Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang mapangtukso na Pusa

May isang pusang nagngangalang si MingMing. Mayroon siyang tatlong kaibigang sina
MikMik, Miki at MiMi. Maluwat nang magkaibigan ang mga pusa. Hilig nilang
mamasyal o kaya ay maglaro lalo na kapag maganda ang araw at ang simoy ng hangin.

“Magandang Umaga Kuni.” Bati ng mga ito sa kanilang kaibigang kuneho.

“Magandang Umaga rin!” masayang sabi nito sa mga pusa bago sila nagpatuloy sa
paglalakad.

“Magandang Umaga sa inyo.” Bati naman ng kanilang Kaibigang (anak na kambing) na


si SeSi.

“Magandang Umaga SeSi!” masiglang sabi nila sa (anak na kambing).

Habang masaya ang mga pusa sa kanilang pamamasyal, may nakita silang isang pusa
na nakaupo sa isang banda. Mukha itong malungkot. Naisip ni MiMi na puntahan ang
pusa kaya’t sinabi niya ito sa kanyang mga kaibigan. At pumayag naman sila kaya
pinuntahan nila ang pusa maliban kay MingMing. Mukhang hindi niya ito gusto.

“Magandang Umaga. Ano ang iyong pangalan?” sabi ni Miki sa pusa saka ito ngumiti.

“Ako si MayMay.” Mahinang sabi nito na silang mga pusa lang ang makakarinig.

“Ikinagagalak ka naming makilala. Ako si MikMik at sila ay sina Mingming, MiMi at


Miki.” Sabi nito okay MayMay habang tinuturo kung sino ang tinutukoy niya.

“Bakit mag-isa ka lang dito? Wala ka bang kasama?” tanong ni MikMik.

“Baka naman kasi hindi maganda ang ugali.” Pabulong na sabi ni MingMing. Akala niya
ay siya lang ang nakadinig pero narinig siya ni MiMi.

“MingMing, huwag kang ganyan. Hindi mo pa siya lubos na kilala. Maaring mali ang
iyong iniisip.” Sabi nito. Hindi naman umimik si MingMing at ngumiti lang ito ng
kaunti.

“Ahh.. Wala akong kasama. Wala nga rin akong kaibigan. Bago lang ako dito sa lugar
na ito.” Sagot ni MayMay sa tanong ni MikMik.

“Ganun ba? Bakit di ka nalang sumama sa amin?” tanong ni Miki sa pusa.

“Bakit pa?” bigla namang bulong ni MingMing kay Miki.

“Ayaw mo yun? Mas marami mas maganda!” sagot ni Miki. Palihim naming napairap si
MingMing.

“Ano MayMay? Gusto mo ba?” tanong ni MiMi.


“Oh sige. Papayag na ako.” Sabi nito saka ngumiti sa kanila. Malawak din naming
ngumiti ang magkakaibigan maliban kay MingMing na peke ang ngiti. Sinama nila si
MayMay at nagpatuloy sila sa pamamasyal.

“Ang bait-bait nila kay MayMay. Nakalimutan na ata nila ako.” Malungkot na sabi ni
MingMing sa kanyang isipan.

Kinabukasan,

Ang mga magkakaibigang pusa, kasama na ang bago nilang kaibigang si MayMay ay
nagkita-kita sa lugar kung saan nila unang nakita si MayMay upang maglaro.

“Oh, ano ang gusto ninyong laruin?” tanong ni MingMing.

“Habol-habulan!” masiglang sabi ni Miki.

“Sige. Sino ang taya?” biglang tanong ni MiMi.

“AKO!!!” sabi ni MayMay tsaka ito ngumiti.

“Oh sya, pagbilang ko ng tatlo, tatakbo na tayo. Isa……. Dalawa……. TATLO!!!!”


pagkasigaw na pagkasigaw ni MikMik ay nagsimula ng tumakbo ang mga pusa.
Sinimulan narin ni MayMay ni maghabol.

Habang naghahabulan sila, biglang nadapa si MayMay.

“Aray!!” inda ni MayMay.

“Mahina ka pala eh! Isa kang lampa!” tukso ni MingMing sa pusa na ikinagulat ng mga
kaibigan niya.

“MingMing! Hindi maganda ang iyong ginagawa. Nakakasakit ka ng damdamin.” Sabi ni


MiMi. Napairap na lang si MingMing. Umiling naman si Miki dahil sa kadismayahan.

“Hindi, ayos lang sa akin.” Sabi ni MayMay at nginitian niya si MiMi. Napasimangot
naman si MingMing.

“Ano ba naman!” sabi nito sa kanyang isipan.

“Oh sige na.Ipagpatuloy na natin ang paglalaro.” Biglang sabi ni MikMik. Kaya naman
ay ipinagpatuloy nila ang paglalaro.

Nang sila ay natapos na, napagdesisyunan nilang pumunta sa batis para makainom at
makapagpahinga.

Habang umiiinom si MingMing, biglang lumapit si MayMay sa kaniya.

“Pwede bang makiinom ako? Nauuhaw na ako.” Tanong niya.

“Hindi pwede. Kita mong umiiinom pa ako eh. Mamaya nalang kapag tapos na ako.”
Masungit na sabi ni MingMing. Nakita ito ng mga kaibigan nila at napailing sila. May
mali kay MingMing.
Ngumiti pa rin si MayMay kay MingMing kahit na inirapan siya nito.

Nang matapos ito sa paginom, sumunod naman si MayMay. Pasimple niya itong
binangga ng kaunti kaya’t muntik na itong matumba. Buti na lamang ay nakontrol niya
kaya ay hindi itoo natumba. Palihim namang napangisi si MingMing. Pero sabi nito sa
kanyang isipan, “Sayang! Hindi pa siya natumba.”

Habang papunta ito sa kanyang mga kaibigan ay biglang pumunta sina MikMik at
MiMi kay MayMay para makiinom. Lumungkot ang mukha ni MingMing. Nang
nakarating na ito kay Miki ay nagtanong ito.

“Anong nangyari kila MikMik at MiMi? Iniiwasan ba nila ako?” malungkot na tanong
nito. Pero umiling-iling lang si Miki.

“Hindi ka ba iinom?” tanong ni MingMing kay Miki.

“Hindi. Hindi ako nauuhaw.” Sabi ni Miki. Pero naisip ni MingMing na parang may mali
sa tono ng kanyang kaibigan. Nagtataka siya sa tatlong kaibigan niya dahil sa mga
kilos nila. Pero hinayaan na lang muna ito.

Nang matapos na silang uminom ay nagsimula na silang magtungo sa kanilang tahanan.

Nang sumunod na araw ay nagkita-kita ulit sila sa tagpuan nila.

“Mga Kaibigan! Nandito na ako.” Masayang bati ni MingMing ngunit hindi siya
pinansin ng mga kaibigan niya. Nakita naman niyang paalis na ang mga kaibigan niya
na hindi man lang siya tinawag. Lagi naman siyang tinatawag ng mga ito ngunit
nagbago ngayon. Hindi na lang siya sumama sa mga ito. Naisip naman niyang puntahan
ang kaibigan nilang kuneho na si Kuna.

“Maligayang Umaga sa iyo Kuna!” bati nito sa kuneho.

“Maligayang Umaga rin MingMing.” Sabi naman nito at ilang saglit lang ay nagtaka
ito.

“Bakit mag-isa ka lang? Nasaan sila MiMi? Bakit di mo sila kasama?” Dire-diretsong
tanong nito sa pusa.

“Hinay-hinay lang kaibigan, mahina ang iyong kalaban.” Pa biro nitong sabi kaya
natawa si Kuna.

“Pero seryoso, bakit nga?” muli nitong tanong. Bigla naming lumungkot ang mukha ni
MingMing.

“Iniwan nila ako.Hindi nila ako pinansin nila. Parang may mali eh Nalulungkot ako
dahil pakiramdam ko iniiwasan na nila ako.” Habang sinasabi niya ang mga ito ay
tumulong luha sa kanyang maaliwalas na mukha.

“Huwag kang umiyak kaibigan.” Nginitian niya si MingMing. “May nagawa ka bang
hindi maganda?” tanong nito sa pusa.
Napaisip naman bigla si MingMing. Bigla naming nagbalik sa kanyang alala ang
kanyang mga nagawa kay MayMay. Napagtanto niyang hindi maganda ang mga nagawa
niya.

“Mayroon Kuna. Tinukso ko ang aming bagong kasama na si MayMay. Ang sama sama
ko.” Pagkasabi niya ay tumulo na naman ang mga luha sa kanyang mukha. Kinuwento
niya ang lahat ng kanyang nagawa kay MayMay

“Hindi ka masama MingMing. Baka ay nadala ka lang sa iyong emosyon. Maaring dala
ito ng inggit o selos.” Tugon ni Kuna.

“Tama ka Kuna. Nainggit ako kay MayMay dahil ang bait sa kanya ng aking mga
kaibigan. Nainggit ako sa kanya kaya siguro ay nagawa ko ang mga iyon.Paano ko ba
maibabalik ang lahat sa normal, kung saan masaya kaming namamasyal at naglalaro?”
tanong nito.

“Humingi ka ng tawad hindi lang kay MayMay kung hindi pati na rin sa iyong mga
kaibigan. At alisin mo na ang inggit sa iyong puso. Hinding magandang bagay ang
pagiging mainggitin sa kapwa. Maari kang makagawa ng hindi maganda katulad ng
iyong mga nagawa. At maari ka ring makasakit ng dadamdin ng iba.” Paliwanag ni Kuna
sa pusa.

“Sige gagawin ko ang iyong sinabi.” Sabi ni MingMing saka ngumiti kay Kuna.

“Buweno, halika na at puntahan na natin sila. Maaring nasa batis sila.” Sabi nito at
ngumiti ito pabalik kay MingMing. At nagsimula na nga silang maglakbay patungo sa
batis. At tama nga ang hinala ni Kuna. Nandoon sila at masayang naguusap-usap.

“Mga kaibigan, may gustong kumausap sa inyo.” Sabi ni Kuna.

“Sino itong gustong makipag-usap sa amin?” tanong ni MikMik. Bigla namang lumitaw
si MingMing. Hindi naman kumibo ang kanyang mga kaibigan.

“Maari ko ba kayong makausap?” tanong ni MingMing.

“Sige. Sabihin mo na ang iyong gustong sabihin.” Sabi naman ni MiMi. Bigla namang
may tumulong luha sa mukha nito pero hindi niya ito ipinahalata sa kanila.

“Aking mga kaibigan, ako’y humihingi ng tawad sa aking nagawa, lalong lalo na sa iyo
MayMay. Hindi ko napagtanto na mali na pala aking mga nagawa sa iyo. Hinusgahan
din kita agad kahit di pa kita lubos na kilala. Napuno ng inggit ang aking puso. MiMi,
MikMik, at Miki, humihingi rin ako ng tawad sa inyo. Dahil sa nagawa ko ay alam kong
biglang nagbago ang tingin ninyo sa akin at alam kong galit kayo sa akin. Hindi na ito
mauulit. Ayos lang sa akin kung hindi na ninyo ako matatanggap bilang kaibigan pero
hinihiling ko lang na mapatawad ninyo ako.” Mahabang salaysay nito habang patuloy
ang pagtulo na kanyang luha.

Nagkatinginan naman ang apat na pusa saka tumango si MikMik. Ngumiti naman sila
kay MingMing.
“At sino naman ang nagsabi na hindi ka namin matatanggap?” tanong ni Miki.

“Anong ibig ninyong ipahiwatig?” naguguluhang tanong ni MingMing. Mahina namang


napatawa si MiMi.

“Oo nagalit kami sa iyo dahil sa nagawa mo. Hindi nga iyon maganda. Nagalit kami
dahil ang gusto lang naman naming ay maging kaibigan natin si MayMay pero iba ang
nangyari sa iyo. Nagalit kami dahil may nagbago sa iyo. Hindi ka naman nangtu-tukso
dati pero nagawa mo ito kay MayMay kaya nagalit kami at umiwas kami sa iyo” Sabi
ni MiMi. Lumungkot ang mukha ni MingMing.

“Pero MingMing, natutuwa kami at nagawa mong matanto sa sarili mo na mali ang
iyong nagawa at heto ka ngayon humihingi ng tawad sa amin.” Sabi naman ni MikMik.

“Ako ang dahilan kung bakit siya nandito!” pabirong pahabol na sabi ni Kuna na
ikinatawa nila Miki.

Lumapit naman si MayMay kay MingMing at ngumiti ito.

“Huwag ka nang umiyak MingMing. Pinapatawad na kita. Pinapatawad ka na namin.


Alam kong nadala ka lang sa iyong emosyon kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon.
Kaya tahan na.” sabi ni MayMay.

“At tinatanggap ka pa rin namin.” Sabi ni Miki.

“Talaga?? Ibig sabihin ba nun ay magkakaibigan pa rin tayo?” hindi makapaniwalang


sabi ni MingMing.

“Oo naman. Magkakaibigan tayo ano man ang mangyari diba?” sabi ni MikMik saka
ngumti.

“YEYYYYYY!!!” masayang sabi ni MingMing.

“Oh dali yakap yakap tayo!” sabi ni MiMi.

“Saliii akoooo!!” sigaw ni Kuna. At nagyakapan silang magkakaibigan.

At namuhay sila ng mapayapa at masaya, bilang magkakaibigan.

~WAKAS~

Ang Aral: Huwag kang magtu-tukso sa iyong kapwa dahil maari kang
makasakit ng damdamin. At ang hindi maganda ay maari ka ring
mawalang ng mga/ kaibigan. Huwag ka ring manghuhusga ng ibang
tao kung hindi mo pa sila lubos na kilala dahil maaring mali ang iyong
hinala. At maari mo rin silang masaktan.

You might also like