Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang bayan kong Mahal

ni: Emmanuel B. Guillermo

Ang pagmamahal sa bayan, may kanya kanyang antas may kanya kanyang pamaraan kung paano
maihahayag. Wala itong sukatan ng katayuan sa buhay maging siya’y mayaman o pulubi sa lansangan.
Ang pagmamahal sa bayan ay nadudungisan lamang nang labis na pag-iimbot sa salapi at kayamanan na
siyang tuluyan sumisira sa damdamin nagmamahal sa bayan. Niyuyurakan ang karapatan at pagkakataon
nang kapwa na makaangat sa kinatatayuan antas sa lipunan. Ang mga magnanakaw ay nagmamahal din
sa bayan, katulad nang mga sinungaling na pilit tinatakpan ang mga katotohanan huwag lamang
mabunyag pagiging gahaman sa salapi at kayamanan, lalo na at ito ay galing sa kabanbayan. Aminin na
natin, masakit pero totoo, na tayong mga Pilipino ay nagiging westernized o napapairal ang Colonial
Mentality sa iba’t- ibang mga pamamaraan.

Sa pagbili at pagtangkilik ng mga produkto, binibili ba natin ang mga produktong gawang sariling atin o
yung mga stateside? Ang ating mga palabas sa telebisyon, may mga ideyang galing sa kanluran o sa
ibang bansa at nilalagyan lamang ng salitang Pinoy o kaya Pilipinas para magawan ng sariling bersyon.
Panay na rin ang import ng mga koreanovela, tsinovela, at anu pa mang mga nobela galing sa ibang
bansa. Kahit ang mga tugtugin sa radyo at mga music channels sa ating bansa ay pinamamayagpagan ng
mga banyaga. Ngunit hindi lamang ito ang sukatan sa pagmamahal sa bansang iyong pinanggalingan.
Lahat ng pilipino ay nagmamahal sa kangyang bayan pinagmulan. Ito ay damdamin hindi dapat
pasubalian, kahit na gaano kataas antas ng pinag-aralan.

You might also like