Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

7 NA PWEDENG GAWIN KAPAG

MAINIT ANG ULO


Narito ang ilang paraan upang mapahupa ang nararamdaman kapag
mainit ang ulo.

1. MAGBILANG
Kapag mainit ang ulo, ugaliing magbilang muna bago gumawa ng kahit
na anong bagay. Nakakatulong ang pagbibilang upang mag-slow down ang
heart rate at humupa ang galit.

Maaari rin na mag-imagine na ikaw ay nasa ibang lugar na nakakakalma


sa 'yo, katulad ng beach o di kaya bundok.

2. HUMINGA MUNA
Napapansin mo ba na kapag nagagalit ka, bumibilis ang paghinga mo?
Para magpa-kalma, huminga nang malalim—mag-inhale sa ilong at mag-
exhale sa bibig.
3. MAGLAKAD-LAKAD
Umalis muna sa sitwasyon na nakakapagpa-init ng ulo mo. Bukod sa
nabibigyan ka ng panahon para huminga muna, nakakapagpakalma rin ang
pag-e-exercise.

4. MAGPAMASAHE
Nakakatulong ang pag-relax ng muscles para hindi ka parating tensed.

5 . KAUSAPIN ANG SARILI


Hindi kailangan na sabihin ito out loud, ngunit makakatulong kapag
sinasabihan ang sarili ng positive messages katulad ng "kalma lang,"
"hayaan mo na," o "wag kang mag-alala."

6. MAGPATUGTOG NG MUSIC
Malaki ang nagagawang impluwensiya ng music sa mood natin. Kapag
mainit ang ulo, subukan magpa-tugtog ng paboritong mga kanta o di kaya'y
mga classical music na maaaring makapagpakalma sa iyo.
7. TUMAHIMIK MUNA
Ito siguro ang isa sa pinakamahirap gawin kapag mainit ang ulo. Minsan
sa galit natin, hindi mapigilan na makasabi ng masasakit na salita. Kaya't
mas mabuti kung piliin munang manahimik upang mapag-isipan ang mga
sasabihin bago ito sambitin.

Mainit man ang ulo parati, tandaan na emosyon lang ang nararamdaman
at huhupa rin ito.

You might also like