Professional Documents
Culture Documents
Interpretatibo
Interpretatibo
Interpretatibo
LAHAT(KANTA): KAPAYAPAAN….
LAHAT: Ibayong Pagbati Sainyong Lahat
KARMELA AT 7: Sainyong Lahat!
JASMINE at EMBER: Sainyong Lahat!
Lahat: Kami ay nagsadya rito upang kayo ay matuto sa aming ihahandog sainyo na talagang tatak sa inyo nang
husto! Gusto niyong malaman kung paano? Pwes! Manood kayo at mamangha sa aming itatanghal sa inyo!
TALUMPATI(ANGELA): Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar. Ito ang ating gabay
sa pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ekspresyon, ideya, mga pananaw at opinyon,
wika ang ating gamit. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating mga mensahe, sa panulat
man o sa pananalita.
Sa paglinang at paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang instrumentong gamit sa anumang
uri at antas ng paaralan. Magmula sa ating simpleng abakada hanggang sa pagtatapos ng ating mga propesyon,
wika ang tanging gabay at naging patnubay ng ating mga guro.Sa gitna ng anumang sigalot, away at maging sa
digmaan, wika ang pinakamalakas na sandata.