Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Buod ng El Filibusterismo

Palihim na umalis ng bahay si Basilio. Nagtungo siya sa matandang kagubatan na


pag-aari nina Ibarra na ngayon ay pag-aari na ni Kapitan Tiyago. Dinalaw niya ang libingan ng
kanyang ina. Naisip ni Basilio ang nangyari sa kanya sa loob ng 13 taon. Naging alilang-kanin
siya kina Kapitan Tiyago kapalit ng kanyang pag-aaral at ngayon ay nakatakda na siyang magtapos
ng kursong medisina. Paalis na si Basilio nang makarinig siya ng ingay at nakilala niya ang taong
dumating na dating tumulong sa kanya para mailibing sa lugar na iyon ang kanyang ina.

Ikinabigla ni Basilio ang pagkakakilala kay Simoun. Natuklasan niya ang lihim ng
tinatawag nilang Amerikanong Negro. Naisip ni Simoun na patayin si Basilio dahil nalaman na
niya ang kanyang lihim subalit nagbago ang isip niya. Hinikayat ni Simoun si Basilio na makiisa
sa balak ng una sa paghihiganti dahil kapwa sila uhaw sa katarungan subalit hindi sumang-ayon si
Basilio. Tumanggi si Basilio sa alok ni Simoun lalo na’t may petisyon na ang mga mag-aaral
hinggil sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa
dahil sa kanilang magkaibang pananaw. Naghiwalay ang dalawa sa pagsasabi ni Simoun na alam
ni Basilio kung saan siya pupuntahan kung sakaling magbago ang kanyang isip.

Nagsama-sama sa pansiterya ang mga estudyante upang ibuhos ang kanilang sama
ng loob sa kinahinatnan ng akademya na kanilang nilalakad. Samantala, walang kamalay-malay
si Basilio sa nangyayari sa pansiterya dahil iniisip niya ang pagtatapos niya ng medisina.

Kinabukasan, may mga nakatakdang gagawin si Basilio. Nang siya ay magpunta


sa unibersidad, sarado ang lahat ng mga paaralan dahil sa mga paskin. Naisip niya na magpunta
kina Macaraig subalit may mga bantay roon at hindi sukat akalain ni Basilio na siya ay darakpin.
Nabilanggo ang mga estudyante na kasama sa salo-salo.

Samantala, hindi malaman ni Huli kung saan kukuha ng salapi na pampiyansa kay
Basilio. Kumapit sa patalim ang dalaga sa pamamagitan ng paghingi ng tulong kay Padre Camorra.
Sa kasamaang palad, hindi na nakitang lumabas pa ang dalaga sa kumbento sa halip isang babae
ang tila baliw na lumabas ng kumbento matapos ng pagtalon ng isang dalaga sa bintana ng
kumbento.
Kasama sa mga nabilanggong estudyante si Isagani. Naging dahilan ito upang
mapakasal si Paulita Gomez na kanyang kasintahan kay Juanito Pelaez. Si Simoun ang naging
punong-abala sa gaganaping kasalan.

Matapos makalaya ni Basilio, nalaman niya ang pagkamatay ng kanyang


kasintahang si Huli. Nawalan ng saysay ang kanyang buhay kaya ninais niya na maghiganti sa
kasawiang naranasan. Pinuntahan niya si Simoun. Ang lahat ng tuwid na paniniwala ni Basilio ay
nabaluktot. Ipinagtapat naman ni Simoun kay Basilo ang kanyang binabalak na pagpupurga gamit
ang lampara.

Laking gulat ni Basilio nang makitang ikinasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Naawa siya sa kaibigang si Isagani. Samantala, nakita niya si Simoun na dala-dala ang lampara na
may lamang nitro-gliserina. Kinalibutan si Basilio dahil walang makaliligtas sa mga taong dadalo
sa kasal dahil ang dala ni Simoun ang siyang maghuhudyat ng paghihimagsik dahil ang lampara
ay may laman pulbura upang pasabugin, at sa pangyayaring yon mamamatay ang mga tao na
dumalo sa piging. Lahat ay tuwang-tuwa sa dala-dalang regalo ni Simoun. Ilang saglit pa’y
namataan niya ang kaibigang si Isagani. Ipinagtapat niya kay Isagani ang mangyayari sa bahay.

Sa loob ng dating tahanan ni Kapitan Tiyago, unti-unting lumalamlam ang lampara


kaya inutusan ng Kapitan Heneral si Padre Irene na itaas ang mitsa nang may biglang kumuha ng
lampara at inihagis ito sa ilog.

Lahat ay nagtataka sa biglang pagkawala ni Simoun. Nang hindi sumabog ang


lampara, tumakas ang mag-aalahas at siya ay tinugis ng mga guwardiya sibil.

Sugatan siyang tumuloy sa bahay ni Padre Florentino. Alam ng prayle na


pinaghahanap na si Simoun. Hiniling ng binata sa pari na magkausap sila. Huli na ng makita
uminom ng lason ni Padre Florentino ang sugatan. Bago nalagutan ng hininga, ipinagtapat ni
Simoun ang tunay niyang pagkatao.

Kinuha ni Padre Florentino ang baul na puno ng kayamanan ni Simoun at inihagis


sa pusod ng dagat.
1 Simula: Ipakilala si Simoun. Paano siya maiuugnay kay Rizal sa pagsulat niya ng El
Filibusterismo?

2 Ang pagtindi ng Galaw: Ang mga naging karanasan ni Basilio na nag-udyok sa


kanya na maghiganti. Mga naging karanasan ni Rizal sa kanyang pagbabalik sa
Pilipinas bago sulatin ang El Filibusterismo.
3 Kasukdulan : Ang balak ni Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez.

4 Wakas: Pag-inom ng lason ni Simoun. Iniisip ni Rizal na gawin sa kanyang mga


kababayan sa pagsulat niya ng kanyang nobela.

You might also like