ginigisa sa mantika
b) Nilalagyan ng madaming tubig
c) Ibinababad sa tubig bago lutuin
d) Pinapagulong ito sa kaunting kumukulong mantika
4. Maiiwasan ang pagiging matigas ng atay kung ito ay ____
a) Ibabad muna sa toyo bago lutuin
b) Huwag lagyan ng asin
c) Madali lamang ang pagluto nito
d) Ibabad muna sa tubig bago lutuin
5. Hinahaluan ng gatas na evaporada ang
a) spaghetti b. sopas c. menudo d. adobo

Kagawaran ng Edukasyon R02 28


Gawain 2
Ilagay ang wastong sangkap sa bawat plato at isulat ang nabuong resipi
sa tapat ng bawat plato. Maaring ulitin ang sangkap.

patatas baboy manok pasas repolyo


siling pula atay sibuyas itlog paminta
giniling na karne pasta canton miki bawang asin
gatas evaporada toyo macaroni karots laurel

Kagawaran ng Edukasyon R02 29


Aralin Bilang: 12 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naipakikita ang wastong paraan ng pagliligpit ng mga tirang pagkain upang
mapakinabangan. PELC 2.1.3.9

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Anu-ano ang iyong nakikita?

Gawain 2
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nagpapakita nang
astong paraan ng pagliligpit ng mga tirang pagkain. Unawaing mabuti ang
mga ito.
1. Pagsama-samahin ang mga tirang pagkain na pare-pareho ang
putahe.

2. Ang mga tirang pagkain katulad ng putahe ng baboy ay dapat


ilagay sa refrigerator at maaari pang gamitin sahog sa sopas,
lumpia, torta at gulay.

Kagawaran ng Edukasyon R02 30


3. Ang mga isda ay maaaring himayin at gawing torta , salad at sopas.
Ang prito ay maaaring gawing sarciado, escabeche at maaaring
gawing sweet and sour.

4. Ang mga gulay ay maaaring gamitin sa salad at lumpia o kaya ay


gawing chopsuey at panrekado sa pansit.

5. Ang mga tinik, buto ng manok at baboy ay ibigay sa mga alagang


pusa at aso.

Gawain 3
Sagutin nang wasto ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang maaaring gawin sa mga natirang putahe ng karne?


2. Bakit mahalaga ang wastong pagliligpit ng mga tirang pagkain?
3. Paano nakatutulong sa mag-anak ang wastong pagliligpit ng mga
tirang pagkain?

Gawain 4
Sabihin o isalaysay ang mga paraan ng wastong pagliligpit ng mga
tirang pagkain upang mapakinabangan.

Gawain 5 (Pangkatang Gawain)

Kunin ang enbelop ng mga “cut-outs” at larawan ng mga tirang


pagkain. Ipakita ang wastong pagliligpit ng mga tirang pagkain sa loob ng
limang minuto.

Kagawaran ng Edukasyon R02 31


Aralin Bilang: 13 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa pag-iimbak ng pagkain
para sa sarili, sa mag-anak at sa pamayanan
2. Naipaliliwanag ang pamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain tulad ng
paggamit ng yelo, paglalagay ng preserbatiba tulad ng asin, suka, asukal at
kalamansi
3. Nakapipili ng mga pagkaing maaaring imbakin

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano natin pipiliin ang mga pagkaing dapat imbakin?
2. Mahalaga ba ang pag-iimbak? Bakit?

Gawain 2
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pamamaraan ng pag-
iimbak ng pagkain.

Mga Pamamaraan ng Pag-iimbak

1. Pag-aasin- madalas ginagamit ito sa mga isda, karne at ilang gulay.


Naaalis ang tubig sa pagkain kapag inaasinan at pinatitigas nito kaya
napipigilan ang pagkabulok ng mga ito.

2. Pagsasalata- ginagamit ang paraang ito ng mga malalaking pabrika ng


pagkain upang mapanatili nito ang kalidad ng produkto. Ang lata ay
iniisterilisa muna upang hindi mabulok ang ilalagay dito. Ilan sa mga
isinasalatang pagkain ay ang sardinas, sarsang kamatis, pinya at katas nito,
at iba pang prutas.

Kagawaran ng Edukasyon R02 32


3. Pagyeyelo o pagpapalamig- ang paglalagay sa freezer ng mga isda at
karne ay makatutulong upang hindi masira at mapanatiling sariwa ang mga
ito. Ang mga prutas at gulay ay maaari namang ilagay sa ibabang bahagi
ng refrigerator upang maiwasan ang madaling pagkabulok ng mga ito.

4. Pagpapausok . – ginagamit ito sa mga hamon, tapa at tinapang isda.


Pinauusukan ang isda upang hindi agad masira. Pinatutuyo nito ang
pagkain. Dahil hindi nabubuhay ang bakterya sa tuyong bagay kaya
naiimbak ang pagkain.

5. Pag-iisterilisa- ito ay ang pagluluto ng mga pagkain sa mainit na apoy.


Pinapatay ng mataas na temperatura ang mikrobyo kaya mainam ang
paraang ito.

6. Pagmamatamis- ito ay isa sa nga pinakamadaling paraan ng pag-iimbak na


ginagamitan ng pinakulong tubig, asukal at arnibal. Ilan sa mga maaaring
iimbak sa pamamagitan ng pagmamatamis ay ang bayabas, santol, pinya,
guyabano, langka, kundol, kalabasa, kamias, balimbing, ube, kamote at
marami pang iba.

Kagawaran ng Edukasyon R02 33


7. Pag-aatsara- sa pamaraang ito , gumagamit ng suka, asukal, sibuyas,
bawang, asin, paminta,luya. Ilan sa mga inaatsara ay ang mga sumusunod:
papaya, sayote, karot, mangga, labong, sitaw, labanos at marami pang iba.

Gawain 3
Piliin ang mga kapakinabangan sa pag-iimbak ng pagkain.
Gumuhit ng tala sa patlang ng bawat bilang na nagsasaad ng
kapakinabangan.

_______1. Nakakakain tayo ng mga prutas kahit wala ito sa panahon.


_______2.Nakatitipid ang mag-anak at naiiwasan ang pagkabulok ng mga
pagkain.
_______3.Lumalago ang mga halaman sa paligid.
_______4. Ang oras ay hindi nasasayang sa pag-iimbak.
_______5. Maaaring umangat ang kabuhayan ng mag-anak sa pagtitinda ng
mga inimbak na pagkain.

Gawain 4
Isulat ang mga pamamaraan ng pag – iimbak at gamit o preserbatiba na
maaaring gamitin sa mga sumusunod na pagkaing iimbakin. Maaaring higit sa
isa ang sagot sa bawat bilang.

Pamamaraan ng Mga gamit /


Mga pagkaing iimbakin
pag-iimbak preserbatiba
1. karne ng baboy
2. pinya
3. papaya
4. isda
5. itlog

Kagawaran ng Edukasyon R02 34


Aralin Bilang: 14 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-
iimbak
2. Naisasagawa ang pag-iimbak sa pamamagitan ng paggamit ng preserbatiba
at iba pang paraan.
3. Nakapagtutuos ng gastos at kikitain mula sa ipinagbiling inimbak na
pagkain

Mga Mungkahing Gawain

Gawain 1
1.1 Kilalanin ang mga pagkain na maaaring imbakin . (Tingnan ang
poster ng isda, karne, gulay at prutas at iba pang pagkain na
ipapakita ng guro.)
1. _______________________
2. ________________________
3 _______________________
4. _______________________
5. _______________________
6. _______________________
7. _______________________
8. _______________________
9. _______________________
10. _______________________

1.2 Hanapin at bilugan ang mga salita tungkol sa pag-iimbak ng


pagkain at mga sangkap at kagamitan sa pagsasagawa.

A P A G S A S A L A T A T P A I J K P
D A S S R G H R K L A S Y P Z L O P A
F G G P I S D A W X P R W R E B F H G
G P U Y S N L B C K A R N E Q R C S L
H A S L P T O E S L F H G S T U V D E
B P A G P A P A T U Y O S E X A X Z Y
C A D V L D R L O U M C O R T Z P S E
Q U B C S E L A R S Y C D B X B E M L
A S U K A L C B T U N O Q A P S R T O
S O G H J S L D V W O T P L A U T R Q
T K I Y O T P Q L S A R S C B D A E S

Kagawaran ng Edukasyon R02 35


1.3 Itala sa cluster web ang mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-iimbak ng pagkain.

Mga
Panuntunang
Pangkalusugan
at
Pangkaligtasan
sa
Pag-iimbak ng
Pagkain

Gawain 2 Pangkatang Gawain

Pangkat I - Pagpapatuyo ng Isda

Mga Sangkap: Mga Kasangkapan:

½ kilo isda sangkalan


Asin kutsilyo
Paminta tray
Maliit na palanggana
Paraan ng Paggawa:
1. Kaliskisan, biyakin sa gitna at hugasan ang isda.
2. Lagyan ang isda ng kaunting asin at paminta.
3. Ilatag/Iayos ang mga isda sa tray.
4. Ibilad sa init ng araw ang isda.
Kung hindi mainit ang sikat ng araw, maaari itong pahanginan
sa pamamagitan ng bentilador.
5. Ulitin ang pagbibilad/pagpapahangin hanggang sa matuyo ang
mga isda.

Kagawaran ng Edukasyon R02 36


Pangkat II - Pagpapausok ng Isda

Mga Sangkap: . Mga Kasangkapan:

½ kilo isda palanggana


asin bandehadongstainless/stainless na tray
caserola

Paraan ng Paggawa:
1. Hugasan ang isda.
2. Ilagay ang isda sa caserola.
3. Lagyan ng kaunting asin at tubig.
4. Bahagyang iluto ang isda.
5. Hanguin ang isda sa caserola at patuluin o patuyuin sa tray o
bandehado.
6. Maaari na itong pausukan sa pamamagitan ng usok na galing sa
mahinang pagsunog ng kusot at balat ng kahoy.
(Ang pagpapausok ay gawin sa bahay.)

Pangkat III - Pag-aasin

Mga Sangkap: Mga Kasangkapan:


½ kilo karneng baboy o isda palanggana
Asin kutsilyo
sangkalan
Paraan ng Paggawa:
1. Kaliskisan at hugasan ang isda/karne
2. Lagyan nang bahagyang mga hiwa ang isda/karne.
3. Lagyan ng asin ang mga hiwa ng isda/karne.
4. Ilagay ang isda/karne sa lalagyan na mayroong takip.

Kagawaran ng Edukasyon R02 37


Pangkat IV – Paggamit ng Preservatives

Mga sangkap:
5 tasang ginadgad na hilaw na papaya
3 pirasong siling pula, hiniwa nang manipis at pahaba
2 pirasong siling berde, hiniwa nang manipis at pahaba
2 piraso ng karot, hiniwa nang maninipis
1 ulo ng bawang, dinikdik
¼ tasang ginayat na luya
10 pirasong sibuyas tagalog
1 maliit na kahong pasas
(Syrup) Mga Kasangkapan:
2 tasang asukal gadgaran
2 tasang suka measuring cup/spoon
2 kutsarang asin bote
Kaserola/palanggana
Paraang ng Paggawa:
1. Budburan ng asin ang ginadgad na papaya. Hayaan ito sa loob ng
20 minuto.
2. Lagyan ng kaunting tubig at pigaing mabuti upang maalis ang
katas. (Mas makabubuting balutin sa katsa at pigain)
3. Paghiwa-hiwalayin ang mga hibla at itabi.
4. Idagdag sa papaya ang siling berde at pula, karot, pasas, bawang,
sibuyas at luya.
5. Paghalu-haluing mabuti ang ma sangkap.
6. Ilagay sa malinis nabote. Itabi.
7. Paghalu-haluin ang sangkap para sa syrup. Pakuluin hanggang sa
matunaw ang asin at ang asukal.
8. Palamigin at ibuhos sa boteng pinaglagyan ng pinaghalong gulay.
9. Selyuhan ang bote. Iisterilisa ng 20 minuto.
10. Ilagay sa malamig at tuyong lugar.

Sabihin: Ang pagyeyelo ay pinakamadali at pangkaraniwang


paraan ng pag-iimbak ng pagkain, hindi na ito ipakikita gayundin ang
pagsasalata dahil ito ay nangangailangan ng makinarya sa
pagsasagawa.

Kagawaran ng Edukasyon R02 38


Gawain 3
Punan ang patlang ng mga nagastos na sangkap sa pag iimbak ng
pagkain

Pagtutuos ng gastusin at kikitain sa inimbak na pagkain.

Mga nagastos sa sangkap sa pagpapatuyo o ng anumang inimbak na


pagkain

1/2 kilo isda - _________________


asin - _________________
paminta - _________________
Kabuuang gastos: _________________
Halaga sa pagtitinda : ________________
Halagang kikitain : ________________

Gawain 4
Sagutan ang score card. Lagyan ng tsek ang kaukulang kolum.

Mga sitwasyon Oo Hindi


1. Wasto ang mga sangkap.
2. Wasto ang mga kasangkapan.
3. Sinunod ang pagkasunud-sunod ng mga hakbang.
4. Matipid at maparaan sa paggamit ng mga sangkap.
5. Napanatili ang kalinisan sa lugar.
6. Naging maingat sa paggamit ng mga kasangkapan.
7. Natapos sa takdang oras.

Kagawaran ng Edukasyon R02 39


Aralin Bilang: 15 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang mga gawaing pangkabuhayan sa pamayanan na may
kinalaman sa pananahi.
2. Natatalakay ang kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng kasanayan sa
pananahi.

Mga Mungkahing Gawain:

Basahin at unawain ang sanaysay tungkol kabutihang naidudulot ng


pagkakaroon ng kasanayan sa pananahi.

Ang pananahi ay isang kapaki-pakinabang na libangan. Maraming mga


bagay sa ating paligid ang nagawa sa pamamagitan ng pananahi tulad ng ating
mga kasuotan, kurtina, mantel ng mesa, punda ng unan, panyo, at iba pa. Ang
isang taong nagtataglay sa kasanayan sa pananahi ay magkakaroon ng
pagkakataong makatulong sa kanyang pamilya. May mga gamit sa tahanan na
hindi na kailangang bilhin sapagkat magagawa na kung marunong manahi.
Ang mga mumunting kumpunihing dapat gawin sa mga sirang kasuotan tulad
ng sirang siper ay maaari mo ring isagawa. Ang kaalaman sa pananahi ay
magbibigay rin ng karagdagang kita sa pamilya. Ang mga simpleng kagamitan
tulad ng punda, hand towel, mantel ng mesa, panyo, at iba pa ay maaaring
ipagbili at pagkakakitaan. Bukod pa sa katotohanang ang pagiging malikhain
ng isang tao ay lubos na nagpapaunlad sa pagdidisenyo at pagbuo ng iba’t
ibang bagay sa pamamagitan ng pananahi.

Kung lubos ang iyong kasanayan sa pananahi, maaari ring tumanggap


ng mga damit na tahiin. Sa ganitong paraan, maaaring kumita ang isang tao
kahit siya ay nasa bahay lamang. Maaari rin naming mamasukan sa mga
pabrika ng patahian. Sa pangkalahatan, maraming kapakipakinabangang
maidudulot sa mag-anak ang isang taong may angking kasanayan sa pananahi.

Bukod sa pagbuo at pagyari ng iba’t ibang uri ng kasuotan, may ilan


pang gawaing pangkabuhayan ang may kaugnayan sa pananahi. Ang mga ito
ay ang paggagansilyo, pag-iismocking, pagbuburda, at pagta-tatting.

Kagawaran ng Edukasyon R02 40


Gawain 1

Anu-ano ang mga gawain sa pamayanan na may kaugnayan sa


pananahi?

1.________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

Alamin ang antas ng iyong kasanayan sa pananahi, sa


pamamagitan ng pagpuno sa mga puwang sa ibaba.

Mga yaring tahi na alam ko:


a. ____________________
b. ____________________
c. ____________________

Mga uri ng telang alam ko:


a. ____________________
b. ____________________
c. ____________________

Magbigay ng mga kabutihang dulot ng pagkakaroon ng


kasanayan sa pananahi.

____________________________________________________

Gawain 2
Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang pahayag at ekis naman
kung mali.
_____1. Hindi dapat tumulong ang mga anak sa negosyong pananahi.
_____2. Maaari ring pagkakitaan ang paggawa ng basahan at pot holders.
_____3.Nakahihiyang gawain ang pananahi ng mga retasong tela.
_____4. Ang paggagantsilyo, pagbuburda at pagtatatting ay mga gawaing
pananahi.
_____5. Nakapapagod at hindi makatutulong sa sariling pag-unlad ang
pananahi ng mga damit na pambahay lamang.

Kagawaran ng Edukasyon R02 41


Aralin Bilang: 16 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Nakagagawa ng malikhaing disenyo ng tatahiing kasuotan o kagamitan

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Sagutin ang sumusunod na tanong. Piliin ang wastong titik.

1. Sa pagpili o paglikha ng disenyo, alin ang pinakamahalagang


isaalang-alang?
a. Ito ay kaakit akit
b. Ito ay madaling isagawa
c. Ito ay yari sa mamahaling kagamitan
d. Ito ay yari sa murang kagamitan
2. Kung ikaw ay pipili ng disenyo sa gagawing pot holder, alin sa
mga sumusunod ang mahalagang isaisip?
a. Ang gagawing pot holder ay matibay
b. Ang gagawing pot holder ay kaaki-akit
c. Ang gagawing pot holder ay kakaiba ang hugis
d. Ang gagawing pot holder ay makulay
3. Pinapagawa kayo ng apron. Anong tela ang nararapat para sa
proyektong ito?
a. Lana ang pipilin mo dahil ito ay makapal
b. Seda ang pipiliin mo dahil ito ay kaakit-akit
c. Koton ang gagamitin mo dahil ito ay matibay at madaling
labhan
d. Linen ang pipiliin mo dahil hindi ito madaling madumihan
4. Sa pangkalahatang pagpipili ng mga telang tatahiin para sa iba’t
ibang proyekto sa pananahi, nararapat na isaalang-alang ang mga
sumusunod maliban sa isa. Alin ito?
a. Ito ay angkop sa gagawing proyekto
b. Ito ay kailangang may matingkad at kaakit-akit na kulay
c. Ito ay di kailangang mamahalin
d. Ito ay yari sa matibay na uri

Kagawaran ng Edukasyon R02 42


Gawain 2:
Gumawa ng sariling plano/disenyo ng tatahiing apron sa loob ng
kahon.

Kagawaran ng Edukasyon R02 43


Aralin Bilang: 17 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Nakapipili ng tela at iba pang kagamitan sa pananahi
2. Naisaalang-alang ang mga salik sa matalinong pamimili
3. Nakasusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan

MungkahingGawain

Gawain 1
Suriin mo at kilalanin ang bawat katangian ng tela.
______1. Ito’y pinakalumang uri ng tela.
______2. Ito’y telang sintetik na gawa sa sinulid na kemikal.
______3. Ito’ y pinakamahusay gamitin sa ating klima.
______4. Ang telang ito ay makintab, manipis at pino.
______5. Ang telang ito ay galing sa balat ng tupa.

Gawain 2
Isulat ang titik T kapag ang isinasaad ng pangungusap ay tama at M
kung Mali.

______1. Panatilihing nakatago sa tamang lugar ang gunting kung hindi


ginagamit.
______2. Tiyaking malinis ang kamay bago hawakan ang telang tatahiin.
______3. Tiyaking may sapat na liwanag habang nananahi.
______4. Panatilihing maganda ang postura habang nakaupo sa harapan ng
makina at nananahi.
______5. Ilagay ang daliri sa ilalim ng presser foot para sa mas madaling
manahi.
______6. Gumamit ng gunting na hindi matulis sa pagputol ng sinulid.
______7. Alisin ang aspili bago tahiin ang tela.
______8. Hayaang nakakalat ang aspili, karayom, gunting at iba pang mga
gamit.
______9. Tiyaking walang mga batang nakatayo sa malapit sa bandwheel
kapag ginagamit ang makina.
_____10. Kung hindi ginagamit, huwag alisin ang belt drive ng makina sa
band at handwheel.

Kagawaran ng Edukasyon R02 44


Aralin Bilang: 18 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Nakakagawa ng padron ayon sa tamang sukat.

Mungkahing Gawain:

Gawain 1
Pag-aralan ang mga nakaguhit sa ibaba at isulat ang tamang paraan ng
pagsukat sa paggawa ng padron ng shorts.

1. Punto A__________________________

2. Linya A-B_________________________

3. Linya A-C_________________________

4. Linya A-D_________________________

5. Linya C-E_________________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 45


Aralin Bilang: 19 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin:
1. Naisasagawa ang pagbuo ng kagamitan o kasuotang tahi sa makina
2. Napahahalagahan ang natapos na tahiin ayon sa pamantayan/rubrics.

Mga Mungkahing Gawain:

Gawain 1
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Ito ay ginagamit na pantabas o paggupit ng tela.
a. ruler c. blade
b. dressmaking shear d. tracing wheel
2. Ang karaniwang yari sa metal, kahoy o plastic na ginagamit sa
paglipat ng mga marking nasa padron sa tela ay ang _________.
a. L-square b. ruler c. curve d. tracing wheel
3. Sa pagtabas, maiiwasan ang pagkakasayang ng tela kung
ginagamit ang _______.
a. medida b. ruler c. padron d. didal
4. Ang paglipat ng marka sa tela ay isang kasanayan na kailangan
bigyang pansin, ilang direksiyon ang kailangan?
a. dalawa b. tatlo c. apat d. lima
5. Ano ang pinakamainam na paraan ang dapat gawin sa mga natabas
na tela bago simulan ang ibang tatabasin?
a. hayaan sa tabi c. ipatong kahit saan
b. tiklupin at itabi d. ilagay sa gitna

Gawain 2
Sagutin ang tseklis:
Mga Pamantayan Oo Bahagya Hindi
1. Kumpleto ba ang materyales at
kagamitan kakailanganin bago ako
magsimulang gumawa.
2. Nasunod ko ba nang maayos at wasto
ang bawat hakban ng gawain?
3. Sinunod ko ba ang mga panuntunang
pangkaligtasan habang gumagawa?
4. Nagpamalas ba ako ng magagandang
kaugalian sa paggawa?
5. Natapos ko ba satakdang oras ang
aking gawain?
Kabuuan

Kagawaran ng Edukasyon R02 46


Aralin Bilang: 20 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Nakapagpaplano ng gawaing proyekto sa pamamagitan ng pagbuburda.

Mungkahing Gawain

Gawain
Gumawa ng Project Plan. Punan ang bawat patlang.

Project Plan

Pangalan ng Proyekto ____________________

Petsa ng Pag-umpisa sa Proyekto ___________________

Petsa ng Pagtapos sa Proyekto ___________________

Layunin: ________________________________________________

I. Kagamitan sa Paggawa ng Proyekto

II. Disenyo ng Gawaing Proyekto

III. Paraan ng Paggawa ng Proyekto

Kagawaran ng Edukasyon R02 47


Aralin Bilang: 21 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na layunin
Nakalilikha o nakapipili ng disenyo at materyales na kailangan sa pagbuburda.

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Tukuyin ang mga kagamitan sa pagbuburda na nakaguhit. Piliin ang
kasagutan sa kahon.

Karayom didal tusukan ng karayom


sewing box gunting Bestiidor
pambburdang sinulid

1. ____________ 5. ____________

2. ____________ 6. ____________

3. ____________ 7. ____________

4. ____________ 8. ____________

Gawain 2
Guhitan ng tamang disenyo ang mga sumusunod:

panyo punda ng unan

Kagawaran ng Edukasyon R02 48


Gawain 3
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang

____________1. Yari ito sa metal o plastik. Isinusuot ito ang gitnang daliri.
____________2. Matalas at makinis, ang butas ay mahaba at manipis din.
____________3. Dalawang bilog na yantok o kawayan na pinagsusukob
upang banatin ang telang binuburdahan.
___________ 4. Ginagamit na pambutas sa mga disenyong nangangailangang
butasin tulad ng eyelet.
____________5. Iniaangkop sa telang buburdahan, ito ay malambot, makintab
at maluwang ang pagkakapilipit ng hibla.

Kagawaran ng Edukasyon R02 49


Aralin Bilang: 22 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
1. Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbuo ng proyektong pagbuburda.
2. Napahahagalahan ang natapos na proyekto

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Sa bawat kahon ay may mga larawan. Isulat sa tapat nito kung anong
uri ng pagbuburda ang angkop dito.

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2
Sagutin ang mga tanong ng Tama o Mali.

_____ 1. Itinutusok ko ang karayom sa aking baro.


______2. Naghuhugas ako ng kamay bago magburda.
______3. Naglalaro ako habang gumagawa upang hindi mainip.
____________4. Ang thimble ay ginagamit upang hindi matusok ang daliri.
______5. Ginagamit ko ang aking mga ngipin sa pagputol ng sinulid
upang mapadali ang paggawa.

Kagawaran ng Edukasyon R02 50


Gawain 3
Isulat sa patlang kung anong tahing burda ang tinutukoy .

_____________1. Butasan ang gitna ng bilog sa pamamagitan ng stiletto


hanggang sa umabot sa gilid ng bilog.
_______2. Gumawa ng pare-pareho at sunud-sunod na tahi pabalik sa
dulo ng kalahating naunang tahi. Laging isaisip na ang
sinulid ay dapat nakapanatili sa iisang panig.
_______3. Bunutan ng sinulid ang tela ayon sa kailangang lapad o
haba.
______ 4. Takpan ang disenyo ng tuwid na pahilis na tahi. Gawing
magkaagapay ang tahi o magkakatabi at hindi patung-
patong
_______5. Ito ay ginagamit na pamuno sa mga puwang na disenyo.

Kagawaran ng Edukasyon R02 51


Aralin Bilang: 23 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbuo ng proyekto.

Mungkahing Proyekto
Pangalan ng Proyekto: Binurdahang Punda ng Unan

Mga Layunin
1. Makagawa ng iba’t ibang tahing burda tulad ng baynika, slip, hinating satin,
eyelet, buhol pranses, at balangkas nang wasto at maayos,
2. Makasunod sa mga pangkalusugan at pangkaligtasan gawi ng pagbuburda.
3. Maipakita ang kawilihan sa pagbuburda.
Guhit/krosis

Mga Kailangan (Mga materyales) Mga kagamitan


1 yardang telang koton Didal stilleto
Sinulid na pamburda Panahian karayom na pamburda
Gunting bastidor
Paraan ng Paggawa
Paghahanda ng tela
Ibabad ang tela nang dalawang oras o higit pa.
Isampay at patuyuin
Banating mabuti at plantsahin

A. Pananahi ng punda
1. Markahan ng limang sentimetro ang isang pahalang na dulo ng punda.
2. Hugutan ng lima hanggang walong sinulid mula sa marka.
3. Itupi ang isang sentimetro ang unang lupi ng bukas na gilid ng punda.
4. Ituping muli ang apat na sentimetro hanggang sa may hangganan ng
hinugutan ng sinulid. Iaspili at ihilbana.
5. Itiklop ang punda ng karayagan.
6. Markahan ng ½ sentimetro ang dalawang pahabang gilid at isang
pahalang ng gilid. Ihilbana.
7. Tahiin sa makina at baligtarin.
8. Markahan ng isang sentimetro iaspili at ihilbana.
9. Tahiin sa makina
B. Pagbuburda ng punda
1. Ilipat ang disenyo sa punda sa pamamagitan ng pagtatatak.
2. Burdahan ang disenyo ng angkop na tahing burda.
a. Balangkas d. slip
b. Hinating satin e. Eyelet
c. Buhol pranses f. baynika

Kagawaran ng Edukasyon R02 52


Mungkahing Gawain

Gawain 1
Ayusin ang mga paraan ng paghahanda ng tela sa gagawing proyekto
sa pagbuburda.
_____ 1. Banating mabuti
_____ 2. Ibabad ang tela ng dalawang oras o higit pa.
_____ 3. Plantsahin
_____ 4. Isampay at patuyuin
_____ 5. Ilagay sa malinis na Sewing Kit

Gawain 2
Buuin ang nakalahad na plano ayon sa uri ng proyektong gagawin.

Gumawa ng sariling Mungkahing Proyekto sundin ang balangkas.


Plano ng Proyekto

I. Pangalan ng Proyekto
__________________________________________________

II. Mga Layunin


__________________________________________________

III. Guhit/ Krosis


__________________________________________________

IV. Mga Kailangan


A. Mga Materyales
____________________________________________________
___________________________________________________

B. Mga Kagamitan:
____________________________________________________
____________________________________________________

V. Paraan ng Paggawa:
A. Paghahanda ng Tela
____________________________________________________
____________________________________________________

B. Pananahi ng punda
____________________________________________________
____________________________________________________

C. Pagbuburda
__________________________________________________
__________________________________________________

Kagawaran ng Edukasyon R02 53


Aralin Bilang: 23 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na layunin
Nakapagtutuos ng gastos at kikitain kapag naipagbili ang proyekto.

Mga hakbang sa pagtutuos ng gastos at kikitain sa ginawang proyekto.

A. Tala ng mga Kagamitan


1 metro ng katsa P 25.00
Sinulid na pamburda 15.00
Sinulid na panahi 5.00
Bayad ng serbisyo 15.00
Kabuuang Halaga P60.00

B. Puhunan P60.00
Bahagdang Ipapatong 15%
Halagang Ipapatong 9.00

C. Kabuuang halaga P60.00


Halagang ipapatong 9.00
Halaga ng pagbenta P69.00

Mungkahing Gawain

Gawain
Itala at kwentahin ang nagastos mo sa paggawa ng proyekto sa
pagbuburda.Kung ito ay iyong ipagbibili, magkano ang iyong kikitain?

Kagawaran ng Edukasyon R02 54


Aralin Bilang: 25 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Nakapipili ng materyales na kailangan sa paggagantsilyo at paraan ng
pangangalaga nito.

Mga Kagamitan sa Paggagantsilyo at Paraan ng Pangangalaga Nito

Upang maging maganda at maayos ang paggagantsilyo, kailangang


maging wasto at angkop ang mga kagamitang gagamitin. Dapat mong
malaman ang mga katangian ng mga kagamitang bibilhin. Narito ang mga
dapat mong tandaan sa pagbili ng kagamitan.

Kawit o “Crochet Hook”– ang kawit ay yari sa metal na mahaba na


may kawit sa dulo. Ang kawit ay may iba’t ibang laki na makikilala ayon sa
kanilang bilang. Ang kawit na may mababang bilang ay makapal at nagiging
pino habang palaki ang bilang. Ang magandang kawit ay madulas at makinis
ang dulo, bilugan ang hawakan at malapad sa gawing gitna. Ito ay may
katamtamang bigat upang hindi mangawit kaagad ang gumagamit nito.
A.
Sinulid – ang sinulid na panggantsilyo ay may iba’t ibang kulay at
laki. Maaari itong mabili nang nakakarete, bola at madeha (skein). Yari rin
ito sa iba’t ibang material tulad ng koton, estambre, yarn, at nylon. May
magaspang at may pinong sinulid na panggantsilyo.

Gunting, pamunas kamay at panuto – ang mga kagamitang ito ay


mahalaga sa paggagantsilyo. Ang gunting ay ginagamit sa pagpuputol ng
sinulid. Ang pamunas kamay ay kailangan lalo na kung nagpapawis ang
kamay upang hindi madumi ang gawa. Ang panuto naman ang siyang
sinusundan upang makagawa ng isang bagay na yari sa gantsilyo.

Kagawaran ng Edukasyon R02 55


Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Karayom

Sa pagbili ng mga gagamitin sa paggagantsilyo, dapat tandaan ang mga


sumusunod:

1. Magkatugma ang laki ng sinulid at laki ng kawit. Kapag malaki ang kawit
kaysa sa sinulid, maluwang ang gawa. Kapag maliliit, masikip ang gawa.
2. Dapat ang sinulid ay hindi kumukupas, ito ay dapat na makintab, makinis, at
hindi maluwang ang pagkakapilipit.
3. Bumili ng subok na at may mahusay na tatak.

Pangangalaga ng mga kagamitan

Ang mga kagamitan ay nagtatagal kung marunong mangalaga at mag-ingat


ang gumamit nito. Narito ang ilang paalala upang mapangalagaan ang mga
kagamitan sa paggagantsilyo.
1. Punasan ang kawit bago takpan.
2. Gamitin ang kawit para sa paggagantsilyo lamang.
3. Maglaan ng lalagyan ng sinulid upang hindi ito madumihan.
4. Hawakan ang sinulid na malinis ang mga kamay.
5. Simulang hugutin ang sinulid sa gitna kung bola ng sinulid ang
gamitin.

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Ibigay ang gamit ng mga kagamitan sa paggagantsilyo.

Kawit o Crochet Hook


Kawit-sinulid Sinulid

Gunting Pamunas ng kamay

Kagawaran ng Edukasyon R02 56


Gawain 2

Tama o Mali: gumuhit ng masayang mukha  kung TAMA at malungkot na


mukha  kung MALI.

_____1. Magkatugma ang laki ng sinulid at laki ng kawit.


_____2. Piliin ang sinulid na madaling kumupas.
_____ 3. Bumili ng subok na at may mahusay na tatak.
_____4. Hawakan ang sinulid na malinis ang kamay.
_____5. Gamitin nag kawit sa iba’t-ibang gawaign kamay.

Kagawaran ng Edukasyon R02 57


Aralin Bilang: 27 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbuo ng proyekto sa paggagantsilyo.
.
Mga Tahing Gantsilyo
Popcorn (pc) – ang popcorn ay binubuo ng lima o higit
pang tatluhang gantsilyo na ginagawa sa iisang butas.
Pinagkakabit ang una at huling tatluhang gantsilyo sa
pamamagitan ng slip. Matambok ang labas nito at
anyong binusang mais na di gaanong pumutok.
Nahahawig ito sa cluster, lamang tapos ang lahat ng
tatluhang gantsilyo at iisa ang tusukan.
Paraan ng Paggawa ng Popcorn
1. Gumawa ng 10 ch. Gumawa ng 5 tr, sa ika-5 kadena (ch)
2. Alisin ang kawit at iwan ang huling tataluhang gantsilyo (tr). Ilusot ang
kawit sa unang tr.
3. Kawitin ang iniwang sinulid at idaan o ipasok sa sinulid na may kawit.
4. Kumawit uli ng sinulid at higpitan nang tumambok ang popcorn.

Cluster (cl) – ang cluster o kumpol ay binubuo ng tatlo


o higit pang hindi tapos na tatluhang gantsilyo (tr) sa
iisang butas o dili kaya sa ibabaw ng bawat butas na
magkakasunod.

Paraan ng Paggawa ng Cluster o Bungkos


1. Gumawa ng 15 kadena (ch). Iikot (thread over) nang dalawang ulit ang
kawit sa sinulid bago itusok sa ikalimang kadena mula sa kawit.
2. Kumawit ng sinulid upang maging apat ang silo sa kawit.
3. Kumawit ng sinulid at ilusot sa dalawang silo.
4. Kumawit muli ng sinulid at ilusot sa dalawa pang silo. May maiiwang
dalawang silo sa kawit.
5. Ulitin ang hakbang 1,2,3 nang dalawa pang ulit. May limamng silo sa
kawit at di-tapos na tatluhang gantsilyo (tr).
6. Kumawit muli ng sinulid at ipasok o ilusot sa lahat ng silo sa kawit.
7. Kumawit muli ng sinulid at ilusot sa butas upang mabungkos ang mga
tatluhang gantsilyo. Ito ang unang cluster o bungkos.

Kagawaran ng Edukasyon R02 58


Kabibe (sh) – ito ay binubuo ng lima o pitong
dalawang gantsilyo (dc) o tatluhang gantsiyo (tr) na
ginagawa sa iisang butas o lugar na nag-aanyong
pamaypay o kabibe. Maaari rin itong lagyan ng
kadena sa gitna upang magmukhang hinating kabibe.

Paraan ng Paggawa ng Kabibe


 Gumawa ng 15 kadena (ch). Gumawa ng 5 tatluhang gantsilyo (tr) sa
ikaanim na kadena mula sa kawit.
 Lumaktaw ng 3 (ch). Slip (sl.) sa ikaapat na kadena upang bumuka at
magmukhang kabibe.
 Kung hating kabibe ang gagawin, lagyan ng 3 ch. sa pagitan ng ikatlo
at ikaapat na tatluhang gantsilyo.

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Isagawa nang aktuwal ang mga tahing gantsilyo gamit ang mga iba’t
ibang paraan sa paggagantsilyo.

popcorn kadena

cluster isahang gantsilyo


(sc)

Kagawaran ng Edukasyon R02 59


kabibe slip (sl)

tatluhang gantsilyo(tr) dalawahang gantsilyo(dc)

Pagwawasto sa Gawain

Puntos Batayan
Nasunod ang tamang hakbang sa paggawa ng
5
batayan ng tahi nasa paggagantsilyo
Katamtaman ang pagsasagawa sa batayan ng
4
tahi sa paggagantsilyo
Hindi nasunod ang pagsasagawa sa batayan ng
3
tahi sa paggagantsilyo

2 Naumpisahan ang gawain

0 Walang nagawa

Kagawaran ng Edukasyon R02 60


Aralin Bilang: 27 Bilang ng Araw: 1

Tiyak na Layunin
Napahahalagahan ang natapos na proyekto sa paggagantsilyo.

Mungkahing Gawain

Gawain 1
Gamitin mo ang score card sa pagsusuri at pagpapahalaga sa natapos na
gawain.

Iskor Kard sa Pagmamarka


Kabuuang
Mga Batayan Sariling Antas
Antas

A. Gawi sa paggawa
1. Naghugas ng kamay bago gumawa. 5
2. Gumamit ng sariling kagamitan. 5
3. Wasto ang tikas ng katawan habang 5
gumagawa.
4. Napanatiling maayos at malinis ang 5
lugar habang gumagawa.

B. Pagkabuo ng Proyektong Ginantsilyo


1. Nasunod ang batayang hakbang sa 10
pagsasagawa ng tahing gantsilyong
napili.
2. Angkop ang higpit ng tahing gantsilyo. 10
3. Pare-pareho ang laki ng mga tahing 10
gantsilyo.

C. Kabuuang Anyo 10
1. Malinis at maayos ang pagkagawa 10
2. Naipakita at napanatili ang hugis ng
motif

10
3. Matibay ang pagkakakabit ng mga motif 10
4. Wasto ang pagkakasara. 10
5. Mahusay at makalidad ang proyektong
nabuo.
Kabuuan 100

Kagawaran ng Edukasyon R02 61


Kagawaran ng Edukasyon R02 62

You might also like