Maituturing na isa sa salik na nakakaimpluwensiya sa intelektwal at pag-iisip.
Nakahuhubog ang katauhan, nagiging responsableng indibidwal sa pagharap sa hamon sa buhay. Itoý daan at tungo sa pagkamit ng tagumpay sa minimithing buhay. Itoý sandata ng tao upang labananan ang kamangmangan at maisulong ang karunungan. MGA PAGPAPAKUHULUGAN SA PAGBASA LEO JAMES- Ang pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita. KENNETH GOODMAN- Ang mambabasa ay siyang nagbibigay hinuha at kahulugan sa nilalaman ng teksto. COADY- Kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa upang maiugnay sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto, kaisipan at kasanayan. URGUHART AT WEIR- Isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyon nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum. DR. JAMES CONAN- Pundasyon ng edukasyon. STEVENSON- Daan para sa panibagong karanasan TOZE- Daan sa kabatiran at karunungan. LAPP AT FLOOD- Pagkilala ng nakalimbag na sagisag at pagbibigay kahulugan nito. FRANCIS BACON- Likas na bahagi ng pag-unlad. RUSSEL- Paraan ng pagpapaunlad ng sarili. VILLAMIN- Mahalaga sa kaalaman ng mga kabataan. LALUNIO- Isang proses na nangangailangan ng pag-iisip, pagpapahalaga, pagpapasya, pagwawangis at paglutas ng suliranin. LORENZO- Tiyak at madaliang pagkilala ng ayos at pagkasunud-sunod ng mga salita para makabuo ng kahulugan. CHESTERFIELD- Ang taong nagbabasa ay taong nangunguna. GOODMAN- Ang pagbasa ay larong pahulaan. MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA “Huwag kang magbasa gaya ng mga bata upang libangin ang sarili o gaya ng mga matatayog ang pangarap upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay”ni Gustave Flaubert (Manunulat ng Realismong Panitikan sa Pransiya) MGA TEORYA SA PAGBASA Teorya sa Pagbasa- Pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag ang proseso at salik na kasangkot. TEORYANG ITAAS-PABABA (TOP-DOWN)- “Inside out” o “conceptual driven”. Ang impormasyon ay nagmula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994). Ang pag-unawa ay nagsimula sa mambabasa patungo sa teksto (Wholistic Process). TEORYANG IBABA- PATAAS (BOTTOM-UP)- Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram, o iba pang simbolo. ‘’Outside-in” o “data driven”. Ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa. Ayon kay Smith (1994) ang impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto. TEORYANG INTERACTIV- Kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (Mc Cormick, 1998). Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. TEORYANG ISKEMA- Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa. Ang iskema ay nadaragdagan, nalilinang, nababago at napauunlad. HAKBANG SA PAGBASA (WILLIAM GRAY) PERSEPSYON/PAGKILALA- Kakayahan na mabigkas at pagkilala sa mga salita gamit ang simbolo. PAG-UNAWA- Higit sa pag-unawa ng mga salita, pangungusap at talata. REAKSYON- Kakayahang mahusgahan ang binasang teksto. ASIMILASYON/INTERAKSYON- Kakayahang pagsasama at pag-uugnay ng nakaraang karanasan patungo sa kasalukuyan. IBA’T IBANG URI NG PAMAMARAAN SA PAGBASA ISKIMING O PAGBASANG PAHAPYAW- Mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya ng buong teksto. Una at huling pangungusap na makikkita sa talata lamang ang binabasa. ISKANING O PAGBASANG PASURI- Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impormasyon. Pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon. (Term paper at riserts) PREVIEWING- Ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Pagtingin sa konteksto ng iyong babasahin. (Table of contents) RE-READING O MULING PAGBASA- Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagbuo ng pahayag. PAGTATALA- Pagbasang may kasamang pagtatala. PAGBUO NG PREDIKSYON O HINUHA- Bumubuo ng palagay o implikasyon. PAGLALAHAT O PAGLALAGOM- Pagbubuo, pagbabalangkas at pagtatala. PAGBUO NG KONKLUSYON- Obserbasyon, pinakamensahe ng binasa at maiuugnay sa sarili at lipunan. PAGSUSURI AT PAGKILALA NG MGA IDEYANG KATOTOHANAN AT OPINYON- Pagkilala sa pinagkaiba ng totoo sa opinyon base sa mga karamputang ebidensya. PAGKILALA SA HULWARAN O ISTILONG GINAMIT NG AWTOR SA PAGSUSULAT- Paraan upang maipahayag ang kaalaman ng teksto. (Lalim ng salita)